Share

Chapter 5

"Kailangan ko ba talagang sumama sa'yo? Hindi ba puwedeng dito nalang ako?" Nakasimangot kong tanong kay Deolino habang pinapanood ko siya na nagsusuot ng sapatos.

"Hindi puwede. Isa pa, nakaayos ka na." Sagot niya sa akin habang tinatali niya ang sintas ng kanyang sapatos.

"Gusto ko pang matulog, eh." Pabulong kong reklamo ngunit tila narinig naman niya.

Tiningnan niya ako ng matalim habang nakataas ang isang kilay. "Puwede bang tumigil ka na sa pagrereklamo mo? Linggo ngayon, araw ng Diyos. Ibigay mo ang araw na'to sa KANYA. Tulog ka ng tulog, di ka naman bumabait."

Kumunot ang aking noo. "Ano namang kinalaman ng tulog sa pagiging mabait?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Isa pa, dati naman na akong mabait. Sa mga katulad mo lang talaga na masasama ang ugali lumalabas ang pagiging m*****a ko."

Uupo sana ako nang bigla siyang tumayo at hinila ang isang kamay ko na bahagya kong ikinagulat.

"Ang dami mong sinasabi. Tara na." He said saka muli akong hinila palabas ng bahay.

Iwinasiwas ko ang aking kamay upang mabitawan niya ako. Hindi naman niya inalintana iyon. Sa halip ay isinara na lamang niya ang pintuan ng bahay at ini-lock iyon.

Nang muli siyang humarap sa akin ay muli na naman niyang kinuha ang isang kamay ko. Nauna siyang maglakad at dahil hawak niya ang kamay ko, parang hinihila na niya ako.

Pilit akong kumawala sa hawak niya ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba! Let go of me!" I whispered through gritted teeth.

Ramdam ko ang tingin sa amin ng bawat taong nadadaanan namin. They were giving us curious stares na hindi ko nagugustuhan. Baka kung ano pa ang isipin nila tungkol sa aming dalawa ni Deolino.

God! I don't even want to be associated with this man!

Hindi talaga niya binitiwan ang kamay ko which made me feel uncomfortable. Magaspang ang palad niya, matigas. So manly.

"Deolino! Uyab nimo na?" (Deolino! Girlfriend mo ba iyan?) Tanong ng isang lalaki na nakasalubong namin. Matangkad ito ngunit medyo may kapayatan. Nakangisi ito kaya't kitang-kita ko ang bungal niyang mga ngipin.

Napangiwi ako.

"Ngano man? Gwapa noh?" (Bakit? Ang ganda, ano?"

"Lagi bay! Naka-jackpot jud ka ba! Aha man na nimo nakita?" (Oo nga! Naka-jackpot ka! Saan mo ba nakita 'yan?)

Kumunot ang aking noo. Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila.

Ngumisi si Deolino.

"Diha ra gud sa kilid-kilid." (Sa tabi-tabi lang)

Biglang tumawa ng malakas ang payat na lalaki.

Hindi ko naman napigilang itaas ang aking isang kilay nang pasadahan ako ng tingin ng lalaki.

"What are you looking at?" Suplada kong tanong.

Muling tumawa ng payat na lalaki. "Yawa! Ga-english pa jud! Lahi rajud ka bay!" (Tangina! Nage-english pa! Iba ka talaga!) Anang payat na lalaki saka nakipaghigh-five pa kay Deolino.

Nawalan na ako ng gana na makinig pa sa usapan nila. Wala rin naman akong naiintindihan.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay umalis na ang lalaki at nagsimula na kaming maglakad ulit ni Deolino patungo sa simbahan.

"Kanina nagmamadali tapos ngayon, siya din pala ang magiging dahilan kung bakit matatagalan kami." Pagpaparinig ko. "Bitawan mo na nga ang kamay ko! Naaalibadbaran ako sa'yo!" I said saka pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Tss. Tumahimik ka nga. Ang sakit sa tainga 'yang boses mo." Aniya na ikinasimangot ko.

Hindi niya talaga binitiwan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa simbahan.

Muli ay naramdaman ko na naman ang titig ng mga taong nasa simbahan nang pumasok kami ni Deolino.

Geez! Ganito ba talaga ako kaganda that people can't help but stare at me every time I am around?

Umupo kami sa pangalawang bangko mula sa huling upuan. Pinauna niya ako sa pag-upo at doon lamang niya binitiwan ang kamay ko.

Gentleman din pala ang isang 'to? Hindi halata eh.

Alam kong masama pero wala talaga sa Pari na nasa harapan at nagsasalita ang atensiyon ko. Wala rin akong maintindihan sa mga sinabi niya. Antok na antok pa ako at ang gusto ko lamang ay matulog.

Sinimplehan ko ng tingin si Deolino na seryosong nakikinig sa Pari.

Okay, I must admit. He's not that bad.

Mahahaba at mapipilantik ang kanyang mga pilikmata. Matangos din ang kanyang ilong and his lips were wide. His upper lip is thin while his lower lip is full.

Personally, mas gusto ko ang lalaking manipis ang labi but to be fair, bumagay kay Deolino ang labi niya.

He is oozing with manliness. His skin color, his posture at ang mga bigote sa kanyang mukha screams manliness.

Parang gusto kong sumipol bigla.

Nakatitig pa rin ako sa kanya at tila napansin naman niya iyon dahil bigla siyang lumingon sa akin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at umaktong nakikinig sa Pari.

Nagulat na lamang ako when he leaned closer towards me and whispered into my ear that made my heart beat faster.

"Huwag kang titig ng titig sa akin. Baka matunaw ako. Sabihin mo nalang kasi na nagagwapuhan ka sa akin."

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga na nagpatindig sa aking mga balahibo.

Mabilis akong lumayo mula sa kanya. Nabangga ko pa ang braso ng katabi kong matandang babae na binigyan ako ng masamang tingin at inirapan pa ako bago muling ibinaling ang tingin sa harapan. Maarte nitong pinapaypayan ang kanyang sarili.

Napaingos ako.

Tingnan mo nga naman, nagsisimba pero ang sama naman ng ugali. Kaya hindi ako madalas nagsisimba eh. Naiirita ako sa mga ganitong klase ng tao. Walang palya sa pagsisimba, palaging nagdadasal at laging tinatawag ang pangalan ng Diyos pero maiitim naman ang budhi. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang pumuna at bantayan ang kilos ng ibang tao kahit nasa simbahan pa sila. 'Yung iba naman, nagtsitsismisan pa habang ang iba, abala sa paggamit ng cellphones nila. At ang iba, reklamo ng reklamo dahil ang tagal matapos ng Pari. Hindi nga ata nila pinapasok sa puso at isipan nila ang lahat ng sinabi ng Pari.

"Huwag mo nang pansinin. Makinig ka nalang." Ani Deolino na mukhang nakita ang ginawang pag-irap sa akin ng matanda.

Kung sana naiintindihan ko ang salita nila, ano? Paano ako makakapagconcentrate sa pakikinig kung wala naman akong naiintindihan.

Pero hindi ko na sinagot si Deolino. At kagaya ng sinabi niya, nakinig ako. I tried to listen kahit wala naman talaga akong naiintindihan.

"Peace." Nakangiting at tumatangong sabi ng babae na nasa harapan ko nang lumingon siya sa akin.

"Peace." Nakangiti ko namang tugon sa kanya.

Ganoon rin ang ginawa ko sa ibang tao. Ganoon rin sana ang gagawin ko sa matandang katabi ko ngunit hindi naman niya ako hinarap o nilingon man lang na ikinasimangot ko.

Ngunit kaagad naman akong napalingon kay Deolino nang kalabitin niya ang balikat ko.

"Peace." He said at ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking mga labi.

Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan habang nakangisi naman siya.

He raised his hand and gave me a peace sign while saying, "Peace".

Wala sa sariling napahawak ako sa aking d****b na malakas ang tibok.

Kung bakit ganoon lamang kabilis ang tibok ng aking puso ay hindi ko alam.

Hanggang sa matapos ang misa ay hindi na ako umimik. Tila lutang ako. And my heart is still beating so fast.

What the hell is this? Hindi naman na ako gulat.

Ni hindi ko na namalayan na hindi na pala daan papauwi sa bahay niya ang tinatahak namin.

Saka lamang ako tila nagising nang muli niyang kinuha ang kamay ko then he pulled me close to him as we cross the street.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong when we finally crossed the street.

"Sa palengke." Maikli niyang tugon.

"Anong gagawin natin 'dun?" Muli ay nagtataka kong tanong.

Sandali niya akong tiningnan habang nakataas ang isang kilay.

"Ano bang ginagawa sa palengke? Diba namamalengke?" He answered sarcastically saka niya ibinalik ang tingin sa kalsada.

I pulled my hand that he's holding.

"Tsk. Maayos ang tanong ko kaya sana, maayos din ang sagot mo! At isa pa, ba't ba hawak ka ng hawak sa kamay ko, ha?! Kanina ka pa!" Suplada kong sagot sa kanya na sinabayan ko pa ng pag-irap.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla na lamang akong natalisod at nawalan ng balanse. Handa na sana akong sumubsob sa sementadong daan na nilalakaran namin nang maging maagap si Deolino at hinapit ako sa beywang dahilan upang hindi ako tuluyang matumba.

Napahawak ako sa kanyang damit.

"See? Ito ang dahilan kaya hinahawakan ko ang kamay mo." Aniya habang seryosong nakatingin sa akin.

Magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha na ikinalaki ng aking mga mata.

Mabilis akong bumitaw mula sa pagkakapit sa kanyang damit saka ako umayos ng pagtayo at itinulak siya dahilan upang mawala ang kamay niyang nakapalibot sa beywang ko.

"I am not that clumsy!"

Nauna na akong maglakad at gusto kong magmura nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi at mga tainga.

What the fuck! Why the hell am I blushing?

"Hoy!" Narinig kong sigaw ni Deolino.

Galit ko siyang nilingon habang naglalakad pa rin.

"Hindi hoy ang pangalan ko!" I shouted.

"Hindi daw hoy ang pangalan pero lumingon naman." Narinig kong sabi niya ngunit hindi na ako nagtangkang lingunin pa siya ulit.

Dahil baka sa pangalawang beses na lingunin ko siya ay mapansin na niya ang pamumula ng mga pisngi ko.

Pero mukhang minamalas nga talaga ako dahil napatigil ako sa paglalakad nang bigla na lamang ay nasa likuran ko na si Deolino at kinuha ang isang kamay ko.

"Saan ka ba pupunta, ha? Doon banda ang palengke." Aniya.

Hindi naman ako tumingin sa kanya. Yumuko ako upang maitago ko ang aking mukha. Ni ang sulyapan siya ay hindi ko ginawa.

"Hoy! Ano bang problema mo?" Tanong niya saka bahagyang yumuko upang makita ang mukha ko habang hawak pa rin ang isa kong kamay.

"Hindi nga hoy ang pangalan ko!" Sagot ko sa kanya saka pilit na itinago ang mukha ko.

Ngunit sadyang makulit talaga si Deolino. Binitiwan niya ang kamay ko saka tumayo siya sa harapan ko. He forcedly held my face and made me look at him.

"Ano ba!" Reklamo ko but he didn't stop. Hanggang sa tuluyan na niyang maitaas ang aking mukha.

Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa mukha kong namumula.

"Bakit ang pula ng mukha mo?" Nagtataka niyang tanong. Dinama niya ang aking noo gamit ang kanyang palad. "May sakit ka ba?" Muling tanong niya.

Marahas kong inalis ang palad niya na nasa aking noo at ang isang kamay niyang nakahawak sa aking mukha.

"Okay lang ako." Sagot ko saka tumingin sa ibang direksiyon. "Saan ulit ang palengke? Pumunta na tayo para makauwi na tayo kaagad." Pang-iiba ko ng topic.

Walang salita na itinuro ni Deolino ang daan patungo sa palengke. Muli ay nauna na naman akong maglakad, leaving him behind me.

Papasok na sana ako sa palengke nang muli na naman akong mapatigil when Deolino held my hand.

Nilingon ko siya at pinasadahan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Madulas at matao. Baka kung ano na naman ang mangyari sa'yo tapos ako na naman ang sisisihin mo." Sagot niya saka hinila na ako nang hindi man lamang hinihintay ang sagot ko.

Muli na naman kaming pinagtinginan ng mga tao, partikular na ang mga babaeng nagtitinda ng mga isda at karne.

They are giving us curious stares habang ang iba naman ay matalim na tingin ang ibinibigay sa akin na ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Magsawa sila kakatingin sa akin.

Habang namimili ay hindi binitiwan ni Deolino ang kamay ko. Bumili siya ng iba't-ibang klase ng gulay na ipinabitbit niya sa akin at bumili din siya ng ilang kilo ng karne. Pati mga ilang kakailanganin sa bahay ay bumili na rin siya.

At bawat tindahan o puwesto na binibilhan namin ay palaging kinakausap si Deolino sa salitang hindi ko naman maintindihan. Pero sigurado ako na isa ako sa mga itinatanong nila kay Deolino.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay makauwi na kami. Pagod akong umupo at inalis ang suot-suot kong rubber shoes na ipinasuot lamang sa akin ni Deolino at hindi ko alam kung saan galing.

Minasahe ko ang nananakit kong mga paa.

"Magsaing ka na. Ako na ang magluluto ng ulam." Deolino said.

Napasimangot ako. "Hindi ba puwedeng magpahinga muna? Nakakapagod kayang maglakad! Ang sakit nga ng mga paa ko!" Reklamo ko habang minamasahe parin ang aking mga paa.

"Anong nakakapagod doon? Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad natin." Sagot niya habang inihahanda ang mga sangkap sa lulutuin niyang ulam. "Isa pa, mangingisda ako mamaya kaya dapat makakain na ako bago pa ako pumalaot."

Lalo akong sumimangot. "Naman eh! Ang sakit pa ng mga paa ko!" Naiinis kong sagot sa kanya. Kulang nalang ay magpapadyak ako sa inis.

Tumingin siya sa akin habang nakapameywang.

"Alam mo ikaw, puro ka reklamo! Hindi ka ba talaga mauutusan nang walang reklamo? Para kang bata!"

"Eh bakit mo ba kasi ako inuutusan? Hindi mo naman ako maid. Kung tutuusin nga, bisita mo ako kaya dapat inaalagaan mo ako pero anong ginagawa mo? Kinakawawa mo lang ako!"

"Anong bisita? Hoy! Baka nakakalimutan mo, pinadala ka dito ng Tatay mo para magtanda ka at matuto---"

"Oo na! Oo na!" Kaagad kong pagputol sa kanyang sasabihin saka ako tumayo ng nakapaa. "Ang dami-dami pang sinasabi." Pabulong kong sabi habang paika-ikang naglalakad patungo sa saingan.

Nakanguso na kinuha ko ang kaldero at paika-ika pa rin na tumungo sa lababo. Hinuhugasan ko na ang loob ng kaldero nang biglang hawakan ni Deolino ang aking braso.

Inis akong lumingon sa kanya.

"Ano na naman? May ipag-uutos ka na naman sa akin? At ikaw ha, namimihasa ka na! Huwag ka ngang hawak ng hawak sa akin, mamaya mahawa pa ako sa pagiging siraulo mo." Naiirita kong sabi saka iwinaksi ang aking braso na kanyang hawak.

Ngunit ibinalik lamang niya ang kanyang kamay roon. Muli ko na naman siyang nilingon with an annoyed look on my face.

"Ano---" Hindi ko natapos pa aking sasabihin nang makita kong napakalapit lamang ng kanyang mukha mula sa akin.

Dahil matangkad siya ay nakatungo siya habang nakatingin sa akin. Ang aming mga noo ay ilang dangkal na lamang ang layo. Itutulak ko sana siya nang sa isang iglap ay nakapaikot na sa aking bewang ang kanyang braso at walang kahirap-hirap niya akong binuhat at pinaupo sa upuan. Then he sat down on the sand at kinuha ang isang paa ko at ipinatong sa kanyang isang hita.

"Anong ginagawa mo?" Gulat kong saad at sinabukang bawiin ang paa ko na kanyang hawak.

Ngunit humigpit lamang ang hawak niya sa aking paa saka niya ako tiningala at binigyan ng seryosong tingin.

"Magreklamo ka at tatapalan ko na iyang bibig mo ng isang bagay na sigurado akong hindi mo magugustuhan." Puno ng kaseryosohan niyang sabi na nagpatahimik sa akin.

Nang hindi ako nagsalita at ngumisi siya.

"Tatahimik ka din pala, eh." He said saka muling ibinalik ang kanyang tingin sa aking paa na sinisimulan na niyang imasahe.

At sa hindi malamang kadahilanan, nag-init na naman ang aking buong mukha at lumakas na naman ang tibok ng aking puso.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Donabel Lotivio
unlock pllllsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status