Share

Chapter 47

Third person point of view

Alas kwatro na ng hapon pero wala pa rin si Alisson, nag-aalala na si Leslie dahil baka kung ano na ang nangyaari sa boyfriend niya.

"Alliyah, can you call grandma and grandpa and tell to come here?" Tanong niya sa anak niya.

"Okay Mom, is everything okay?" Nag-aalalang tanong ng anak niya.

Tumango lang siya bilang sagot dahil ayaw niya itong pag-alalahanin.

Kaagad itong sumunod sa utos niya habang siya naman ay naiwan lang sa labas para magbantay in case na dumating na si Alisson.

Lumipas ang minuto hanggang sa sumapit ang oras pero wala pa rin Alisson ang dumadating.

Dumating na rin ang mga magulang niya maging ang magulang ni Alisson. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala.

"Have you tried calling him?" Tanong ng Mommy ni Alisson.

Tumango siya, "a hundred times," sagot niya at nagpapabalik-balik ang tingin sa harapan ng bahay nila.

"I even try calling Bran but he didn't answer my call either," sambit niya.

Nagtatakang nagtinginan ang mga magulang niya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status