Thank you po sa lahat ng nagbigay ng reviews sa main page ng story.
HINDI MAIWASANG MAPASINGHAP ni Daphne nang maramdam ang kamay ni BK sa panggitna niya. Nasa likuran niya ang asawa at nakaupo silang nakalubog sa may jacuzzi ng mga sandaling iyon. Ramdam niya sa pangupo niya ang tumutusok na kahandaan ng asawa kaya hindi niya ring maiwasang kumapit sa hita ng asawa.Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang maiinit nitong dila sa tainga niya. Lalong nabuhay ang init sa katawan niya ng mga sandaling iyon.Pinaghiwalay muli ng asawa ang mga hita niya mayamaya.Bumaba ang halik ni BK sa batok at leeg niya kaya napaliyad siya. "Oh," ungol niya nang simulang laruin ng asawa ang hiyas niya sa ilalim ng tubig. Kasabay din niyon ang pagpasok ng panggitnang bahagi ng daliri ng asawa sa loob niya at inilabas pasok pa nito ng ilang beses. Napahawak pa siya ng mahgpit sa balikat nito. Bigla ring umawang ang labi niya maging ito rin dahil sinagad nito ang daliri sa loob niya ng ilang beses.Dinig niya ang sunod-sunod na paghangos nito dahil sa ginagaw
“‘WAG KANG KAKAIN sa labas, ha?” “Sa opisina lang ako ngayon, baby pangako.” “Sure?” “Yes, baby. Marami akong pending kaya tinatapos ko. Baka magalit na sekretarya ko.” Napaingos siya. Kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa sekretarya ng asawa. At bakit kailangang matakot pa ito sa sekretarya nito? Dapat mas matakot ito sa asawa. “Sige. Hintayin mo ako diyan, ha?” “I will,” “Okay. Bye!” Hindi na niya hinintay na sumagot ang asawa, pinatay niya na. Mabilis na inilagay niya sa lunchbox ang mga pagkaing iniluto. Isang linggo na niyang ginagawa ito simula nang bumalik sila sa Maynila. Hindi naman kasi kumontra si BK na hinahatiran niya lagi ng pagkain sa opisina, kaya pinagpatuloy niya na lang. Gusto niya kasing pagsilbihan ito. Kaya, araw-araw niyang ina-aaral ang pagluluto. Siyempre, mga paborito nito ang lagi niyang niluluto, pero ngayon, sumubok siya ng ibang putahe na wala sa paborito nito. Sana nga magustuhan nito ang niluto niyang beef tapa. Gusto rin daw nito tikman ang t
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Daphne nang marinig ang sunod-sunod na katok ni BK. Pilit din niyang buksan ang pintuan. Papunta sana siya noon sa banyo. Bumalik na lang siya at nahiga ulit."Daph! Buksan mo ang pintuan!""Manigas ka!" aniyang siya lang ang nakakarinig. "Baby!" "Baby mong mukha mo!" Naiinis pa rin siya talaga kaya tinakpan niya ang taingang unan para hindi niya ito marinig.Tumingin siya sa malaking orasan niya. Alas tres na pala ng hapon.Hindi niya alam kung nagtagal ba ito sa pintuan dahil ibinalik niya ang sarili sa pagtulog sa sobrang inis. Akala niya, okay na siya kanina. Hindi pa pala.Nagising siya na madilim na. Papungas-pungas na bumangon siya. Pumasok muna siya ng banyo para umihi. Sumakit ang pantog niya tuloy kakapigil sa ihi kanina. Tinulugan niya kasi.Wala si BK sa kuwarto at sa kahit saang sulok ng kuwarto. Nakahinga siya ng maluwag.Nalungkot siya bigla nang makita ang kaserola na pinaglutuan ng sabaw. Kahit ang pinaglutuan niya din ng tapa kanina. Napa
"SLEEP TIGHT," DINIG niyang sabi ni Max nang ihiga siya nito sa kama. Napangiti pa siya sa sinabi nito. Unang beses niya kasing sabihan ng gano’n. ‘Di naman niya narinig iyon mula kay BK Naramdaman niya ang paglagay ni Max ng kumot sa kan'ya. Hindi na niya namalayan ang ginagawa nito ng mga sumunod na oras dahil hinayon na talaga siya ng antok. Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Napadaing pa siya ng malakas. Malamang, dahil sa nainom niya na whiskey. Dapat espresso martiini na lang kasi, e. Natigilan si Daphne nang mapagtantong pamilyar sa kan’ya ang silid. Napatampal siya sa sa ulo nang maalalang kasama niya nga pala kagabi si Max. Sa kapatid niya itong hinihigaan niya. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa no’n si Max na bagong paligo at may dalang mainit na soup. Kita pa niya ang usok na nagmumula dito. “Good morning,” masayang bati nito. “Morning. Salamat.” Tumingin pa siya sa tray na may soup. “Basta ikaw.” Ngumiti ito sa kan’ya. “Kumusta ang paki
ILANG BESES NA nagpakawala si Daphne ng hininga bago umalis sa puwesto. Nakasunod sa kan’ya ang guard dahil may hawak siyang pera. Pangalawang araw niya ngayon bilang cashier. Ginusto niyang pumasok ulit ng trabaho kaysa tumambay. Ayaw niyang iburo ang sarili sa bahay. Mabuti pa rito masaya. May nakakausap rin siya.Maaga ang out niya ngayon. Eeight hours lang ang duty niya kasi.Dumaan siya sa palengke para mamili ng ulam na lulutuin. Mamaya pa kasi ang labas ni Amelie. Maganda na iyong luto na ang pagkain pagdating nito.Napangiti siya nang makita ang babaeng tindera ng manok. As usual, napakaingay niya, walang pinagbago."Uy, suki! Long time no see!" anito nang makita siya."Nakarami na bang kita?" nakangiting tanong niya rito. "Marami, ako pa ba?" Ngumiti pa ito sa kan'ya ng matamis. "Ilan ba?""Kalahati lang. Dalawa lang naman kami."Nag-chop ito ng manok at tinimbang. "Ayan, sobra 'yan suki, kaya sobrahan mo rin ang bayad." Humagikhik pa ito.Naiiling na binigay niya ang pera
"LOVE, MAY PROBLEMA ba tayo?" Napatingin si BK sa nobyang si Amber nang magtanong ito. "W-wala naman," aniya sa mahinang tinig at sumimsim ng alak. Si Daphne ang iniisip niya ng mga sandaling iyon.Narito sila ngayon ni Amber sa bahay nila ng asawa. Hindi naman siya dapat uuwi dito, si Amber lang ang mapilit. Parang hindi niya kayang mag-stay ng matagal dito lalo na sa silid niya. Kahit sa dating silid na inuukopa ng asawa. Mula ng iwan siya ng asawa, nakaramdam siya ng kahungkagan. Nakaka-miss ang presensya ng asawa. Dati na niyang nararamdaman ito pero hindi niya alam kung ano ba talaga ito. Kahit saang sulok niya nga ito nakikita. Minsan parang nababaliw na siya, nai-imagine niya ang asawa na kahalîkan, at minsan nga, katalîk. Nawalan siya ng gana sa ibang babae. Kahit kay Amber.Bakit kasi bumalik pa si Amber? Nagulo tuloy bigla ang buhay nila ng asawa.Hindi niya akalaing sasagutin siya ni Amber nang bumalik ito sa buhay niya. Basta na lang idineklara nitong sila na kahit il
“MAY IPAPABILI KA ba anak sa bayan?" tanong ina sa kan'ya nang lapitan siya. "Wala na po, 'Ma. Nabili ko na po kahapon." "Ganoon ba. Sige, aalis na ako. May pagkain naman na diyan, kumain ka na lang kapag nakaramdam ka ng gutom." Tumango siya sa ina. Hinatid niya rin ito ng sa tarangkahan ng bahay nila mayamaya.Mag-grocery daw ito dahil wala ng stock ng ilang pangangailangan nila. Pero hindi naman ganoon karami ang nasa listahan ng Mama niya. Actually, puwede 'yon bilhin sa susunod na bahay na may tindahan, ang kaso may kamahalan nga. Pero baka may iba pang sadya ang ina. Siya sana kahapon ang mamimili kaso ayaw ng ina dahil baka mapano daw ang nasa loob ng kan’yang sinapupunan.Simula nang malaman niyang nagdadalangtao siya, hindi na siya nito pinapagdala ng mga mabibigat na bagay. Pagwawalis, luto at paghuhugas puwede siya. Pero ang mag-igib ng tubig mula sa balon, hindi. Sabagay, tatlong bahay mula sa kanila ang tinutukoy niyang igiban. Ang layo pa. Kaya nga naliligo siya minsa
“ANONG GINAGAWA MO dito?” aniya nang lapitan sila BK. Tumingin siya sa mga kaibigan ng asawa na papalapit din sa tarangkahan nila. Tanging si Max lang ang humaharang kay BK. Ang ina niya ay palipat-lipat ng tingin sa amin ni BK. “Sinusundo ka, baby.” “Baby your ass!” dinig niyang sabi ni Max na nakatitig kay BK. Saglit lang sinulyapan ni BK si Max bago tumingin sa kan’ya. “Puwede bang umalis ka sa harapan ko. Asawa ko ang pinunta ko dito, hindi ikaw. At wala akong balak na makipagdiskusyon sa kung sino.” “Hindi ako aalis hangga’t walang sinasabi si Daphne,” matigas na sabi ni Max. “Pasensya na, hijo. Sino ba ang asawa mo dito?” nakapameywang na ang Mama niya kaya napalunok siya. Biglang naurong ang dila ni BK sa tanong ng ina. “‘Ma,” aniya. Sumulyap lang ang ina niya sa kan’ya. Parang sinasabi nitong hayaan niya lang dahil ito ang bahala kay BK. “S-Si Daphne po,” “Ha? Ikaw ang asawa ng anak ko? Sigurado ka? Eh, bakit si Max ang laging nasa tabi ng anak ko? ‘Wag mo nga akong