LOGINNAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman ito.
Sa tingin niya ay nasa 5'6 hanggang 5'7 ang taas nito. Umabot sa kalahati ng hita nito ang t-shirt kaya naman lumantad ang hita nitong makinis at maganda ang hubog, kahit morena lamang ito. Noon lang rin niya napansin na bakat ang malulusog na dibdib at nipples ni Kiarah sa manipis na t-shirt na suot nito. 'Shit! Wala nga pala siyang bra!' mariing usal niya sa isipan saka lihim na napalunok. Agad rin niyang naramdaman ang pagkabuhay ng natutulog niyang alaga sa loob ng kanyang brief.nKaya bago pa siya mawalan ng wisyo ay kinontrol na niya ang nararamdaman at lihim na sinaway ang sarili. 'Easy ka lang, Polaris. Alam kong diet ka ngayong araw pero please, 'wag ngayon, okay? Calm down, matulog ka ulit,' aniya na ang tinutukoy ay ang pagkalalaki niya. Binalingan niya ang dalaga at pilit inalis ang init na nararamdaman sa katawan. "Maupo ka na. Let's eat. Gusto ko na ring matulog kahit sandali. May pasok pa kasi ako mamaya," pormal niyang anyaya kay Kiarah. Nauna nang naupo ai Ren at nagsandok ng kanin sa sariling plato. Pero sa sulok ng mga makasalanan niyang mga mata ay nakita niyang atubiling dumulog ang babae sa hapag, kaya naman inihinto niya ang sana'y pagsubo at hinarap ang dalaga. Iniwas niya ang mga mata na mapatingin sa dibdib nito at itinuon lamang ang mga iyon sa maamong mukha nito. "Hey! Manonood ka lang ba d'yan? Ang sabi ko, maupo ka na at kumain. Gusto ko na rin kasing magpahinga, okay?" Napayuko naman ang dalaga at tila batang mabilis na naupo sa silyang katapat niya. Inilapag nito ang tuwalyang hawak sa kandungan at nagsimulang dumampot ng kutsara. Nagsandok ito ng kanin at kaunting ulam saka nagsimulang kumain nang walang kibo. "Anyway, saan ka nakatira at ilang taon ka na? Ang balak ko kasi ay ihatid ka sa inyo after mong magbigay ng statement," kaswal na tanong ni Ren kay Kiarah. Nag-angat ng tingin si Kiarah at nahihiyang tumingin sa lalaki. "Twenty-one years old na po ako, Sir, at sa Leyte po ako nakatira." Tumango-tango si Ren sa narinig. 'She's already twenty-one but she looks innocent. I wonder kung may naging boyfriend na siya...' Ganoon talaga siguro kapag laking probinsya ang mga babae. Karamihan ay old-fashioned at parang walang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi gaya ng mga kababaihang lumaki sa Maynila. Pawang mga liberated at sa murang edad ay hindi na birhen. At siyempre, alam na alam niya iyon. Ganoon naman kasi ang mga babaeng nakaka-sex niya. Well, he doesn't care if they're no longer virgins. What is important is that they are able to provide his sexual needs. "Twenty-one ka na pala, so stop saying 'po'. Twenty-six pa lang naman ako kaya you can call me whatever you want. You can call me Ren, Ren Gwapo, o Sir Ren. Kahit ano d'yan basta 'wag mo nang lagyan ng 'po'. Sa gwapo kong 'to pinapatanda mo ako eh." "Naiintindihan ko, S-Sir Ren," nahihiyang sagot ng dalaga. Ipinagpatuloy nila ang pagkain nang tahimik na tila may kaniya-kaniyang iniisip. Katulad na lamang ni Kiarah. Abala ang isipan niya kung paano siya uuwi sa kanila na bigo at walang dalang kahit isang pera. Nangako pa naman siya sa kanyang Nanay na magpapadala siya ng pera at mag-iipon para matubos ang lupang sakahan nila. Pero heto siya, uuwing kahihiyan ang dala sa ina at mga kapatid. Samantalang si Ren naman ay abala ang isip sa lihim na pagsasaway sa nagwawala niyang alaga dahil sa kaakit-akit na tanawin na kanina pa tumutukso sa kaniya. Kaya muli, naghanap siya ng paraan para i-distract ang sarili. Kailangan niya iyon dahil mahirap pigilan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. "Before I forget, may pasok ako bukas. Meaning, ikaw lang mag-isa rito. Kung mamalasin, baka sa susunod na araw na ako makakauwi. Kailangan ko kasing asikasuhin ang club na pinanggalingan mo. Alam kong marami pang kagaya mo ang naroon at sapilitang pinagtatrabaho. I need to rescue them," mahabang paliwanag niya na mukhang naintindihan naman nito kaagad. "Matanong ko lang, paano ka napasok sa club na 'yon? Tinakot ka bang sumama? Alam ba ng mga magulang mo na ganoon ang trabahong papasukin mo?" Sa mga sinabi ng lalaki ay muling nakaramdam ng matinding lungkot si Kiarah. Ang pamilya kasi ang kaniyang inspirasyon kung bakit siya sumama sa mga iyon upang lumuwas ng Maynila. Subalit magsisi man siya ay huli na. Dahil ito na siya ngayon, nabigo man na mabigyan ng maalwang buhay ang pamilya, ay ligtas naman siya sa tiyak na kapahamakan. Uminom muna ng tubig si Kiarah bago nagsalita. "May grupo kasi ng mga taga-Maynila ang nagpunta sa bayan at ang sabi'y naghahanap daw sila ng mga babaeng serbidora. At dahil nga kulang ang perang kinikita ko para matulungan si Nanay sa pang-araw-araw na gastusin, nagpasya akong sumama. Ulila na kasi ako sa ama at apat kaming magkakapatid. Dahil ako ang panganay, inobliga ko ang sarili na magtrabaho at tulungan ang mga kapatid ko. Bukod pa roon, nakasanla rin ang lupang sakahan namin dahil nagkasakit ang bunso kong kapatid ng pulmonya," mahaba at tuloy-tuloy na salaysay ni Kiarah sa lalaki. Muli niyang dinampot ang basong may lamang tubig saka uminom. Ramdam kasi niya ang panunuyo ng lalamunan dahil sa mahabang pagsasalita. Nang maginhawahan ay nagpasya siyang muling ituloy ang pagsasalita, ngunit nakaramdam siya ng pagkailang nang mapansing matamang nakatitig sa kaniya ang lalaki habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. Seryoso ang anyo nito at bahagya pang nakakunot-noo. 'Galit ba si Sir Ren? Bakit kaya? Nagdududa ba siya sa mga sinabi ko? Naku po! Huwag naman sana...' "S-Sir Ren, bakit po kayo ganyan makatingin? May problema ba?" lakas-loob na tanong ni Kiarah rito. Umiling naman ito sa kaniya. "Nothing. Ituloy mo ang kuwento mo." Tumikhim pa muna si Kiarah bago nagpatuloy. "Pagdating ko rito sa Maynila, nalaman kong pagbebenta pala ng katawan ang totoo kong trabaho. Nagtangka akong tumakas pero nahuli nila ako at ibinartolina nang tatlong araw. Ikinulong nila ako at hindi pinakain, kahit man lang tubig ay wala. Ang akala ko, doon na ako malalagutan ngunit kinaya ko. Pagkalabas ko sa kulungan ay nilagnat ako nang halos dalawang linggo. Kaya naman sabi ni Mr. Wong ay kailangan pang maging malusog daw ako at maganda bago ipakita sa mga parokyano. At iyong kanina ang unang paglabas ko..." Matamang pinagmamasdan ni Ren ang babae mula nang magsimula itong magkuwento hanggang sa matapos. At hindi niya maiwasang maantig at makaramdam ng awa para rito. Ramdam niya na totoo ang lahat ng sinabi nito. Dahil habang nagsasalita ito ay diretso niya itong pinakatitigan sa mga mata. Pawang kainosentehan lamang ang nababasa niya roon. Isang bagay na hindi makikita sa isang taong nagsisinungaling. Kung kaya naman, muli siyang nakabuo ng pasya. "I have a proposal, Kiarah. Live and work for me. Bukod doon, tutulungan ko ang pamilya mo," diretsa niyang tugon kay Kiarah na ikinagulat nang husto nito. "Sir?" "Pagkatapos mong maging testigo sa club na iyon, bibigyan kita ng trabaho kung gusto mong kumita," pagpapaliwanag pa ni Ren. "Pag-isipan mo.""ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa labis na saya. "Akala ko, anak, ay may nangyari nang masama sa iyo. Mahigit isang buwan kang walang paramdam. Labis kaming nag-alala ng mga kapatid mo!" Gumaralgal na ang tinig ng kanyang ina habang mahigpit ring nakayakap sa kaniya. "Sorry, 'Nay! Naging abala lang po ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi," umiiyak na ring tugon ni Kiarah. Naisip na niya na huwag nang sabihin sa Nanay niya ang kanyang dinanas sa Metro City dahil ayaw niyang pagalitan siya nito. Isa pa, tutal ay tapos na iyon. Nakita niyang nagpahid ng luha ang Nanay niya gamit ang laylayan ng suot nitong kupasing sarong. "Ayos lamang iyon, anak. Ang mahalaga ay nandito ka na
"I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Ren. Her father is one of the major stockholders of our company." Hindi inaasahan ni Ren na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad. Unang beses lang nitong mag-request sa kaniya at hindi niya akalaing sa ganoong bagay pa. Base rin sa timbre ng boses nito, hindi iyon pakiusap kundi utos. Tahimik niyang pinagmasdan ang ama na noon ay nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk sa gitna ng library. Palibhasa'y malawak ang silid, napapalibutan iyon ng matataas na bookshelf na puno ng mga libro, legal documents, at business journals. Mula pagkabata ay pamilyar na si Ren sa lugar na iyon. Sa katunayan, mas marami pa siyang alaala sa library kaysa sa mismong pakikipag-usap sa kanyang ama. Kapag hinahanap niya noon ang Daddy niya, kadalasan ay naroon ito. Kaya naman kahit ngayong matanda na siya, tila may kakaibang distansya pa rin sa
"Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō ni koishikatta yo! (Mama, I really missed you too!)" nakangiting sabi niya sabay-abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother." Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang Mommy nang tanggapin nito ang bulaklak. "Thank you very much, anak." Matamis pang ngumiti ang ginang pagkasabi niyon. She really loves flowers, especially roses. "Tamang-tama, katatapos ko lang lutuin ang favorite mong beef caldereta. Magpalit ka na ng shirt mo. Sabay-sabay na tayo ng Dad mo." Napakunot-noo si Ren nang marinig ang sinabi ng kaharap. "Nandiyan si Dad?" "Yes, anak. Sinabi ko kasing uuwi ka ngayon." Lihim siyang bumuntong-hininga. Hindi kasi sila close ng
"Or if you want, I'll give you a one-week vacation leave. Umuwi ka sa inyo. I'll give you your salary and 'yong financial help na pinangako ko para sa pamilya mo," mungkahi nito na ikinagulat ni Kiarah. Makakauwi na ako kina Nanay! Sa narinig ay hindi mapigilang tumayo ni Kiarah at yakapin ang amo bilang pasasalamat. Subalit huli na lamang rin niya napagtantong kahiya-hiya ang inasal niya sa amo. "Sorry, Sir Ren. Hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya dahil sa sinabi ninyo. Nangungulila na kasi ako kay Nanay at sa mga kapatid ko. Hulog talaga kayo ng langit, Sir Ren," nasisiyahang pasasalamat niya rito. "No, it's okay. Ang totoo, naisip ko rin na baka nami-miss mo na ang family mo. Anyway, pack your things. Sabay na tayong aalis. Magpapa-book na lang ako ng flight pauwi sa province n'yo then ihahatid kita sa airport, okay? Make it fast," sunod-sunod pang wika ng lalaki. Mabilis namang tumango si Kiarah rito at saka masiglang tinapos ang pagkain. Nay, makakauwi na ako. Maka
HABANG nagpiprito ng hamon si Kiarah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Ren na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pa nitong buhok. Presko ang anyo nito at mukhang kagagaling lamang sa pagligo base sa basa pa nitong buhok. Agad rin niyang napuna na wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lamang. Lumantad tuloy ang matipunong katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ang tattoo nito sa may kanang bahagi ng dibdib, na halos umabot na rin sa kalahati ng balikat ng lalaki. May tila maliliit na pandesal rin itong mga masel sa tiyan na para kay Kiarah ay maganda ang hubog. Nakakita na rin naman siya ng mga ganoon sa probinsya nila. Iyon nga lamang, iyong mga binata na pawang banat sa pagsasaka at laging bilad sa arawan ang nakikitaan niya ng ganoon. Katulad na lama
NAPABALIKWAS nang bangon si Ren nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa niya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot. "Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon. "Naistorbo ba kita, anak?" Nagising ang diwa ni Ren pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Mom. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?" "It's okay, anak. Gusto ka lang sana naming kumustahin ng Papa mo." Tsk! Si Papa kinukumusta ako? What the hell! "I'm okay, Mom. Katatapos lang ng assignment ko, that's why I have plenty of time to spend with you," pagbibiro niya pa rito. "Really, anak? Can you go home?" anitong bakas sa tinig ang saya. "We miss you, Ren. Matagal-tagal na rin nang huli mo kaming bisitahin ng Papa mo. Two months? Three months? I don't







