Share

Kabanata 14

Nang hindi ko na makayanan ang gutom ay itinigil ko muna ang ginagawa saka lumabas patungo sa malapit na fastfood chain para bumili ng mailalaman sa tiyan. Hanggang ngayon ay hindi parin nabalik sa opisina si Kelvin dahil sa sunod-sunod nyang appointments na ipina-set sa akin pagkatapak pa lang ng paa namin kanina roon. Nahihilo akong naglakad papunta na sana sa labas ngunit isang babaeng empleyado ang lumapit sa akin. Maganda at makinis ang kutis niya saka mukhang mabait.

"New secretary ka ni Sir Kelvin, 'di ba?" Pati ang boses niya ay kaylambing.

Tumango naman ako, hinila niya ako papunta sa cubicle na pwesto niya. Pinagtitinginan na kasi kami na parehong nasa gitna.

"Kapag sumasapit ang tanghali, hindi man lang kita nakikitang lumabas riyan sa opisina n'ya, ah. Himala ngayon, e. Saan ang tungo mo?" Napangiti ako nang mapansin na may kadaldalan pala siyang taglay.

"Bibili sana ng lunch sa malapit na fastfood chain dyan..." wika ko kasabay ng pagtunog ng tiyan ko.

Napatingin siya r
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status