Share

Chapter 51

Alas sais pa ng umaga at nakahanda na ako sa aking pag-alis. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng t-shirt at pinaresan ko ng itim na pantalon.

Bumaba na ako ng aking kwarto at dumiretso ka agad sa kusina upang kunin ang dalawang pares ng milkshake na ginawa ko kagabi. Matagal akong natulog dahil lang sa pagpaplano kung ano ang kailangan kong gawin o sabihin sa harap niya.

Napagplanuhan ko kasing bisitahin ang mag-ama ko sa bahay nila. Kaya ako gumising ng maaga upang maabutan ko pa sila. Nalaman ko kasi kahapon na sasama ang anak ko kay Tyrone sa kompanya dahil wala itong makakasama sa bahay nila.

Inilagay ko muna ang mga baso sa lalagyan nito at binalot ito gamit ang paperbag na kulay blue. Sana naman ay magustuhan nila ang mga ito, pinagpuyatan ko pa naman ang mga ito. Nakailang ulit pa ako kagabi dahil ayokong masobrahan sa tamis at tabang ang gawa ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status