|THIRD PERSON POV|
PINANOOD ni Zeri na tumawa ang ina dahil sa sinabi niya. She miss them. Yes, she do. Hindi man halata pero namiss niya ang mga ito. "Bakit ang tagal mong bumalik coolyba—" Hindi naituloy ng kadarating lang na ama ang kanyang sasabihin matapos siyang makita "Y-you...your eyes—I-ikaw ba 'yan a-anak?" Pautal utal at hindi makapaniwala nitong tanong "Long time no see, old hag." Sambit niya and in just a snap ay nasa tabi niya na ang ama. Yakap-yakap siya. "S-saan ka ba nanggaling bata ka?" Umiiyak na sabi nito "Sa pagkakaalala ko ay kay ina," "Pilosopo ka pa rin." Hindi siya umimik. Ni hindi niya nga rin ito niyakap pabalik. Hindi niya alam, ayaw niyang yakapin ang mga ito. Siguro dahil nasanay na siyang walang bisig na yumayakap sa kanya. Naninibago siya sa tingin niya. Tatlong taon ba naman na hindi niya naramdaman ang ganitong klase ng yakap. Parang sinasabi sa kanya na ayos lang ang lahat. Mahal siya ng mga ito, ayaw siyang mawala ng mga ito. Nanatili siyang tuwid na nakatayo. Hindi kumikilos. Sa oras kasi na yakapin niya ang mga ito ay magiging makasarili siya panigurado. She'll do anything to make sure that they will not disappear again. Pero paano kung bigla nalang maglaho ang mga ito? Baka kasi panaginip lang ang lahat at mawala na naman ang mga ito. Masasaktan lang siya kaya ayaw niyang umasa. "Pwede bang kumalas ka na? Nagugutom pa ako. Hindi magandang pag-hintayin ang pagkain." Sabi niya Kumalas naman ang ama mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya. "Ang pagkain pa rin talaga ang pinakamahalaga sayo." Nagkibit balikat siya sa sinabi nito Muli siyang naupo at tumabi naman sa kanya ang ama. "Mabuti at nakauwi ka na. Tatlong taon kang nawala. Hinanap ka namin pero hindi ka namin makita. Ang mga kapatid mo ay sabik na makita ka..." Marami pang sinabi ang ama na hindi niya naman na inabala pang pakinggan pero hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang sinabi nito tungkol sa pagpapalabas nila na nasa kanyang uncle Sayron siya. Ang pagpapadala ng uncle Sayron ng mga sulat sa kanyang dalawang kapatid habang nagpapanggap na siya. Nagpapasalamat siya dahil ayon ang pagkakaalam ng mga ito. Ayaw niya kasi na mag-alala ang mga ito sa nangyari sa kanya. Paniguradong malulungkot ng sobra ang mga ito. Baka araw araw pa silang umiyak. "Paniguradong matutuwa ang lolo't lola mo 'pag nalaman nilang nakabalik ka na." May sabik na sambit ng ama "By the way, saan ka ba pumunta ana—" Tumigil bigla ang ama Kahit nasa pagkain ang kanyang attention ay ramdam niyang umiling rito ang ina. Sinasabi na huwag na nitong itanong 'yon sa kanya. "Ehem. Hindi na bale, ang mahalaga ay nandito ka na." Kinuha niya ang baso na may lamang tubig at inisang lagok iyon bago siya tumayo at nag-unat unat. "Gusto ko ng magpahinga," Sabi niya "Sure, sure. Ihahatid kita sa kwarto m—" "Hindi na kailangan, kabisado ko pa naman ang daan papunta roon." Tinalikuran niya ang mga ito at walang imik na umakyat sa hagdan papunta sa second floor ng kanilang bahay. Tatlong taon rin siyang nawala rito. Mabuti nalang at hindi lumipat ng bahay ang mga ito, mabuti nalang at nadatnan niya ang mga ito. Huminto siya sa gitna ng hallway. Pinagmasdan ang daan papunta sa silid ng dalawang kapatid. Ipinikit niya ang mata. Kabisado niya pa. Natatandaan niya pa ang mga naiwan na ala-ala sa bahay at lugar na iyon. Noong wala siya sa piling ng mga ito ay gabi gabi natatakot siyang ipikit ang mata. Baka kasi pagmulat niya ay hindi niya na maalala ang mga memorya na mahalaga sa kanya. She's afraid back then na baka habang lumilipas ang oras at araw ay unti-unti niyang makalimutan ang totoong siya. But thankfully, she didn't forget anything. Kahit tatlong taon siyang walang balita sa mga ito ay naging malinaw sa kanyang memorya ang tungkol sa mga ito. She still remember everything about them. Masasabi niyang walang nagbago sa ama at ina. Sa kanyang mga kapatid kaya? She want to go in their room pero mas pinili niyang tumuloy na sa sariling silid. She's tired. So, tired pero ang katawan ay hindi umaayon sa kanya. Tila hindi ito napapagod hindi kagaya ng kaluluwa siya. Pagkabukas ng silid ay bumungad sa kanya ang walang pinag-bago na kwarto. Walang nabago roon kahit ano. Gano'n pa rin ang itsura nito kagaya ng iwan niya ito. Ang naiba lang ay nanatili itong malinis kahit wala siya. Napalingon siya sa dingding. May mga papel na nakadikit doon. 'Welcome back Zeri!' 'We miss you Zeri!' 'Happy birthday Zeri!' 'I love you Zeri!' Ang dalawang kapatid panigurado ang gumawa no'n. "Yes, it was them." Napalingon siya sa pintuan ng mag-salita mula roon ang ina na tila nabasa ang nasa isip niya Sinundan pala siya. "They made that para daw sa pag-uwi mo," Patuloy pa nito "Sila rin ang palaging naglilinis ng silid mo kahit na may mga maids naman. Sabi nila ayaw mo raw na pinapakialaman ang gamit mo ng ibang tao." Lumapit siya sa kama at pabagsak na nahiga roon. Hindi niya na suot ang kapote. Hinubad niya na iyon kanina. Marumi ang kanyang itsura ngayon pero ayaw niya ng tumayo. Bukas nalang, magpapahinga na muna siya. "Your siblings will be happy for sure if they see you tomorrow." Muling sabi ng ina "I see," Sagot niya Hindi sigurado kung ano ba dapat ang i-react niya. Kung may nakalimutan man siya sa loob ng tatlong taon, iyon ay ang emosyon. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na naramdaman niyang buhay siya. She can't feel anything. No, she forget how to, even if she want to. "Magpahinga ka na, Goodnight Zeri." "Welcome back..." Ipinikit niya ang mata ng marinig ang pag-sara ng pintuan. "I'm back..." Sambit niya At sa nakalipas na tatlong taon, ngayon lang ulit siya nakatulog ng mahimbing. . . "Zero!Zeri! Bilisan niyo naman! Mali-late na tayo!" Sigaw ni Zera mula sa labas ng kanilang bahay Sinilip ni Dawn at Zior ang dalawang anak sa silid kung nasaan ang mga ito. Nakaharap sa salamin si Zeri at inaayos ang necktie ng suot na uniform. "Bagay ba sa akin?" Tanong nito kay Zero "Syempre naman! Lahat 'ata bagay sayo." Ngiting sagot ng kapatid tsaka ito kinindatan "I know right." Ngising ani Zeri 4 years na ang lumipas simula ng makabalik si Zeri. Kinabukasan noong bumalik siya ay tuwang tuwa ang dalawang kapatid matapos siyang makita. Hindi niya na maalala kung ilang oras na nakaupo sila sa sofa habang yakap siya ng mga ito. Ilang araw rin silang natulog na magkakatabi dahil nga raw miss siya ng mga ito. Wala siyang nagawa dahil sumali rin ang ama at ina maging ang kanilang lolo't lola na agad pumunta sa kanila matapos malaman na naroon na siya. Isama mo na rin ang mga kaibigan ng magulang. Ang gusto niya lang sa mga ito ay hindi sila nag-tanong kung saan siya pumunta kahit aware ang mga ito na tatlong taon siyang nawala. Ang dalawang kapatid lang ang hindi iyon alam at hanggang ngayon ay wala pa ring alam. "Zero! Zeri!" Muling sigaw ni Zera kaya nagkatinginan ang dalawa tsaka sabay na umiling "Tara na, kanina pa tilaok ng tilaok si Zera." Sambit ni Zero tsaka sila sabay na lumabas ng silid Naabutan naman nila ang magulang na nasa tapat nito. "Mag-iingat kayo," Sabi ng mga ito "Yes, mom/dad." Si Zero lang ang sumagot dahil nagdire-diretso na si Zeri palabas sa kanilang bahay Napangiwi naman ang magulang. "Bye mom," Humalik si Zero sa pisnge ng magulang bago sundan ang mga kapatid "Bakit ba ang tagal niy—What the hell Zeri?! Why are you wearing a boys uniform?" Gulat na sabi ni Zera habang nakatingin sa suot ng kapatid At tama ito, Zeri is wearing a boys uniform. "Tss. What's wrong if i wore this? This is much more comfortable than the uniform you're wearing right now. You look like a prostitute wearing a long sock." Tamad na sagot niya Napahampas nalang si Zera sa sariling noo. "It is what we called PROPER UNIFORM. Mas desente akong tingnan dito at hindi mukhang prostitute." Sabi nito pero bagot niya lang itong tiningnan Walang pakialam sa ipinaglalaban nito. "Just mind your own uniform," Sabi niya "Urg! Whatever!" "Hey sis, that's enough. Let's go!" Pag-tawag na ni Zero sa kanila Nasa loob na ito ng kanilang sasakyan at nakapwesto na sa driver seat. "Hey! Why are you sitting there? I'm the one who should sit there." Kunot noo na sabi niya tsaka lumapit sa sasakyan "NO WAY!" Sabay na sigaw ng dalawang kapatid na for the first time ay nagkasundo. Nagkasundo na kahit kailan huwag siyang hayaan na mag-maneho. Noong una at huli kasi siyang pinag-drive ng mga ito papunta sa mall upang bumili ng kanilang gagamitin para sa school ay imbis na sa mall, Sa POLICE STATION sila NAPUNTA. Dahilan? Ang pagiging kaskasera niya. Kulang nalang rin maging byaheng langit ang destinasyon nila. Tandang tanda pa rin ng dalawang kapatid kung ilang beses sumuka ang mga ito pagkababa sa kanilang sasakyan noong macorner sila ng mga police car. Paano ba naman kasi hindi agad siya huminto. Nakipag-habulan pa siya sa mga pulis. Ang kinatwiran niya pa, akala niya daw nakikipag-karera ang mga ito sa kanya. Ilang oras rin sila sa police station bago sila pinalabas. Hindi kasi sila sinundo agad ng mga magulang. Kailangan rin daw nila iyong maranasan. "Tss," Umupo na lamang siya sa passenger seat Mukha kasing walang balak ang mga ito na hayaan siyang mag-maneho. "Let's go!" Ani Zera kaya sinimulan ng paandarin ni Zero ang kanilang sasakyan Grade 12 na sila. Kahit hindi nakapag-aral si Zeri ng tatlong taon ay hindi ito nahirapan humabol. Matalino siya despite being a troublemaker kaya naman walang kumwesyon sa paglaktaw niya ng tatlong baitang. Noong bumalik siya sa pag-aaral ay roon siya pumasok sa school na pinapasukan ng mga kapatid. Agad siyang naging popular dahil sa pagiging troublemaker, kabaliktaran ng dahilan kung bakit sikat ang dalawang kapatid. Dalawang linggo na ang lumipas matapos magsimula ng klase, at ngayon lang ulit siya makakapasok dahil noong unang araw ng pasukan nila bilang grade 12 student ay may nabugbog agad siya dahil sinubukan siya nitong i-bully. Ang masaklap para sa mga binugbog niya ay lahat ng mga ito na coma ng dalawang linggo kaya dalawang linggo rin siyang suspended. "I'm excited to meet my friends." Ngiting sabi ni Zera Bakas sa mukha na sabik na nga itong muling makita ang mga kaibigan. "Ako din, makikita ko na ulit sila Bryle." Sabi rin ni Zero habang siya naman ay bagot lang na nakatingin sa labas ng sasakyan Hindi siya maka-relate sa mga ito. Dahil imbis na kaibigan, kaaway ang mayroon siya. Marami pa. END OF CHAPTER 1>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Mabuti at gising ka na Yezire,” Ngiting ani Sky kaya malamig itong tiningnan ni Yurizo kaya nag-taas ito ng kamay na para bang sumusuko sa pulisya “Easy, bro. Sa'yong- sa'yo na si Yezire. Wala akong balak na agawin.” Nakangiwing sambit nito kaya napa-ngisi siya “Mabuti at nagkaka-intindihan tayo dahil akin lang ang babaeng 'to.” Nginitian niya si Yezire tsaka inalalayan na maupo kaya napangiwi nalang ito Possessive. Nag-simula silang kumain habang panay ang sulyap ni Yurizo sa dalaga na nasa pagkain lang naman ang attention. “Matunaw si Yezire, cous.” Bulong sa kan'ya ni Yuan subalit hindi niya ito pinansin Nang matapos kumain ay tumayo si Yezire at akmang aalis subalit agad niya itong pinigilan. “Why?” Patay malisya nitong tanong nang lingunin siya nito Hindi naman siya sumagot at binitawan lang ang braso nito tsaka siya lumuhod at inilabas ang gold ring na pinagawa niya. “I love you, Yezishurea. I fe
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“This will gonna be your end. DIE, BARON.” Puno ng pagkamuhi niyang litanya at mas lalo pang ibinaon espada sa tiyan nito dahilan para mapa-hiyaw ito Marahas niyang hinugot ang espada sa tiyan nito tsaka niya ito sinipa sa dibdib dahilan para tumalsik ito at bumulagta sa lupa. He walked towards him tsaka inapakan ang dibdib nito before she smirks at inangat ang kan'yang espada sa ere. “H-huwa—” Hindi na nito natapos pa ang balak na sabihin dahil ibinaon niya
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Are you okay, tabachoy?” Tanong ni Yezishurea nang ihiwalay nito ang labi sa napakurap nalang na si Yurizo Namumula ngayon ang lalaki na napaiwas sa kan'ya ng tingin at sumimangot upang itago ang kilig at ngiti na gustong kumawala sa kan'yang mga labi. “T-tsk. Ginulo mo ang nararamdaman ko payatot gayo'ng i-isa lang pala kayo ni YESHUA.” Kunwari ay nag-tatampo niyang sambit Kaya pala minsan ay wala siyang nararamdaman kay Yeshua dahil hindi talaga ito ang totoong YESHUA pero binalewala niya lang iyon dahil kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niya na ang Yeshua na nakakasalamuha niya minsan ay si Yohan at Zeny pala. “I'm sorry if I didn't tell you the truth. I just don't want you to be drag on this mess.” Ani Yezire tsaka tumayo kaya tumingala sa kan'ya si Yurizo na napanguso nalang “Pst! Hindi na 'yon mahalaga. At least napatunayan kong kahit ano pang maging katauhan mo a ikaw lang ang gusto ko.” Samb
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“F-fuck!” Mabilis na napalingon si Yurizo kay Yezire nang marinig niya ang pag-mura nito at bumilog ang kan'yang mata nang makitang nakaupo ito sa lupa habang nakatayo sa harapan nito si .Yeshua. na kasalukuyang naka-tutok ang katana sa kan'yang lalamunan Mula naman sa likuran nila Goro ay nakita ni .Yeshua. si CARL at JAKE na tumango sa kan'ya dahilan para mapa-ngisi siya. “I don't want to kill you Yezire dahil parang kapatid na kita pero dahil kailangan ko 'tong gawin para makapag-higanti ay wala akong pag-sisisihan sa huli.” Litanya ni .Yeshua. kasabay nang paggalaw niya patagilid sa kan'yang katana upang pugutan ng ulo si Yezire na nakayuko lang at may nakakalokong ngiti sa labi. “S-stop it YESHUA!” Sigaw ni Yurizo habang pilit nag-pupumiglas sa kadenang nakatali sa kamay at paa niya subalit walang nangyari Isang dangkal nalang ang layo nang katana nito sa leeg ni Yezire at paniguradong mapuputulan na
>> >>———— ♡ ————> >>———— ♡ ————“Nagpakita ka rin sa wakas.” Nakangising ani .Yeshua. habang diretsong naka-titig sa taong sumipa kay Yurizo. “Goro.” Mahinang sambit naman ni ZENY tsaka ikinuyom ang kan'yang kamao. Napa-titig sila kay Sky nang mabilis itong lumapit kay Baron at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Hah! That bastard almost got me huh?” Hindi makapaniwalang bumuga ng marahas na hangin si Baron na pilit itinatago ang panginginig ng mga kamay. That was close. He almost die. If Goro didn't appeared he might be headless now. He can't believe that he almost lost his life to a kid. He dont want to admit it subalit malakas si Yurizo. Hindi ito ordinaryo, nacu-curious tuloy siya kung saan ba ito nag-mulang pamilya. “You're being slow now, Baron.” Sambit ni Goro kaya ngumiwi siya “My age is the one to blame,” He replied “Bakit nga pala mukhang napa-aga ang pag-punta mo rito.” He asked back tsaka ngumisi subalit walang
>> >>---- ♡ ----> >>---- ♡ ----