แชร์

Chapter 16

ผู้เขียน: Death Wish
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-03-03 15:41:43

Death Wish Note: 

Apologize, dear Reader, I have lost the handwritten manuscript of the story and I decide to cut it here, and insert a new story, that surely you will love. I assure you, you will be. 

Prologue: 

His deadly gaze was fixed on the full moon. The moon is about to be covered by dark clouds.

Nakatayo sa pinakamataas na gusali sa boung lungsod.

Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya natutuwa sa paghihintay.

Iniyuko ang paningin at pinagmasdan ang mga ilaw sa napaka-abalang paligid sa ibaba ng gusali.

Ngunit ang mga mata nito ay taliwas sa nakikita. Lumilipad ang kanyang isipan.

Napangisi na lamang siya.

Ang mga pinaghihirapan ng mga tao sa paligid niya ay kapag ginusto nito makuha ang bunga, ay kukunin niya. Siya ang nilalang na walang sinasamba kahit ma-impluwensyang tao.

Ginto, pilak, diamante at mga batong meron sa kanyang halaga ay mapapakanya.

Lahat gusto niyang makuha. Lahat ng mga mamahaling bato ay kanya.

Sa tagal niya sa larangan ng negosyo, pilit niyang pinuputol ang mga sanga ng mga nais na lampasan ang kayamanan niya.

Ganito siya kagahaman sa mga mamahaling bagay at pera.

Nakatatak sa isipan nito na ang pera ang kumukontrol sa mga tao at ilang nilalang na nangangailangan mabuhay.

Ang pangalan niya, ang siyang kinatatakutan ng maraming negosyante.

Pangalan na siyang kilala sa mundo ng negosyo.

Pangalan na alam nilang gahaman sa kayamanan at kapangyarihan.

…Dryzen Storm.

Walang sino man ang nakakaalam kung saang pamilya siya nangaling.

Sino ang magulang nito o saan ba siya nagmula.

Walang nakakaalam kung ilang taon na itong namumuhay sa mundo.

At pilit hinahanapan ng kahinaan.

Ngunit sa huli kung sino man ang siyang magtangka hanapan siya ng kahinaan, ay mamatay.

Bumukas ang pinto.

Hindi siya lumingon kung sino man ang siyang pumasok. Sapagkat parang meron siyang mga mata sa likuran.  Nararamdaman kaagad kung may parating at kung sino.

Kilala niya halos ng malalapit na tauhan sa kanya.

Agad rin niyang natutukoy ang mga tauhan niyang nababayaran ng ilang negosyante at tumatalikod sa kanya.

Ang sino man ang trumaydor sa kanya, ay kamatayan ang naghihintay dito.

Lahat ng tauhan niya alam ang tungkol sa bagay na yan.

“Master Dryzen…”

Ikinahakbang ng pulang sapatos na merong mataas na takon palapit sa kanya. Naghihingalo man ang babae ngunit kailangang maayos niyang pinipresenta ang sarili sa harapan ni Master Dryzen.

Napalingon ang isang lalaking kasamahan ni Dryzen sa babae.

Napatango ang babaeng sekretarya, saka kumilos para kunin ang suit ng boss nila.

“The bidding of the artifact is about to start. Shall we go now?”

Napangisi si Dryzen.

Saka siya lumingon sa mga tauhan niya na agad naman nagsiyukuan.

Inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa babaeng sekretarya.

Tumigil ito mismo sa harapan.

Napakalapit ni Dryzen sa babae upang mapaatras ito.

Nakakabingi ang katahimikan sa paligid, kung hindi lang naririnig ang malalakas na pagtibok ng puso ng mga taong nakapaligid sa kanya.

“How many days do you served me, my dear?”

Tanong niya sa babaeng di maitatago ang malademonyo niyang tinig. Pinaglaruan niya ang ilang hibla ng buhok na gumulo sa mukha ng babae.

“Master Dryzen, two weeks.”

Muling ngumisi si Dryzen at binitiwan ang buhok nito. Napatitig sa lalaking nakatayo lang kanina habang naghihintay sa pagdating ng babae.

“Is she? Ganoon na siya katagal?”

“Yes, Master Dryzen.”

He is his personal assistant… P.A.

Venal.

“Kill her.”

Ikinanlaki ng mga mata ng babae.

Bago pa man makagawa ng mas lalong di maganda sa harapan ni Dryzen, agad na kinaladkad ito palabas ng opisina nito.

Napangiti na lamang si Dryzen. Dahil sa ginawa niya parang napawi ang inis ng ilang minuto niyang paghihintay. Saka siya lumabas ng opisina.

Magsasalita pa sana ang kumuha ng coat ni Dryzen ng napailing si Venal dito.

Kilala ni Venal si Dryzen. Mapaglaro, at gagawin talaga niyang laruan ang mga haharang-harang at pinapangunahan siya.

Sumunod na lamang sila kay Dryzen.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status