INIS NA INILAPAG ni BK ang plato sa maliit niyang mesa at sumilip sa bintana. Hindi niya matanaw si Daphne at Max. Baka nasa kusina. Sana kumain lang. Sana lang! Dahil baka mapaaway siya ng wala sa oras.Ang totoo niyan, nagugutom pa siya. Tiningnan niya ang pagkain, may tira pa. Mukhang hindi na aabot sa tiyan niya iyon. Panira ng moment ‘tong si Max! Pabagsak na naupo siya sa upuan na gawa sa kawayan. Bigla itong naglangitngit kaya napangiwi siya sabay sipat. Papapalitan naman niya ito sa mga susunod na araw. Hinihintay lang niya ang pinamili niya. Gawa sa kahoy naman ang ipapalit niya.Saglit na pumikit siya para pakalmahin ang sarili. Parang gusto niyang magsisi dahil masa marami siyang naisip habang nakapikit.“Ano na kaya ang ginagawa nila?” hindi niya maiwasang isatinig.Tumayo siya at sumilip ulit sa bintana. Wala pa rin ang mga ito sa sala kaya nakaramdam na naman siya ng inis. Pabalik-balik na naglakad siya. Ano ba kasi ang ginagawa dito ng lalaking ‘yon?Sinubukan niyang
“B-BK,” ANIYA NANG harapin ang asawa.Lungkot naman ang nakikita niya sa asawa kay hindi niya maiwasang mapakunot ang noo.Hinigit ni BK ang dalawang kamay niya kapagkuwan at dinala iyon sa labi. Masuyo na itong nakatingin sa kanya ngayon.“Patawarin mo ako dahil ngayon ko lang nakompirma. It has been on my mind, waiting for you to say it is mine. Pero nang makita ko ang pangalan ko sa report, it stated that you were married to me. Obviously, I am the baby's father. Ako anman talaga, ‘di ba?” masuyong tanong nito na ikinatango niya. Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit.“Ang tiyan ko, BK!” aniya nang maramdaman ang paggalaw ng anak nila sa loob. Nasa tabi niya kasi si BK kaya naglulumikot na naman.“Aww! Sorry, baby! Masakit ba?” aniyang sinilip pa siya. “Hindi naman, nakakakiliti lang minsan kasi ang likot na niya, lalo ‘pag nasa paligid ka.”“Talaga?” masayang tanong nito sabay baba ng ulo para halikan ang tiyan niya. “Pwede na ba siyang kausapin, baby?” Tuma
HINDI PA SIYA nakakalayo nang lingunin niya ang asawa.Damn! Feel na feel ang paliligo! Paano naman siyang hindi na mapakali?!Pero natigilan siya nang maalalang malayo nga pala sila, kapag iniwan niya ang asawa, baka mapaano pa siya. Buntis pa naman. Idadaan na lang niya siguro sa lunok ang lahat.Napababa siya ng tingin sa kaibigan nang gumalawa iyon.“Calm down, friend. Bawal pa,” kausap niya sa sarili.Taas noong bumalik siya at lumapit s kinaroroonan ng asawa.“Ba’t bumalik ka? Naalala mo na? Na, sanay ka makakita ng pakwan?” Parang gusto niyang bumunghalit ng tawa sa sinabi ng asawa. Saan naman nito narinig ang mga ganoong termino?“Naglakad-lakad lang ako para magpakalma,” aniya at naupo sa batuhan.“Sure? Eh, bakit parang hindi ka nagsasabi ng totoo? Ayoko ng sinungaling, BK. Sinasabi ko sa ‘yo. Baka ibalik na kita sa Mama mo.”“Baby naman.” Kumamot pa siya sa ulo. “Fine, I have a horny mood now. Happy?” Natawa lang ang asawa.“Bakit? ‘Di ka naka-iskor kay Amber?”“Daph,”“Sab
“ONE MORE?” NAKANGITING tanong ng asawa matapos hugutin nito ang kahabaan nito.“I'm so tired. Hindi ko lang napigilan ang pagtaas ng libido ko.”“Ouch, parang parausan lang ako?”Tiningnan niya ito ng masama. “Sa maniwala ka at sa hindi, normal na ‘to sa mga buntis, ayon sa nabasa ko. Hindi ko inisip ‘yan, pero naramdaman ko ‘yan noon sa ‘yo.So, patas na tayo,” aniya ng tumayo. Kumunot lang ang noo ng asawa sa kan’ya habang inaalalayan siya.“Oh, I’m sorry, baby. Hindi ko sinasadyang maramdaman mo 'yon. Believe me, hindi ko sinasadya.” Yakap siya nito ng mga sandaling iyon.“Okay. Tapos naman na, sabi mo nga, mahal mo ako, ‘di ba? Pinanghahawakan ko 'yon.” Tumango ang asawa sa kan'ya."Ouch!" daing niya ng nang masagi nito ng daliri ang likod niyang masakit. Mahapdi. Bandang balikat iyon, sa may kaliwa. Ngayon lang niya naramdaman. Pumuwesto si BK sa likod niya at hinanap ang ikinadaíng niya. "Oh, f*ck!"Napasinghap siya nang maramdaman ang labi nito doon."BK, ano ba?""May sugat
HINDI NIYA MAIWASANG mapapikit nang maramdaman ang panaka-nakang pananakit ng tiyan niya. Hawak ni BK ang kamay niya habang lakad-takbo ang ginagawa nila. Akala niya kanian ang layo na nila, pero kung lilingunin niya, hindi pa sila nakakalayo masyado sa bungad ng kakahuyang iyon. At kung makarating na ang mga lalaking iyon sa bungad, siguradong kita sila dahil maliwanag. Ang taas-taas pa ng sikat ng araw. Hingal na hingal na rin siya. Sino bang mag-aakalang pagkatapos ng sarap, hirap naman ang mararanasan niya? Kung alam niya lang, hindi na sana siya nagpadala. Kasalanan niya din ito. Naubos ang lakas niya sa ginawa nila kanina sa ilalim ng talon.Nagkatinginan pa sila ni BK nang makarinig ng mga boses, at mukhang naghiwa-hiwalay ang mga ito makita lang sila.Bakit ba sila hina-haunting? Ano bang kasalanan nila. Napatingin siya sa asawang may hawak na baril. Hindi kaya si BK, at nadamay lang siya? Naalala niyang sa ilalim ng higaan niya iyon nakatago. Kailan pa siya nagkaroon ng bari
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa labi nang magising. Lumunok din siya ng sunod-sunod dahil pakiramdam niya, tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Naupo siya kapagkuwan at inilinga ang paningin.Napakunot ang noo niya nang mapansing nasa ospital siya. Nagbaba siya ng tingin, naka-hospital gown nga siya.Akala niya ba hindi siya dadalhiin ni BK sa ospital? Sabi nito sa Tagaytay siya nito dadalhin? Bakit nasa ospital siya ngayon? Ano bang nangyari?Akmang kakapain niya ang tiyan nang pumasok si BK. Kasunod nito ang isang magandang babaeng doktor na halos kasing-edad lang ng Mama ni BK. Pamilyar ito sa kan’ya.“Hi! I’m Doctor Nikki Madrid. Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?” tanong ng babaeng doktor. Nasa tabi nito si BK na tahimik lang. Mababasa sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin sa kan’ya.“Okay lang po. Ang baby ko po, kumusta na po?” Sabay na nagkatinginan si BK at ang doktor sa tanong ko. Ngumiti si Doktora sa kan’ya. “Magpahinga ka muna, hija. Tinatapos pa ang mga test sa laboratory.
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa batok nang maramdaman ang pangangalay kakayuko. Kanina pa siya dito sa garden. Ewan, gusto lang niya tumulong sa kasambahay ng mga Hernandez. Iniwan muna siya ng asawa dahil may lalakarin daw siya. May security ang bahay nila kaya malakas ang loob na iniwan siya ni BK. Sa condo kasi nito, mga kasamahan lang nito sa trabaho ang mga nagbabantay sa kanila. Minsan napu-pullout daw kapag may misyon. Eh dito daw sa bahay nila, puno ng security. Pinasadya daw noong nasa serbisyo pa ang panganay nila na si Astin. Retired army at detective din kasi. Inamin na sa kan’ya ang organisasyong kinabibilangan nito. At hindi lang masabi nito ay kung sino ang nag-hire sa agency ng mga ito para proteksyon niya dahil ang pinaka-boss lang daw nila ang may alam. Mas pinili nitong bumali sa serbisyo dahil sa kan’ya. “Okay lang po ba kayo, Ma’am?” tanong sa kan’ya ng isang kasamahan sa hardin. “Okay lang po. Nangalay lang po ako pero okay na po.” Muli niyang tinanggal ang ilang ligaw
PANAY ANG TAMPAL ni Daphne sa dibdib. Kanina pa siya kinakabahan. At nagsimula iyon matapos mabasa ang mensaheng iyon. Kanina pa din niya pinapakiramdaman ang tiyan. Hindi na nga siya makatulog, e. Wala talaga siyang maramdamang gumagalaw sa loob ng tiyan niya. Kahit na kinakausap niya, hindi man lang nagre-response. Hindi kagaya ng dati, na gumagalaw siya, kapag kinakausap niya, lalo na kapag paligid lang si BK.Natatakot siyang sabihin sa sarili, ngayon, parang hindi na. Wala ng katugon. Napapikit siya. Natatakot at kinakabahan na talaga siya. Gusto na niyang gisingin ang asawa para tanungin pero hindi niya maistorbo dahil tulog na tulog. Paggising na lang niya siguro bukas.Alas tres ng madaling araw na siya nakatulog kakaisip. Nagising na lang siya kinabukasan sa sunod-sunod na katok. Nilingon niya ang asawa na tulog na tulog pa rin.Saan ba talaga kasi ito nanggaling kagabi? Sana nag-opisina na lang siya. Nakakakaba tuloy mga pinaggagawa nito.Papungas-pungas pa siya nang buksan