Naiintindihan ni Lucille ngunit para sa kaniya ay hindi ganoon lamang ang pagpapakasal.
Umiling siya, senyales ng kaniyang pagtanggi.
"Kailangan ba talaga? Baka puwedeng---
Pinutol ni Dylan ang kaniyang mga nais pang sabihin.
Hindi nagbabago ang anyo nito at tila talagang buo na ang loob sa kaniyang desisyon.
"Bilang kapalit ng pagpayag mo ay babayaran kita."
Napalunok siya sa narinig. Naisip niya ang kapatid na nangangailangan ng pampagamot at iyon talaga ang sadya niya kaya siya nagpunta sa bahay ng mga ito.
"Basta pumayag ka lang ay ibibigay ko kahit pa magkano ang hingin mo," dagdag pa niya nang makitang tila nagdadalawang isip ito.
"Sige pumapayag ako," sagot nito.
Pilit niyang itinatago ang sarkasmo sa kaniyang ngiti pero para sa kaniya ay napakababa ng babaeng handang magpakasal para lang sa pera.
Pero maigi na rin 'yon, hindi siya mahihirapan na alisin ito sa buhay niya pagdating ng tamang panahon.
"Okay, aayusin ko na ang mga kailangan. Bukas ay magkita tayo sa munisipyo, magdala ka ng valid ID mo."
"Okay."
Kinabukasan ay naghihintay na si Lucille sa labas ng opisina ng mayor na magkakasal sa kanila.
z Hinqdi siya nakatulog ng maayos at hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin siya.Nang matanaw niya si Dylan ay bahagya siyang ngumiti.
"Dylan."
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata at tuloy-tuloy itong naglakad papasok ng opisina.
"Tara na!"
"Heto na."
Matapos ang lahat ng seremonyas ng kasal nila ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na siya.
Para lang maging maayos silang magkapatid sa buhay ay una niyang binenta ang kaniyang katawan, Ngayon Naman pati ang kaniyang kasal.
Dalawa ang nakaparadang sasakyan pag labas nila.
"Sumakay ka na, dadalhin ka ng driver kung saan ka tutuloy."
"Hi there sis in law!" Magiliw na bati ni Jerome.
Lumapit ito sa kaniya at inabot ang isang card.
"Galing 'yan kay Kuya."
"Salamat!" Natutuwang saad ni Lucille.
Hindi siya pinansin ni Dylan, para sa kaniya ay Isa iyong transaksyon kaya hindi dapat ipagpasalamat.
"At Jerome, huwag mo siyang tawaging sister in law."
Hindi sumunod si Lucille sa driver, matapos niyang kunin ang address ng kaniyang magiging tirahan ay dumiretso siya sa ospital.
Sa kabilang sasakyan ay inutusan ni Dylan si Jerome.
"Puntahan mo si Jenny, sabihin mong hindi na matutuloy ang kasal. Ibigay mo ang kung ano mang makakapagpasaya sa kaniya."
"Masusunod kuya!"
Tumunog ang cellphone ni Dylan at isa itong text galing sa kaniyang bangko.
"Ang laki kaagad ng nagastos ko sa mismong araw na kinuha ko ang card," mapaklang saad nito.
Pagtapos magbayad sa ospital ay inilista niya sa kaniyang planner na siya ay may utang Kay Dylan na dalawang daang piso.
Wala siyang balak na gamitin ang pera nito sa kung saan at wala pa man siyang kakayahan ngayon, sisiguraduhin niyang mababayaran niya ito pagdating ng panahon.
Matapos ayusin ang bayarin ay nakahinga na siya. Biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod at hindi na siya makabangon. Masakit ang mga katawan niya at pinagpapawisan siya ng malamig.
Isa siyang intern at alam niya kung anong problema sa kaniya. Simula nang makauwi siya galing sa Hotel dalawang araw na ang nakalipas ay hindi na maayos ang kaniyang pakiramdam.
Ngayon lamang siya may panahon kaya hindi na siya magpapatumpik-tumpik at nagpaschedule ng appointment sa Gynecologist.
---
Habang nasa meeting si Dylan ay nakatanggap siya ng tawag mula Kay Jerome.
"Kuya! May nangyari kay Jenny, matapos kong sabihin na hindi na matutuloy ang kasal ay nawalan ito ng malay at kasalukuyang nasa ospital ngayon."
"Papunta na 'ko!"
"Ang kawawa kong anak, pinangakuan ng kasal pero hindi tinupad," naaawang saad ni Martha kay Jenny na walang humpay ang pag iyak.
"Nagpaksal siya sa iba Ma, napakamalas ko!" Hindi matanggap na saad nito.
Dumating si Dylan at inabutang umiiyak si Jenny.
Ayaw niya sa mga babaeng umiiyak pero dahil si Jenny ang unang babaeng dumaan sa kaniya ay kailangan niyang habaan ang kaniyang pasensya.
"Napakabilis ng mga pangyayari, kinailangan ko siyang pakasalan dahil sa maraming dahilan. Pero huwag kang mag-alala, Wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa at maghihiwalay din sa tamang panahon. Hindi ko babaliin ang pangako ko sa'yo pero kailangan mong maghintay," paliwanag ni Dylan.
"Talaga?" Tanong ni Martha?
"Hindi mo ba niloloko si Jenny?"
"Pinagdududahan mo ba ako?" Tanong pabalik ni Dylan. Ayaw niya sa lahat ay ang pinagdududahan siya.
Inabot ni Jenny ang kaniyang braso.
"Naniniwala ako sa'yo," saad nito na nakapagpagaan ng loob niya.
Nagkaroon siya ng kasalanan dito tuloy ay napahamak pa ito. Lahat ito ay dahil Kay Lucille.
"Magpahinga ka na at huwag nang mag-isip ng kung anu-ano."
"Makikinig ako sa'yo."
Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Jenny ay babalik na sana siya sa opisina, ngunit may nakita siyang pamilyar na bulto sa lobby.
"Si Lucille ba 'yon?"
Hindi siya umuwi ng Tagaytay, anong ginagawa niya rito?
Sinundan niya ito at nalukot ang mukha niya nang makitang pumasok ito sa clinic ng isang Gynecologist.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay lumabas si Lucille, namumutla at nakaalay sa pader habang naglalakad.
Hindi niya napansin nang mabunggo niya si Dylan.
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Lucille.
Hindi niya pinansin ang tanong nito bagkus ay ibinalik sa kaniya ang tanong.
"Anong ginagawa mo sa opisina ng Gynecologist?"
"Sa akin na lang 'yon, hindi mo na kailangang malaman pa," sagot niya.
Bumukas ang pinto ng opisina at sumigaw ang isang nurse habang hawak ang mga medical records.
"Miss Lucille, nahulog ang mga medical records mo!"
"Oh, thank you!"
Nang akmang kukunin na ni Lucille ang records ay naunahan siya ni Dylan.
"Ano ba? Akin na 'yan! Hindi mo puwedeng makita 'yan!" Natatarantang saad niya habang pilit na inaabot ang mga papel sa kamay ni Dylan.
"At bakit hindi?"
"Sinabing huwag mong tingnan eh!"
Dahil sa angking tangkad ay hindi maabot ni Lucille ang mga papel na nasa kamay ni Dylan, kaya naman ay tagumpay itong nakita ang resulta ng eksamin na ginawa sa kaniya.
"Anong nakakahiyang sakit 'yang nakuha mo?" Madilim ang mukhang tanong ni Dylan.
Napapikit sa hiya si Lucille at tila tinakasan ang kulay ng mukha.
Hindi na nakatiis ang nurse sa kaniyang mga naririnig kaya naman nagsalita na ito.
"Ikaw ang boyfriend niya pero hindi mo alam? Nasugatan siya at kinailangan niyang sumailalim sa debridement para mapabilis ang pag galing ng sugat niya. Huwag nga puro sarili mo lang ang isipin mo. Tratuhin mo ng tama ang girlfriend mo!"
Sa isip ni Dylan ay maduming babae si Lucille.
Hindi siya makapaniwalang pinakasalan niya ito. Nalungkot at napahamak pa si Jenny ng dahil sa ganitong klaseng babae.
"Grabe hindi lang makapal ang mukha mo, walang niya kapa!" Nandidiring asik ni Dylan kay Lucille sabay kaladkad dito.
"Saan mo 'ko dadalhin?"
"Kay Lolo!"
"Kailangang malaman ni Lolo kung anong klaseng tao ka! Ang kapal ng mukha mong pumunta sa bahay para hilingin na tuparin ang kasunduan!" Gitil na saad nito.
Paulit-ulit na humihingi ng tawad si Lucille pero talagang galit si Dylan.
Gusto niyang ipaalala kay Dylan na sa kaniyang ideya na ituloy ang kasal at kasal lamang sila sa papel at walang pakialamanan sa isa't-isa pero dahil nabigyan siya ng malaking pabor ni Dylan ay hahayaan na lamang niya ito sa nais nitong Gawin.
Nang makarating sila sa kuwarto ng kaniyang Lolo ay marahas niyang binuksan ang pinto at marahas siyang hinila papasok.
"Go! Ngayon mo sabihin Kay Lolo kung anong klaseng tao ka!"
Maaga pa lang ng umaga, kakadating pa lang ni Dylan sa opisina nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Jane."Dylan..." mahinahong sabi ni Jane, tila may pag-aalangan sa boses."Bakit?" sagot ni Dylan habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya."Ahm... my mom wants to invite you for dinner tonight. Pwede ka ba?"Agad na kinabahan si Jane, natatakot na baka tanggihan siya ni Dylan. Kaya naman mabilis niyang idinugtong, "Birthday niya kasi tonight... she will be very happy if you come. Please, Dylan? Okay lang ba?"Natahimik si Dylan saglit. Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, halatang pagod. Pero sa huli, sumagot ito."Okay, pupunta ako."Kinagabihan. Hindi mapakali si Jane habang naghahanda ng hapunan."Ma, okay na ba talaga?" tanong niya habang inaayos ang hapag-kainan.Napatingin si Shawnren sa anak at tumaas ang kilay, "Relax, Jane. Kung hindi ka makakahinga nang maayos, paano ka magiging isang mabuting Mrs. Saavedra sa future, ha?" may bahid ng biro
Habang magkasabay na naglalakad sina Lucille at Dylan, napansin nilang naglalaro ng chess si Rodrigo kasama ang matandang lalaki. Si Dylan ang sinadyang tawagan ni Rodrigo para umuwi ng maaga.Masayang ibinalita ni Lucille ang tungkol sa nakatakdang operasyon ni Rodrigo."Grandpa, ayos na po lahat. Nakausap ko na si Dr. De Mesa, kayo na lang po ang pipili ng araw para sa surgery ninyo."Ngunit sa halip na sumang-ayon, ngumiti lamang si Rodrigo at umiling."Wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon."Nagkatinginan sina Lucille at Dylan, litong-lito sa sinabi ng matanda.Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok si Liam, bitbit ang isang tambak ng mga magazine, picture albums, at kung anu-ano pa."Sir."Lumapit si Liam, inilapag ang mga bitbit sa lamesa, saka lumingon kina Dylan at Lucille."Tingnan n'yo ito nang mabuti."Nagtinginan silang dalawa. Para saan ito?Ngumiti si Rodrigo at ipinaliwanag."Mga wedding dress styles 'yan at mga venue para sa kasal. Piliin n'yo kung alin ang mag
Sa isang bihirang araw na pahinga, abala pa rin si Lucille.Natapos na niya ang mga translation na tinanggap niya noon, at ngayong araw ay makikipagkita siya sa editor-in-chief.Kasabay nito, nagdesisyon na rin siyang mag-resign sa trabahong iyon.Ngayong alam na niya ang intensyon ni Kevin, kailangan niyang putulin na ang anumang pag-asa nito, kaya hindi na niya matatanggap ang kabutihang ipinapakita nito.Bukod pa rito, kailangan na niyang maghanda para sa exam at sabay na rin niyang kukunin ang trabaho ni Yang Huaiqing, kaya wala na siyang oras para sa iba pang bagay.Nanghinayang ang editor-in-chief.Pumunta si Lucille kay Michaela, na ganoon din ang naramdaman.Pero iba ang naging pokus nito."Wala na talagang pag-asa si Kevin?"Nabanggit na sa kanya ni Eaen ang tungkol dito. Alam ni Michaela na hindi naging madali ang buhay ni Kevin nitong mga nakaraang taon.Pumikit sandali si Lucille at malinaw ang kanyang isipan."Hindi ako matatanggap ng pamilya ni Kevin. Ang sakit na iyon,
Nararamdaman niya na kailangan na niyang umalis sa Liwan ngayon. Ayaw niyang manatili sa iisang silid kasama si Lucille kahit isang segundo pa.Pero gabi na, malakas pa rin ang ulan sa labas, at bukas ng umaga, kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo.Naiinis na kinuha ni Dylan ang sigarilyo, sinindihan ito, humithit ng dalawang beses, at pumasok sa guest room.Buti na lang at laging malinis ang mga ekstrang kwarto sa bahay ng mga Saavedra, kung hindi, hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.Nakahiga siya sa sofa, at doon niya naramdaman ang lamig sa kanyang katawan.Dahil lahat kay Lucille, pero siya, wala man lang pakialam.—Kinabukasan ng umaga, napansin ni Liam na magkaibang kwarto ang tinulugan ng mag-asawa, kaya agad niya itong sinabi kay Rodrigo.Tumango si Rodrigo. “Hayaan mo sila, bata pa naman. Kung hindi sila mag-aaway ngayon, kailan pa? Kapag matanda na?”Napatawa si Liam. “Sa tingin ko nga po, gusto ni Sir Denver si Lucille. Hindi siya m
"Anong gagawin mo?" Napatitig si Lucille, hindi maintindihan ang inaasta ni Dylan habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya.Ang gwapong mukha ni Dylan ay malamig at seryoso, at ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay puno ng bigat."Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba't binigyan na kita ng card? Wala ka bang magamit na pera?""Ha?"Nanlaki ang mata ni Lucille, hindi inaasahan na magagalit ito ng ganoon lang.Napapaso na rin ang pasensya niya.Itinulak niya si Dylan gamit ang libreng kamay niya. "Lumabas ka! Ayoko kang makita! Matutulog na ako!"Pero nanatili lang si Dylan sa kinatatayuan niya, hindi man lang natinag."Ikaw..." Napatigil si Lucille, sabay taas ng tingin sa kanya. Nang titigan siya ni Dylan, may kung anong ekspresyon sa mga mata nito—parang may nakita itong ibang emosyon sa kanya.Saka lang napansin ni Dylan ang ice pack sa pisngi ni Lucille.Bigla niyang naalala ang nangyari kanina—nasampal siya ni Shawnren!Hinawakan niya ang pulso ni Lucille
Nagulat si LucilleNakita niyang inilabas ni Albert ang kanyang pitaka. Sa edad niyang iyon, nakasanayan pa rin niyang magdala ng pera.Agad niyang kinuha ang isang bungkos ng salapi at iniabot ito kay Lucille."Kulang ba ang pera mo? Narito si Daddy, kunin mo muna ito. Kung hindi pa sapat, bibigyan pa kita."Hindi gumalaw si Lucille.Ano 'to?Matapos siyang balewalain ng kanyang ama mula noong walong taong gulang siya, ngayon bigla na lang itong nag-aalala sa kanya?Nang hindi niya kinuha ang pera, wala nang nagawa si Albert kundi hawakan ang kamay niya at pilit ipinasok ang pera rito."Sige na, tanggapin mo na."Kumunot ang noo ni Lucille at mabilis na hinila ang kanyang kamay palayo.Malamig at matigas ang kanyang ekspresyon. Ano man ang dahilan ng pagiging kakaiba ng kanyang ama ngayon, hindi niya matatanggap ang ipinapakitang malasakit nito."Kunin mo na!""Ayoko!" sagot niya bago tumalikod at lumakad palayo."Lucille, huwag kang umalis!"Pero hinawakan siya ni Albert.Dahil ayaw