Hinagod ko naman siya ng tingin mula sa paa hanggang sa kaniyang mukha. Ganoon na lang ang pag-init ng mukha ko nang mapagtantong medyo kumikinis na siya. What the hell! Baka naninibago lang ako.
"A-ah... Hi!" Nauutal kong bati dahilan nang pag-ismid niya.
"Bye."
Napakunot and aking noo nang kasing-bilis niya pa si Flash dahil sa kaniyang pagtakbo. Anong nangyari sa isang 'yon?
"Gosh! Mukhang mas um-gwapo si fafa Xalent, ateng."
Napairap na lamang ako nang dahil sa sinabi ni Aisie at kumapit na muli sa kaniyang braso. Inayos ko pa ang hibla ng buhok kong medyo tumatabos sa aking mukha at saka pinunasan ang pawis sa noo. Tsk! Hindi naman mainit. Pero no'ng makita ko siya ay nag-umpisa na akong pagpawisan. Nakakaloka lang at iba ang hatid ng presensya niya sa akin.
Pagdating namin sa canteen ay ako na ang inutusan ni Aisie na bumili
"What do you want?" Hindi na ako mapakali't medyo may namumuo na ring pawis sa aking noo, kaya agad kong binawi ang siko ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Xalent. Napalunok na lamang ako nang tuluyan ko itong mabawi at inayos ang aking sarili, saka pasimpleng pinakakalma ang sarili ko. He licked his lips. "You," wika niya at tumabi sa gilid ko. "You're kidding me, right?" Pero sa halip na sumagot siya, ay nanatiling seryoso lang ang paningin niya sa kawalan at nang mag-umpisa akong lumakad ay agad din naman siyang sumunod, kaya huminto na lamang ako. "Look... I'm sorry?" "Huh? Bakit ka nagso-sorry?" Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko habang ang tanaw ng aking paningin ay ang mga estyanteng napapadaan at maingay. "Thank you nga pala. Tinulungan mo 'ko. Thank you," dagdag ko at saglit siyang nilingon para ngitian.
Today is Friday, at talagang hindi ako lumabas ng classroom kahapon kahit na gutom na gutom na ako. Pero ngayon... Ngayon ay hindi na ako dapat pang magtatago. Bakit ba ako magtagago? At sino bang tinataguan ko? Kahapon pa ako in-aasar ni Aisie dahil doon sa post ko at sa sinabi ni Xalent, kaya naiirita na ako't parang ang sarap nang ihambalos kay Aisie ang bag ko. Kaunti na lang talaga ay hindi na ako nagdadalawang-isip na itama ito sa mukha niya nang sa gayon ay manahimik na siya. Wala rin namang Xalent na nagparamdam kahapon, kaya buti na lang talaga. Pero isa rin sa inaalala ko ay ang nalalapit na Linggo dahil makakausap ko na si mommy. Pero ulit, kaya ko ba? Baka 'pag kaharap ko na siya ay kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. Natatakot akong masaktan ko siya. Ngunit mas nasasaktan ako at mas masasaktan pa sa tuwing hindi nasasagot ang mga katanungan ko sa aking isipan. Nalilito na 'ko, kaya isasantabi ko muna ang problema ko s
Kinabukasan ay maaga akong pinuntahan ni Aisie at pinaalala ang alis namin mamayang alas-tres. Napairap na nga lang ako kasi alas-sais pa lang ng umaga ay nandito na siya at binubulabog na ang pagtulog ko. Hindi ko sana siya haharapin, pero winisikan ako ng tubig. Kaya inis na bumangon na lamang ako. Dito na rin siya tumambay dahil wala rin naman daw siyang gagawin sa bahay nila, kaya dito siya nag-stay.Pinalabas ko na muna siya sa kuwarto ko at sa living room na pinatambay. Wala naman siyang gagawin dito sa kuwarto ko at saka maliligo na 'ko. Pagtapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng long sleeves na white at maong shorts. Ito na rin ang susuotin ko mamaya dahil nakakatamad magbihis. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad na akong bumaba para mag-almusal. Hindi ko na niyaya si Aisie na mag-almusal dito dahil alam ko namang tapos na 'yan kumain bago umalis sa bahay nila. At saka hindi rin nam
"Are you ready?" Tanong ni daddy nang makasakay na kami sa sasakyan. Hindi ko alam kung handa na ba 'ko... Hindi ko alam kung kakayanin ko bang ngitian si mommy, sa kabila ng sakit na idinulot ng pag-iwan niya sa amin. Hindi ko alam... "I think so..." Napatingin na lang ako sa bintana nang umandar na ang sasakyan.Today... We will going to meet mommy. At gusto pa ni dad ay ang kausapin ko si mommy. Like the old times na si mommy ang paborito kong kausap, si mommy na gusto kong katabi sa pagtulog, si mommy na gusto kong pagsabihan ng mga problema. But, she broke my heart. My mommy who left me just to be with the other family. Minsan iniisip ko na ayaw niya sa'kin, kaya siya umalis at naghanap ng iba. Minsan din kinukuwestiyon ko ang pagmamahal niya. Kung minahal niya ba talaga ako, kami ni daddy o tinuring niya ba talaga akong anak. They said... Mother knows b
Kinabukasan ko na na-text si daddy na dito ako natulog kila Aisie. In-text ko na rin na gagabihin ako mamaya dahil may event sa school. Akala ko nga hindi ako ri-reply-an ni daddy, pero nag-reply naman siya saying, "Take care", and "I love you". I just smiled and realized that he still cares for me. Alas-diyes na ako nagising at kahahatid lang ng gown na pinagawa namin dito sa bahay ni Aisie kaninang alas-nueve raw sabi niya. Tuwang-tuwa pa ang bruha dahil baka siya na raw ang mapiling Mrs. Claus at baka ang mapipiling Mr. Claus na raw ang forever niya. Napapairap na nga lang ako, eh. Natutuwa rin naman ako dito kay Aisie. Alam niyang may problema ako at nasaksihan niya pa kahapon ang kahinaan ko, pero hindi niya ako pinilit magkuwento. Parang wala na nga lang sa kaniya ang nangyari kahapon at parang normal na araw na ulit 'to. Thank, God... You gave me a friend like her. Hindi ko
Ilang beses ako napakurap-kurap dahil sa lapit ng mukha naming dalawa sa isa't isa. I can even smell his manly perfume na akala mo ay pinaligo niya na sa sarili niya dahil umaalingasaw sa bango."Ehem." Bigla akong napatayo ng maayos at tinulak si Xalent nang makarinig ng tikhim na galing pala kay Aisie. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at napailing. Nilingon ko si Xalent. "I-I'm sorry," aniya't nahihiyang nginitian siya. Ngumiti lamang siya at inilahad ang kamay niya sa'kin. "May I?"Iniabot ko na lamang ang kamay ko at isinabit niya ang kamay ko sa kaniyang braso. Kita ko pa sa gilid si Aisie na parang tangang nakangiti. Ako naman ay hindi na mapakali dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Shit! Tama ba 'tong ginagawa ko?Pagpasok namin ay napanganga ako sa ganda ng pagkakadisenyo nila. May iba't ibang ilaw din ang spotlight na umiikot-ikot at may malaking stage sa gitna. May dalawa ring speaker, at nakahanda na
Nang sabihin na pwede nang sumayaw ang lahat ay agad naman nakahanap ng partner ang bawat isa at nagkaniya-kaniyang pwesto na sila sa gitna. Napainom na lang ako ng orange juice na in-serve dahil wala naman akong balak mag-sayaw.Kita niyo 'tong si Aisie. Sabi ay five minutes lang sila sasayaw, pero hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin sila. Nakasandal pa sa dibdib ni boy. Para tuloy silang mag-jowa. Napairap na lang ako ng biglang palitan ang music nang mas romantiko na. Ano ba naman 'to?"Can I have this dance?" Napaangat ako ng tingin at nakita si Xalent na nakalahad ang kamay at hinihintay na abutin ko 'yon."Ah... Eh..." "Come on! Don't waste your effort in dressing up perfectly." Bigla namang nag-init ang mukha ko kaya napayuko ako. Medyo nakararamdam ako nang hiya, lalo na at sa kaniya nanggagaling ang mga katagang iyon. "You're so cute when you're blushing," wika niya at inilagay niya ang mga kamay ko sa balika
Today is our Christmas party, pero parang wala akong ganang pumunta para makisaya. Isang linggo na rin kasi mula nang marinig ko ang lahat. Nakikita ko naman siya dito, pero lagi ko siyang iniiwasan sa tuwing nagtatangka siyang lumapit para kausapin ako.Hindi rin ako magawang kausapin ng maayos si Aisie dahil palagi akong lutang. Laging malalim ang iniisip ko, to the point na hindi ko na namamalayan ang mga kaganapan sa paligid ko. Hindi ko na nga alam kung may ganap pa ba sa buhay ko, o sadyang puros kadramahan na lamang ang nangyayari. Masakit man, pero mas masakit 'pag pipilitin ko pa ang sarili kong kausapin at harapin siya na parang walang nangyari, na parang wala akong narinig. Hindi naman ako manhid na kayang harapin ang lahat ng sakit at ngingiti sa bandang huli. May karapatan naman siguro akong maging matigas 'di ba?Kailangan ko ring protektahan ang sarili ko. Tamad na lang akong bumangon mula sa pagkakahiga at kinuha ang tuwalya ko at saka dum