/ Romance / Taming the Devil Boss / Chapter 5: I can't celebrate

공유

Chapter 5: I can't celebrate

작가: Inkwellyn
last update 최신 업데이트: 2025-03-05 01:21:45

Kinabukasan, nag-leave sick ako. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko, lalo na sa pagod.

Sa head department ako nagpaalam na mag-si-sick leave ako ng dalawang araw.

Habang nakahiga sa kama, napabuntong-hininga ako. Papikit na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Napatingin ako doon at parang lumala lalo ang pakiramdam ko.

Hindi ko sinagot ang tawag. Pero maya-maya, nag-ring ulit ang cellphone ko.

Napahinga ako nang malalim bago ito sinagot.

"Sorry, sir. Ayoko sana ng may nang-iistorbo sa akin habang naka-sick leave."

Pagkasabi ko niyon, kaagad kong binaba ang tawag.

Halos lumaki ang ngiti ko. Sa wakas!

Okay lang, two days naman akong naka-sick leave! Bahala siyang maghanap ng gagawin niyang secretary.

Buong magdamag akong nasa kwarto lang, natutulog. Hindi ako lumabas para kumain ng umagahan at tanghalian—alam kong wala namang pakialam sa akin sila Mama.

Ni-lock ko ang pinto para kahit papaano, walang makaistorbo sa akin.

Alas-sais na ng gabi ako lumabas ng kwarto. Sakto, nakapagluto na si Mama.

Una akong kumuha ng pagkain at papasok na sana sa kwarto nang biglang magsalita siya.

"Yung boss mo pala, galing dito kanina. Pinatayan mo raw siya ng tawag! Nakakahiya ka! Boss mo ‘yun tapos ang kapal ng mukha mong patayan siya?! Paano kung tanggalin ka niya sa trabaho?!"

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Doon na lang ho ako sa kwarto kakain."

Pagkasabi ko niyon, hindi ko na siya hinintay magsalita. Kaagad akong pumasok at nilock ang pinto.

Napahinga ako nang malalim, nilapag ang pagkain sa mesa, at nagsimulang kumain habang tumutulo ang luha ko.

Bakit ako pa?

Hindi ko deserve ‘to.

Pagpasok ko sa opisina ni boss ay wala akong nadatnan kaya lumabas na lang ako. Kinausap ko ang head manager. Ang sabi niya, may mineet lang daw itong client.

Habang inaayos ko ang aking mga pending na gawain, napatingin ako sa cellphone ko.

This is the first time na may mineet siyang client na siya lang ang nag-handle. Kasi, sabi nila, ayaw nitong makipag-usap sa client kapag hindi niya ito lubusang kilala. Pero baka kakilala niya ang client.

Habang inaayos ko ang schedule niya, napatingin ako sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siya sa gilid ko.

"Ay, anak ka ng kalabaw!—Ay, boss, kayo pala. Hehe." Bigla akong napatayo, napahawak sa bibig ko, at palihim na hinampas iyon.

Matalim lang siyang nakatitig sa akin.

"Tapos na po ba kayong makipag-usap sa client?" tanong ko, para mawala ang kaba sa dibdib ko.

"Kinansel ko. Hindi ko gusto 'yung ugali niya. She's leaving without my consent."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya.

Ako ba ang pinapatamaan nito? Hindi ko lang sinabi sa kanya na mag-si-sick leave ako, eh! Bumabawi na sa pagpaparinig!

"H-huh?"

"Never mind. Cancel all my schedules. May kailangan akong kitain mamaya. Don't worry, hindi ka kasama."

"Talaga?!" parang excited na sambit ko. Parang pinag-mukha kong obvious na ayaw kong sumama sa lakad niya.

"Mukhang sobrang saya mo ah?" Parang may kung anong galit sa boses niya.

"H-huh? Hindi, boss, no. Malungkot nga ako kasi mamimiss kita— I mean, mamimiss ko 'yung presensya niyo, lalo na 'yung pagsusungit niyo." Mahina akong tumawa para mawala ang ilang sa pagitan namin.

"Sige, sumama ka na."

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Haha. Hindi na, boss. Baka maging istorbo ako don."

Hindi na siya nagsalita pa at kaagad na umalis sa harap ko. Pagkaalis niya, nakahinga ako nang maluwag.

"Yes!"

Mamaya, ano kayang gagawin ko? Punta kaya ako sa amusement park? Sa mall kaya? Restaurant? Ahm, beach?

Hayst, wala pala akong kaibigan. Edi hindi rin magiging masaya.

Umupo na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kinansel ko lahat ng lakad niya ngayong araw.

Habang nagta-type ako, napalingon ako sa gilid ko.

Nakita ko ang maraming papeles na dala-dala ng isa sa mga katrabaho ko.

Naiilang siyang ngumiti sa akin, kaya naman napangiwi na lang ako.

"Sabi ni boss, kailangan mo daw tapusin lahat 'to."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"As in lahat 'yan!? Parang pang-isang linggo nga 'yan, eh!" Biglang nag-init ang ulo ko. Lahat 'yan!? Ano 'to, joke!? Sana nga joke lang!

Putcha, nananadya ata 'tong lalaki na 'to ah? Ano, para hindi ako makapag-celebrate!? Ang sama talaga! Kung ganito lang din, sasama na lang ako!

Kaso, ayoko. Nakakatamad. Baka maging display na naman ako!

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Taming the Devil Boss    Chapter 11: 'Ito naba talaga ang katapusan ko?'

    Isang linggo na nang matapos ang event na dinaluhan namin. Pero, noong kinabukasan pag tapos ng event ay parang mas lumala pa si boss. Yung mga utos niya ay hindi na sakop ng trabaho ko. Gustong gusto ko siyang tanongin kung may sama ba siya ng loob sakin o trip niya lang akong pahirapan! Gustong gusto ko na siyang tarayan sa harap niya mismo. Gusto ko narin siyang murahin ng malutong para dama niya! "Mali ito, hindi ko gusto ito!" Galit na sambit niya at inihagis sa akin ang mga papeles na ipinasa ko. Pinag puyatan ko pa naman iyon ng dalawang araw, halos tatlong oras na nga lang ang tulog ko para matapos lang yun! Tapos sasabihin niya, hindi niya gusto!? "Bobo kaba!? Diba ang sabi ko sayo liitan mo yung mga letra, bakit ang laki laki nito!?" Bulyaw niya sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa inis at pag kadismaya. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, magegets mo kung ano yung nararamdaman ko. Ikaw ba namang sabihan ng bobo matapos mong gawin ang lahat, pinag puyatan at b

  • Taming the Devil Boss    Chapter 10: The event 2

    Nang matapos ang pag aayos sa akin ay tinignan ko ng mabuti ang aking mukha sa salamin. I looked different. Napangiti ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. "Mas gumanda pa po kayo." The staff complemented me. "Thank you." nahihiyang tugon ko. Parehas kaming napatingin sa pinto at bumukas ito. Iniluwa non si Mr. Xanthy. Nag katitigan kaming dalawa at saglit na napahinto siya habang nakatingin sa akin. Bigla nalang akong nahiya dahil sa kung paano niya ako titigan. Napansin ko ang bago niyang suot. kanina ay nakablue itong formal attire—Pero ngayon, he's wearing a black one. Kaagad na umiwas ito at dahil na rin sa atmosphere na bumalot sa aming tatlo ay ako na ang nag salita. "Saan tayo next boss?" tanong ko rito. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pero nag lagay ako ng espasyo. Hindi na ito nag salita nang makalapit ako at kaagad na lumabas rin. Sumunod naman ako at nag paalam na sa staff. habang nakasunod sa kanya ay hindi ki maiwasang mag isi

  • Taming the Devil Boss    Chapter 9: The event

    Pag pasok ko sa opisina niya ay malamig na tingin ang ginawad niya sa akin. "Sumama ka sa akin mamaya." "huh? bakit po boss?" takang tanong ko. may ginawa nanaman ba akong mali!? "Mamimili tayo ng susuotin mo para sa event mamayang gabi." Malamig ang tono ng boses niya. Bigla naman akong nag taka. bakit kailangan niya pa akong bilhan ng susuotin para mamaya? kaya ko naman ah! bakit, pangit ba style ko!? "kaya ko naman boss, hindi na ako bata." Pag tanggi ko sa sinabi niya. "ayukong mapahiya, baka sabihin nila na walang kas-style style ang secretary ko." parang nag init ang ulo ko sa mga sinabi niya sa akin. wow! kung makapag salita ang lintik na to! akala mo naman napaka perpekto! "okay boss." malamig na tugon ko. "anything else boss?" tanong ko sa kanya. baka kase kapag nag tagal pa ako dito sa opisina niya, ay wala nang boss-boss dito, baka masapak ko na siya sa sobrang gigil ko. "you can leave now." nang sabihin niya iyon ay nakahinga ako ng maluwag. b

  • Taming the Devil Boss    Chapter 8: "pwes, I don't like his attitude, I don't like everything about him!"

    Napahiga na lang ako sa kama ko. alas dose na pala ng gabi.... sobrang nakakapagod ang araw ko. lalo na, puro utos si Mr. Xanthy. Mukhang pinanindigan talaga na gagawin niyang impyerno bawat araw ko. Gusto ko na lang mag resign!!! Pero......paano na lang ang future ng pamilya ko? ako na lang din ang inaasahan nila. Ito na nga lang ang papel ko sa kanila, tapos hindi ko pa magampanan ng maayos. Parang nabubuhay na lang ako para sa kanila—hindi para sa akin. Hindi ko namalayan na, umaga na pala. Bigla akong napatingin sa alarm clock ko at napabangon kaagad. "Shit! Im late!" Nag mamadali akong ang asikaso ng sarili ko. Kahit ata yung pag ligo ko naka limang buhos lang ako sa tabo! — "Ms. Sanchez! your late!" nagitla ako ng bigla siyang sumulpot sa likod ko. Akala ko wala pa siya sa office niya! Hinarap ko siya. "ahm, uh—" "huwag ka nang mag paliwanag." Putol niya sa sasabihin ko. "edi wag." bulong ko. "minumura mo ba ako?" Tanong niya sa akin kaya bigl

  • Taming the Devil Boss    Chapter 7: "You're not allowed to do anything,"

    Halos hindi na ako mag kanda ugaga sa pinapagawa sa akin ni Mr. Xanthy. Puro siya utos. Gusto ko nalang mag resign. kaya lang kailangan ko itong trabaho. Ako lang ang inaasahan sa pamilya namin. Kahit hindi ko gawain bilang isang sekretarya ay ipapagawa niya pa rin sa akin. Dahil wala siyang paki. Doon ko siya mas lalong nakilala. Lalo kong nakilala ang ugali niyang may pag kademonyo talaga! Lord! Gabayan mo ako para hindi makasakit ng tao! Habang inaayos ko ang mga kahon na ipinabuhat sa akin ni Mr. Xanthy papunta sa storage room ay napaubo na lang ako dahil sa mga alikabok. Kahit sa pag bubuhat, sa akin na rin iniutos. Baka naman lahat na ng trabaho sa opisina sa akin na iasa? Habang palabas ng storage room ay binabagalan ko lang. Gusto ko nang umuwi at mag pahinga. Pero—biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman napahinga ako ng malalim lalo na ng makita ko ang naka nickname doon. 'My devil boss' Napapikit ako at itinapat kaagad iyon sa aking tenga. "Where the he

  • Taming the Devil Boss    Chapter 6: "I will make sure your day will be hell. I won't let you do everything that makes you happy. And now, your hell will start with me."

    Inumpisahan ko ang mga tambak na papeles sa table ko. Hindi ko na nagawang mag-lunch pa dahil kailangan kong matapos ito. Mukhang kailangan ko pang mag-overtime! Habang palipas nang palipas ang oras, lalo pang sumasakit ang balikat ko at ang aking mata dahil sa pagtutok sa screen ng laptop. Nag-take ako ng break at pumunta sa cafeteria. "Grabe si boss sa secretary niya. Nakita ko, tambak ng gagawin." Rinig kong bulong ng isa sa mga nakaupo sa table. Hindi ko na lang pinansin iyon. "Balita ko pa nga, sinisigawan siya." "Ay, oo. Noong nakaraan, napadaan ako sa office ni boss. Narinig ko, pinapagalitan siya dahil sa kape lang!" "Pero swerte siya, huh. Nakakaharap niya ang poging mukha ni boss!" "Oo nga, eh! Nakakainggit! Sana ako na lang secretary niya!" Napadikhim ako, kaya natahimik sila at tumingin sa akin. "Sige, palit na lang tayo. Ayoko na kasing makaharap ang demonyong boss na tulad niya, eh. Hehe." Kahit naiilang at naiinis, nagkunwari akong tumatawa. Na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status