Share

Chapter 4

"Oh, ito pa." Deolino said saka niya inilagay ang isa pang balde ng mga maruruming damit niya sa aking harapan. "Ayusin mo ang paglalaba mo sa mga iyan, ha? Dapat malinis ang lahat ng mga 'yan. Tandaan mo iyong sinabi ko sa'yo, dapat ihiwalay ang puti sa de-color. Sige na, aalis na ako. Pagkatapos mong maglaba diyan, magluto ka nalang ng para sa tanghalian mo. May iniwan akong isang lata ng sardinas doon." Pagpapatuloy pa niya bago siya tuluyang umalis at iniwanan ako kaharap ang isang malaking planggana at isang balde na puno ng mga labahin.

I can't believe I am doing this right now!

And that jerk! Talagang gustong-gusto niyang pahirapan ako.

Gusto kong maiyak. Ang sakit na ng mga palad ko, lalo na ang mga daliri ko, kakakusot ng mga damit.

Sandali akong tumigil sa pagkusot at itinaas ang aking mga kamay. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang makita ko ang nagkasugat-sugat ko ng mga daliri. Pulang-pula na rin ang mga kamay ko, lalo na ang aking mga palapulsuhan.

Nang muli kong ilublob ang aking mga kamay sa tubig na may sabon ay tuluyan na akong maiyak nang maramdaman ko ang hapdi sa aking mga kamay. Pakiramdam ko ay pinapaso ang mga kamay ko dahil sa sobrang hapdi.

Ilang piraso pa lamang ang natatapos kong labhan. Baka wala na ang balat ng mga kamay ko oras na matapos ko ang lahat ng mga ipinalalaba niya sa akin.

Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko lalabhan ang mga labahin niya. Siya dapat ang maglaba ng mga maruruming damit niya at hindi ako. Ano bang pakialam ko sa mga damit niya? Hindi naman ako nakinabang sa mga 'to. Pero wala rin namang nangyari dahil sa huli, hindi rin naman ako nanalo sa kanya.

Kung tutuusin, puwede ko namang iwan nalang ang mga damit niya at tapusin nalang ang sa akin pero naalala ko ang mga sinabi ni Jaira.

Mahirap mang tanggapin pero tama siya. Kung gusto kong makauwi na kaagad at bumalik sa dati kong buhay, kailangan kong magpakabait kay Deolino. Kailangan kong maging sunud-sunuran sa kanya.

Hindi ko na alam kung anong oras na akong natapos sa paglalaba. Ni hindi ko na nga alam kung naging maayos ba ang paglalaba ko o kung tama ba ang mga ginagawa ko. I just followed my instinct.

Habang nagsasampay ako ng mga nalabhan ko ng damit ay ramdam ko ang napakaraming titig ng mga tao sa akin.

I wonder kung may mali ba sa pagsampay ko. Wala naman kasing sinabi si Deolino sa akin kung saan isasampay itong mga damit pagkatapos kong labhan. Nang makakita ako ng mahabang lubid na nakatali sa puno ng niyog at ang kabilang dulo naman ay nakatali sa isang haligi ng bahay ni Deolino ay inisip ko ng doon na magsampay. Wala rin naman kasing ibang mapagsasampayan.

Nararamdaman ko pa rin ang mga titig ng mga tao kaya nilingon ko sila. Ngunit paglingon ko ay kaagad naman silang naging abala sa mga sarili nilang gawain.

Hindi ko napigilang mapaingos saka bumalik sa aking ginagawa. Baka naman walang problema sa pagsasampay ko. Baka na-shock lang talaga sila sa ganda ko.

Nang ang mga underwear ko na ang isasampay ko ay kaagad akong napaisip.

Kailangan ko ba talagang isampay ang mga underwear ko dito sa labas? Kung saan maraming tao ang makakakita?

Mabilis kong ibinalik sa balde ang mga underwear ko. Kung nasaan ang mga underwear ni Deolino, hindi ko alam. At mabuti na rin na hindi niya iyon ipinalaba sa akin. That is just so gross.

Mabilis akong pumasok sa bahay, bitbit ang medyo may kalakihang balde kung saan naroroon parin ang aking mga underwear na tapos ko ng labhan. Isinara ko na rin ang pinto ng bahay at ini-lock to make sure na walang basta-bastang makakapasok.

I looked around the house to see if may masasampayan ako ng underwear but to no luck, wala akong nakita.

Nakasimangot na ibinaba ko ang baldeng dala ko sa gilid ng lamesa kung saan may nakapatong na isang lata ng sardinas na hindi pa nabubuksan. Ito siguro ang sinabi ni Deolino na iniwan niya para sa tanghalian ko.

Pagod na pagod kong ipinaghila ang aking sarili ng upuan at umupo roon.

Namamanhid ang aking likod, hita at ang aking mga braso. Idagdag pa ang hapdi na nararamdaman ko sa sugatan kong mga daliri at palapulsuhan.

I bear it in mind na pakiusapan si Deolino na bumili ng washing machine tutal ay wala din naman siyang ibang pinaggagamitan ng kuryente kung hindi ang dalawang maliit na bombilya na siyang nagsisilbing liwanag sa sala ng kanyang bahay at sa dalawang kwarto tuwing gabi.

Basang-basa rin ang suot kong damit at shorts ko ngunit binalewala ko muna. I am so tired and my back hurts so much na gusto ko na lang humiga sa isang malambot na kama at matulog upang makapagpahinga.

But the problem is, wala namang malambot na kama rito!

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Talaga bang kaya itong gawin ng ibang tao rito? Eh mas mabuti pa nga iyong mga maid namin sa bahay, washing machine ang gamit.

Ilang minuto din akong nanatiling nakaupo lamang upang magpahinga nang marinig ko ang pagtunog ng aking tiyan. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa isang haligi ng bahay ni Deolino.

Alas-dos na ng hapon? Ganoon katagal ako natapos sa paglalaba?

Saktong tumayo na ako at nag-iinat ng katawan nang makarinig ako ng katok sa pinto at ang sunod kong narinig ay ang boses ni Deolino.

Dahan-dahan akong naglakad upang pagbuksan siya ng pinto dahil talagang namamanhid pa ang mga hita ko.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Deolino na halatang naiirita.

"Bakit ang tagal mong buksan? Nanadya ka ba?" Malakas ang boses at pagalit niyang tanong sa akin.

Pumasok na siya ng bahay saka nilampasan ako. Muntik pa akong masagi ng fish net na nakasabit sa balikat niya.

Dala ng pagod at sakit na iniinda ko sa iba't-ibang parte ng katawan ko ay hindi ko na rin napigilan na sumigaw sa galit.

"Anong problema mo?" Galit at pasigaw kong tanong sa kanya saka malakas na hinambalos pasara ang pinto ng bahay.

Galit niya akong nilingon. "Hoy! Magdahan-dahan ka nga sa pagsara ng pinto! Pag iyan nasira, ikaw ang mag-aayos niyan!" He said na lalong nagpagalit sa akin.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya at nang makalapit ako sa kanya at buong lakas kong hinampas ang kanyang d****b na nagpaatras sa kanya habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"Diyan! Diyan ka magaling! Ang pahirapan ako! Ano ba talagang problema mo sa akin ha? Ano? Magkaliwanagan na tayo! Dali! Sabihin mo sa akin ng harap-harapan kung ano ang problema mo sa akin!"

Nagtaas-baba ang d****b ko sa galit. Maging ang lalamunan ko ay bahagyang sumakit dahil sa pagsigaw ko. Pero hindi ko na ininda iyon. Mas lamang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

Maging ang payo sa akin ni Jaira na magpakabait ay binalewala ko na. This asshole is too much at kailangan niyang malaman iyon.

Muli ko siyang hinampas ngunit dalawang kamay na ang ginamit ko. Tila nakalimutan ko na ang hapdi na nararamdaman ko sa aking mga daliri.

Mabilis naman niyang hinuli ang aking mga kamay at pinigilan ako sa paghampas sa kanya. Mahigpit niyang hawak ang aking mga palapulsuhan.

"Tumigil ka nga sa kadramahan mo! Parang paglalaba lang, nagkakaganyan ka na? Puwede ba! Pagod ako at mainit ang ulo ko kaya hindi mo ako madadala sa mga paganyan mo!" Puno ng galit na sabi niya.

Hindi ko naman napigilan ang mapangiwi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan kung saan may mga sugat dahil sa aking paglalaba.

Tila napansin naman niya ang pagngiwi ko dahil kumunot ang kanyang noo saka niya tiningnan ang aking kamay na kanyang hawak-hawak, partikular na ang aking mga palapulsuhan.

Mabilis at malakas ko namang hinigit pabalik ang mga kamay ko na hinayaan naman niya.

Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin ngunit tinalikuran niya lamang ako, inilagay ang mga gamit niya sa pangingisda sa kanyang lalagyan saka dumiretso papasok sa kanyang kwarto.

Bahagya pa akong nagulat nang malakas niyang isarado ang pinto ng kanyang kwarto.

Napapadyak na lang ako sa inis.

Ano bang problema niya? Uuwi siya ng galit, sisigawan ako. Kung may problema siya, hindi na sana niya ako idinadamay! Hindi ko na tuloy napigilan ang bibig ko.

Dahil sa nangyari ay nawalan na rin ako ng gana na kumain. Kaya pumasok nalang rin ako sa aking kwarto, dala ang balde na may lamang mga underwear ko.

Malakas kong inilapag ang balde sa sahig dahilan upang lumangitngit ang mga kawayan na talagang sinadya ko upang marinig ni Deolino.

Hindi naman siya nagsalita kaya't napairap na lang ako.

"Kumalma ka na, Judyfirst. Kahit ilang beses ka pang magdabog, wala rin namang mangyayari. So, relax. Chill. Makakabawi ka din sa kanya." I whispered to myself as I inhaled and exhaled my breath, calming myself.

Nang pakiramdam ko ay kalmado na ako at unti-unti ng nawawala ang galit at inis ko ay inabala ko na ang aking sarili sa paggawa ng masasampayan ng aking mga nilabhang underwear.

Nang matapos aki sa ginagawa ay pagod akong humiga sa higaan. Napadaing pa ako nang tuluyang sumagi ang aking nanakit na likod sa kawayang higaan.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pangalawang araw ko pa lamang dito kasama si Deolino ngunit parang gusto ko ng sumuko. Kung puwede nga lang na humiling akong magkapakpak para makalipad at makaalis na sa lugar na ito ay ginawa ko na.But of course, that won't happen kaya wala na akong ibang magagawa kung hindi ang pakisamahan nalang siya. Pero hindi ko maipapangako na magiging mabait ako sa kanya.

Nakahiga pa rin ako at nadarama ko na ang antok. Hanggang sa tuluyan na nga akong dinala ng antok at naipikit ko na ang aking mga mata.

Nagising lamang ako nang makarinig ako ng paulit-ulit at malakas na katok sa pinto ng kwarto ko.

Dahan-dahan akong bumangon na may kasama pang d***g. Tumayo ako at bahagyang kinusot-kusot ang aking mga mata saka nag-inat ng katawan.

"Sandali lang!" I shouted at Deolino na siyang kumakatok.

Wala naman kasi kaming ibang kasama dito sa bahay niya kaya sigurado akong siya lang ang kumakatok.

Nang pagbuksan ko siya ng pinto ay nabungaran ko ang kanyang mukha na tila naiinip.

Naku! Kapag ito nagreklamo na naman at nagsalita na naman ng hindi magaganda, sasabunutan ko na talaga siya!

But to my surprise, he didn't say a thing. He just raised his brow saka ako tinalikuran.

"Kumain na tayo. Hindi ka pa nanananghalian, hindi ba?" Kalmado niyang sabi as he made his way to the table.

Hindi ako nakapagsalita at nasundan ko na lamang siya ng tingin. Nakaupo na siya sa pwestong inupuan niya kagabi habang kumakain kami.

Hindi ko maiwasang magtaka.

Wow! Inaya niya akong kumain nang walang halong pang-iinis. He didn't even said it sarcastically.

"Ano? Tatayo ka nalang ba diyan?" Inis na niyang sabi.

I rolled my eyeballs. May inis pa rin pala.

Tahimik akong lumabas ng kwarto at umupo kaharap niya.

Tiningnan ko ang mga ulam na nakahain at hindi ko napigilang mangiti nang makita ang adobong manok na nakahain.

"Kumain ka ng marami. Baka pumayat ka pa at magsumbong sa Tatay mo na hindi kita pinapakain ng maayos." He said habang nilalagyan ng kanin ang plato ko na ikinataas ko ng kilay.

"Bakit? Natatakot ka?" I asked while still raising my brow.

"At bakit naman ako matatakot? Alam naman ng Tatay mo kung anong klaseng ugali ang meron ka kaya naiintindihan niya ako." Buong kumpiyansa niyang sagot sa akin.

Umingos ako at hindi na lamang nagsalita saka ako kumuha ng ulam.

Magana na akong kumakain nang bigla na lamang siyang magsalita. "Kamusta iyang mga sugat mo sa mga kamay mo?" Tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.

Bahagya pa akong nagulat sa pagtanong niya pero hindi na ako nag-react.

"As long as hindi siya maibababad sa tubig, okay lang." Balewala kong sagot sa kanya saka kumain ulit.

"Hmm..." Sagot niya habang hindi parin nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya at nasa pagkain ang mga tingin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.

"Kumakain ka ba? O may hinahanap ka diyan sa kanin?" Hindi ko na natiis na tanong.

Doon lamang siya nag-angat ng tingin at tumingin sa akin.

"Ha?" Aniya na tila wala sa sarili.

"Wala." I answered while rolling my eyes then started eating again.

Pagkatapos niyon ay hindi na kami nag-usap pa. We were both engrossed with what we were eating. Hindi ko itatangging masarap ang pagkakaluto sa adobo. But of course, hindi ko na isinatinig iyon. Baka lumaki pa ang ulo ng gago.

As usual, nauna na naman akong matapos sa pagkain. Huhugasan ko na sana ang pinagkainan ko nang magsalita siya without looking at me.

"Ilagay mo nalang diyan. Ako na ang maghuhugas."

Muli na naman akong nagulat.

May topak ba ang lalaking 'to? Kanina lang, galit siyang umuwi tapos ngayon, parang sinapian ng mabuting espiritu at biglang bumait. But then again, I didn't say anything.

Nagkibit-balikat na lamang ako at inilagay ang mga pinagkainan ko sa lababo.

Tumingin ako sa orasan. Alas-kuwatro na pala ng hapon. Ang haba din pala ng itinulog ko.

Muli akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya at pamalit ko.

Nang lumabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Deolino na nagliligpit na ng pinagkainan niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang papalabas na ako.

"Maliligo ako." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka magpapasama?" Nakangisi niyang tanong.

"Hindi na!" Pasigaw kong sagot sa kanya na malakas niyang ikinatawa.

May topak talaga ang lalaking 'yun at paiba-iba ng ugali.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status