Home / Mafia / Taming Salvatore / CHAPTER 23: The Mask Man (Part 1)

Share

CHAPTER 23: The Mask Man (Part 1)

Author: AVANITAXX
last update Huling Na-update: 2026-02-09 13:32:12

NAGISING kinabukasan si Euridice na wala na sa kanyang tabi ang asawa hanggang sa nanuot sa kanyang pang-amoy ang halimuyak ng mabangong amoy. Pagbangon niya, bumukas ang pinto at iniluwa n’yun si Alexander, bitbit nito ang isang tray na puno ng pagkain at prutas.

“Breakfast in bed?” nakangiti si Alexander nang lumapit ito sa kanya.

Napalunok si Euridice, at hindi na sa pagkain ang atensyon niya kundi sa katawan ng asawa dahil naka-topless pa pala. Para bang nang-eengganyo siyang pisil-pisilin
AVANITAXX

A/N: Sa inyong palagay, maaari kayang decoy lang 'yung bangkay? Nasaan kaya si Dark. Hmp. Malapit na tayo sa Final. At mukhang mas exciting pa dahil sisingit si Terrence.

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Taming Salvatore   CHAPTER 23: The Mask Man (Part 1)

    NAGISING kinabukasan si Euridice na wala na sa kanyang tabi ang asawa hanggang sa nanuot sa kanyang pang-amoy ang halimuyak ng mabangong amoy. Pagbangon niya, bumukas ang pinto at iniluwa n’yun si Alexander, bitbit nito ang isang tray na puno ng pagkain at prutas.“Breakfast in bed?” nakangiti si Alexander nang lumapit ito sa kanya.Napalunok si Euridice, at hindi na sa pagkain ang atensyon niya kundi sa katawan ng asawa dahil naka-topless pa pala. Para bang nang-eengganyo siyang pisil-pisilin ang mga ‘yun at pagsawaang hawakan.“Halatang gutom na nga ang asawa ko.”Natauhan na lamang si Euridice dahil sa sinabi ni Alexander, hindi niya kasi namalayan, nakalapit na pala siya at malayang pinipisil ang abs ng asawa. Pili tang ngiti saka niya binawi ang kamay pero mabilis na din nahawak ni Alexander ang braso niya at mas lalong idiniin ang palad sa nagliliwanag nitong abs.“Feel it, touch it whatever you want. It’s all yours, Euridice. Kaya okay lang kahit pagnasaan mo ako.”“Ha? Tu-tumi

  • Taming Salvatore   CHAPTER 22: Mafia Lord, Soft side

    MAGHAPON na walang Alexander na nagpakita kay Euridice, tinawagan niya ang numero ng asawa pero laging out of reach ito at biglang hindi na niya matawagan pa dahil coverage area na. Naghalo-halo ang iniisip, hindi niya maiwasang mag-isip nang kung anu-ano lalo pa at nalaman niyang inihatid nito si Athena pauwi. Kaagad na ngumilid ang luha, pinili niyang ibaling sa ibang bagay ang isipan. Alam naman niyang hindi siya lolokohin ni Alexander at ipagpapalit sa iba.Naagaw ang kanyang atensyon dahil sa pagtunog ng cellphone niya. At isang unknown register numbered ang tumatawag, at sa pagbabasakali na si Alexander na ito at kaagad niyang sinagot.“Alex?”“Hello, pa-pasensya na. Hindi ako si, Alex.” Boses ng babae ang sumagot kaya ganun na lang ang pagkunot-noo niya. Parang pamilyar din sa kaniya ang tinig nito.“Si-sino ka? Anong kailangan mo bakit ka napatawag?”“Ah, gu-gusto ko sanang kumustahin ang anak kong si, Euridice. Nariyan ba siya? Itong numero kasing ‘to ang binigay ng asawa ko

  • Taming Salvatore   CHAPTER 21: Death Of A Friend

    Biglang kinabig ni Alexander ang manibela pakanan, umiit ang gulong ng sasakyan. At gaya ng inaasahan, sumunod sa kanya ang dalawang motorsiklo na sa pagkakaalam ng mga ito kasama niya si Anya. Sa isang detour, kung saan ang road construction, itinigil ni Alexander ang sasakyan para salubungin ang naka-motorsiklo. Mabilis niyang inabot ang Center Console, kung saan nakatago ang baril niyang Beretta 92FS Inox Stainless. Kinasa niya ito at humigpit ang paghawak niya sa manibela para salubungin ang sakay ng motorsiklo. Inunahan na niya ang mga ito ng pagpapaulan ng putok nang makita niyang babarilin na siya.Bumagsak ang isa sa rider, tinamaan sa balikat habang ang isa naman sa ulo ito natamaan kaya gumewang ang motorsiklo nito at diretso sa poste kaya sumabog. Akmang tatakas naman ang isang may tama sa balikat nang walang awa itong binundol ni Alexander bagay para tumilapon ang sakay n’yon at gumulong sa semento habang duguan na. Hawak ang balikat, napapadaing. Bumaba si Alexander par

  • Taming Salvatore   CHAPTER 20: Death or Threat!

    TAHIMIK lang na nagmaneho si Alexander, hindi niya inihatid si Athena kahit panay pangungulit nito sa kaniya. At bago ito tumigil, pinakita na niya ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri, katibayan na siya ay kasal na. Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Athena, tanda ng kalungkutan nito.Sa bahay ni Dark Silvestre siya tumungo, gusto niya lang bisitahin ang taong gusto niya makausap. Kaibigan ang naging turing sa kaniya ni Dark na lagi niya naman tinatanggihan. Subalit, pagdating niya sa bahay nito isang balita ang natanggap niya. Dalawang araw na palang nawawala si Dark, habang sugatan ang mga tauhan nito kasama na doon si Demon, na kasalukuyan nasa kritikal na kondisyon. At mas nakakadurog ng puso ay nakita niya kung paano naghihinagpis ang asawa ni Dark na si Anya habang yakap ang mga anak.Noon din nilapitan niya si Anya habang igting ang panga.“Leave the search to me. Alam kong konektado ang lahat ng ito, Anya. Dark isn't just a friend...he's a

  • Taming Salvatore   CHAPTER 19: Jealous!

    KAAGAD na inabutan ni Marguxx ng tissue si Alexander nang magising na rin ito. Pumutok ang gilid ng labi ni Alexander, nasugatan pa nga kaya hindi magawang iangat ni Marguxx ang mukha para tingnan nang direkta ang boss niya.“Pasalamat ka at labi ko lang ang pumutok, Marguxx.”“Pasensya na boss, na-nataranta lang ako. Gu-gusto lang kitang iligtas.”“Tsk! Paano ako haharap kay, Euri nito?” Wala sa sariling naisatinig ni Alexander habang hinihipo ang labing dumudugo. “Paniguradong magtatanong ‘yun.”“Boss, hindi pa ba alam ni Miss Euridice kung ano ang kondisyon mo?”“Hindi. At hindi niya dapat malaman pa.”Napakamot na lang sa batok si Marguxx, at hilaw na napangiti.“Tama ka, boss. Mas mabuti na ‘yung hindi siya ma-involve sa gulo. Mukhang marami na rin siyang nadanas na pasakit kaya mas mabuti na ‘yung hindi na madagdagan pa.”Hindi umimik si Alexander, hanggang sa pareho silang napalingon mula sa mga boses na

  • Taming Salvatore   CHAPTER 18: The Rival Sick

    MAINGAT na nilapag ni Alexander sa ibabaw ng Overbed Table ang dinalang pagkain ni Marguxx para sa kanila ni Euridice. Isang chicken soup iyon, mainit-init pa, kasama na doon ang iba’t ibang pagkain at prutas. Ikaapat na araw na ni Euridice sa hospital at lalabas na sila ngayon para makapagpahinga na ito sa bagong bahay na pagmamay-ari niya. Nasa higaan si Euridice sa mga sandaling ‘yun, nakangiti lang itong nakatitig sa kaniya. “Go on, take your clothes off and get changed. Narito ang pinabili kong bagong damit kay Marguxx kasama na rito ang mga undergarments na pwede mong magamit.” Bumaba si Euridice sa higaan nito para lumapit sa tabi niya. Yumakap ito sa leeg niya at nangingiti siyang pinagmamasdan, at pinuri pagkatapos. “Aw! Napaka-swerte ko naman at naging asawa kita, Mister Salvatore. Ganito ka pala kasarap magmahal.” “Silly. You've had a hard time, that's why I want to spoil you, my wife. As long as I live, no one will dare to hurt you again.” Isang mabilis na halik ang g

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status