Share

CHAPTER 3

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-06-16 20:51:56

"M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.

Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi ang kalahati ng dibdib niya dahil doon.

Inirapan siya ng tinawag niyang Mamu at saka masamang-mukhang pinasadahan siya ng tingin. "Alam mo, Kiarah, ke bago-bago mo pa lang, napakarami mo nang reklamo! Sayang ang ganda mo, hija, kung magsusuot ka ng parang damit pa 'ata ng lola mo!" mataray nitong sabi habang panay ang paypay sa sarili.

Napayuko naman si Kiarah dahil sa matinding hiya. Kasalukuyan silang nasa dressing room kasama ang mga katrabaho niya na pawang nag-aayos din.

"Gusto mo ng trabaho, 'di ba?" Tumango naman si Kiarah. "Pwes, magtiis ka! Sundin mo ang lahat ng ipinagagawa ko sa 'yo! 'Wag kang boba! Kung ayaw mong ibartolina ulit!" sigaw nito na mukhang naubusan na ng pasensya sa kaniya.

Napapahiyang napatango na lamang si Kiarah. "O-opo, M-Mamita," utal niyang turan habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. 'Nay, ayaw ko na po dito. Gusto ko na pong umuwi...'

"Sige na! Mag-ayos ka na at mayamaya ay ipapakilala na namin kayong mga baguhan sa mga parokyano!" sigaw pa nito. Ninenerbiyos namang tumango si Kiarah sa babae. "Angelica, ikaw na'ng bahala sa mga 'yan. Aasikasuhin ko lang ang mga VIPs natin," bilin pa nito sa isa nilang kasamahan. Ito ang pinagkakatiwalaan ng may edad na babae.

"Yes, Mamita!"

Lumabas na ang floor manager pagkuwan, samantalang nilapitan naman ni Angelica si Kiarah at inalo. "Masanay ka na, Kiarah. Ganyan talaga si Mamita, pero mabait naman 'yan basta't 'wag lang matigas ang ulo mo. Mag-ayos ka na bago pa kayo tawagin," anitong ngumiti pa sa kaniya.

Hindi naman nabawasan ang kaba at takot ni Kiarah sa sinabi nito, pero wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. "Salamat, Angelica," saad niyang pilit ang ngiti saka itinuon ang pansin sa malaking salamin na nasa harapan niya.

Naroon din sa harap niya ang mga gamit sa pagme-makeup na kahit paano ay pinag-aralan niyang gamitin. Umupo siya sa upuang plastik at pinagmasdan ang imahe sa salamin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang bilugang mga mata. Maging ang labi niya, kahit anong pilit niyang pangitiin, ay hindi kababakasan ng tunay na saya.

Lihim na lamang siyang napailing at saka dinampot ang brush pati na rin ang compact powder. Idinuldol niya ang brush sa pulbos at ipinahid iyon sa kaniyang pisngi. Subalit habang tinitingnan niya ang repleksyon sa salamin, tila ba nakikita rin niya ang mga kaganapan kung paano siya napasok sa trabahong iyon... bilang isang bayarang babae.

---

"GOOD evening, gentlemen! Allow me to present the exquisite women of Velvet Mirage!"

Isa-isang sinipat ni Ren Akihara ang bawat babaeng lumalabas sa entablado habang nakaupo siya sa isang mesa at umiinom ng brandy. Ang Velvet Mirage ang misyon niya ng gabing iyon. Ayon sa surveillance team, ay may magaganap na bidding ng mga babae ngayong gabi. Kaya naman agad siyang nag-disguise bilang isang Japanese businessman na naroon para maglibang at kumuha ng babae.

Mayamaya pa ay nagsimula nang ipakilala ang bawat babae na nasa entablado. Ayon sa babaeng nagsasalita, ang bawat kababaihan ay may katapat na presyo. Ang customer na kukuha sa mga ito ay kailangang mag-deposito bago mai-table, o kaya naman ay magbayad nang buo kung ilalabas-depende sa magiging usapan ng babae at ng customer. Subalit ang ipinagtataka ni Ren, wala pang bidding na nagaganap sa mga babaeng iyon.

'Kung gano'n, iba pa ang babaeng ibini-bid nila!' hinuha niya habang nanonood.

'I'd like to kill those bastards!' nanggagalaiting usal niya sa isipan habang pinagmamasdan ang mga kalalakihang pumipili ng babae.

Kitang-kita ni Ren sa mukha ng mga ito ang pagtutol. Nakaramdam siya ng awa, at parang may nagtutulak sa kanya na iligtas ang mga ito. Ngunit hindi iyon ang tamang oras upang kumilos.

Ang plano niya'y magmasid muna at alamin ang illegal activities sa club-partikular ang prostitusyon. Kailangan niyang makakuha ng matibay na ebidensya.

Mayamaya pa'y nagpalakpakan ang mga customer nang ipakilala ang isang babae. Kunot-noong pinagmasdan ni Ren ang bagong dating. Hindi maikakailang bakas sa mukha nito ang takot habang panay ang hatak sa suot nitong maikling dress. Maganda ang babae-matangkad, may sexy ang katawan, at morena. Sa tingin niya ay nasa early twenties lamang ang edad nito.

"Oops! Calm down, Gentlemen! The beautiful woman in front of you is the Star of the Night!" anunsyo ng emcee. Naghiyawan ang mga kalalakihan.

Samantalang si Ren naman ay nakaramdam ng matinding galit habang pinagmamasdan ang inosenteng babae. Kitang-kita sa mukha nito ang takot.

'Shit! Siya pala ang ibi-bid! Fuck!'

"Okay, as usual, the Star of the Night is open for bidding! Starting price-fifty thousand!"

Nagsimula nang mag-bid ang mga naroon na para bang mga hayop na nag-aagwan sa iisang buto.

"Sixty thousand!"

"Seventy-five thousand!"

"One hundred thousand!"

"One hundred twenty!"

"These gentlemen seem very eager to have you, Star of the Night!" ani ng emcee. "One hundred twenty thousand! Going once? Going twice?"

Napakuyom ang kamao ni Ren. Hindi niya mapigilan ang galit, pero alam niyang hindi siya puwedeng kumilos nang basta-basta. Kaya gumawa siya ng desisyon. Kailangan niyang tulungan ang babaeng iyon kaya tumayo siya at nagpunta sa stage.

"I'll take her," aniya. "One hundred fifty thousand."

Napalingon ang lahat sa kaniya. Tumango naman ang host.

"Sold!"

Kaagad niyang hinila pababa ng stage ang babae na takot na takot pa rin at dinala niya ito sa mesa.

"Stay here," utos niya. Hinubad niya ang coat at isinuot sa babae. "Wear this."

Nag-angat naman ito ng paningin, may bakas ng takot sa mga mata.

"S-Slamat po, S-Sir..."

Tumango lang si Ren at nagpunta sa opisina para magbayad. Pagbalik niya, naabutan niyang mukhang basang sisiw ang babae.

"Hey, let's go. Sumama ka sa 'kin."

"S-Sir? Saan niyo po ako dadalhin?" Naalerto ang babae ng mga sandaling iyon nang marinig ang sinabi niya.

Pero nanatiling kalmado lang si Ren at huminga nang malalim. "Ano'ng pangalan mo?"

"K-Kiarah Mendoza po..."

"Okay, Kiarah. You have two choices," aniya na ikinamaang naman ng kaharap. "Ang una, sumama ka sa'kin para makaalis sa impyernong 'to. Pangalawa, iiwanan na lang kita at hahayaang pagpiyestahan ng mga hayop na 'yan."

Ngunit ni hindi man lang nagbago ang anyo ng babae. Mababakas pa rin sa maganda at inosenteng mukha nito ang matinding takot at pag-aalinlangan.

"Come on, it's your choice," pagpupumilit pa ni Ren. "But make sure na 'pag pinili mong magpaiwan dito, babayaran mo rin ang 150,000 na ibinayad ko para sa'yo. Dahil ang sabi ng boss mong Intsik, 'di raw 'yon refundable, okay?" paliwanag pa niya upang kumbinsihin ito.

Sinikap pa ni Ren na maging pormal sa harap ng dalaga para huwag itong makaramdam ng takot sa kanya. Isa pa, gusto rin niyang makuha ang tiwala nito at maging panatag ang loob para maisama niya ito nang maayos.

Ilang sandali pa munang tila nag-isip ang babae bago muling nagsalita. "S-sasama na lang po ako, S-sir," tugon nitong lihim niyang ikinangiti.

"Okay, let's go. Gusto ko na ring matulog. Inaantok na 'ko," saad ni Ren rito.

Tumango naman ito kaya't iginiya na niya ito palabas sa naturang club. Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa parking area ng club. Matapos niyon ay sandali muna niyang binitiwan ang babae para umikot sa passenger's side para pagbuksan ito ng pinto, pero ganoon na lang ang gulat niya nang mabilis itong tumakbo palayo...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Christina Tallecer
hahaha takbo Ning maiinlove ka sa taong yan hahahaha.another story author..sana kasing Ganda din Ng mine even after hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Temptation Under One Roof   AUTHOR'S NOTE

    Hello, mga lovies! May bago na naman akong story, at this time, mas intense, mas dangerous, mas possessive, at definitely mas mainit. 😏 Introducing my newest story: SURRENDER TO THE ALPHA MASTER🔥 Kung naghahanap kayo ng story na may Super SPG vibes, nakakapag-init habang nagbabasa, may possessive at dominant male leads, then baka ito na ang story na hinihintay ninyo. Think of that 365 Days kind of dark, intense, dominant-romance energy—powerful men, dangerous attraction, undeniable chemistry, and women who are about to discover just how difficult it is to resist an Alpha Master. Tatlong lalaki. Tatlong babae. Tatlong magkakaibang kuwento. Pero iisa ang siguradong mangyayari… Kapag nahulog na ang isang Alpha, wala nang takas. ❤️‍🔥 So kung ready na kayong kiligin, magpainit, at ma-hook sa isang romance na puno ng possessiveness, dominance, tension, seduction, and forbidden desire, samahan ninyo ako sa SURRENDER TO THE ALPHA MASTER. As always, thank you for giving my stories a

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 53

    IPINASYA ni Ren na dumaan muna sa The Marcello, ang bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya. Gusto kasi muna niyang magpalamig ng ulo dahil sa nangyari kanina at mag-unwind na rin. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon hangga't wala pa siyang bagong assignment.Pero nang maisip niyang muli si Alejandro Montenegro ay lalong nadagdagan ang galit niya nang mga oras na iyon. ‘I'll send you to jail again, asshole!’"One brandy on the rocks, please," ani Ren sa bartender. Agad naman itong tumalima saka inabot ang baso na may lamang brandy. Kaagad naman niya itong tinungga. Napangiwi pa siya nang malasahan ang pait niyon na gumuhit sa kanyang lalamunan.Habang mag-isang umiinom si Ren nang mga oras na iyon ay inilibot niya ang paningin sa loob ng bar para sana ay hanapin si Roi, ang may-ari ng bar na kaibigan niya. Pero hindi niya makita ang lalaki. Siguro ay may inaasikaso itong VIPs nang mga oras na iyon.Nakakailang baso na rin siya ng brandy nang mga sandaling iyon at ramdam niy

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 52

    "KUPS, alam mo na ba ang balita?" pakli ni Kael kay Ren nang magkita sila sa café ng OSS. Lunch nila iyon at eksakto namang nakasabay niya ang matalik na kaibigan. Madalang lang din silang magkita ng lalaki lately dahil sa pagkakaalam niya, busy ang ungas sa misyon nito.Naudlot ang sana'y pagsubo ni Ren at matamang tumingin sa kaibigan. "About what?" clueless niyang tanong."Nakapagpiyansa si Alejandro Montenegro," ani Kael na ikinagulat niya."Fuck! What? Pa'nong nakapagpiyansa, e non-bailable ang kaso ng hayop na 'yon?" nanggigigil na turan ni Ren sa kaibigan.Si Alejandro Montenegro na tinutukoy ni Kael ay ang may-ari ng El Casa Montenegro na kabubuwag pa lang niya no'ng isang buwan. Naipakulong niya ang lalaki at sinampahan ng patong-patong at mabibigat na kaso."Ang sabi, na-grant ng korte ang application para makapagpiyansa ang hayop." Napailing pa ang kaibigan nang sabihin iyon.Nagtiim ang bagang ni Ren dahil sa nalaman. Matapos niyang ibuwis ang buhay para mahuli ang demonyo

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 51

    ‘Siguro estudyante siya rito. At saka mukha naman siyang mabait,’ isip-isip ni Kiara habang nakatunghay dito. "A-ano kasi... hinahanap ko iyong banyo," nahihiya niyang sagot dito."'Yon lang ba? 'Lika, samahan na kita," prisinta naman nito habang nakangiti nang malapad."H-hindi ba nakakahiya? Baka nakakaistorbo ako sa iyo," alanganin namang turan ni Kiara.Umiling ito saka ngumiti sa kanya, dahilan upang lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi. "Nope, it's okay. Let's go, baka abutin ka pa d'yan," biro pa nito saka mahinang tumawa. Pakiramdam naman ni Kiara ay uminit ang kanyang pisngi dahil sa biro ng lalaki. "S-salamat.""You're welcome," magiliw pang wika ng estrangherong lalaki, pagkatapos ay iminuwestra sa kanya ang daan. Agad naman siyang kumilos at nauna nang maglakad.‘Bakit hindi ko ba napansin ito kanina?’ tanong niya sa isipan nang marating ang banyo na dinaanan lamang niya kanina. "Maraming salamat," aniya sa lalaki. Tulad kanina ay ngumiti lamang ito pagkatapos ay

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 50

    "GRACIAS, abogado, y usted hizo un camino para que yo obtuviera la fianza," (Thank you, attorney, and you made a way for me to get bail,) ani Alejandro sa kanyang private lawyer na si Attorney Hernandez, saka nakipagkamay."No, Señor. Es mi deber como su abogado," (No, Sir. It is my duty as your lawyer,) tumatango-tangong saad naman nito kay Alejandro. "Cuál es su próximo plan, Señor Montenegro?" (What is your next plan, Mr. Montenegro?) tanong pa nito kay Alejandro habang itinutulak siya gamit ang wheelchair papalabas ng city jail kung saan siya ikinulong.Tumiim-bagang si Alejandro nang maisip ang mga taong may dahilan kung bakit siya nakulong. Gayon din ang sanhi kung bakit namatay ang kanyang daddy. Ikinuyom niya ang kamao saka galit na tumingin sa lawyer niya."They will pay for what they did, Attorney! Igaganti ko si Daddy!" mariin niyang wika habang mariing nakakuyom ang mga kamao.Tumango-tango naman si Attorney Hernandez sa kanya. "Le entiendo, Señor Montenegro," (I understan

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 49

    NGUNIT HINDI napanatag ang kalooban ni Kiara sa tinuran nito. Kitang-kita kasi niyang nahihirapan ang amo bunga ng tinamong sugat nito sa braso. "Sigurado ba kayo, Sir? Nag-aalala ako sa inyo, e."Si Ren naman ay hindi malaman kung bakit, pero sa tuwing nararamdaman niyang nag-aalala ang babae, parang hinaplos ang kanyang puso. At ang ipinagtataka pa niya, si Kiara lang ang tanging babae na may kakayahang makapagparamdam nito sa kanya ng ganoon. Kapag ito kasi ang nagsasalita, ramdam niya ang sincerity nito. Pero lihim ding napailing si Ren dahil doon. ‘'Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Natural lang na mag-alala ang isang tao!’"It's nothing, Kiara. Daplis lang 'to, okay? At saka galing na 'ko sa ospital."Bumuntong-hininga ang babae habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin maalis-alis ang pag-aalala nito sa mukha. "Eh, Sir, napakadelikado naman pala ng trabaho mo. Bakit iyan pa ang napili mong pasukin?" nakasimangot na tanong pa ni Kiara sa kanya. "Marami namang trabaho riya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 5

    NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 4

    "SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.Nakaramdam siya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 1

    NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 2

    Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi. "Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status