I am in my room, staring at my phone habang abala ang lahat sa paghahanda para sa Graduation Party ko na gaganapin mamayang gabi.
Yes. I finally graduated.
Matapos ang paulit-ulit na pagkumbinsi sa akin ni Daddy na tapusin na ang pag-aaral ko, ngayon nga ay nangyari na.
Nakapagtapos na nga ako. And I have Dad and Deolino to thank for that.
And speaking of Dad, I can still clearly remember his reaction that day when Deolino suddenly kissed me at the bus.
The expression on his face cannot be explained. He was also too stunned that he went speechless. Even when Deolino tried to talk to him, he was still not able to reply because of how surprised he is.
Well, I can't blame him.
He just saw his only daughter and his godson kissing. Who wouldn't be shock with that?
Hanggang sa umalis na ang bus ay gulat pa rin si Daddy. I tried to talk to him but he was out of it kaya naman tumahimik na lamang ako.&nb
Taming the Heiress has finally come to an end, and I am grateful to everyone who joined Judyfirst and Deolino on their journey. Maraming-maraming salamat po sa pagbibigay ng tyansa sa story nila Judy at Deolino. Maraming salamat sa paglalaan ng oras at pera para lamang mabasa ang mga premium chapters. Please know that I am beyond grateful to all of you. Sana po ay napasaya po kayo ng kahit konti nila Judy at Deolino. Sa susunod na story po ulit! Again, thank you!
"You have to leave." Tila bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabing iyon ni Daddy. From fixing my newly bought designer clothes ay napaharap ako kay Daddy with my eyes wide open and my mouth hanging. Umiling ako. "You're kidding, right?" I said and laughed nervously. Maybe my Dad was just trying to piss me off like he always does. He would annoy me and once I got pissed, he would laugh his ass off at lalambingin ako but this time, wala akong ibang mababanaag sa kanyang mukha kung hindi purong kaseryosohan. "Y-you can't be serious, Dad." I said with a small, shaky voice. "I am, Judyfirst." Ang pagtawag niya sa aking buong pangalan ay sapat na upang panghinaan ako ng mga tuhod. Tinawag niya ako sa aking buong pangalan and he rarely does that. He only does that when he is being serious and whenever he wanted me to listen to him. Sa labis na panghihina ng aking mga tuhod ay napaupo ako sa dulo ng aking kama saka umiling ng mak
Hindi maipinta ang aking mukha nang makababa na ako ng bus na galing ng Cagayan de Oro.Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe ay narating ko na rin ang maliit na bayan ng Lagonglong, ang bayan na pinagmulan ng aking ama.I took a deep breath as I roamed my eyes around the small plaza.Naroon ang isang di kalakihang Parke kung saan may mga batang naglalaro. Sa dulong bahagi naman ng Parke ay naroon ang isang tila kainan kung saan may bandang tumutugtog. Beside the Park was a not so big covered court kung saan may iilang mga kabataang lalaki ang naglalaro ng basketball and the young girls were on the side, cheering for each team.So this is my dad's hometown and this is where I am going to stay for as long as dad wants to.I took a very deep sigh as I grab my not so techy phone mula sa bag na nakasukbit sa aking balikat. Mas lalong bumusangot ang aking nakabusangot ng mukha nang mahawakan at matingnan ko ang cell phone na ibinigay sa akin ni Dadd
"Is this really your house? Dito mo talaga ako patitirahin?" Hindi makapaniwala kong tanong habang inililibot ko ang tingin sa kanyang bahay.Hindi ko napigilang mapangiwi.Ang apat na dingding ng kanyang bahay ay yari sa kahoy at kogon na may binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa. Habang tanging ang lupa na inaapakan lang namin ang nagsisilbi niyang sahig.Maliit lamang ang espasyo sa loob ng kanyang bahay. Tila pinag-isa lang din ang sala, kusina at dining niya.Lumakad siya patungo sa nakasaradong pinto, bitbit ang aking maleta.Itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok roon, bitbit pa rin ang aking maleta.Ako naman ay inililibot pa rin ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang maliit na bahay."Anong tinatanga-tanga mo diyan?" Bigla niyang tanong na nagpalundag sa akin sa gulat.I looked at him at nakita ko siya na nakasandal sa nakabukas na pinto ng kwarto na kanyang pinasukan.Naka-ekis ang kanyang mga braso
Mula sa mahimbing kong pagkakatulog sa malaki at mahabang upuang kahoy ay naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingay ng pagkalansing ng mga kutsara at tinidor.Marahan kong iminulat ang inaantok ko pang mga mata. Una kong nasilayan ay ang kogon na dingding na ikinakunot ng aking noo.This isn't my room.Bumangon ako at napangiwi na lamang ako nang makaramdam ako ng pagkirot sa aking leeg at maging sa aking braso na siyang ginamit kong pag-unan.Narinig ko rin ang paglangitngit ng upuang kahoy na siyang aking kinahihigaan."Gising ka na pala, mahal na prinsesa."Kaagad akong napalingon sa pinagmulan ng baritonong boses.I blew a loud and deep breath.I forgot. Itinapon nga pala ako ni Daddy dito sa probinsya niya at ibinilin ako sa isa sa pinakagagong lalaki na nakilala ko.Dahan-dahan akong tumayo at nag-inat ng aking katawan."Hindi ka man lang nagbihis." He said habang ipinupuwesto ang dalawang plato sa lamesa
"Oh, ito pa." Deolino said saka niya inilagay ang isa pang balde ng mga maruruming damit niya sa aking harapan. "Ayusin mo ang paglalaba mo sa mga iyan, ha? Dapat malinis ang lahat ng mga 'yan. Tandaan mo iyong sinabi ko sa'yo, dapat ihiwalay ang puti sa de-color. Sige na, aalis na ako. Pagkatapos mong maglaba diyan, magluto ka nalang ng para sa tanghalian mo. May iniwan akong isang lata ng sardinas doon." Pagpapatuloy pa niya bago siya tuluyang umalis at iniwanan ako kaharap ang isang malaking planggana at isang balde na puno ng mga labahin.I can't believe I am doing this right now!And that jerk! Talagang gustong-gusto niyang pahirapan ako.Gusto kong maiyak. Ang sakit na ng mga palad ko, lalo na ang mga daliri ko, kakakusot ng mga damit.Sandali akong tumigil sa pagkusot at itinaas ang aking mga kamay. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang makita ko ang nagkasugat-sugat ko ng mga daliri. Pulang-pula na rin ang mga kamay ko, lalo na ang aking mga pala
"Kailangan ko ba talagang sumama sa'yo? Hindi ba puwedeng dito nalang ako?" Nakasimangot kong tanong kay Deolino habang pinapanood ko siya na nagsusuot ng sapatos."Hindi puwede. Isa pa, nakaayos ka na." Sagot niya sa akin habang tinatali niya ang sintas ng kanyang sapatos."Gusto ko pang matulog, eh." Pabulong kong reklamo ngunit tila narinig naman niya.Tiningnan niya ako ng matalim habang nakataas ang isang kilay. "Puwede bang tumigil ka na sa pagrereklamo mo? Linggo ngayon, araw ng Diyos. Ibigay mo ang araw na'to sa KANYA. Tulog ka ng tulog, di ka naman bumabait."Kumunot ang aking noo. "Ano namang kinalaman ng tulog sa pagiging mabait?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Isa pa, dati naman na akong mabait. Sa mga katulad mo lang talaga na masasama ang ugali lumalabas ang pagiging maldita ko."Uupo sana ako nang bigla siyang tumayo at hinila ang isang kamay ko na bahagya kong ikinagulat."Ang dami mong sinasabi. Tara na." He said saka mu
"Himala at wala kang reklamo ngayon!" Ani Jaira habang kausap ko siya sa telepono.Hindi ko napigilan na iikot ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. It's been a week magmula nang ipadala ako ni Daddy dito sa province at tumira dito kasama si Deolino.Unti-unti na akong nasasanay at maging ang katawan ko sa mga gawaing-bahay kaya't madalas na rin lang ang mga reklamo ko."Tss. Wala rin naman akong makukuha sa pagrereklamo ko. Hindi pa rin naman matitinag si Deolino sa pagpapahirap sa akin." Sagot ko habang humihiga."So, Deolino is the name. So makaluma ha." Komento niya na sinabayan pa niya ng tawa."Yeah, yeah. Anyways, how are you?" Pag-iiba ko sa topic.Ito palang kasi ang pangalawang beses na nagkausap kami dahil most of the time, hindi ko siya makontak o kung nacocontact ko man siya, hindi naman niya nasasagot."Oh God! This is one hell of a week! Did you know---""I don't." Kaagad kong pagputol sa kanya.Narinig
"Well, this doesn't look bad." I said as I looked at myself in the mirror. Suot ko ay isang kulay dilaw na bestida na lampas hanggang tuhod ko ang haba. Bulaklakin ang disenyo ng bestida. It looked simple, ibang-iba sa mga damit na nakasanayan ko ng suotin sa tuwing may mga mahahalagang okasyon akong pinupuntahan. Hinarap ko si Deolino na inaayos ang collar ng kanyang polo na suot. "Saan mo'to nakuha?" Tanong ko. Yes. He gave this dress to me. Kung ano ang nakain niya at binilhan niya ako ng damit? Hindi ko alam. "Anong nakuha? Binili ko 'yan." Sagot niya habang umuupo upang magsuot ng kanyang mga medyas. Tumabi ako ng upo sa kanya at inabot ang sapatos ko na may takong, the same shoes that I wore noong una akong dumating dito. "Aww. You really must care for me that much na binilhan mo pa ako ng damit." Pang-aasar ko nang hindi man lamang tumitingin sa kanya. Naramdaman ko na lumingon siya sa akin at binigyan ako ng mat