Share

Chapter Five

Chapter Five

Ilang araw na ang nakakalipas magmula ng huli kong nakita si Aristotle at pabor iyon para sa akin dahil sa tuwing nandyan siya ay natutuliro ako. Pinagmasdan ko ang mukha nina Kaja at Grunt, hindi ko maiwasan maalala ang mukha ni Aristotle sa dalawa. Kuhang-kuha nila ang lahat ng features ng ama. Sa loob ng anim na taon pinagkasya ko ang buhay sa maga anak ko. Mahirap maka move on lalo na at may nagpapaalala sa’yo. Nasanay na lang ako at walang nagawa kundi tanggapin ang katotohang hindi ko mabibigyan ng buong pamilya ang mga anak ko. Hinaplos ko ang buhok ng kambal. Gumios ito kaya napangiti ako dahil kahit ang kilos ng mga ito ay walang pinagkaiba kay Aristotle. Mukhang mga anghel kapag natutulog. Nagpapasalamat ako sa panginoon na dahil binigyan niya ako ng dalawang taong bumubuo sa buhay ko ngayon.

Mas pinili kong lumayo noon upang maging maayos ang lahat. Kasalanan kong nahulog ako sa isang Lecaroz. Hanggang kaya ko ay itatago ko ang katauhan ni Aristotle bilang ama sa mga anak ko. Hindi ko hahayaang pati sila ay sisihin sa kasalanang hindi nila ginawa. I don’t want to hear anyone talking bad about my children.

I become so private that only few chosen people know that I have children. It’s safer. I regret trusting someone who became my downfall.

“Mommy?” narinig kong ungot ni Kaja. Sumiksik ito sa katawan ko.

Grunt look at me as his eyebrow creased. Itinagilid nito ang ulo pakaliwa at ngumuso. Nagtaka naman ako sa ikinikilos nito.

“Why are you crying, mommy?” nagtatakang tanong nito at pinunasan ang luha sa aking mata. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Shit!

I smiled, “Mommy’s grateful to have you two.”

Lalo pa itong ngumuso. Sa itsura nito ay nagpapalambing ito kaya natawa ako. Hinila naman ni Kaja ang kamay ko para mahiga sa tabi niya at ganoon ng ang ginawa ko. Kaya ang ending nasa gitna ako ng dalawa. Lumalaki sila at natatakot akong baka sa oras na makita nila si Arsitotle ay iwan nila ako. Hindi ko ipinagdadamot ang mga anak ko ang hiling ko lang ay hindi nila maranasan kung anong dinanas ko. I love them so much.

BIYERNES pa lang ng hapon ay hindi na magkaintindihan sa group chat. Plano nilang i-tour kami habang nandito pa nananatili sa Marinduque. They were afraid I leave again without notice. Unang destination ay ang Paadjao falls sa Sta. Cruz malayo ito kung nasaan ako nakatira. Magkabilang dulo kung tutusin. Plano kong sumabay kay Astrud o Alkaid dahil kasama ko ang mga bata. Habang naghihitay sa dalawa ay nagtext si Nieva na ipapasundo na lang kami dahil nasa Sta.Cruz ang dalawang tinamaan ng magaling. Nagkataon kasing may inasikaso ang mga ito para sa trabaho nila.

"Alejandro will fetch you," text nito. Nagreply na lang ako ng 'okay'.

"Tito Ale you're here na!" masiglang sigaw ni Kaja pagkarating ni Alejandro.

Both Kaja and Grunt were excited. Hindi nila ako tinigilan kakatanong kung nakapunta na ako roon. Sabi ko'y hindi pa dahil iyon ang totoo. I never been there o sa kahit anong parte ng Marinduque maliban sa Mt. Malindig.

Other people might think na isang buong pamilya kamj but it was never the real case. Magkasundo lang talaga kami at tinatawanan na lang namin sila kapag napagkakamalan minsan na may relasyon kami. All of my friends were close with my children.

Binuhat naman ni Alejandro ang dalawa bago lumapit sa akin. He'll be a good father when the time comes.

"Mukha kayong excited masyado, ah!" tanong nito.

"Super!" masiglang sigaw ng dalawa.

Kinuha ko si Kaja sa kanya. Dinampot  naman nito ang ilang gamit na dala ko para sa mga bata.

"I'm glad hindi ka tumanggi na sumama," pagbubukas nito ng usapan.

Tumingin ako sa dalawang bata sa likuran. Mahaba ang byahe kaya nakatulog na ang dalawa dahil sobrang kukulit ng mga ito.

"Hindi ko naman habang-buhay na maitatago ang mga anak. Besides, gusto rin nila mamasyal."

"Matalino ang mga anak mo," puna nito.

Tumango ako, "Habang lumalaki sila ay kilala na nila ang kanilang ama. Hindi ko iyon inilihim. I explained myself kung bakit hindi namin ito kasama, I told them he's working abroad. Kaya natatakot ako ngayong alam kong narito siya."

"They love you so much kaya ayaw ka nila bigyan ng alalahanin. They grow as a wonderful person," puri nito.

Hindi ko namalayan ng makararing kami. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik ni Alejandro sa akin. Wala na ang mga bata, malamang ay nasa loob na ito ng mansyon nina Damian. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng kambal sa Marinduque ay pauli-uli ang mga ito dahil palaging sinusundo ng kung sino sa mga magulang ng kaibigan niya. Tuwang-tuwa kasi ang mga magulang nila lalo na at wala pang mga anak maliban sa akin.

Naalala pa niya ng minsang nakipag-video call siya sa mga ito. Unang tingin pa lang daw ay kilala na nila kung sinong ama at hindi ko iyon maipagkaila dahil ako mismo saksi doon. Pasasalamat ako dahil maingat ang mga ito. Hindi nila inilalabas ang mga bata ng walang bantay at hindi rin dinadala sa kung saan-saan maliban sa mga mansyon ng bawat kaibigan nito.

SATURDAY morning.

Sasakay na sana ako sa SUV ni Damian nang isara kaagad ni Sin ang pintuan sa back seat matapos pumasok ang dalawang bata.

"Paglalakarin niyo ako ganon ba?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Natatawa pa ako habang sinasabi iyon. Kasama niya sina Sin, Celestina, Nieva,  Alejandro at ang dalawang bata sa backseat. Nasa front seat naman si Astrud at si Damian ang magda-drive.

Kumindat si Astrud sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang pamilyar na tunog ng isang sasakyan.

"Ayon o," nguso ni Lake na halos mapatay ko na sa tingin ng ituro nito ang sasakyang kararating lang at huminto sa may harapan ko.

"Kay Ares ka sumabay. Wala ka ng space dito. Nagpapadaan pa kasi si Psalm," ani Nieva dahil abala ang mga hinayupak na maligno sa pagtatawanan.

"Siraulo ba kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong at humawak pa sa bintana. Samantalang noong sinundo nila ako noon, kasya naman kami sa sasakyan. Nagdadahilan lang ang mga lintek! Tiningnan ko si Alejandro dahil alam kong may sasakyan ito dahil siya ang sumundo sa akin kahapon.

Umiwas ito ng tingin, "Ginamit ni tito." aniya at nilaro na ang kambal.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil pato ito ay nakikiisa sa kalukuhan nina Sin! Napakaraming sasakyan ng mga ito pero ng sulyapan ko ang garahe ay ni isang sasakyan ultimo mga gabay ay wala! Naghagikhikan sila sa loob. Inalis ko ang kamay ko sa bintana ng dahan-dahan itong isinasara.

'Goodluck, mommy!' Kaja mouthed.

Kumaway naman sa akin ang kambal kaya ganoon din ang ginawa ko kahit alam kong nakangiting aso ako sa kanila. They knew that their father is here. In. Marinduque!

Kinalma ko ang sarili ko. Ilang beses akong nag-inhale-exhale bago ko nilingon si Aristotle na nakatingin lang sa akin habang nakahalukipkip na nakasandal sa kanyang agaw pansing Fortuner at nakatingin sa akin. Damn! He can make a good model of cars, model nga pala talaga ito! Isa siyang buwan sa nagkikislapang bituin.

Nagngisian naman si Sin at Nieva. Si Celestina at Alejandro ay nakangiting umiling-iling.

"Bye bye," Pinaandar na kaagad ni Damian ang sasakyan kahit hindi pa ako nakakapagsalita. Iniwan talaga ako!

Abot langit ang kabog ng dibdib ko nang maglakad ako papunta kay Aristotle na ngayo'y kagat-kagat ang pang-ibabang labi.   Mabilis siyang lumigid sa passenger seat para pagbuksan ako ng pinto na ikinagulat ko. Umirap na lang ito sa kawalan at may kakaibang kislap ang mata. Sumakay ito at nagsimula nang mag-drive papuntang Paadjao falls.

Halos lamunin ng katahimikan ang buong sasakyan pero hindi ko 'yon alintana. Wala itong balak na magsalita kaya nananimik na rin ako. Hindi ko naman ikamamatay ang katahimikan pero ikakamatay ko paghindi pa kami nakarating agad sa dapat naming puntahan dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatingin lang ako sa labas at pilit na kinakalma ang puso ko.

Sinuyod ako ng tingin ni Aristotle mula ulo hanggang paa. Narinig ko pa itong nag-tss.

"Magba-barhopping ka ba?" naiinis na tanong ni Aristotle habang nagda-drive. Saglit siyang tumingin sa akin at ibinalik ang tingin sa kalsada. Napatingin ako sa suot ko, isang kulay nude maxi dress may kaunting print na butterfly. Halos kakulay nito ang balat ko at mababa din ang din ang neckline kaya naman kita ang dibdib ko. Hindi ito umabot sa gitna ng hita ko kaya mas lalong umikli tingnan habang nakaupo.

Ibinato niya sa akin ang malaking jacket.

"Isuot mo 'yan. Ayokong mabastos ka dito," gigil na saad ni Aristotle na ikinabigla ko.

"Appropriate naman 'tong suot ko. Beside, huhubarin ko rin itong dress mamaya," halos matawa kong sabi sa kanya.

Hindi na maipinta ang mukha nito.

"Isuot mo," ulit nito.

Hindi na din siya sumagot. Mabuti na lang dahil baka matapalan pa ang bibig ko. Mabilis kong isinuot ang jacket na ibinigay niya.

"Swimming kaya ang pupuntahan," bulong ko sa sarili ko.

Nakakainis pero bakit ang sarap pakinggan? Kinikilig ako pero nawala iyon dahil mas dumilim ang itsura nito habang mahigpit ang kapit sa manubela at deretso ang tingin sa kalsada.

"Salamat," sagot ko bago ngumiti. Kahit gusto ko siyang tarayan ay hindi ko magawa. Pareho lang kaming may atraso sa isa't-isa.

"Okay ka lang ba na nandito ako?" pagbubukas ko ng uspaan.

Sa halip na sumagot ay hindi niya ako pinansin.

"Ahm, Aristotle..." nahihiya kong tawag.

Napalingon siya sa akin dahil sa itinawag ko sa kanya.

"Don't call my name," malamig na angil nito at ipinatong ang isang braso sa bintana at ang isang kamay ay nasa manibela. Inis na inis itong nag-drive.

"Edi don't! Kung ayaw mo magtalk, fine. Ano ka gold?" mahinang bulong ko. Nakakainis! Dahil nasa loob kami ng sasakyan ay narinig niya pa rin iyon. Sinamaan ako nito ng tingin.

Dahil feeling gold siya, hindi talaga siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita dahil nagf-feeling diamond ako!

Lumingon sa driver na feeling gold. Nakatingin din ito sa akin.

Luminga ako sa paligid, mukhang nasa palengke kami.

"Pwede ba tayong huminto saglit? Nagtext kasi si Alejandro, may kulang kasi sa mga pinamili. Kung okay lang naman," nahihiya na sabi nya.

Kunot ang noo na nilingon n'ya ako saglit bago muling ibinalik sa daan ang tingin.

Inihinto nito ang sasakyan sa gilid.

Tinaasan ako nito ng kilay. Pambansang reaksyon ng isang Aristotle Siam Lecaroz sa lahat ng pagkakataon. Mabuti nga naiintindihan ko pa siya. Inirapan ko ito bago bumaba ng sasakyan. He pouted. Tss.

Mabilis ang lakad ko patungong meat section. Napansin ko na kaagad ang tingin ng mga tao pagkaan ko sa ilang tindahan. Hindi ko ito pinansin. Nakakunot ang kanilang mga noo at puno ng pagtataka ang mata, nanunumbat.

"Mercader..." hindi makapaniwalang usal nito. Hindi ako nito pinansin at pinagbilhan ang ibang namimili na parang hindi ako nagtatanong ng presyo ng paninda nila. Paulit-ulit iyon sa lahat ng tindahan sa palengke halos malibot ko na ang kabuuan.

Agad na kumulo ang dugo ko. Sinasadya nilang hindi ako pansinin na parang hindi nila ako nakikita. Kahit sa mga tindahang walang namimili ay ganoon ang sumada.

"Hi. Robin tama?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status