Share

CHAPTER 11

Kasalukuyan kong hinihintay ang dalawa kong kasama sa pagpunta sa meeting place. Ngayong Martes kasi napagpasyahan ni Aisie na aalis kami para sa in-planong camping for two days. Ang tagal pa ng mga kasama ko kaya talagang naiinip na ako ng dahil sa kanila. Sabi kasing mag-ayos na agad ng mga gamit kahapon, eh hindi pa ginawa. Alas-tres kasi ang kitaan doon para hindi kami abutin ng dilim sa daan. 

"Ang tagal niyo!" Bulyaw ko rito sa sala kahit alam ko namang hindi nila ako maririnig.

Ilang minuto na lang at sa tingin ko ay kompleto na sila doon. Nasa tabi ko na nga ang malaki kong bag na pang-camping. Nandito na rin ang tent naming tatlo. Pambihira! Imbes na dapat sa bag 'to ni Dienvel nakalagay, ay pinagkaisahan ako ng dalawa at sinuksok sa loob ng bag ko. Pero okay lang naman. Kaming tatlo kasi ang gagamit nitong isang tent.

"I'm here na!" Sigaw ng pinsan ko at tumabi sa'kin sa couch. 

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status