"Mr. Saavedra?" Takang tanong ni Mr. De Vega.
Kapag nasa larangan ka ng negosyo at mataas ang estado sa buhay, imposibleng hindi mo kilala ang mga Saavedra.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Hindi siya pinansin ni Dylan, nakapako ang tingin nito sa kaawa-awang si Jenny na tigmak ng luha ang mukha.
Siya ang babaeng umiiyak kagabi sa mga bisig niya.
Walang anu-ano'y bigla nitong inundayan ng suntok si Mr. De Vega na nakapagpabagsak dito sa lupa.
"Puff!" Dumura si Mr. De Vega ng may kasamang ngipin at dugo.
Takot na takot ang mga Fernandez at hindi nila naiintindhan ang nangyayari.
Ngumisi si Dylan na naghatid ng kilabot sa mga taong naroon.
"You dared to touch my people?"
Natatarantang bumangon si Mr. De Vega at nanginginig sa takot na lumuhod sa harap nito.
"Sir, hindi ko po alam. Patawad, wala po akong ginawa. Pangako!"
"Sigurado ka?" Tanong nito saka lumingon kay Jenny.
"Wala, Wala," iling nito.
"Get lost before I change my mind!"
"Thank you Sir! Thank you!" Pasasalamat ni Mr. De Vega saka natatarantang umalis sa lugar na iyon.
Nagkatinginan ang pamilya Fernandez na nagtatangka sa kung anong nangyari.
Yumuko si Dylan upang maging magkapantay sila ni Jenny na nakasalampak sa lupa.
Hinaplos nito ang mukha ng lumuluhang dalaga na agad namang namula sa naramdamang kilig.
"Why are you crying? I'm here now. Don't be afraid, no one will dare to touch you again."
"Excuse me, pero kilala mo ba ako?" Tanong ni Jenny.
"Kagabi, presidential room number 7203 naaalala mo?"
Agad napagtanto nang mag-anak ang ibig sabihin nang lalake.
Hindi nagsisinungaling si Lucille, talagang nagpunta ito ngunit hindi nila alam kung anong nangyari at bakit sa hotel room ni Mr. Saavedra siya napadpad.
At kung sinuswerte nga naman sila ay mukhang hindi nito namukhaan si Lucille at napagkamalang siya si Jenny.
"Sorry pero maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ni Jenny
"Dylan, Dylan Saavedra."
Natulala ang mag-anak sa narinig. Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalan ng President ng Saavedra's group of companies. Sa pagkakalaam nila ay simpleng tao lang ito at hindi nagpapakita sa media at sa mga pangsosyalang salo-salo kaya iilan lang ang nakakakilala dito.
Ni hindi nga nila alam na bata pa ito at ubod ng guwapo.
"Suwerte nga naman, pagkakataon ko na 'to." Ani Jenny sa sarili.
"Nagkamali ako ng kuwartong napasukan kagabi, bakit ka naparito?"
Tinititigan ni Dylan ang kanyang Mukha, sinusubukang alalahanin ang ibang sandali ng namagitan sa kanilang dalawa ngunit wala siyang maalala. Hindi niya na 'yon binigyan pansin dahil ang importante ay nahanap na niya siya.
"You are already mine, and it just so happened that I need a wife. Let's get married!"
"Kasal?" Sabay na saad nang mag-asawa.
Lahat sila ay nagulat at sobrang saya sa swerteng bigla na lang kumatok sa kanilang mga buhay.
Dahil sa pagkabigla ay hindi kaagad nakasagot si Jenny.
"Bakit hindi ka sumasagot? Ayaw mo ba? Sorry kung nabigla--"
"Gusto ko! Sorry nagulat lang ako pero oo magpapakasal ako sayo," walang kiyemeng sagot nito.
"Alright! I will arrange the wedding all you have to do is to wait and to be my bride."
"Ikaw ang bahala," kunwa'y mahinhin na sagot ni Jenny.
Walang paglagyan ang saya ng mag-anak sa nangyari.
Ang pagpapakasal ni Jenny Kay Dylan Saavedra ay isa lamang ang ibig sabihin- magiging mayaman na mayaman na sila.
Saavedra's Residence
Ibinalik ni Don Antonio Saavedra ang kahon kay Lucille.
"Take it iha, it is really meant for you."
"Salamat Mr. Saavedra."
"Mr. Saavedra pa rin?"
Napabuntong hininga si Don Antonio.
"Noong iniligtas ako ng iyong Ina ay ibinigay ko sa kaniya ang porselas na iyan. I've even arranged your marriage with Dylan. Nawalan kami ng komunikasyon nitong mga nagdaang taon at hindi ko akalain na pumanaw na siya."
"Buti na lang at nahanap mo ako. Ang laki mo na, panahon na para makasal kayo. Bakit hindi mo ako tawaging Lolo?"nakangiting tanong nito kay Lucille.
Hindi masabi ni Lucille ang totoong pakay.
Sa totoo lang ay nabanggit ng kaniyang ina ang tungkol dito bago pa man ito pumanaw ngunit sinabihan siya nito na huwag itong seryosohin dahil masyado pa siyang bata.
Hindi siya narito para sa kasal. Ang pakay niya sana ay manghihiram siya ng pera para mabayaran ang utang nila at maipagamot ang kapatid niya.
Iniligtas ng kaniyang ina ang buhay nito, siguro naman ay mapapahiram siya nito kahit papaano. Handa naman siyang magtrabaho makabayad lang dito.
"Ang totoo po niyan---"
"Nandiyan na si Dylan," putol sa kaniya ng matanda.
Dahil nangako siya sa kaniyang Lolo na uuwi ay hindi siya nagtagal sa bahay ng mga Fernandez. Nang nasabi na niya ang planong pagpapakasal ay nagpaalam na rin siya para umuwi.
Tamang-tama at sasabihin niya ito sa Lolo niya, paniguradong matutuwa iyon.
Matikas na naglakad ang guwapong si Dylan papasok sa kanilang mansyon.
"Lo, nandito na ko! Tara na! Sasabayan kitang kumain pagkatapos ay maglaro tayo ng chess!" Masayang bati niya sa kaniyang abuelo.
Bahagya siyang napatigil nang mapansin na may kausap ang kaniyang Lolo.
Para siyang nahipnotismo nang mapatitig siya sa napakaamong mukha nito.
Payat siya, maputi at talaga namang mapapalingon ka sa lakas ng dating kahit pa napakasimple lamang ng suot nitong damit.
Masaya siyang hinila ng kaniyang Lolo para ipakilala sa dalaga.
"Dylan, ito si Lucille ang fiance mo. Lucille si Dylan ang apo ko. Ikakasal kayo sa lalong madaling panahon."
Agad napalitan ang magandang mood ni Dylan.
"Siya pala ang tinutukoy ni Lolo na fiance ko simula pagkabata."
"Kung dumating siya dalawang araw ang nakakaraan ay walang problema sanang poop pakasalan siya. Kaso ay nandiyan na si Jenny na pinangakuan niya ng kasal. Hindi ko puwedeng pabayaan si Jenny."
"Sorry Lolo pero hindi ko ho siya magagawang pakasalan."
"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ng kaniyang lolo.
"Hindi ko po siya magagawang pakasalan Lo, nahanap ko na po ang babaeng gusto kong pakasalan."
"Kalokohan!" Sigaw ng matanda.
"Hindi kalokohan ang sinasabi ko Lo, ang sinasabi ko po ay hindi ko siya pakakasalan." Nagpapasensyang sagot ni Dylan.
"And you actually take childhood marriages seriously?" Baling nito kay Lucille.
"Tumahimik ka!" Sigaw ng matanda saka napahawak sa dibdib at tila nahihirapan huminga.
"Hindi kita pinalaking ganiyan. Anong tinuro ko sa'yo? Be a man and keep your word! You are putting me in an unfair situation! Ah!" Bigla na lamang napapikit ang matanda at saka tuluyang bumagsak sa sahig.
"Lolo!"
"Mr. Saavedra!"
Agad nilang dinala si Mr. Saavedra sa ospital matapos ang nangyari.
Matapos siguraduhin na maayos na ang lagay ng kaniyang Lolo ay lumabas siya at doon ay naghihintay si Lucille na hindi mapakali sa labis na pag-aalala.
"Okay lang ba siya?" Tanong ni Lucille Kay Dylan.
"Yeah." Sagot nito na hindi maipinta ang mukha.
"Kung alam ko lang na ganito ka big deal ang kasal Kay Mr. Saavedra, hindi na sana ako nagpakita." ani Lucille sa sarili.
"Ngayong okay na si Mr. Saavedra---
Naputok ang kaniyang sasabihin nang tingnan siya ng matalim ni Dylan.
"Ngayon ano? Nakita mo kung anong gulong ginawa mo?"
Galit sa kaniya si Dylan, kung hindi dahil sa kaniya ay hindi lalala ang kalagayan ng kaniyang Lolo.
Labis nitong pinahahalagahan ang kaniyang mga salita at binibitwang pangako. Mahalaga sa Lolo niya ang pagtupad sa mga ito. At hindi niya kayang isugal ang buhay ng pinakamamahal niyang Lolo.
"Look Dylan, hindi ako nandito para sa kasal,"
"Shut up! Anong gusto mong maging papel ko? Isang sutil na tagapagmana na ginalit ang Lolo hanggang sa mamatay? Kailangang maituloy ang kasal," malamig na saad ni Dylan.
Nagulat si Lucille sa narinig, gusto niyang tumanggi pero tila siya tinakasan ng sariling boses.
Inatake si Mr. Saavedra at siya ang may kasalanan, kung hindi lang sana siya nagpunta sa bahay nito.
"Gumawa tayo ng kasunduan, magpapakasal tayo para mapagbigyan si Lolo pero sa papel lang. Hindi natin papakialaman ang sa isat-isa at kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce na tayo!"
Marriage by agreement, iyon lang at wala ng iba.
Maaga pa lang ng umaga, kakadating pa lang ni Dylan sa opisina nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Jane."Dylan..." mahinahong sabi ni Jane, tila may pag-aalangan sa boses."Bakit?" sagot ni Dylan habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya."Ahm... my mom wants to invite you for dinner tonight. Pwede ka ba?"Agad na kinabahan si Jane, natatakot na baka tanggihan siya ni Dylan. Kaya naman mabilis niyang idinugtong, "Birthday niya kasi tonight... she will be very happy if you come. Please, Dylan? Okay lang ba?"Natahimik si Dylan saglit. Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, halatang pagod. Pero sa huli, sumagot ito."Okay, pupunta ako."Kinagabihan. Hindi mapakali si Jane habang naghahanda ng hapunan."Ma, okay na ba talaga?" tanong niya habang inaayos ang hapag-kainan.Napatingin si Shawnren sa anak at tumaas ang kilay, "Relax, Jane. Kung hindi ka makakahinga nang maayos, paano ka magiging isang mabuting Mrs. Saavedra sa future, ha?" may bahid ng biro
Habang magkasabay na naglalakad sina Lucille at Dylan, napansin nilang naglalaro ng chess si Rodrigo kasama ang matandang lalaki. Si Dylan ang sinadyang tawagan ni Rodrigo para umuwi ng maaga.Masayang ibinalita ni Lucille ang tungkol sa nakatakdang operasyon ni Rodrigo."Grandpa, ayos na po lahat. Nakausap ko na si Dr. De Mesa, kayo na lang po ang pipili ng araw para sa surgery ninyo."Ngunit sa halip na sumang-ayon, ngumiti lamang si Rodrigo at umiling."Wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon."Nagkatinginan sina Lucille at Dylan, litong-lito sa sinabi ng matanda.Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok si Liam, bitbit ang isang tambak ng mga magazine, picture albums, at kung anu-ano pa."Sir."Lumapit si Liam, inilapag ang mga bitbit sa lamesa, saka lumingon kina Dylan at Lucille."Tingnan n'yo ito nang mabuti."Nagtinginan silang dalawa. Para saan ito?Ngumiti si Rodrigo at ipinaliwanag."Mga wedding dress styles 'yan at mga venue para sa kasal. Piliin n'yo kung alin ang mag
Sa isang bihirang araw na pahinga, abala pa rin si Lucille.Natapos na niya ang mga translation na tinanggap niya noon, at ngayong araw ay makikipagkita siya sa editor-in-chief.Kasabay nito, nagdesisyon na rin siyang mag-resign sa trabahong iyon.Ngayong alam na niya ang intensyon ni Kevin, kailangan niyang putulin na ang anumang pag-asa nito, kaya hindi na niya matatanggap ang kabutihang ipinapakita nito.Bukod pa rito, kailangan na niyang maghanda para sa exam at sabay na rin niyang kukunin ang trabaho ni Yang Huaiqing, kaya wala na siyang oras para sa iba pang bagay.Nanghinayang ang editor-in-chief.Pumunta si Lucille kay Michaela, na ganoon din ang naramdaman.Pero iba ang naging pokus nito."Wala na talagang pag-asa si Kevin?"Nabanggit na sa kanya ni Eaen ang tungkol dito. Alam ni Michaela na hindi naging madali ang buhay ni Kevin nitong mga nakaraang taon.Pumikit sandali si Lucille at malinaw ang kanyang isipan."Hindi ako matatanggap ng pamilya ni Kevin. Ang sakit na iyon,
Nararamdaman niya na kailangan na niyang umalis sa Liwan ngayon. Ayaw niyang manatili sa iisang silid kasama si Lucille kahit isang segundo pa.Pero gabi na, malakas pa rin ang ulan sa labas, at bukas ng umaga, kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo.Naiinis na kinuha ni Dylan ang sigarilyo, sinindihan ito, humithit ng dalawang beses, at pumasok sa guest room.Buti na lang at laging malinis ang mga ekstrang kwarto sa bahay ng mga Saavedra, kung hindi, hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.Nakahiga siya sa sofa, at doon niya naramdaman ang lamig sa kanyang katawan.Dahil lahat kay Lucille, pero siya, wala man lang pakialam.—Kinabukasan ng umaga, napansin ni Liam na magkaibang kwarto ang tinulugan ng mag-asawa, kaya agad niya itong sinabi kay Rodrigo.Tumango si Rodrigo. “Hayaan mo sila, bata pa naman. Kung hindi sila mag-aaway ngayon, kailan pa? Kapag matanda na?”Napatawa si Liam. “Sa tingin ko nga po, gusto ni Sir Denver si Lucille. Hindi siya m
"Anong gagawin mo?" Napatitig si Lucille, hindi maintindihan ang inaasta ni Dylan habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya.Ang gwapong mukha ni Dylan ay malamig at seryoso, at ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay puno ng bigat."Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba't binigyan na kita ng card? Wala ka bang magamit na pera?""Ha?"Nanlaki ang mata ni Lucille, hindi inaasahan na magagalit ito ng ganoon lang.Napapaso na rin ang pasensya niya.Itinulak niya si Dylan gamit ang libreng kamay niya. "Lumabas ka! Ayoko kang makita! Matutulog na ako!"Pero nanatili lang si Dylan sa kinatatayuan niya, hindi man lang natinag."Ikaw..." Napatigil si Lucille, sabay taas ng tingin sa kanya. Nang titigan siya ni Dylan, may kung anong ekspresyon sa mga mata nito—parang may nakita itong ibang emosyon sa kanya.Saka lang napansin ni Dylan ang ice pack sa pisngi ni Lucille.Bigla niyang naalala ang nangyari kanina—nasampal siya ni Shawnren!Hinawakan niya ang pulso ni Lucille
Nagulat si LucilleNakita niyang inilabas ni Albert ang kanyang pitaka. Sa edad niyang iyon, nakasanayan pa rin niyang magdala ng pera.Agad niyang kinuha ang isang bungkos ng salapi at iniabot ito kay Lucille."Kulang ba ang pera mo? Narito si Daddy, kunin mo muna ito. Kung hindi pa sapat, bibigyan pa kita."Hindi gumalaw si Lucille.Ano 'to?Matapos siyang balewalain ng kanyang ama mula noong walong taong gulang siya, ngayon bigla na lang itong nag-aalala sa kanya?Nang hindi niya kinuha ang pera, wala nang nagawa si Albert kundi hawakan ang kamay niya at pilit ipinasok ang pera rito."Sige na, tanggapin mo na."Kumunot ang noo ni Lucille at mabilis na hinila ang kanyang kamay palayo.Malamig at matigas ang kanyang ekspresyon. Ano man ang dahilan ng pagiging kakaiba ng kanyang ama ngayon, hindi niya matatanggap ang ipinapakitang malasakit nito."Kunin mo na!""Ayoko!" sagot niya bago tumalikod at lumakad palayo."Lucille, huwag kang umalis!"Pero hinawakan siya ni Albert.Dahil ayaw