تسجيل الدخولPagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa
Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad
Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa
Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na
"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P
Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h







