Share

Chapter Four

Chapter Four

"Magpahinga ka na. Inayos ko na ang kwarto mo,” Tinuro ang kwarto niya. Dumako roon ang paningin nito saglit at ibinalik sa akin. “Nilinisan ko na 'yan kanina," nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Agad naman na sumimangot si Damian. "What the hell?”  reklamo nito.

“Saan kami matutulog?" sinegunda ni Sin at nanlaki pa ang mata. Tahimik lang na kumakain ng hapunan sina Celestina at Nieva kahit pa patingin-tingin ito sa amin. They chose to sleep beside my grandmother. Mayroon lang tatlong kwarto dito at isa ay sa akin.

"May kubo naman sa labas doon na lang kayo matulog. Alangang doon niyo patulugin ang bisita niyo?" sarkastiko kong tanong, inaasar sila. I planned to sleep beside lola too. Kaya sila ang sa kwarto ko.

Ngumuso si Sin, “Bisita rin naman kami. GWAPO na bisita,” pinagdiinan pa nito ang salitang gwapo.

Naglakad papasok si Damian sa loob ng kwarto kung nasaan ang ilang mga gamit nila kanina.

“Nasaan ang mga gamit ko?” Tumakbo si Sin kung nasaan si Damian.

Inginuso ko ang kwarto ko.

Ngumisi si Sin. “Ah! Sa kwarto mo kami matutulog?”

“Oo.”

“Hindi pwede.” Madiin nitong saad na nagpatindig sa balahibo ko sa batok. “Kasya naman kami sa iisang kwarto,” kibit-balikat na sabi nito bago ako tiningnan. Agad na nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I should stop staring. I should stop overthinking things.

"Kaya ko namang matulog sa sahig," plastik na tumawa si Sin ng masama itong tiningnan ni Aristotle.

“Hindi kaya ma-dislocate lang ang backbone ko.” Bulong nito sa sarili. Natawa kami sa kanya.

May ibinulong si Sin sa kanya na ikinaputla ng huli. Ano kayang ibinulong nito para matakot si Sin? Tumingin ito sa akin pero agad din na inaalis. Hindi na ako nagsalita pa ng makita ko kung paano naglapat ng madiin ang kanyang labi.  

"Malaki naman ang guest room. Doon na lang tayong mga lalaki," suhestiyon ni Alejandro.

Tumango naman ang lahat, lalo na si Sin na parang ikamamatay kung hindi sa isang kuwarto matutulog. Inirapan ko ito sa kaartehan niya.

"Baka ma-inlove nanaman si Aristotle," Singit ulit ni Sin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ngalingaling batuhin ko siya ng tsinelas dahil sa sinabi niya. Mas nagigingi awkward ang tension sa aming dalawa. Sinulyapan ko ito mga 0.01 second. Wala itong kahit kaunting interes sa sinabi ni Sin.

Nakakabwisit lang talaga ang makasalanang ito!

Humagikhik si Nieva sa tabi, “Naiimagine ko na.” nang tingnan rin ako ni Aristotle.

“Wag niyo nang asarin,” sita ni Alejandro. “Hayaan niyo nang magpahinga,” Napapailing na sabi ni Alejandro sa mga ito bago bumaling sa akin.

Hindi ito ngumiti o tumango. Umalis ito sa harap namin at pumasok sa kwarto.

Alas syete pa lang nang gabi kaya napagpasyahan na mag-inoman muna. Mabilis na bumili ng alak si Sin at Damian sa malapit na tindahan. Napailing na lang ako sa dalawa. Nagiging maligno lang naman si Damian pagnarito si Sin. Mas lumalabas ang kakulitan nito samantalang si Alejandro tahimik lang at palamasid. Magsasalita lang kung kalian kailangan.

Inaalok nila ako ngunit tinatanggihan ko 'yon. Sa halip ay patuloy lang ako sa pagnguya ng barbecue na nabili nila sa nag-iihaw.

"About Aristotle..." Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbanggit ni Celestina sa pangalan nito. "Is it okay na nandito siya?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Kasi kahit ang sarili ko ay tinatanong ko rin. Pero mas tamang tanong kung okay lang ba kay Aristotle na nandito sa bahay kung nasaan ako. Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan kaya galit siya akin. Hindi ko pa rin maiintidihan kong bakit siya pumayag na tumuloy dito. Maybe he wants revenge? O sadyang wala na siyang pakialam sa sakin kasi he already moves on. Napabuntong hininga ako. Inabot ko ang alak na ibinigay sa akin ni Nieva saka ininom.

"Oo naman. Wala naman siguro masama kung maanatili siya ngayong gabi rito," Sagot ko bago muling sumubo ng barbecue.

"Akala mo lang 'yon. I've known him for years. Kahit hindi ko siya nakasama, may nababalitaan ako sa kanya. And it wasn't quite good for your sake," Wika ni Nieva.

“Everyone knows the history of Mercader, Reyes and Lecaroz. Kaya ganoon na lamang ang tingin nila sa iyo na malaman ng lahat na isa kang Mercader,” ani Damian.

Hindi ko sila masisisi kung ganoon ang tingin nila sa mga Mercader lalo na sa akin. I won't please them either. My family set me free to live freely at hindi ko iyon sasayangin. Kung ano ang nakatanim sa utak nila, so be it. Ayokong magpaganda ng image dahil lang sa mga sinasabi ila.

“We came from family of politicians, however it doesn’t mean we can’t be friends.” Celestina hissed. “I can’t understand other people’s mindset. They want us to stay away from you,” she laughed. “Just because you’re a Mercader.”

I know that too. Ako ang dahilan kung bakit malayo ang loob ni Celestina sa karamihan. Since she was a child people around her to stay away from a Mercader if she one. She can’t understand politics rivalry. She hates the system. We hate the system also.

"You're being hard on him, Nieva. He's nice. He helps other people without dragging his background," pagtatanggol ko dito.

Halos masamid si Nieva nang tumawa si Sin ng malakas.

"Nice? Hindi nga ngumingiti 'yun, eh!” irap nito sa kawalan.

“Damn, whipped! 'Wag mong i-pamper ang isang 'yon. Madi-disappoint ka lang. Do you still love him?" Sin teased.

Nawala ang ngiti ni Sin ng hindi ako sumagot. Umiling ako, “No.” at nag-iwas ng tingin dito.

“That’s impossible, Sin. Six years had passed. Besides, she’s contented with her own family right now.” Celestina commented and put her head to Alejandro’s shoulder.

"Magtatagal pa 'yan dito, Robin. Di kaya mawindang si Ricci kapag nalamang may ibang lalaki ka dito sa bahay mo maliban sa amin?" Tanong ni Sin bago ininom ang tagay na nasa harap nito.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na magtatagal ito dito? Ang buong akala ko ay nagbabakasyon lang ito sa Marinduque at nasa ibang bansa piniling manirahan.

"Tigilan niyo ko kay Ricci. Wala kaming relasyon," malumanay kong tugon. "Eh si Grunt?" Bumaling ako kay Sin na natameme. Nagtawanan silang lahat dahil sa pagiging speechless ko. Namula ang pisnge ko dahil alam ko kung anong tinutukoy nila.

“O! Lahat ng hindi mahal matulog na!”

“S-shut up!” naiinis kong sita sa kanila.

Inirapan ko ito. Tumayo na ako ng makaramdam ako ng hilo. Pagkapasok ko sa kwarto ay naptingin ako sa orasan. 11 pm. I should sleep.

Nagkakasiyahan pa din sa labas ng maalimpungatan ako at makaramdam ng uhaw. Ang titibay talaga ng mga ‘to sa alak. Siguradong sa kubo na sila matutulog sa kalasingan nila. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig at ininom iyon.

"Bakit gising ka pa?" Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsulpot ni Aristotle sa gilid ko. Hindi siya nakangiti kaya batid kong hindi niya ako gustong makita. Sino ba ng masasayahan sa pagnakita mo ang babaeng sumira sa buhay mo.

Pinagmasdan ko ang lalaking nakatayo malapit sa refrigerator. Uminit ang pisngi ko nang tumaas ang kilay nito sa akin.

"M-matutulog na rin ako," namura ko ang sarili ko ng mautal ako sa pagsasalita. Hindi ako mapakali at muntik ko pang mabitawan ang basong hawak ko.

Matiim lang itong nakatingin sa akin. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan sa isiping iyon.

Nakatayo lang siya at tinitingnan ako. Honestly, it's awkward.

"Staring is rude," Walang-emosyon na saad nito.

Umatras ako at lumingon sa binta, “Ikaw bakit hindi ka pa natutulog? May problema ba sa kwarto mo?”

Ngumuso siya at nakapamaywang akong tinitigan. Para bang hindi makapaniwala sa tanong ko.

"I'm fine. There's nothing wrong," saad nito sa madiin na English.

Parehas pa kaming nagulat dahil sa paghawak ko sa kamay niya ng abutin ko ang gripo para sana hugasan ang basong pinag-inuman ko. Agad niya naman akong binitawan. Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya.

“Nagugutom ka?” napadiin pa lalo ang pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi ko dahil sa tanong ko. Uminom lang siya at hindi kumakain kaya malamang ay hindi siya nagugutom!

Kinagat ko ang labi ko para kalmahin ang sarili ko. Kumalabog ang puso ko.

Naglakas loob akong tingnan siya ng deretso, “I-I’m sorry…” bulong ko.

Kitang-kita kasi sa ekspresyon niyang hindi niya nagustuhan nag sinabi ko, na maymalalim pa itong ibig sabihin.

“You pick someone else over me, don’t ever comeback. Hindi dahil maayos akong makitungo sa’yo ay okay na tayo.” Madiin nitong lintaya na nagdulot sa akin kakaibang pakiramdam na pamilyar na pamilyar sa akin.

“Pwede ba ba tayong mag-usap…”

Pero nagkibit balikat lang ito at hindi ako sinagot. Tumalikod na ito at mabilis na umalis sa harapan ko.

“Sa huli ako nalungkot,” biro ko sa sarili ko. Dumiretso na ako sa kwarto.

Maaga akong nagising pero mukhang mas maaga yata sila dahil naabutan ko silang nagkakape na. May nakahain na ring almusal. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

“Balita ko’y marami raw loyal sa Marinduque. Hindi ko lang alam kung saang banda,” ani Damian habang kumakain.

Nahagip ng tingin ko si Aristotle na humihigop na kape habang nakasandal sa pader.

Humagikhik si Sin, “Bandang Sta. Cruz. Cute na’y maulag-ulag pa,” saad nito at hinuli ang mata ko saka kumindat.

Inirapan ko ito. Napakaaga e sinisira nanaman ang araw ko.

“Kumusta gising mo, ganda?” baleng nito sakin at umakbay pa pagkalapit. Ngiting-ngiti naman, porke maganda ang ngipin. Okay, maganda talaga ngumiti si Sin. Kaya mas lalong dumarami ang mga babaeng nagkakandarapa dito. Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya.

Narinig ko ang malakas na tikhim ni Aristotle kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Humalakhak naman si Sin. Nakakaasar talaga siya tumawa parang lagging may ipinaparating.

“Nasam-iran ka ata, Ares?” puna ni Nieva na may pang-uuyam sa boses.

Umirap si Celestina, “Bitter?” tanong nito. “I mean ‘yung coffee.”

Tumaas lang ang kilay ni Aristotle sa mga ito at hindi pinatulan ang mga kalokohan.

“Nag-almusal ka na ba?” biglang dumulas iyon sa bibig ko. Tumahik ang lahat dahil sa sinabi ko. Napaawang ng bahagya ang labi nito.

"Hindi ako nagugutom." Seryosong sabi nito sa akin. Sa halip na mainis ay ngumiti lang ako ng tipid.

Tumango lang ako sa pagkapahiya lalo na nang humakhak si Sin at Damian ng akala mo e mga nasa impyerno.

“Dagdag points sa langit,” natatawang bigkas ni Sin.

Naramdaman ko ang kamay na lumapat sa likuran ko. Napalingon ako kay Alejandro habang ipinaghihila ako ng upuan. May nakahanda na sa harapan kong kape at vegetable fried rice with egg. Hindi naalis ang paningin ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin.

"May iba ka pang gustong kainin? Iluluto ko," aniya. Sa gulat ko ay humalakhak ang baliw na si Sin na sinundan naman ni Damian.

"Pre, mag hulos-dili ka. Para kang boyfriend na under-de-saya!" Naghigh-five pa ang dalawang tinamaan ng magaling na tinawanan lang ni Alejandro. God! Wala ba siyang ibang alam kundi ang tumawa? Inirapan ko lang silang dalawa.

Nagtaas ng kamay si Celestina ganoon din si Nieva, “Bagoong!” sabay na sambit ng dalawa.

Tumingin siya sa akin. Hinihintay ang sagot ko.

“Nagcrave ako sa bagoong,”

“Na may kasamang pagmamahal!” hirit nong dalawang maligno na ikinangiwi ko.

"Baka ikamatay mo 'yan," Natatawang segunda ni Damian. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako ngayon. Of course, that's possible. Lalo na at nandito si Aristotle.

Sa gulat ko ay biglang umayos ng tumayo si Aristotle at sinundan siya ng tingin ng mga maligno. Nakangisi sila Sin at damian habang hinihintay ang gagawin ni Aristotle.

Kibit-balikat akong tiningnan bago agad na nag-iwas. Tumikhim ito bago nagsalita.

“Papahangin lang ako,” formal itong nagpaalam at deretsong lumabas.

“Anong gamot sa selos?”

Agad naman akong sumimangot. Agad kong hinubad ang dalawa kong tsinelas at ibinato iyon sa kanilang dalawa na tawa pa rin ng tawa.

“Happy?” sarkastiko kong tanong. Sabay pa silang tumango. Mga hinayupak.

“Saksi ang lamok sa nangyari kagabi,” pakantang saad ni Sin.

Lumipad ang paningin ko kay Sin. Tinawanan ako ng makita ang nanlalaki kung mata sa gulat. Nakita niya kami kagabi! Damn it!

“Sa una lang talaga masaya sa dulo na nabali ang sanga,” kanstaw ni Sin habang masayang himihigop ng kape.

“Ako mamahalin kita. Non-stop, lods.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status