Masuk“Tama lang pala ang naging desisyon ko na tawagin ang bagong sekretarya ng kumpanya niyo pagkarating ko dito sa Pilipinas!” Bahagyang napangiti ang babae habang iniaabot kay Easton ang paper bag na dala niya. Hindi man lang nito inantay na papasukin siya ni Easton. Basta na lang siya pumasok at nag hubad ng kaniyang heels. “Oh? May kasama ka pala.” Natigilan siya nang makita ako na prenteng nakahiga sa sofa ni Easton. “Hello!”Tumango lang ako bilang sagot dahil inoobserbahan ko pa kung sino siya. Medyo pamilyar kasi siya sa ‘kin pero ‘di ko maalala kung saan. “Sorry,” sabi niya sa akin. “Hindi ko alam na may kasama siya. Madalas kasing walang kasama si Easton kundi ako kaya pumunta na lang ako.”Kung gano’n, matagal na silang magkakilala ni Easton at mukhang close pa sila. Napatingin ako kay Easton dahil hindi ko nagugustuhan ang presensya ng babaeng ‘to sa condo niya.“Arissa,” tawag ni Easton. “You shouldn’t show up at my place like this.”Ngumiti si Arissa sa kaniya. “I wanted
Masama ang loob ko habang nakahilata sa sofa at may hot compress sa tiyan dahil kailangan ko pang magtiis ng ilang araw bago magpalaspag muli kay Easton. Bwisit! Bwisit talaga! Matapos kong magpigil, ganito ang madadatnan ko?!“Bakit?” Inosenteng tanong ni Easton habang nagtitimpla ng kape sa kusina. Kanina ko pa kasi siya tinitignan. Bawat galaw niya ay nakatutok ang mata ko sa kaniya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang nang-aasar ang kaniyang mukha kahit gumagawa lang siya ng gawaing bahay.“Naiinis ako sa mukha mo.” ‘Di ko alam kung bakit ‘yon ang lumabas sa aking bibig pero bahala na siya. Kasalanan na niya ‘yon dahil ganyan ang mukha niya.Humigop siya ng kaniyang kape at parang naaaliw pa sa ‘kin. “Hormonal shifts… interesting.”“Ano?” Pagpapaulit ko sa kaniya dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.“Mood swings happen because of hormonal shifts kapag may dalaw ang isang babae kaya mas lalo silang nagiging emotional at irritable sa kanilang paligid.” Pal
Nagising na lang ako dahil sa mahinang pagtapik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang uncle ko.Balak ko pa sana pumikit ulit kaso bigla kong naalala na may pasok pa pala ako. “Hala, late na ba ako?” Napabalikwas ako at nang tignan ko ang cellphone ko, alas nuebe na ng umaga. Ibig sabihin, dalawang oras na akong late sa klase ko.Tinawanan lang ako ni Easton habang pinapanood ako. “Anong nakakatawa? Akala ko ba never be late?!” Tinuro niya ang bintana at doon ko napansin na malakas pala ang ulan. “Classes are suspended. Hindi na kita ginising kasi malamang may hang over ka.”Mabuti naman kung gano’n. Ang hirap kasi sa college ay kung umabsent ka ng ilang oras, may chance na bumagsak ka dahil sa absences. Kaya naman bayaran nila Papa ang violation kong ‘yon kung sakali pero alam kong hindi ito magiging effective ngayon dahil professor ko si Easton. Hindi ito papayag na papasa ako dahil lang sa pera.Hawak-hawak ko ang ulo ko dahil medyo nahihilo pa
Hawak ni Easton ang aking kamay habang ang isang kamay naman niya ay busy sa manibela.Sinubukan kong dahan-dahang hilahin ang kamay ko palayo, pero mas humigpit lang ang pagkakahawak niya, parang natatakot siyang mawawala ako kapag binitiwan niya.“Easton…” mahina kong tawag. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayos na ako pero hindi ko mapili ang mga tamang salita para maintindihan ni Easton ‘yon. Hindi siya lumingon. Bagkus nilapit pa niya ang kamay namin patungo sa labi niya at hinalikan ang ibabaw ng kamay ko. “You’re safe now, baby.”‘Di ko maiwasang may maramdaman na kung ano sa loob ko dahil sa ginawa niya. I looked away to hide my feelings. Alam ko naman ‘yon. Naging kalmado na ang aking loob simula no’ng siya na ang kasama ko. His presence is already enough to make me feel safe.“I know that,” sagot ko na lang.Ilang sandali lang ay binasag na muli niya ang katahimikan. “Drake Raquin…” “Hmm?” Lumingon ako sa kaniya.“Is he courting you?” diretso niyang tanong. “He’s always st
Nanginginig pa rin ang kamay ko kahit wala na ang kutsilyo sa leeg ko. Wala na siya. Pero naroon pa rin ang pakiramdam.Tahimik lang ako habang niyayakap at pinapakalma nila Trisha at Krisha. Samantala busy sila Easton at Drake habang nakikipag-usap sa mga pulis. “Kung gusto po ninyo, pwede po tayong magpapunta ng mga taga-baranggay para mabigyan si Ma’am ng restraining order laban sa suspek.” Paliwanag ng chief kayla Easton.“Restraining order lang? Hindi ba pwedeng ikulong niyo ‘yang hayop na ‘yan?” Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Drake habang kausap ang mga pulis.“Calm down, Mr. Raquin. May proseso at batas tayong sinusunod,” kalmadong sagot ni Easton kahit na halata sa kaniyang itsura na gusto na rin niyang magwala.Nagtaka na kasi pala sila Drake kung bakit ang tagal kong nawala dahil ang paliwanag ko lang naman ay magbabanyo lang ako. Nang i-check ni Krisha na wala ako sa loob, kaagad na tumakbo si Drake palabas ng bar at doon na niya ako nakita.Mabuti na lang ay naawat ni
“Lukas?! Akala ko…”Nanginginig ang buong katawan ko nang mapagtanto kung sino ang dumakip sa ‘kin. Walang iba kundi ang ex ko na si Lukas. Ang aking psychopath ex.“Yes, baby. I’m back!” Malapad ang kaniyang mga ngiti ngunit alam kong peke lang ‘yon. “I miss you so d@mn much. Ang bango-bango mo pa rin.” Sumiksik siya sa aking leeg. Nanikip ang sikmura ko. Parang bumalik lahat sa alaala ko ang mga memoryang matagal ko nang binaon sa limot. Bumalik sa aking alaala kung paano niya pinapamukha sa ‘kin na hindi pa ako ganap na babae dahil wala pa akong karanasan sa sex. Na mas magiging katanggap-tanggap ako kung magpapaka-p0ta ako sa lalaki. Dahil ‘yon ang ambag ng babae sa relasyon.He never maltreated me physically. Hindi ko naalala kung kailan ako huling huminga ng normal kapag kasama siya. Nagagawa niyang iabuso ang pagkatao ko sa pamamagitan lang ng kaniyang mga salita. Ako naman itong si t@nga na takot na takot na mawala siya. Kung hindi lang nagsampa ng kaso laban sa kaniya ang b

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





