Share

Chapter 22

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2023-03-03 15:47:43

(Dahlia POV)

Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. San hindi ako nito sipunin.

Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko.

Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin.

Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad.

Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko.

At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw.

Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga.

Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko.

Ngunit hindi sa ngayon.

Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin.

Kaya tumigil ako sa paglalakad.

Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba?

Pero paglingon ko sa likuran… Pagaspas lang ng hangin ang sumalubong sa akin.

Nawala ang pangamba ko.

Napabuntong hininga.

Ngunit hindi na naman ako makahinga dahil may nakita ako sa tubig na namumuo sa daanan. Yung refleksyon…. Parang may dumaang napakalaking ibon sa kalangitan. Ibon na parang ahas?

Umangat ang paningin ko sa kalangitan.

Wala naman.

Napatitig ako sa buwan na muling nagliwanag.

Guni-guni ko na naman ba? 

Imahinasyon kong to. Di na ako tinitigilan.

Napailing-iling na lamang ako.

Nagpatuloy sa paglalakad. Napapalingon sa likuran ko sakaling tama ang kutob ko. Ang nakita ko kanina ay isang anino ng dragon.

Pero guni-guni ko lang talaga ata.

Ayan na naman, nadala ata ako sa kwento ni Grandma.

At tungkol sa mga dragon ang isinusulat kong kwento ngayon. Nagbabakasakali na tangapin sa isang publisher na lagi kong pinapasahan ng mga likha ko.

Ngunit paulit-ulit naman akong nakakatangap ng rejection.

Pero hindi talaga ako susuko. Alam ko sa aking sarili kung saan magaling. Di man ngayon, balang araw makikilala akong magaling na manunulat.

Sumpa ko yan sa buwan!

Buwan! Ikaw ang magsisilbing paalala sa aking isinumpa.

Tandaan mo yan! At palagi ko talagang itatak sa aking isipan.

Bakit dinamay ko pa ang buwan sa kalokohan kong to?

Nang biglang kumulog. At alam ko na ang susunod nito… kidlat!

Kaya napatakbo na ako kasi malapit na rin naman ako sa gate namin.

Isinara ko ang aking mga mata. Alam kong, kikidlat na.

Kumidlat na.

Pilit kong kinakampante ang paghinga ko.

Diyos ko po… nakakatakot naman ang kulog na yan.

At muli na namang pumatak ang ulan.

Natabunan ang buwan ulit.

Binuksan ko na ang gate. Atomatikong gumagawa naman ng ingay. Di naman highly gate ang meron kami.  Sadyang pinagkumpol-kumpol lang naman na mga lata.

“Grandma! Andito na ako.”

Masaya kong bati habang inaalis ko ang aking sapatos.

Binuksan ko ang pinto.

Nadatnan kong nakatulog na si Grandma sa kanyang rocky chair. Halatang hinihintay niya akong maka-uwi ngunit tinalo na ng kanyang puyat.

Kabisado niya ang bahay, simula sa gate. Kaya kahit paano maari namin siyang iwan.

“Sumobra ka sa dalawampung minuto na paalam mo sa akin.”

Napangiti na lamang ako sa kanya. Kinuha ko ang kamay nito at napamano.

Parang hindi ko siya kasama kanina.

“Natagalan lang Grandma, kasi kailangan ko ng inspirasyon para magsulat ngayon.”

“Tss. Wala paring tatalo sa mga kwento ko.”

Yabang ni Grandma sa akin. Marami nga siyang kwento at may kwento siyang palaging gusto ko marinig. Yung tungkol sa mga dragon at lobo. Sayang lang at di na niya maaring isulat.

Kaya yung nasirang pangarap ni Grandma, ako na lang ang magpapatuloy.

Nangako ako sa kanya.

“Kwento mo nga ulit, Grandma.”

Hinuhubad ko na yung jacket ko saka isinabit sa likuran ng pinto.

Nilapitan ang fridge at tinignan kung ano ang lulutuin ko.

Maulan… Kaya mas masarap kung sinabawan ang iluluto ko. Plus, wala na akong oras dahil uuwi na mamaya lang yung dalawang apo ni Grandma. Dito din tumutuloy. Paniguradong mga gutom na yun.

Ang mga magulang ng apo ni Grandma, naninirahan sa probinsya. Pinadala sila dito para makatulong kay Grandma at makapag-aral ng maayos sa isang sikat na paaralan dito.

Nakakapag-aral sila. Napakapalad nila.

Pero nalulungkot ako. Sinasayang nila ang oppurtunidad na ibinigay ng mga magulang nila sa kanila. Sana ako na lang ang nasa katayuan nila.

Promise di ko sasayangin ang opportunity kung makapag-aral ako.

Kaya lang matanda na ako para pumasok pa sa paaralan.

Pero age doesn’t matter naman.

Ang problema talaga wala akong oras.

Kailangan ko alagaan si Grandma. Kailangan kong gabayan ito sa pang-araw-araw niya. Ako kasi ang nagsisilbi nitong mga mata.

Napakahopeless ko.

“Ano po ang gusto niyo Grandma, sinabawan na isda o prinito?”

Harap ko sa kanya na nag-eenjoy talaga ang matanda sa rocking chair niya.

Kahit medyo, nakakatakot ang tunog.

Hahaha. Di naman kasi talaga ako fans ng horror movie pero di ko mapigilan na takutin ang sarili ko.

“Makatanong naman to. Kala mo naman kumpleto pa ang aking ngipin ko sa Prinitong binigay mong choice.”

“Ah! Sinabawan! Since nga tag-ulan naman ngayon. Mabuti na din yun sa mga pinsan ko Grandma.”

Kahit di ko naman nga mga pinsan talaga.

Ngunit, pinipilit kong tawagin silang pinsan, since nga myembro na din ako ng pamilya ni Grandma, diba?

“Anong oras na ba at parang wala pa sila?”

Napalingon ako sa analog clock.

Malapit na mag alas-otso.  

“Pupunta pa lang yung maliit na kamay sa seven, Grandma.”

“Mga batang yan, pinag-aaral ng maayos. Hays. Ano na ba ang mga inaatupag nila? Si Carlo? Ano ang pinagkakaabalahan niya?”

“Sus Grandma, no need mag-alala. Narinig mo namang magfo-focus na daw siya sa pag-aaral.”

“Sus. Wala akong tiwala sa batang yun. Ikaw tinatakpan mo pa sila sa akin.”

 Inilabas ko na sa freezer yung isda. Ewan kung masarap pa ito sa sinabawan since di na nga fresh.

“Eh, ang karingking kong apo, si Karen? Ano ang kinakaabalahan niya?”

Medyo natawa ako sa sinabi ni Grandma.

“Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.”

“Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.”

“Grandma, relaxs.”

Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo.

Hiwa mode na sa mga sangkap.

“Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!”

Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang.

Okey.

Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din.

“Dahlia…”

“Grandma.” Binuhay ko yung stove.

  

“Ang kinukwento ko sayo hindi isang kathang isip lamang.”

Medyo napangiti ako sa sinabi ni Grandma.

“Alam mo Grandma, kung ganyan ang paniniwala ng isang writer, talagang marami siyang mahuhuling mambabasa. Share mo nga Grandma ulit.”

“Tss. Sira ulo ka Dahlia. Binabalaan kita.”

“Kwento ka na Grandma. Makikinig ako.”

Napabuntong hininga ito.

Para hindi rin siya ma-bore sa kakahintay.   

@Death Wish 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status