"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P
Last Updated : 2026-10-13 Read more