Share

Chapter 30 - Azalea

Island

Nagising ako sa mayuming ihip ng hangin na tumatama sa aking balat. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na paligid ang bumungad sa akin. Masakit sa mata ang sikat ng araw pero sinikap kong aninagin ang hinihigaan ko.

Agad na pumasok sa isip ko ang aking anak kaya napabigla ang bangon ko. Ibinaling ko ang tingin sa kama at nakahinga ng maluwag nang makitang natutulog ang sanggol sa aking tabi. Hindi ako pamilyar sa silid na ito. Sigurado akong wala kami sa hospital o sa bahay.

Nasaan kami?

Ang huli kong natatandaan ay nagising akong wala si Hue. Ayon kay Maliah ay saglit na umuwi ito sa bahay. Natulog akong muli pagkatapos dumede ni Kahel.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng may kalakihang silid. Gawa sa kahoy ang mukhang may kalumaang pader, ang sahig nito ay ganoon din. Luma na pero halatang alaga sa linis. Walang kahit anong palamuti sa silid at tanging ang kama, lamesang may lamang mga gamit ng bata at malaki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status