Share

Chapter 18

Penulis: Death Wish
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-03 15:43:46

(Dahlia POV)

Inaalalayan ko ang braso ng aking Grandma habang papunta sa isang bus stop. Tahimik na naglalakad ang mga tao ngunit mahahalata na nagmamadali sila.

Dahil siguro sa ulan na nagbabadya.

“May buwan ba ngayon iha?”

Tanong ni Grandma sa akin.

“Sa kasamaang palad Grandma, matatakpan na ng maiitim na ulap. Pero ang ganda ng buwan. Bilog na bilog.”

Dati rati nakikita ni Grandma ang mga nakikita ko ngayon. Ngunit dahil sa aksidente hindi na niya makita ang nasa paligid.

“Nararamdaman ko nga na parang uulan ng malakas. Malamig ang hamog na dala ng hangin.”

“Kaya kailangan niyong sumakay ngayon ng bus Grandma.”

“Paano ka Dahlia?”

Nakita ko ngang bigla nang naging walking sign yung traffic light.

Tatawid na sana kami ni Grandma ng biglang nilipad ang sombrero nitong medyo may kalumaan na din.

Bigla akong bumitaw sa pag-alalay sa kanya at hinabol ang nilipad nitong sombrero.

Ngunit nakalimutan ko na nasa gitna pala ng kalsada si Grandma.

Natigilan ako.

Sa lakas ng busina, at sagitsit ng isang sasakyan… Parang tunog ito na merong maglalaho sa aking buhay. Napalingon ako…

Si Grandma na di alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Di niya alam kung saang direksyon siya maglalakad.

Huli na bago pa man ako makasigaw…

Nasilaw ako ng isang sasakyan na parating din sa aking kinakatayuan.

Wala talagang boses na lumabas sa aking bibig, kundi napapikit na lamang ako.

May malakas na braso na humila sa akin.

Pareho kaming dalawa natumba sa kalsada.

Umuntog ang ulo ko sa kanya at ang kamay nito na siniguradong hindi masasaktan ang ulo ko.

Mabubundol din ako kung di ako…

Kung di ako sinagip na may kakayanang gumalaw sa situation na ito.

Pakiramdam ko lumapat ang aking labi sa malambot…

Ngunit sa aking pagmulat naka-dampi nga aking labi sa nagligtas sa akin.

Nagkatitigan kaming dalawa.

Mga mata nito na di mo ma-ilarawan kung nangungulila ba o nagagalit sa mundong ito.

Saglit na tumigil ang isipan ko sa pag-iisip.

Ngunit ng bumalik ako sa realidad, agad akong bumangon. Tinignan ang direksyon ni Grandma.

“Grandma!”

Ang sumalubong sa akin ang liwanag ng mga sasakyang nagsitigil dahil sa aksidenteng mangyayari sana.

Si Grandma nakatayo na sa tabi. May mabuting loob na umalalay sa kanya.

Dahil sa takot na naramdaman ko kanina para sa kanya, tumakbo na ako dito na hindi ko man lang naalalang pasalamatan yung taong sumagip sa akin.

“Grandma.”

Yakap ko sa kanya.

Nakahinga ako ng malalim at halos namuo sa aking mga mata ang luha.

Malakas ang kabog ng puso ko. Sobra akong natakot. Nanghihina ang aking tuhod sa pangyayari. 

Saka nga tuluyan nang pumatak sa pisngi ko ang aking luha.

“Ano ba ang nangyari? Nagkakagulo ba?”

Walang ideya at di ko alam kung paano ko sa kanya ila-larawan ang nangyari.

Napakalas ako sa kanya at hinarap yung lalaking tumulong kay Grandma.

“Maraming salamat Kuya. Di ko alam kung paano ko po kayo masusuklian sa kabutihan mo.”

Ngunit poker-face ang itinugon nito sa akin.

Alam kong wala na ngang libre sa mundong ito, kaya lang wala akong pera, dahilan upang pasasalamat na lang ang tanging magagawa ko.  

Pero napatitig ulit ako sa mukha nito. Narealize ko lang na…

Ang bilis ng pangyayari, ngunit nagawa niya kaagad para iligtas si Grandma.

Nakapang-amerikana ang lalaki at ang mukha nito, malayong taga dito sa bansa namin. Isang foreigner. Paniguradong di niya ako na-unawaan.

Halata rin sa suit niya na tauhan ito ng mayroong kakayanang bayaran ang isang kagaya niya. 

Tumalikod siya ng biglang tumunog ang nakasiksik sa tenga niya. An earpiece for two-way radio, so he can receive instructions from someone.

Hangang sa tuluyan na siyang naglakad papunta sa kabilang kalsada.

Napatanto ko na lamang na marami ang kagaya niya sa paligid. Nagkalat sila.

Kaya naman tumawid na kami ni Grandma bago pa man kami pagkaguluhan dahil sa nangyari at magsanhi ng traffic sa kalsada.

“Habang dumadami ang mga sasakyan, lalong sisiksik ang kalsada. Magkakaroon ng maraming aksidente. Ano ba ang nangyari iha?”

Sa sinabi ni Grandma, napalingon ako sa taong tumulong sa akin. Nakalimutan ko ang tungkol sa kanya.

Ngunit likuran na lamang ang nakita ko ng tumalikod ito sa akin.

Kinaluskos nito ang puti niyang sleeve. Di pa nga kalayuan ang distansya namin sa kanya, nakita ko ang detalye ng tattoo nito sa braso.

Isang dragon.

“Grandma dito ko lang. May nakalimutan ako gawin.”

Dahil ligtas na din naman dito si Grandma. Natalikuran ko lang yung nagligtas sa akin kanina, dahil sa takot na baka anong nangyari kay Grandma. Hindi ko pa naman ugaling di magpasalamat sa mga tumutulong sa akin.

Yun na nga lang ang maisusukli ko sa mga kabutihan nilang ginawa eh. Bakit di ako magpapasalamat sa kanya?

“Ang batang ‘to, kanina pa hindi sinasagot ang mga tanong ko.”

“Mamaya po Grandma, pag-uwi natin sa bahay.”

Kaya kahit di pa nga maaring tumawid ng kalsada, pinuntahan ko ang mga nakaparadang sasakyan. nagsibalikan na ang ilang tauhan sa loob ng sasakyan.

Alam ko na may katayuan sa lipunan ang tumulong sa amin kanina. Pero kahit na… Di sa akin uso na pipiliin lang ang taong pasasalamatan. Konsensya ko pa.

Kahit sa pagtawid ko binubusinahan ako ng ilang sasakyan, patuloy akong naglakad. Pero ng dumating ako sa kinalalagyan nila… Huli na.

Tumakbo na ang mga sasakyan.

Huli kong nakita yung lalaking sumagip sa akin kanina. Muli kaming nagkatitigan.

Nang maalala kong naglapat ang labi namin kanina.

Napatuptop ako ng aking labi.

Yung halik. Sapat na ba yun sa kanya bilang pasasalamat ko sa ginawa nitong pagligtas sa amin?

Nagising ako sa katotohanan na nasa gitna ako ng kalsada. At mauulit ang pangyayari kanina kung di ako aalis kaagad.

May parating pa naman na traffic officer, kaya binalikan ko na si Grandma.

@Death Wish 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status