Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

last updateLast Updated : 2025-03-10
By:  InkwellynOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
11Chapters
260views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Taming the devil boss

Humarap ako sa boss ko at ngumiti. Pero hindi iyon tunay na ngiti, dahil alam kong nasa harap ko lang ang impyerno ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na lakihan mo naman ang letra kapag nagpi-print ka!" bulyaw niya sa akin. Napapikit na lamang ako sa mga sinabi niya. Siya na ata ang pinakamasungit na tao sa buong mundo na nakilala ko.

"Next time, gawin mo nang maayos," sambit niya at napabuntong-hininga habang nakaupo sa kanyang puwesto.

"I will," tugon ko at tumalikod, hawak-hawak ang mga papeles na kaninang inihagis ng boss ko.

Magtutungo na sana ako palabas nang bigla niya akong tawagin.

"Hindi pa kita pinapalabas," sabi niya kaya napapikit na naman ako sa inis na nararamdaman. Humarap ako sa kanya kahit naiinis ako at pinilit kong ngumiti.

"Yes, boss?" nakangiting tanong ko.

"Cancel all my schedules," utos niya habang tumatayo sa kanyang upuan. Inayos niya ang kanyang buhok.

"Okay, boss," tugon ko naman.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit?" tanong niya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako at napalunok.

"K-Kailangan po ba?" tanong ko habang iniiwasan ang mga mata niyang malalim na nakatitig sa akin.

"Hindi naman," sagot niya. "You can leave now," dagdag niya.

Dahil doon, mabilis akong umalis sa aking kinatatayuan at nagmamadaling lumabas ng impyerno.

Pagkasara ko ng pinto ng office ng boss ko, saka ako nakahinga nang maluwag. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko'y nasasakal ako at hindi makahinga. Lahat ng kilos ko ay binabantayan niya, kaya minsan, naiilang talaga ako.

"Para ka namang mamamatay," natatawang sabi ng katrabaho ko. "Pogi si boss pero ang sungit!" dagdag niya, may panghihinayang sa boses niya.

Napangiti na lang ako.

Tama siya. Pogi nga si Mr. Xanthy, pero para sa akin, sobrang sungit niya—akala mo ipinaglihi sa sama ng loob. Kahit ganoon ang ugali niya, marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya—except sa akin. Dahil never akong magkakagusto sa tulad ng boss ko. Mahal ko pa ang sarili ko!

---

"Bakit ganito yung lasa?!" inis na sambit niya matapos matikman ang tinimpla kong kape. Napairap ako, pero hindi iyon nakita ng boss ko.

"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin makuha ang gusto kong timpla?!" inis niyang sabi at itinabig ang tasa. Nahulog ito at nabasag.

Napabuntong-hininga na lang ako at dahan-dahang yumuko para damputin ang mga bubog.

Habang pinupulot ko iyon, napasinghap ako nang maramdaman kong nasugatan ako. Dumudugo iyon kaya napatayo ako at nagmamadaling kumuha ng tissue.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ng boss ko nang mapansin niyang aligaga ako.

"Wala naman kasi akong sinabing damputin mo," sabi niya at tumayo. Dahan-dahan siyang lumapit at kinuha ang kamay kong may sugat.

"Okay lang ako, boss," sambit ko habang pilit binabawi ang kamay ko mula sa kanya. Binitiwan naman niya ito.

"Are you sure? Kung hindi, dadalhin kita sa ospital," sambit niya, tila nag-aalala.

Dahil sa nangyaring iyon, palaging gumugulo sa isip ko kung bakit biglang naging ganoon ang kilos ng boss ko.

Ito na ba ang sign na unti-unti na siyang nagbabago?

Pero nagkamali ako. Mukhang walang pagbabagong magaganap.

---

Napahinga ako nang maluwag habang hawak ang doorknob ng opisina ni boss.

I was about to open the door, pero narinig ko ang boses niya. Halatang may kausap siya sa phone at galit.

Mas lalo akong kinabahan.

"Just delete that! Fvck! Wala kayong mga kwenta!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si boss. Pagbukas ko ng pinto, tumingin ako sa paligid at nakita kong nagkalat sa sahig ang ilang papeles.

Napabuntong-hininga ako at lumapit para damputin ang mga iyon at ayusin.

Ganito ba kagalit si boss?

"Where's my coffee?!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumaling sa akin ang atensyon niya. Parang biglang nanginig ang katawan ko.

Alam ko ang ganitong tono ng boses niya—parang gusto niyang pumatay!

Putcha! Nakakagulat naman siya!

Mabilis akong tumayo nang maayos sa harapan niya.

"Sorry, boss. Kararating ko pa lang kasi," paliwanag ko.

Pero matalim lang ang tingin niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Kung hindi ko lang kailangan ng trabahong ito, sana'y nag-resign na lang ako bilang sekretarya niya!

"Do I need your explanation? Timplahan mo ako ng kape o tatanggalin kita sa trabaho?!"

Parang natameme ako sa sinabi niya, kaya hindi ako agad nakapagsalita.

I need this job. Hindi ako pwedeng matanggal!

"Bibigyan kita ng limang minuto para timplahan ako ng kape. Kapag wala ka pa sa loob ng limang minutong iyon... you're fired."

Pagkasabi niya noon, bigla akong nataranta.

No, hindi pwedeng matanggal ako sa trabaho! Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko!

Mabilis akong kumilos palabas ng opisina niya.

Napamura ako nang makita kong may nasa loob pa ng elevator. Hindi ako pwedeng maghintay, kaya wala akong choice kundi gamitin ang hagdan.

Limang palapag pa bago ako makarating sa cafeteria, dahil gusto ni boss doon ko kunin ang supply ng kape.

Tiniis ko ang pagod makarating lang doon. Tinignan ko ang oras at nakita kong mayroon na lang akong tatlong minuto.

Nang matapos akong magtimpla, agad akong sumakay sa elevator. Tinignan ko ulit ang relo ko—mayroon na lang akong isang minuto.

Tagaktak na ang pawis ko, dala ng kaba at pagod.

Nagmadali akong pumasok sa opisina ni boss, at pagbukas ko ng pinto, narinig ko ang sinabi niya.

Bigla akong kinabahan.

Ito na ba ang last day ko? Hindi ba ako nakaabot?

"Good, you're in time, Ms. Yannie Sanchez," nakangising sabi ni boss.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Athengstersxx
Recommended
2025-04-18 11:01:58
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
high recommended......
2025-04-15 22:22:00
0
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status