Share

CHAPTER 2

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-06-16 20:50:58

Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo.

"Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi.

"Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong magkasakit!"

"Iya! (No!) What do you think of me? Pumapatol sa low class? Tondemonai! (No way!) May taste 'ata 'tong si Polaris ko!"

Pumalatak naman ang kaibigan sa isinagot niya. "Are you sure? Eh parang kahit yata posteng nakapalda pinapatos mo eh. Mahirap magkasakit, bro! Alam mo na, laganap ang HIV at AIDS ngayon kahit saan."

"I know, okay? Like what I said, may taste si Polaris ko. And I use protection. 'Tsaka 'di ako kaladkaring lalaki, kups! Itong gwapong 'to?" nakangisi niyang turo sa sarili. "Magmamakaawa sila para lang makipag-one night stand, bro. So chill ka lang, okay?"

"Chill mo mukha mo!" sagot naman nitong iiling-iling.

Si Kael ay matalik niyang kaibigan no'ng college. Sabay rin silang pumasok sa Philippine Military Academy at sabay ring nagtapos, kung kaya't higit pa sa magkaibigan ang turingan nilang dalawa. Saksi siya sa napakaraming kaganapan sa buhay ng kaibigan.

Maging ito ay saksi rin naman sa mga pangyayari sa buhay niya kaya naman ganoon na lang sila kung magbiruan at magbatuhan ng mura sa isa't isa. Isa rin si Kael sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Alam rin nito ang pagiging womanizer niya. Hindi naman siya kinukunsinti ng best friend niya, pero talagang hindi na niya mababago pa ang pagiging mahilig sa mga babae.

Kaya naman naging kabi-kabila ang mga flings at nakaka-one-night stand niya. Si Chloe ay isa lang sa mga flings niya na laging ready kapag kailangan niyang mailabas ang sama ng loob ng kanyang alagang si Polaris.

Bukod kay Chloe, nariyan din si Emma, Rossini, Melody, Irish, Trisha, Abigail, Aira, Patricia, Zea, at Vanessa. Lahat ng mga ito ay flings niya na hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga ito.

Ang mga iyon ay nakilala niya sa mga bars o kaya naman sa mga gatherings na pinuntahan niya. Ang ilan sa mga ito ay modelo, artista, at anak ng mayayamang angkan. Kaya't very confident siyang hindi siya basta-basta magkakaroon ng sakit.

Isa pa, gumagamit rin naman siya ng proteksyon at ilang safety methods para hindi magkaroon ng nakahahawang sakit. Bukod pa roon, ayaw rin niyang magkaroon ng bastardo sa mga ito.

Walang permanenteng karelasyon si Ren. Ren doesn't want a long-term relationship. All he wanted was to play with different women. Ang gusto lang niya ay matugunan ang seksuwal na pangangailangan niya-bukod roon ay wala na. Ayaw niya ng responsibilidad.

Wala rin sa isip niya ang pag-aasawa. Ayaw niyang magkaroon ng anak dahil hindi naman siya marunong magmahal. Ni hindi pa nga niya naramdaman ang magkagusto. Babae kasi ang nagkakagusto at lumalapit sa kanya kaya sa palagay niya ay ayos na iyon.

---

ILANG SANDALI pa ang lumipas ay dumating na si Mr. Vargas kasama ang assistant nito. Isa-isa silang binigyan ng folder kung saan nakalagay ang kanilang bagong misyon.

"Okay, gentlemen! As you can see, nakalagay sa folder na iyan ang inyong bagong assignments," ani Mr. Vargas sa mga tauhan habang nakaupo sa pinakasentro ng pabilog na mesa.

"Kanina lamang ay humingi sa atin ng tulong ang Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation upang halughugin ang kalakhang Maynila, maging ang mga karatig-lugar, dahil sa lumalaganap na drug smuggling at human trafficking sa mga malalaking bars sa Metro Manila. At ayon sa ating source ay pinatatakbo ito ng mga Chinese," mahabang paliwanag pa ng big boss ng OSS.

"Inaatasan ko kayong mag-undercover at pasukin ang bawat bar at club na naka-assign sa inyo. Magko-conduct tayo ng isang raid at isasagip natin ang mga babaeng ibinibugaw, at huhulihin ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang layunin ng misyon na ito ay masagip at matulungan ang mga kababaihan at maging drug-free ang ating bansa. Maaasahan ko ba kayo?" tanong ni Mr. Vargas sa mga tauhan.

"Yes, Sir!" magkakapanabay na sagot ng mga ito.

"Okay, good! Iyan lamang. Dismissed!" ani Mr. Vargas saka nauna nang lumabas ng conference room kasunod ang secretary nito.

Dinampot naman ni Ren ang folder at pinasadahan ng tingin ang nakalagay sa bagong assignment niya.

"Velvet Mirage", basa niya sa nakasulat na club kung saan siya naka-assign.

Ewan rin niya pero nakaramdam siya ng excitement nang mabasa ang pangalan ng bar. Pakiramdam kasi niya ay magugustuhan niya ang panibagong misyon.

'Velvet Mirage, maghintay ka lang. Papunta na 'ko...' aniya sa isipan saka isinara ang folder at sumunod kay Kael na nauna nang lumabas ng conference room.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 49

    NGUNIT HINDI napanatag ang kalooban ni Kiara sa tinuran nito. Kitang-kita kasi niyang nahihirapan ang amo bunga ng tinamong sugat nito sa braso. "Sigurado ba kayo, Sir? Nag-aalala ako sa inyo, e."Si Ren naman ay hindi malaman kung bakit, pero sa tuwing nararamdaman niyang nag-aalala ang babae, parang hinaplos ang kanyang puso. At ang ipinagtataka pa niya, si Kiara lang ang tanging babae na may kakayahang makapagparamdam nito sa kanya ng ganoon. Kapag ito kasi ang nagsasalita, ramdam niya ang sincerity nito. Pero lihim ding napailing si Ren dahil doon. ‘'Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Natural lang na mag-alala ang isang tao!’"It's nothing, Kiara. Daplis lang 'to, okay? At saka galing na 'ko sa ospital."Bumuntong-hininga ang babae habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin maalis-alis ang pag-aalala nito sa mukha. "Eh, Sir, napakadelikado naman pala ng trabaho mo. Bakit iyan pa ang napili mong pasukin?" nakasimangot na tanong pa ni Kiara sa kanya. "Marami namang trabaho riya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 48

    "SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap niyo."Inabot ni Ren ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa OSS, saka pinasadahan iyon ng basa."Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Sylvia Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nariyan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga awtoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kanya."Okay. Thanks, Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Ren saka tumango rito."You're welcome, Sir Ren." Tumalikod na ang babae pagkatapos niyon.Nang makalabas na ito, ipinasya ni Ren na magpunta sa opisina ni Mr. Vargas. Kailangan muna kasi niya ng permiso ukol sa operasyon na balak niyang isagawa sa gabing ding iyon. Besides

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 47

    “SO hija, are you Maria Kiara Mendoza?" tanong ng may-edad na lalaki kay Kiara. Mukha itong mabait at kagalang-galang."Opo, Sir," kabado ngunit magalang naman na sagot ni Kiara.Ang totoo'y wala siyang ideya kung bakit siya dinala ni Ren sa pinagtatrabahuhan nito. Ang sabi lamang nito'y may taong kakausap sa kanya. At sa kanyang palagay ay ang lalaking kaharap niya ngayon ang tinutukoy ng amo."I'm Mr. Vargas. Sa akin nagtatrabaho ang amo mong si Ren Akihara," pormal na pagpapakilala nito sa kanya sabay abot ng palad upang makipagkamay.Kaagad naman iyong inabot ni Kiara. "Masaya po akong makilala kayo, Mr. Vargas," aniya habang nakangiti sa kaharap."Okay hija, siguro ay nagtataka ka kung bakit ka nandito ngayon, ano?" Tumango naman si Kiara bilang sagot. "Nasabi ni Agent Akihara na isa ka raw sa mga babaeng nailigtas niya sa The Hidden Paradise at kinukop, pagkatapos ay binigyan ng trabaho. At kaya ka naririto dahil ang aming foundation ay naghahanap ng mga out-of-school youth na

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 46

    "GOD! Bakit ko ba nagawa 'yon?" frustrated na saad ni Ren sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. "Bakit kasi may pa-haplos-haplos pa akong nalalaman?! Baka bigyan niya pa 'yon ng kahulugan. E, naaawa lang naman ako sa kanya," kausap pa ni Ren sa sarili habang hindi maalis-alis sa isipan ang ginawa kani-kanina lang.Ewan rin niya kung bakit weirdo ang naging epekto sa kanya nang makitang may tinamong bukol ang dalaga. Bigla-bigla, nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Kaya naman pakiramdam niya sa sarili kanina ay para siyang ibang tao."Shit! Nakainom lang ako kaya gano'n! No way! Naawa lang talaga 'ko sa kanya!" giit pa niya sa sarili habang panay ang iling.Totoong nakaramdam siya ng awa matapos makita ang bukol sa noo ni Kiara. Ang buong akala niya, hindi ito sinaktan ni Bianca at pinagsabihan lang. Nalaman niyang nagkaharap ang dalawa nang magkita sila ni Bianca sa bar kung saan sila nagkayayaang mag-inom ng mga kasamahan.Ang sabi lang sa kanya ni Bianca,

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 45

    HINDI na nakapagpigil pa si Kiara. Hindi niya hahayaan na pagsalitaan pa siya nito nang ganoon gayong wala naman siyang natatandaan na may ginawa siyang masama sa nobya ng amo. Tinampal ni Kiara ang kamay nitong nakaduro sa kanya saka galit ring hinarap ito."Magdahan-dahan ka naman sa pagsasalita, Ma'am Bianca. Nandito ako upang magtrabaho at hindi para maglandi na katulad ng sinasabi niyo!" lakas-loob na sagot niya dahilan upang lalong magalit ang babae. Pulang-pula na ang mukha nito sa tindi ng galit. "Isa pa, kung taga-bundok ako sa paningin mo, Ma'am, bakit po kayo natatakot na maagaw ko si Sir? Wala po ba kayong tiwala sa sarili niyo?" Ayaw sana niyang maghimig sarkastiko ngunit marahil ay dahil na rin sa galit kaya hindi na nakontrol pa ni Kiara ang sarili."What the hell did you say?!" sigaw nito saka walang anu-ano'y malakas siyang sinampal. Halos mabingi si Kiara sa sobrang lakas niyon. "Ano, huh? Anong sabi mo?! Ang kapal din ng apog mo! Tingnan mo nga ang sarili mo?! You'r

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 44

    ABALA si Kiara sa pagwawalis ng marmol na sahig nang sandali siyang matigilan. Naalala kasi niya ang naging usapan nila ni Ren kanina lamang tungkol kay Alvin at sa pagpayag ng asawang mamasukan siyang muli.Ang totoo ay hindi rin niya alam kung bakit hindi niya masabi na wala na ang asawa. Ayaw man niyang magsinungaling sa amo, pero ewan niya sa sarili kung bakit hindi niya inamin ang katotohanan. Bigla ay nakaramdam tuloy siya ng konsensya, lalo pa't napakalaki na ng utang na loob niya sa amo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano makababayad. Ngunit ipinangako rin niya sa sariling gagawin ang lahat upang makabayad sa kabutihan nito."Naku! Ang kalat-kalat naman ng silid ni Sir Ren. Hindi ba siya nakakapaglinis?" kunot-noong bulalas ni Kiara sa sarili habang pinasasadahan ng tingin ang nagkalat na pinagbihisan sa sahig.Mayroon ding basyo ng mga de-latang alak at balat ng tsitsirya. Sunod kasi niyang ginawa ang paglilinis ng silid ng lalaki. Hindi niya napansin iyo

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 4

    "SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.Nakaramdam siya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 3

    "M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 1

    NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 7

    ALAS-OTSO nang umaga nang makauwi si Ren galing OSS. Pag-doorbell niya sa pinto ng sariling condo ay bumungad sa kanya si Kiarah na pawis na pawis. Bahagya ring humapit ang manipis na t-shirt nito sa katawan, dahilan para muling bumakat ang nipples nito.Damn, Kiarah! Please lang, he said in his mi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status