Chapter 21"Psalm," bati ko sa dito nang makitang may dala itong tray na puno ng pagkain. Patay gutom talaga ang isang 'to.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maramdam ko ang labi niya sa akin. Tila naistatwa ako nang gumalaw ang labi niya. He bit my lips, teasing me to open my mouth, so I did. Mas humigpit ang yakap ni Aristotle sa akin na tila ba dinuduyan ako ng isang anghel sa kalangitan.He let go of my lips for a moment kaya pinili kong dumistansya ng kaunti.Grabe naman siya makahalik. Gusto yata akong lagutan ng hininga. Ginamit ko ang likod ng palad ko upang punasan ang labi ko. Umasim ang mukha niya sa ginawa ko. Nang makita kong muling lumalapit ang mukha sa akin ay inilagay ko ang kamay ko sa bibig niya."S-stop... Baka may makakita sa atin dito," lumingon ako sa pligid.Sumandal itong muli sa puno
Chapter 22 Masama ang tingin sa akin ni Aristotle ngayon. Dalawang oras akong nagsusuyo ng taong bato. Hindi na rin siguro nakatiis kaya kinakausap na ako kahit papaano. "You are the one who gets the best of me, you have to be responsible. Besides, you promise Tita Thea..." Napairap ako sa kadramahan ni Aristotle. May nalalaman pa siyang best of me, gusto lang magpaalaga. Ano siya baby? Kanina pa kami nagtatalong dalawa dahil pwede siyang mag-stay sa isla kung saan naroon ang kaniyang pamilya. Tapos ngayon mananatili siya dito at ako ang aalain. "Okay--okay!" tinaas ko pa ang dalawa kong kamay na tila sumusumo. "Pero I still need to attend my class kaya naman mag-stay ka dito sa infirmary. Tatawagan ko sina Sin para dalhan ka ng pagkain dito at iuwi sa boarding house na tinutuluyan mo." He smirked, "Wala akong boarding house..." Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko, "Not my problema anymore, Aristotle. You can stay here naman."
Reyes' Mansion Matamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ng magulang at kapatid ni Ricci ng makita ako mula sa pintuan. "Robin, hija! I miss you so much. Matagal kitang hindi nakita," masayang bati ni Tita Janna sa akin. Yumakap ito sa akin at humalik sa pinsge, ganoon din ang ginawa ko. "Pasensya na po at hindi ako makabisita. Medyo busy sa thesis," pagdadahilan ko. "Ate Robin!" Kumakaway si Remelyn pagkakita sa akin. Napatawa ako lalo na at patakbo itong lumapit sa akin. I kissed her cheeks, "Dalagang-dalaga ka na, Rem. Parang kailan lang hinahabol ka ni yaya Meding!"
Chapter One"O. BUYABOD PORT NA ITO! ‘Yung mga bababa na natutulog diyan, gumising na kayo at baka lumampas kayo!" Sigaw nang driver ng pampasaherong bangka na sinakyan mula Calapan.Napamulat si Robin nang mata at bahagya iyong inilibot ang tingin nang makitang naroon na nga siya sa parteng iyon ng Marinduque. Inayos nito ang mga gamit na dala habang bumababa na ang ilang pasahero. Pakiramdam niya ay isa siyang banyaga sa lugar kung saan siya lumaki. Hindi nito halos makinita ang bayang kinagisnan noon.Muli itong humarap sa pinanggalingang lugar at pumikit, pilit na kinakalimutan ang mga nangyari. Dinama nito ang maalat na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Nagulat ito ng may magsalita sa likuran at doon may lumitaw na ngiti sa kanyang labi."Sabi ko na nga ba't dito ka bababa. Mabuti na lang at dito kami nag-abang," nakangiting bati ni Damian habang magka cross ang
Chapter TwoNARAMDAMAN ni Robin huminto na ang sasakyan. Sumilip ito sa labas ng mapagtantong nasa Buenavista na sila kung nasaan ang mansion ng pamilya ni Alkaid. Sinalubong sila ng dalawang kasambahay ng makilala ang sasakyan, tumakbo naman ang isa sa loob marahil ay upang tawagin ang binata. Inilibot nito ang paningin sa malawak na bakuran ng makalabas ito ng sasakyan. Wala pa ring pinagbago, naroon pa rin ang malaking fountain na madalas nilang pagtampisawan noon.“Yow, nigga!” parang tangang sigaw ni Alkaid habang iwinawagayway ang kanang kamay sa ere habang hawak ang sandok.Napangiwi ang mga dumating nang makita ang ayos nito.“What are you -- a pornstar?”Natawa si ako sa turan ni Celestina sa lalaki. Wala itong suot pantaas kundi ang apron na may print na peppa pig. May kung ano-anong makukulay na hairpin ang buhok. Napangiwi ako
Chapter Three Nasagot ang katanungan ko nang buksan ang pintuan at bumungad kaagad sa akin ang lalaking matangkad, kayumanggi ang balat at higit sa lahat maganda ang mata. Mga matang tumutunaw sa natutulog kong damdamin. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Ang corny! Pinilig ko ang ulo ko nang una kong natingnan ang mga mata ng lalaking nakatitig sa akin ngayon. His face darkened as he stares me. Naglandas ang mata nito sa akin mula ulo hanggang paa. Umiling ito at nag igting ang bagang nang nakita ako. Anim na taon ang lumipas halos wala itong pinagbago. May hinala na akong narito siya Pilipinas pero alam kung hindi ito magtatagal. "Ares, pare!" Masayang-masaya ang pagkakabanggit ni Sin. Sa sobrang saya niya para na itong nanalo sa lotto, ang maligning ito ay hindi nanaman ako titigilan. Tumagilid ang ulo ni Aristotle at kinagat ang labi bago nag iwas ng tingin sakin
Chapter Four"Magpahinga ka na. Inayos ko na ang kwarto mo,” Tinuro ang kwarto niya. Dumako roon ang paningin nito saglit at ibinalik sa akin. “Nilinisan ko na 'yan kanina," nahihiya akong ngumiti sa kanya.Agad naman na sumimangot si Damian. "What the hell?” reklamo nito.“Saan kami matutulog?" sinegunda ni Sin at nanlaki pa ang mata. Tahimik lang na kumakain ng hapunan sina Celestina at Nieva kahit pa patingin-tingin ito sa amin. They chose to sleep beside my grandmother. Mayroon lang tatlong kwarto dito at isa ay sa akin."May kubo naman sa labas doon na lang kayo matulog. Alangang doon niyo patulugin ang bisita niyo?" sarkastiko kong tanong, inaasar sila. I planned to sleep beside lola too. Kaya sila ang sa kwarto ko.Ngumuso si Sin, “Bisita rin naman kami. GWAPO na bisita,” pinagdiinan pa nito ang salit