LOGIN"SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.
Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga dahil alas-dos na ng madaling-araw noon. Maraming nagkalat na masasamang tao sa kalye. Delikado para rito ang mag-isa lalo pa't ganoon ang suot nito. Madali itong makatawag ng pansin. Pinaharurot niya ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan nagtungo ang babae. Habang nagmamaneho ay sinusuyod niya ang bawat sulok ng kalsada subalit nakapagtatakang hindi niya makita ito. 'Shit! Where are you, bitch? Kapag nakita kita, makakatikim ka sa akin!' Hanggang sa mapadaan siya sa isang grupo ng mga kabataan na tila may pinagkakaguluhan. Inatake agad siya ng kaba nang maisip na baka ang babaeng hinahanap niya iyon. Mabilis na inihinto ni Ren ang kotse at saka kaagad na bumaba roon. Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nakaramdam ng matinding galit nang makitang ito nga ang babaeng hinahanap niya. Umiiyak ito habang pinagpapasa-pasahan ng mga kabataan. Punit-punit na rin ang kapirasong damit nito, dahilan para halos hubad na ito ng mga sandaling iyon. "Hoy! Pulis ako! Itigil n'yo 'yan!" malakas niyang sigaw sa mga ito na sa tantiya niya ay may sampung kabataan na pawang mga lalaki. Patakbo siyang lumapit sa mga ito dahilan para magpulasan at magtakbuhan ang mga ito palayo. Mabilis naman niyang sinaklolohan si Kiarah na noon ay humahagulhol sa pag-iyak. "Are you okay? Bakit ka ba kasi tumakbo? Wala naman akong balak na masama sa'yo! Mukha ba akong rapist, ha?!" galit niyang sermon sa umiiyak na babae. Pinangko ito ni Ren gamit ang dalawang bisig saka mabilis na isinakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Samantalang walang tigil naman ang pag-iyak ni Kiarah habang nasa biyahe. Mistula na nga itong bata kaiiyak at nagpupunas ng naghalong sipon at luha. Wala naman siyang magawa kundi sulyapan lang ito habang nagmamaneho. Isa pa, dumagdag rin sa problema niya nang mga sandaling iyon ang pagiging active ng kanyang si Polaris. Paano ba naman kasi, nakalantad sa kanyang harapan ang halos hubad na katawan ng babae. Pati na rin ang hita at tayong-tayong dibdib nito dahil halos punit na ang hapit na bistidang suot ng babae. 'Oh, please! 'Wag ngayon, Polaris! 'Di kita mapagbibigyan. Off limits ang isang 'yan! lihim niyang saway sa nagwawalang alaga. --- "STOP crying, okay? Naririndi na ako sa kaiiyak mo. Here, drink this." Pinunasan ni Kiarah ang mga luha sa mata at saka pinigilan ang sarili na muling maiyak pa. Pagkatapos ay inabot niya ang baso na may lamang tubig. "S-salamat po, Sir," aniyang hindi mapigilan ang panginginig ng boses. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa masaid iyon, saka niya muling inilapag sa babasaging mesa. "Calm down, okay? Safe ka na. Wala na 'yong mga lalaki. For the meantime, dinala muna kita sa condo ko. 'Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin. Is it okay with you?" tanong pa ng estrangherong lalaki saka naupo sa tapat niya. Napayuko si Kiarah nang mapansing nakakunot-noo ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Marahil ay iniisip nitong nag-iinarte pa siya gayong nagmamagandang-loob lamang ito. Subalit ayaw din niyang lubusang magtiwala agad. Lalo pa't ganoon ang dinanas niya sa Maynila. Aaminin niyang nagkaroon siya ng trauma pagkatapos ng mga nangyari kaya nga hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya. Muling nangilid ang kaniyang mga luha nang muling magbalik sa kanyang balintataw ang mapait na dinanas ngunit agad rin niyang pinigil iyon. 'Wag ka nang umiiyak, Kiarah. Baka lalong mainis sa'yo ang lalaking 'yan at palayasin ka nang wala sa oras,' lihim niyang pang-aalo sa sarili. Subalit sa kabilang banda, may parte rin naman sa pagkatao niya ang naniniwalang may mabuti itong puso. Patunay na lamang ang dalawang beses nitong pagsagip sa kan'ya. "Look, I understand kung wala ka pang tiwala sa akin, pero hindi ako masamang tao," pangungumbinsi pa ni Ren. Hindi naman sumagot si Kiarah at nakayuko lamang habang nakatingin sa magkadaop na palad. "Listen, if you don't believe me, let me introduce myself. I'm Ren Akihara. Isa akong undercover agent. 'Yon din ang dahilan kung bakit nasa Velvet Mirage ako. Here, this is my identification card," wika pa nito sabay lapag ng ID sa harap niya. Nag-angat si Kiarah ng tingin sa lalaki at dinampot ang ID nito. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang mabasa ang nakasulat doon. At nang lubos niyang maunawaan ay napangiti siya at nakaramdam ng pag-asa. "I-ibig sabihin, pulis po k-kayo?" maang na tanong ni Kiarah rito. Hindi rin niya maitago ang matinding paghanga sa kanyang mukha. 'Sabi ko na nga ba, mabuti siyang tao...' "Parang ganoon nga," tugon nito. "So, naniniwala ka na?" Hindi na nagdalawang-isip pa si Kiarah. Mabilis siyang tumango sa lalaki. "Opo, Sir. Isa pa, utang ko po ang buhay ko sa inyo. Kung hindi dahil sa pagsagip ninyo, baka naroon pa rin ako sa club na iyon. Maraming salamat po, Sir." Nakita niyang tila nabunutan ng tinik ang lalaki at saka tumayo na at nakapamulsang tumingin sa kan'ya. "You don't have to mention it, kasama 'yon sa trabaho ko. So for now, you need to clean yourself. Kailangan mong maligo at magpalit ng damit. Pero wala akong maipapahiram na damit-pambabae kaya pagtiyagaan mo muna 'yong t-shirt ko. Wala naman kasi akong kasamang babae rito, mag-isa lang ako. I'll buy you clothes tomorrow. Ayos lang ba 'yon sa'yo?" 'Mag-isa? Ibig sabihin wala siyang asawa o kahit nobya. Bakit kaya? Gwapo naman si Sir,' wika niya sa isipan habang pinagmamasdan ang lalaki. "O-opo," sagot ni Kiarah. "Good." Mabilis na tumalikod si Ren at nagtungo sa kung saan. Naiwan naman si Kiarah inililibot ang tingin sa unit ng lalaki. Malaki iyon at malinis. Kompleto rin sa mga kagamitan. Ang ilan pa ay pawang mga makabago na hindi niya alam kung para saan o kung paano gamitin. Napansin din niya ang malaki at manipis na telebisyon na nakalapat sa dingding, na ayon sa kaniyang mga narinig ay flat screen ang tawag. Mayroon pang kung anu-ano ang mga naroon subalit hindi alam ni Kiarah kung para saan. Wala naman kasi sila ng mga ganoon sa probinsya. Ni wala silang telebisyon at tanging de-bateryang radyo lamang ang kanilang ginagamit sa pakikinig ng balita at maging sa pakikinig ng drama. Naputol ang pagmumuni-muni ni Kiarah nang bumalik ang lalaki na may dalang kung ano. Inilapag nito iyon sa harapan niya. Napansin niya ring nagpalit na ng damit ang lalaki at nakapambahay na lamang ito. Isang kulay asul na t-shirt at shorts na kulay puti ang suot nito. Aaminin niyang para sa kaniya ay magandang lalaki ito. Matangkad kasi ito at may maskuladong katawan. Bukod pa roon, maputi at makinis rin ang balat nito. Nahihiya nga siya dahil mas mukhang pambabae ang kulay nito kaysa sa kaniya. Siya kasi ay morena lamang. Maganda rin ang mga singkit na mata ng lalaki na pinarisan pa ng perpektong hugis ng ilong at manipis na labi. Kung hindi nga lamang sinabi ng lalaki na undercover agent ito, mapagkakamalan niyang pagmomodelo ang ikinabubuhay nito. "Here are my clothes. I'm sorry, I don't have undies. Sabi ko naman sa'yo, mag-isa lang ako, kaya kung ayos lang sa'yo, pagtiyagaan mo na muna 'yang boxer shorts ko," ani Ren saka inabot ang mga gamit sa babae. Ramdam ni Kiarah ang pag-iinit ng pisngi dahil sa tinuran nito. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong manghihiram siya ng salawal sa isang lalaki na hindi naman niya kaano-ano. Hindi nga siya mahilig makipaghuntahan sa mga kalalakihan sa lugar nila, manghiram pa kaya ng salawal? "But don't worry, it's new. 'Di ko pa nagagamit, pati ang t-shirt, toothbrush, at towel, bago lahat," dagdag pa ni Ren na tila wala lamang ang sinasabi, samantalang si Kiarah ay halos mamatay na sa hiya. "S-salamat po, Sir," nahihiyang saad ni Kiaraha "D'on ang banyo. Dalian mo at magluluto ako ng food," utos nito na iminuwestra ang daan kung nasaan ang banyo. Tumango naman siya at mabilis na tumalima, kipkip ang mga gamit na ibinigay nito."ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa labis na saya. "Akala ko, anak, ay may nangyari nang masama sa iyo. Mahigit isang buwan kang walang paramdam. Labis kaming nag-alala ng mga kapatid mo!" Gumaralgal na ang tinig ng kanyang ina habang mahigpit ring nakayakap sa kaniya. "Sorry, 'Nay! Naging abala lang po ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi," umiiyak na ring tugon ni Kiarah. Naisip na niya na huwag nang sabihin sa Nanay niya ang kanyang dinanas sa Metro City dahil ayaw niyang pagalitan siya nito. Isa pa, tutal ay tapos na iyon. Nakita niyang nagpahid ng luha ang Nanay niya gamit ang laylayan ng suot nitong kupasing sarong. "Ayos lamang iyon, anak. Ang mahalaga ay nandito ka na
"I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Ren. Her father is one of the major stockholders of our company." Hindi inaasahan ni Ren na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad. Unang beses lang nitong mag-request sa kaniya at hindi niya akalaing sa ganoong bagay pa. Base rin sa timbre ng boses nito, hindi iyon pakiusap kundi utos. Tahimik niyang pinagmasdan ang ama na noon ay nakaupo sa likod ng malaking mahogany desk sa gitna ng library. Palibhasa'y malawak ang silid, napapalibutan iyon ng matataas na bookshelf na puno ng mga libro, legal documents, at business journals. Mula pagkabata ay pamilyar na si Ren sa lugar na iyon. Sa katunayan, mas marami pa siyang alaala sa library kaysa sa mismong pakikipag-usap sa kanyang ama. Kapag hinahanap niya noon ang Daddy niya, kadalasan ay naroon ito. Kaya naman kahit ngayong matanda na siya, tila may kakaibang distansya pa rin sa
"Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō ni koishikatta yo! (Mama, I really missed you too!)" nakangiting sabi niya sabay-abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother." Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang Mommy nang tanggapin nito ang bulaklak. "Thank you very much, anak." Matamis pang ngumiti ang ginang pagkasabi niyon. She really loves flowers, especially roses. "Tamang-tama, katatapos ko lang lutuin ang favorite mong beef caldereta. Magpalit ka na ng shirt mo. Sabay-sabay na tayo ng Dad mo." Napakunot-noo si Ren nang marinig ang sinabi ng kaharap. "Nandiyan si Dad?" "Yes, anak. Sinabi ko kasing uuwi ka ngayon." Lihim siyang bumuntong-hininga. Hindi kasi sila close ng
"Or if you want, I'll give you a one-week vacation leave. Umuwi ka sa inyo. I'll give you your salary and 'yong financial help na pinangako ko para sa pamilya mo," mungkahi nito na ikinagulat ni Kiarah. Makakauwi na ako kina Nanay! Sa narinig ay hindi mapigilang tumayo ni Kiarah at yakapin ang amo bilang pasasalamat. Subalit huli na lamang rin niya napagtantong kahiya-hiya ang inasal niya sa amo. "Sorry, Sir Ren. Hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya dahil sa sinabi ninyo. Nangungulila na kasi ako kay Nanay at sa mga kapatid ko. Hulog talaga kayo ng langit, Sir Ren," nasisiyahang pasasalamat niya rito. "No, it's okay. Ang totoo, naisip ko rin na baka nami-miss mo na ang family mo. Anyway, pack your things. Sabay na tayong aalis. Magpapa-book na lang ako ng flight pauwi sa province n'yo then ihahatid kita sa airport, okay? Make it fast," sunod-sunod pang wika ng lalaki. Mabilis namang tumango si Kiarah rito at saka masiglang tinapos ang pagkain. Nay, makakauwi na ako. Maka
HABANG nagpiprito ng hamon si Kiarah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Ren na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pa nitong buhok. Presko ang anyo nito at mukhang kagagaling lamang sa pagligo base sa basa pa nitong buhok. Agad rin niyang napuna na wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lamang. Lumantad tuloy ang matipunong katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ang tattoo nito sa may kanang bahagi ng dibdib, na halos umabot na rin sa kalahati ng balikat ng lalaki. May tila maliliit na pandesal rin itong mga masel sa tiyan na para kay Kiarah ay maganda ang hubog. Nakakita na rin naman siya ng mga ganoon sa probinsya nila. Iyon nga lamang, iyong mga binata na pawang banat sa pagsasaka at laging bilad sa arawan ang nakikitaan niya ng ganoon. Katulad na lama
NAPABALIKWAS nang bangon si Ren nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa niya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot. "Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon. "Naistorbo ba kita, anak?" Nagising ang diwa ni Ren pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Mom. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?" "It's okay, anak. Gusto ka lang sana naming kumustahin ng Papa mo." Tsk! Si Papa kinukumusta ako? What the hell! "I'm okay, Mom. Katatapos lang ng assignment ko, that's why I have plenty of time to spend with you," pagbibiro niya pa rito. "Really, anak? Can you go home?" anitong bakas sa tinig ang saya. "We miss you, Ren. Matagal-tagal na rin nang huli mo kaming bisitahin ng Papa mo. Two months? Three months? I don't







