All Chapters of Taming My Husband: Chapter 1 - Chapter 10
73 Chapters
Chapter 1: Meet-up
"STOP IT, MAMA! I already heard this for the ninth time. For God's sake!" Hindi maiwasang mapataas ang boses ni BK matapos marinig ang sinabi ng ina. Tumayo siya mula sa kinauupuan at pinunasan ang bibig ng tissue. Hindi pa siya tapos kumain pero tinatapos na niya. "BK!" dinig niyang sigaw ng Papa niya. Maging ang pagbasak ng kutsara at tinidor. Ito pa naman ang pinakaayaw ng ama niya, ang umalis na hindi pa tapos kumain. "What? Araw-araw ko na lang naririnig 'yan! Hindi ba puwedeng ako mag-decide kung kailan ko gustong mag-asawa? I'm only 26!" Tumingin siya sa ina na malungkot. "Anak, matanda na kami. Siyempre, gusto naming makita ang magiging apo namin sa’yo," anang ina na masuyo pa rin. May lungkot ding mababanaag sa mukha nito. Hindi pa naman niya matiis ito. 
Read more
Chapter 2: Mr. & Mrs. Hernandez
“DEAL?” SERYOSONG TANONG sa kan’ya ni BK matapos nitong ilatag ang ilang papeles kung saan nakapaloob lahat ng kondisyon, at kung bakit sila magpapakasal kung sakaling hilingin na ng ina ng binata. “Deal!” Napangiti si BK sa kan’ya ng matamis nang marinig ang sinabi niya. “Simula ngayon sanayin mo ng tawagin ako sa gusto mong endearment, para mas kapani-paniwala. Okay?” Napaisip siya bigla.  “Ano kaya ang maganda?” aniya sa isipan. Tumingin siya sa binata kapagkuwan. “Pag-isipan ko muna. I-send ko na lang sa’yo kapag may napili na ako.” Tumangu-tang
Read more
Chapter 3: Honeymoon
TININGNAN NI DAPHNE si BK matapos siya nitong batiin. As if naman, siya lang ang ikinasal. “‘Yong usapan natin, huh?” Tinutukoy niya ang trip niya papuntang Scandinavia. Excited pa naman siyang mag-ayos ng mga papeles. “Don’t worry, kahit saang bansa mo pa gusto, mapupuntahan mo. Basta ‘wag mong kalimutan ang usapan natin.” Napangiti siya sa narinig. Siya pa ba? Kahit anong gawin nito wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kan’ya makapunta ng Scandinavia. Mabilis naman ang annulment kapag may pera.  “Congratulations, bunso and Daphne!” masayang bati ni Andy sa kanila. Kasama nito ang asawa at mga anak nito. Gumanti rin siya dito ng yakap nang yakapin si
Read more
Chapter 4: Angry
NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya.   Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK.    “Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat.    Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad.    “Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya.  
Read more
Chapter 4.1: BK
KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK. “Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa. Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.  Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa. “Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.” Ngumiti siya
Read more
Chapter 4.2: First Day
“COME HERE, DAPH.” Napalabi siya nang hilahin nito ng kamay niya. Mabilis ang paghila nito kaya hindi niya nakontrol ang sarili, napakandong siya sa asawa.  “Perfect,” ani pa nito habang may hawak na selfie stick na may camera. Tumingin ito sa kandungan nito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng asawa na perfect. “Smile, baby.” Tumingin siya sa camera nito pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment nito sa kan'ya. Napangiti siya sa loob-loob niya.  Shit! Ang pogi ng asawa niya talaga ‘pag nakangiti!  Sa totoo lang, hin
Read more
Chapter 5: Bumped
"I'LL HELP YOU, Daph para mapabilis ang pag-alis mo. Gagamitin ko na lang ang koneksyon ko." Napatingin siya sa asawa. Abala siya sa paghuhugas ng pinagkainan nila ng mga sandaling iyon. "Talaga? Passport pa lang ang meron ako, e." Wala kasi siyang pera kaya 'yan lang ang nakaya niyang asikasuhin. "Ako na ang bahala sa ibang bagay na dapat ayusin." Naupo ito sa counter at pinapanood siya. Ngumiti siya rito ng mabilis bago bumalik sa paghuhugas.  Wala siya sa mood makipag-usap dito ng matagal. May kaonting tampo kasi siya rito. Hindi pa rin kasi siya nito pinapayagang pumasok ng trabaho. Inalok
Read more
Chapter 5.1: His Parents
BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya.   “Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit.   Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya.   Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila.   Naiiling na lumapit siya sa may gate.
Read more
Chapter 5.2: Pleasure
NGAYON LANG YATA siya nahirapang makatulog. Panay kasi ang galaw ng kama nila. Pabaling-baling kasi si BK. Mukhang hindi alam kung paano ang puwesto.   Hindi na siya nakatiis, bumaling na siya sa asawa. "Gusto mo bang lumipat ako sa kabilang silid? Hindi naman na siguro babalik ang Mama mo. Isa pa, ni-lock mo na ‘di ba?" Tukoy niya sa pintuan.   “No. Baka, biglang kumatok bukas. Paano kung sumilip siya tapos makitang wala ka sa tabi ko? Anong sasabihin ko?”   “Eh ‘di sabihin mo, nasa banyo ako. Dapat marunong kang magpalusot. Tutal ginusto mo ‘tong set-up na 'to.”   “Hindi ako magaling sa palusot, e.”   “Sus.”  
Read more
Chapter 6: Good Morning
NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito. “Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya. “Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito. “Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig. “Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pago
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status