Share

Chapter Three

Chapter Three

Nasagot ang katanungan ko nang buksan ang pintuan at bumungad kaagad sa akin ang lalaking matangkad, kayumanggi ang balat at higit sa lahat maganda ang mata. Mga matang tumutunaw sa natutulog kong damdamin. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Ang corny! Pinilig ko ang ulo ko nang una kong natingnan ang mga mata ng lalaking nakatitig sa akin ngayon.

His face darkened as he stares me. Naglandas ang mata nito sa akin mula ulo hanggang paa. Umiling ito at nag igting ang bagang nang nakita ako. Anim na taon ang lumipas halos wala itong pinagbago. May hinala na akong narito siya Pilipinas pero alam kung hindi ito magtatagal.

"Ares, pare!" Masayang-masaya ang pagkakabanggit ni Sin. Sa sobrang saya niya para na itong nanalo sa lotto, ang maligning ito ay hindi nanaman ako titigilan.

Tumagilid ang ulo ni Aristotle at kinagat ang labi bago nag iwas ng tingin sakin. Humalukipkip na lang saka ngumisi kay Sin. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang magwala ang puso ko, hindi normal tibok. Nanlambot ang tuhod ko. Ganoon pa rin ang epekto sa akin ng lalaking ito. I felt butterflies in my stomach mga kinikilig dahil nand’yan ang amo nila.

Umakbay si Sin sa kasama at ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis. Kulang na lang langgamin siya sa kinatatayuan niya. Hindi ko kailangan ng ngiti niya para sa sitwasyon ko. Isa ka talagang makasalanan Almonte!

"Ang ganda mo pa rin. Kahit galit ka araw-araw!" Humagalpak ito kaya inirapan ko.

"Makakasama 'yan sa health mo," pang-aasar pa nito.

Matalim ko itong tiningnan kahit hindi niya naman iyon nakikita. Sinasabi ko na nga ba! Walang maidudulot na maganda ang lalaking ito sa buhay namin. Grr.

Doon lang umangat ang tingin niya at nagkasalubong ang tingin namin.

Seryoso akong tiningnan nito. Galit siya. Alam ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang nag aalab na galit. Namilog ang mga mata ko. He's handsome even he's this angry. I look away trying not add fuel to the fire.

"Kailangan ko pa bang i-introduce kayo sa isa't-isa?" Tarantadong tanong niya na nakangisi.

I rolled my eyes at him. Tinamaan ka ng magaling, Sin! Can't he just erase that stupid smile playing with his lips? Sarap burahin! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi ngumiti at asarin ako?

Inilahad ko ang kamay ko. Pero ilang beses ko pa itong ipinunas sa likod ng short ko para siguraduhing hindi ito basa ng pawis.  

"I'm Robin Serrano. N-nice to see you," utal kong pakila. Tiningnan niya ang kamay ko na bahagya pang nanginginig.

"Aristotle Lecaroz," Pakilala niya bago inabot ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy rito kaya mabilis pa sa alas kawatrong binitawan ko ang kamay niya.

Tumaas ang kilay niya sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko sa kaba. Pinigilan kong hindi kagatin ang labi ko.

"Nice to meet you," May bahid na sarcasm ang pagkakasabi ni Aristotle sa akin.

I hold my breath for a couple of second. Mukha akong tanga na panay ang iwas ng tingin. Why is he here? He wasn’t supposed to be here. I know he’s mad for what I had done six years ago.

Aristotle Lecaroz. Hinihintay pa rin kita kahit walang kasiguraduhan na babalik ka.

Mayroong ibinulong ang napakabuti kong kaibigan na si Sin na kanina ko pa gustong sapakin kay Aristotle.

"He's staying with us for tonight, okay lang ba? May lakad kasi kami bukas." Ngumisi si Sin at kumindat sakin.

"Nagdesisyon ka na kaya wala na akong magagawa." Pabalang kong saad kay Sin. Pinagmamasdan ko si Aristole pero pasimple lang. He’s wearing his signature v-neck white shirt that shows his masculine body. He paired it with kakki taslan short ans white sneakers. I can smell his perfume. Ang bango mga mare!

Napatalon ako nang bigla niyang ibinaling sa akin ang titig niya. Nag iwas agad ako ng tingin dahil baka mahuli niya na pinagnanasaan ko siya sa isip ko.

Napalunok ako ng walang sarili, "I m-mean, kung okay lang sa kanya."

Bakit tunog pabebe yata ang boses ko?! Kinukurot ko na ang sarili ko sa likuran ko.

Muli naman nitong siniko si Aristotle, "Kung okay lang daw sayo."

"I would love to."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. I mean, baka importante lang talaga ang lakad nila bukas at malapit lang dito kaya mas piniling magstay.

Ayokong mag-assumed! He's angry because of have I done. Biglang kumirot ang puso ko sa isiping galit pa rin siya sa akin. Of course galit pa rin siya at hindi iyon basta-basta mawawala hanggang nakikita niya ako.

“You’re… really here,” Matiim itong nakatitig sa akin parang hindi pa rin makapaniwala na narito ako  sa harapan niya.

I nodded. ‘ Kararating ko lang kaninang umaga.”

“Good.” He smirked.

“H-ha?” naguguluhan kong tanong sa turan niya.

Humalakhak si Sin, "Kinikilig ako sa inyo."

Sin! Sigaw ko sa isip ko. Muntik ng mawala ang poise at composure ko dahil sa makasalanang ito. Inirapan ko lang siya at napakagat sa sarili kong labi. Lintek ka talaga, Sin! Alam kong alam mong may nakaraan kaming dalawa at hindi iyon maganda. Hindi ito nagreact kaya ganon din ang ginawa ko.

Laking pasasalamat ko nag maglabasan ang iba pa naming kaibigan at lumapit sa akin sa kanila ko itinuon ang atensyon ko. Hindi maipagkakaila ang gulat sa kanilang mga mata. Sino ba namang hindi! Aristotle Lecaroz is here. In front of me. My ex-fiancee!

Hindi sila nakapagsalita tila napipi. They look me in unison. Awkward! Humalakhak si Sin na siyang bumasag sa katahimikan. Napakagat ako sa labi ko, nanaman.

“Namiss n’yo ba ng isa’t-isa?” nakakatangang tanong nito.

“Jerk.” Nieva hissed.

“Aww! Celestina l-let go of my hair. Damn it!” hindi na nakapag timpi at madali itong lumapit kay Sin para sabunutan ito. Serve him right! Hinila niya ito ng hinila hanngang sa nagsawa ito. Masama ang tinging ipinupukol ni Sin kay Celestina habang nakahawak pa rin sa kanyang buhok ng nakangiwi.

Sinulyapan ko si Aristotle at nakita kong pinagmamasdan lang nito ang nangyayari. Naramdaman yata niyang nakatingin ako sa kanya. He raised his eyebrows in a manly manner. Napawi ang ngiti ko at tumabingi dahil sa matalim na titig niya sa akin.

I cleared my throat, “Ahm,” and look away.

Naisip ko lang... alam mo kayang hinihintay pa rin kita?

“T-tara na kayo sa loob,” I faked a laugh. Trying to calm myself. Pero nabigo ako.

Araw-araw kong iniisip kung paano kaya kung hindi tayo sumuko.. kung hindi kita binitawan kung mas pinili natin ang isa't isa at kung mas pinili kita. Siguro, masaya.. tayo pa rin.

I watch Aristotle in my peripheral vision as he stands straight. Mas lumapad ang balikat niya.

Lumapit sa akin si Alejandro, “You okay?” he asked.

I faked a smile, “Oo naman. Nakamove-on na siya, ano.”

“S-saka ako rin,” dagdag ko pa. Minus points nanaman ako sa langit.

He gave me a crooked smile as a response. Hindi na ito nagsalita at sumabay na lang sa paglalakad ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nag kunwaring okay lang. Nang bumaling ako pabalik sa mga nag tatalo na sina Celestina at Nieva habang pinagtutulungan si Sin ay agad ko na namang nakita ang masamang tingin ni Aristotle sa kamay ni Alejandro na bahagyang nakakapit sa pulsuhan ko. Kumunot ang noo ko nang inirapan ako nito.

What was that? Tanong ko sa sarili ko.

“Is he jealous?” Alejandro whisper.

Natawa naman ako sa sinabi niya. “Pagputi ng uwak.”

Bumaling naman ang tingin ko kay Sin at nakita ko ang ngiting naglalaro sa kanyang labi at bahagyang ngumuso sa pwesto ni Aristotle. I glared at him.

Nagtama ang aming mga mata ni Aristotle. Nakita ko kung gaano kaseryoso ang titig nito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. What happened to him after six long years?

He’s still angry alam ko ngunit ayaw niya lang ipakita iyon sa harap ng mga kaibigan ko. He matured. Malayo sa lalaking nakilala ko noon. Possesive and selfish. I can still vividly remember how he hold my hands in public showing other people I’m his. Napalunok ako sa mga iniisip ko.

Nanginginig ang tuhod ko sa kaba kaya naman muntik na akong mapaluhod ng tumapat ako mapalit sa pinto. That was when I felt a hand suddenly wrapped around my waist. Pasasalamatan ko sana si Alejandro ng makitang hindi ito ang umalalay sa akin. Para akong binuhusan ng tubig at nablangko. Kumunot noo pa ako at ilang beses na nagkisap-mata para masiguradong hindi ako nag-iilusyon lang sa kung sino ang nakahawak sa akin.

Narinig ko pa ang pagsipol ni Sin at paghagikhik ni Celestina. Napapikit ako sa kahihiyan ng bitawan na ni Aristotle ang bewang ko.

"S-salamat," I heard myself spoke. Ginamit ko pa ang dalawang kamay ko para itulak ang dibdib niya pero alam kong walang kalakas-lakas ang ginawa ko.

“Careful…” bulong nito malapit sa aking tenga saka nagpatiuna sa paglalakad at nagtungo kay Lola Sita upang magmano.

A-ano daw? Bakit ganito ang kinikilos niya?

Thanks god, Kaja and Grunt chose to stay with Alkaid’s parents!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status