Home / Romance / Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache / Chapter 10: Wedding Ring at mga Alaala

Share

Chapter 10: Wedding Ring at mga Alaala

Author: James0626
last update Last Updated: 2025-04-23 21:05:33

Sofia’s POV

Sa bawat hakbang ng stilettos ko sa marmol na sahig ng Navarro Corp, naririnig ko ang tibok ng puso ko na tila gusto akong pigilan. Pero hindi ako huminto. Hindi na ako ‘yung Sofia na kayang pabagsakin ng isang tingin, ng isang alaala.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakapit ko sa clipboard. Mabilis akong lumingon sa salamin ng hallway. Ayos ang lipstick ko. Pulang-pula. Ayos ang postura ko. Matikas. Elegant. Pero ang sing-sing sa daliri ko—‘yun ang hindi maayos. Nandoon pa rin. Nagniningning sa ilaw ng building na para bang pinapaalala sa akin ang lahat ng dapat ko nang kalimutan.

Bakit hindi ko pa rin ito tinatanggal?

"Sofia, boardroom. In five," ani Camille, isa sa mga lead sa marketing.

Tumango lang ako. Wala akong ganang makipagkwentuhan. Wala akong ganang makiramdam. Lalo na’t naroon siya. Si Gabriel Navarro. Ang lalaking pinili ang pangarap kaysa ako. Ang lalaking ako rin ang nagmahal nang buo… at iniwan nang buo.

Sa Boardroom

Tahimik ako sa isang gilid haban
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   Chapter 11: Kung Kailan Huli Na

    Gabriel’s POV Tahimik ang gabi. Pero sa loob ng opisina, parang may bagyong hindi ko maipaliwanag. Nakatingin ako sa mesa ko. Walang kahit anong bago ro’n. Lahat pareho pa rin — organized, minimal, maayos. Pero sa loob ko, magulo. Parang isang sulat ang sumira sa buong sistema ko. Nasa harap ko ang resignation letter ni Sofia. Isang puting papel lang 'yon, pero para sa akin, para akong sinuntok sa sikmura. Bakit ngayon ko lang 'to nakita? Bakit hindi ko alam na sinubukan pala niyang lumaban? Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi para magpahinga — kundi para takasan ang bigat ng katotohanan. Ako ang dahilan kung bakit siya umalis. At mas masakit... hindi ko man lang napansin. Flashback - Fast cut memory "Gab, saglit lang. Kailangan nating pag-usapan ‘to." “I don’t have time for this, Sofia. May investor call ako sa fifteen minutes.” “Pero tayo—” “Tayo can wait. This can’t.” Doon ko siya iniwang nakatayo. Walang paalam. Walang lingon. Bumalik ang alaala na 'yo

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   Chapter 10: Wedding Ring at mga Alaala

    Sofia’s POV Sa bawat hakbang ng stilettos ko sa marmol na sahig ng Navarro Corp, naririnig ko ang tibok ng puso ko na tila gusto akong pigilan. Pero hindi ako huminto. Hindi na ako ‘yung Sofia na kayang pabagsakin ng isang tingin, ng isang alaala. Naramdaman kong humigpit ang pagkakapit ko sa clipboard. Mabilis akong lumingon sa salamin ng hallway. Ayos ang lipstick ko. Pulang-pula. Ayos ang postura ko. Matikas. Elegant. Pero ang sing-sing sa daliri ko—‘yun ang hindi maayos. Nandoon pa rin. Nagniningning sa ilaw ng building na para bang pinapaalala sa akin ang lahat ng dapat ko nang kalimutan. Bakit hindi ko pa rin ito tinatanggal? "Sofia, boardroom. In five," ani Camille, isa sa mga lead sa marketing. Tumango lang ako. Wala akong ganang makipagkwentuhan. Wala akong ganang makiramdam. Lalo na’t naroon siya. Si Gabriel Navarro. Ang lalaking pinili ang pangarap kaysa ako. Ang lalaking ako rin ang nagmahal nang buo… at iniwan nang buo. Sa Boardroom Tahimik ako sa isang gilid haban

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   Kabanata 9: Ang Singsing na Hindi Ko Maaaring Kalimutan

    Gabriel's POV Tahimik ang buong opisina, pero sa pagitan ng tik-tak ng relos sa pader at mga mahinang yabag sa tiles, naririnig ko ang mas malakas na tunog—ang tibok ng puso kong biglang nag-iba ng ritmo nang makita ko siyang muli. Sofia Montes. Ang babaeng ilang taon ko nang pilit kinakalimutan, pero isang sulyap lang sa kanya, bumalik agad ang lahat ng sakit—at alaala. Kanina pa ako nakaupo sa harap ng glass wall sa opisina ko. Hindi dahil sa dami ng trabaho—pero dahil sa kanya. Nasa kabilang conference room siya, nakaupo na parang reyna sa gitna ng marketing team. Tahimik, elegante, propesyonal. Pero hindi ko maalis ang paningin ko sa isang bagay. Ang singsing sa kaliwa niyang daliri. Maliit lang, manipis, silver. Hindi pang-akit. Pero sapat para gumulo ang isip ko. Bakit siya may suot na wedding ring? Hindi siya kasal. Wala akong nabalitaang kinasal siya habang nasa ibang bansa. At kung may lalaking nagmamay-ari ng puso niya ngayon... bakit parang malamig pa rin ang mga ma

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   CHAPTER 8: Ang Singsing

    SOFIA'S POVTahimik ang paligid. Maaga pa.Kumakapit pa ang ambon sa salamin ng bagong branch office habang dahan-dahang pumapasok ang liwanag ng umaga. Maingat kong pinunasan ang gilid ng lamesa bago ako naupo. First day ng reassignment ko sa Phoenix Project, pero para sa’kin, hindi ito basta bagong simula—isa itong pagtakas.Binuksan ko ang laptop. Tahimik pa rin.Tiningnan ko ang kamay ko.Nandoon pa rin ang gintong singsing sa aking kanang daliri. Wala namang kasal. Wala namang pormal na pangakong binitawan. Pero sa pagitan ng mga linyang hindi namin kailanman binigkas, pinili naming suotin ito—parang pangako na kami lang ang makakaintindi.Hanggang ngayon, suot ko pa rin.Napangiti ako. Maliit lang. Halos wala.Pero sa likod ng ngiting 'yon, may sakit na hindi ko maalis. Dahil ang taong dahilan ng lahat ng 'yon... ay hindi ko na dapat iniisip pa.Gabriel.“Montes, ikaw na bahala sa Q3 reports ha? Priority ‘yan ni Sir Navarro.”Tumango lang ako habang nakatingin sa email na may pa

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   Kabanata 7: Ang Singsing na Hindi Ko Naibigay

    Tahimik ang gabi. Pero mas tahimik ang loob ng opisina. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tikatik ng ulan sa labas, at ang patuloy na pag-ikot ng second hand ng wall clock. Pareho silang paulit-ulit. Tulad ng mga alaala niya sa isip ko. Sofia. Naka-display sa screen ko ang presentation ng Phoenix Project, pero hindi ko na makita ang laman nito. Ang nasa harap ko ay litrato niya—kuha noong team building namin sa Batangas, tatlong taon na ang nakalipas. Nakangiti siya roon… pero hindi sa akin. Para bang sa isang panaginip na hindi ko na mababalikan. Tinamaan na naman ako. Mabigat. Masikip. Tahimik pero sumisigaw ang lahat sa loob ko. “Gusto ko lang naman sumabay sa takbo ng buhay, Sofia…” “…pero hindi ko sinasadyang iwan kang mag-isa.” Pagkalipas ng ilang oras... Meeting. Phoenix Project. Buong team ay nandoon. Nakarating si Sofia, laging huli pero laging maayos. Elegante. Kompleto ang ayos. Hawak ang folder. Walang bakas ng emosyon sa mukha. Pero ang pinakamalaki

  • Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache   Chapter 6: Lahat ng Hindi Nasabi

    Gabriel's POVTinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Ilang beses kong binasa ang pangalan sa inbox bago ako naglakas-loob na buksan ang mensahe ni Sofia.Sofia's Message:"Gabriel, nagustuhan ko yung huling project na pinasa ko. Salamat sa pagkakataon."Simpleng mensahe. Pero sa akin, para akong tinusok sa dibdib.Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang makita ang pangalan niya, o ang katotohanang wala na akong lugar sa mundo niya.Pumikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan. Parang ayaw akong tigilan ng mga alaala—mga alaala naming dalawa. Sa mga oras na ganito, hindi ko maiwasang balikan ang mga araw na magkasama kami. Sa opisina. Sa gabi. Sa pagitan ng mga tawanan at tahimik na sandali.Ngunit ngayon… wala na siya.Tumayo ako at tinungo ang opisina—ang dati naming opisina. Hindi ko alam kung bakit. Hinahanap ko ba siya? O baka sarili ko na nawala rin noon?Tahimik ang buong paligid, pero sa isip ko, maingay ang bawat alaala.Flashback – Phoenix Project, Year One"Ayos ba ‘to?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status