LOGINAng dating madilim na kagubatan ay nagmukhang impyerno dahil sa kulay kahel na apoy na tila sumasayaw sa gitna ng kawalan. Ang init na dumadampi sa aking balat ay hindi lamang mula sa apoy… ito ay mula sa katotohanang unti-unti na akong nilalamon ng sarili kong konsensya.“Bitawan mo ako, Easton!” pagmamakaawa ko, habang pilit kong iwinawagayway ang aking mga braso. “Nandoon sila Arissa! Hindi ko sila pwedeng iwan nang ganoon lang!”Ngunit sa kabila ng kaniyang panghihina, ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso ay higit pa sa aking kalakasan. Ang kaniyang mga mata, na dati ay puno ng awtoridad, ay ngayon ay puno ng pait at pagmamakaawa.“Eloisa baby, makinig ka sa akin!” sigaw niya, ang boses ay pumiyok dahil sa tuyong lalamunan. “Hindi mo kailangan pumunta roon dahil may ibang tao naman na sasagip sa kanila! Baka ikamatay mo pa ang plano mo.”“Edi mamatay ako!” bulyaw ko pabalik, ang mga luha ay tuluyan nang pumatak at humalo sa dumi at pawis sa aking mukha. “Mas madali ang mamata
Mabilis naming nasilayan ang kalsada na para bang nasa gitna ng kawalan. Tulo ang pawis sa aking noo at paheras kaming hinihingal ni Easton habang papalapit kami sa liwanag na binibigay ng sasakyan na natatanaw namin. Doon, muling bumalik sa amin ang mga pamilyar na mukha na mga tauhan ni Arissa. Halos mawalan ako ng lakas sa sobrang ginhawa nang makita ko sila. Agad silang tumakbo papunta sa amin, ang ilan ay diretso kay Easton habang ang iba naman ay pumwesto sa paligid parang protektahan kami sa simunang sumunod sa ‘min.“Sir!” tawag ng isa sa kanila habang inalalayan si Easton sa balikat. Halata sa mukha nila ang gulat sa kalagayan niya ngunit hindi sila nag-aksaya ng oras sa pagtatanong. “Get her to the car,” utos ni Easton kahit pa paos ang boses niya. “Keep her safe, no matter what. Huwag niyo siyang hahayaang mapahamak. Do everything you can, even if it means losing your life.”Agad silang kumilos. Dalawa ang umalalay kay Easton habang ang isa naman ay lumapit sa akin, hawak
Hindi ko na marinig ang sinasabi ni Blair. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Easton na nakahandusay sa lupa, duguan at walang malay. Ganoon din si Arissa na nakakalat ang buhok sa mukha kaya hindi ko masyado makita kung may sugat din itong natamo. Tinabi na rin sa ‘kin si Lukas habang pinapaikutan nila ng gasolina ang paligid namin. “Nasaan na ang tapang ninyong lahat ngayon?” tanong ni Blair, ngunit bago pa man kami makasagot ay napahagikhik na siya. Matalim ang aming tingin ni Lukas sa kaniya. Unti-unti itong lumakas hanggang sa tuluyan na siyang matawa parang may kung anong nangyaring nakakatawa na siya lang ang nakakaintindi.Nakayuko pa siyang tumatawa habang hinihimas ang sariling tiyan, saka biglang tumigil at tumingin sa amin na parang nabasa ang nasa isipan namin. “Ano?” bulong niya, habang nakangisi. “Akala niyo ba nababaliw na ako? Kayo ang dahilan bakit kinakailangan kong gawin ito.”Hindi ko na siya pinansin. Mas kailangan namin makaisip ng paraan kung paano kami makakaa
Ang buong akala ko ay mapayapa nang bumubuo ng sariling pamilya ang aking ama matapos niya kaming iwan, at matapos niyang talikuran ang responsibilidad niya bilang ama at asawa. Pinilit kong paniwalaan na mas mabuti nang tahimik siya sa ibang buhay kaysa manggulo pa sa amin.Ngunit mali pala ako.Ang kaniyang kinakasama ngayon ay iba pala ang takbo ng isip. Sa likod ng maamong ngiti at maayos na pananalita, may nakatago palang motibo na mas madilim pa sa anumang naranasan ko noon.Hindi pa pala sapat sa kaniya na siya ang pinili ng aking ama. “Hindi mo man lang ba babatiin ang step-mom mo? Ganyan ba tinuro sa ‘yo ng nanay mo ha?” Sunod-sunod na tanong ni Blair habang nakangisi, tilang naaaliw sa pangyayari.Hindi ako sumagot. Ayokong ipakita sa kaniya na siya ang lamang sa sitwasyon ngayon. “Kinakausap kita hindi ba?!”Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong palay. Bagama’t naramdaman ko ang bigat ng kaniyang kamay at ang pag init ng aking pisngi, pinanindigan kong hindi ako apek
“Putangina niyo! Sa oras na makakawala ako rito, sisiguradurin kong hindi na kayo makakalabas nang buhay!”Masakit pa man ang aking ulo, pinilit ko ang aking sarili na buksan ang aking mga mata, at ang unang sumalubong sa akin ay ang malawak na palay at ang init ng apoy. Pinilit kong alalahanin kung ano ang huling nangyari—ang sasakyan, ang biglang preno, ang malakas na banggaan, at ang boses ni Lukas na sumigaw bago tuluyang nagdilim ang lahat.Agad kong hinanap si Lukas. Sa isang iglap ay nakita ko siya sa di kalayuan na nakatali sa isang bakal na upuan, duguan ang noo at labi at puno ng pasa. May isang lalaki sa harapan niya na muli siyang hinampas ng balisong. Hindi ko makita ang itsura ng lalaki dahil nakatakip ang kaniyang mukha. “‘Yon ay kung makakawala ka pa!” Sabay hampas ulit sa kaniyang ulo. Bumaling ang ulo ni Lukas sa aking gawi kaya napansin na niyang gising na ako. “Eloisa…”Kahit pa may galit ako kay Lukas, hindi ko napigilang makaramdam ng awa sa kaniya. Sigurado na
“Wala akong pasok bukas, gusto mo bang mamasyal muna tayo sa ibang lugar? ‘Yong tayong dalawa lang…” Sinubukan kong magtunog sweet ang aking tono kahit pa sukang-suka ako sa ideya na inaaya ko ang demonyong ito mamasyal. “Are you sure?” Lukas asked, a little surprised with my suggestion. Madalas kasi ay hindi ko siya kinakausap sa sasakyan at lagi kong tinatanggihan ang pag-aya niya sa ‘kin sa labas.Humarap ako sa kaniya. “Why? Ayaw mo ba?”“No, no!” Mabilis niyang pagtanggi. “Nagulat at kinikilig lang. Sabihin mo lang sa ‘kin ang address at pupunta na tayo roon, baby ko.” Ngumiti ako at sinabi na sa kaniya ang address ng pupuntahan namin. Ang hindi niya alam, nakaabang na sila Easton, at ang mga bodyguards ni Arissa roon. Wala siyang ideya na pinaglalaruan na lang namin siya. Kung inaaakala niyang matalino siya, pwes, mas matalino kami.Dalawang oras ang byahe namin papunta roon. Hindi naman uuwi si Mama sa bahay ngayon dahil nasa business trip siya kaya okay lang kahit hindi mu
“Saan ka galing?” tanong ko nang maupo kami sa sofa. Naroon pa rin ang marka sa leeg ni Easton at pilit kong iniiwasan ang tingin ko roon, pero kusa itong humihila ng atensyon ko.Gusto kong patunayan sa sarili ko na walang tinatago si Easton sa ‘kin. Na wala akong dapat ikabahala. Denidemonyo lang
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinil
Hindi pa man kami tuluyang naghihiwalay ay may kaluskos na nagmula sa may bandang pinto ng faculty room. Pareho kaming napalingon ni Easton.“May tao,” bulong niya.Agad niyang pinatay ang flashlight ng cellphone at hinila ako palapit sa kaniya. Sa dilim, mas rinig ko ang tibok ng d!bdib ko kaysa s
“No more extensions. You must submit your reports by the end of the week.”Samu’t-saring angal ang narinig ko sa mga kaklase ko nang sabihin ng masungit naming professor ‘yon. Ngunit wala akong pakialam. Hindi dahil tapos ko naman na ‘yong report, kundi dahil, masakit sa pakiramdam na kailangan nam







