MasukLUNA
Masakit ang ulo ko nang gumising ako kaya napahilot ako sa sintido ko. Hindi lang ulo ko ang masakit, kundi maging ang pagitan ng mga hita ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin at nakita kong wala akong saplot na kahit ano. Pero nang tumagilid ako ay napangiti ako nang makita ko si Theo na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Tinaas ko ang isang kamay ko para sana haplosin ang pisngi niya pero malakas na bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon at nakita ko ang Mama ni Theo, kasama si Candice na biglang nangilid ang luha nang makita kami. "THEO!" malakas na sigaw ng ina ni Theo dahilan para mapabalikwas si Theo at nagulat pa ito nang makita ako sa tabi niya. "WHAT IS THE MEANING OF THIS? WHY... WHY YOU..." malakas ang boses na saad ni Tita Maris habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinuro pa niya kaming dalawa ni Theo. "Shit!" mabilis na napatayo sa kama si Theo. Mabuti na lang at nakasuot na siya ng boxer shorts niya kaya hindi kita ang dapat makita sa kaniya habang nanatili ako sa kama at kipkip ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan. "What happened?" tanong sa akin ni Theo na para bang naguguluhan pa siya kung bakit magkasama kaming dalawa ngayon sa kama at naabutan ng ina at girlfriend niya. "We fucked," casual na sagot ko. Hindi ba niya natatandaan ang nangyari kagabi? Dahil malinaw na malinaw sa alaala ko ang lahat kahit na pakiramdam ko ay may nainom din ako at sumasakit din ang ulo ko. Napahawak sa dibdib niya ang ina ni Theo na si Tita Maris, na para bang aatakehin siya sa puso. Habang si Candice naman ay sinugod ako bigla. SInabunutan niya ako at hindi ko magawang makalaban sa kaniya dahil nakahawak ako sa kumot. "Malandi ka!" sigaw ni Candice habang sinasabunutan niya ako. Napapangiwi ako sa ginawa niya dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko. Tila maalis ang anit ko at mukhang nakatanga lang si Theo habang nakatingin sa amin. "Let me go!" malakas na saad ko at pilit tinutulak si Candice gamit lang ang isang kamay ko. Sinubukan siyang awatin ni Theo pero isang nanlilisik na tingin lang ni Candice ay napaatras na ito. Hinila niyang muli ang buhok ko na para bang gusto niya akong hilahin patayo. "Tumayo ka! Ipapakita ko sa lahat kung gaano ka kalandi!" galit na galit na saad ni Candice habang pinipilit akong hilahin patayo para kaladkarin palabas at ipahiya pero hindi ako papayag sa gusto niya kaya nagmatigas ako. Hindi lang ako makakilos ng maayos para labanan siya dahil kumot lang ang nakatikim sa katawan ko. "Bitawan mo ako!" sagot ko at pilit pa ring tinutulak siya palayo. Nakita ng gilid ng mga mata ko si Tita Maris na gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari at muntik na akong malaglag sa kama nang muling bumukas ang pinto kaya napahinto si Candice pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa buhok ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa kaniya. Pumasok ang Lolo ni Theo. "Let her go," maawtoridad na saad ni Lolo Thomas. Matalim na tumingin sa akin si Candice pero wala na siyang nagawa at napilitan na siyang pakawalan ako. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit iyon. Kung hindi sana ako hubad ngayon at ganito ang sitwasyon ko ay hindi ako magagawang saktan ni Candice dahil lalaban ako pero dahil natatakot akong lumantad ang hubad na katawan ko ay wala akong nagawa nang atakehin niya ako. "Lo, this was just a mistake. I was drunk," agad na saad ni Theo habang nakatingin sa Lolo niya. "Drunk! You were just drunk. Kahit lasing ka you know what you were doing! You cheated on me! Sa dami nang babae sa kaniya pa talaga! Sa malanding iyan pa talaga!" sabat ni Candice at tinuro pa ako habang umiiyak na nakatingin siya kay Theo. Mabilis namang lumapit ang ina ni Theo kay Candice para aluin ito. "Magdamit kayo. Mag-uusap tayo," puno ng awtoridad na saad ng matanda at muling tumalikod at lumabas ng kwarto. "Get dress, bilisan ninyo," saad naman ni Tita Maris. "Let's go Candice." Inakay naman niya si Candice na tila ayaw pang sumama. Lumingon pa siya sa amin ni Theo kaya ngumisi ako pabalik sa kaniya para mas asarin pa siya. Alam kong galit na galit siya ngayon pero wala akong pakialam. Sa aming dalawa. Siya ang tunay na mang-aagaw. Inagaw niya sa akin si Theo, binabawi ko lang. Habang si Tita Maris ay umiling siya sa amin, senyales na disappointed siya bago sila tuluyang lumabas. Kami na lang ni Theo ang naiwan sa kwarto. Tumingin siya sa akin at marahas na ginulo niya ang buhok niya habang frustrated na nakatingin sa akin. "Why are you in my room? Paanong may nangyari sa atin? Damn it, Luna!" galit na saad niya. Sinalubong ko ang tingin niya. "Don't you remember what happened last night? For real?" tanong ko sa kaniya pero naguguluhang tumingin siya sa akin. Para bang wala siyang ideya kung ano ang namagitan sa aming dalawa. Muli siyang napasabunot sa buhok niya na para bang sa pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. Blurred ang lahat sa akin. Sigurado akong may kung anong nilagay sa wine na nainom ko, pero natatandaan ko naman kahit paaano ang nangyari. Kung paano ko sinuko sa kaniya ang pagkababae ko. Kung paano niya ako inangkin na para bang sabik na sabik siya sa akin. Pero bakit ngayon, parang wala siyang matandaan na kahit ano? "I was drunk. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko." Matalim na tumingin siya sa akin. Puno ng paninisi ang mga mata niya. Bumaba naman ako sa kama at habang nakahawak pa rin sa kumot na nakatakip sa katawan ko. Sinimulan kong pulutin ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. "You jumped on my bed. Sinadya mong may mangyari sa atin. I have a girlfriend, Luna. Hindi dahil may nangyari na sa atin ay hihiwalayan ko na si Candice. It was just a mistake. Kung ano man ang nangyari kagabi. Kalimutan na natin. I know you like me, pero hindi ko ipagpapalit sa iyo ang girlfriend ko," mariing saad niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya kahit na nasasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. I took the risk. Iniisip ko magagawa ko siyang agawin kay Candice, pero sa kabila ng nangyari sa amin, kahit nahuli na kami. Si Candice pa rin ang pinipili niya. Hindi na iyon nakakagulat dahil ito ang girlfriend niya, pero babawiin ko pa rin siya. Nagsisimula pa lang ako. Kahit ilang beses siyang tumanggi sa akin. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin siya babagsak. Nasimulan ko na ito, wala nang atrasan pa. "You talk na para bang hindi ka nag-enjoy sa ginawa natin kagabi," sarcastic na sagot ko at tumingin sa kaniya. "I did not know it's you. I thought you are my girlfriend," katwiran nito na para bang hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa mapabaling siya sa kama at makita niya ang mantsa ng dugo roon. Mas lalo siyang napasubunot sa buhok niya. "You are crazy," naiiling na saad niya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ngumiti ako sa kaniya. Tumalim ang tingin niya sa akin. "At hindi ako papayag na madamay sa kabaliwan mo, Luna," matigas na saad niya at mabilis na sinuot ang pantalon niya. "Kalimutan na lang natin ang nangyari." Maari ngang baliw ako. Alam kong may girlfriend na siya pero binigay ko pa rin ang sarili ko sa kaniya. Pero umaayon ang lahat sa gusto ko. Ang balak ko ay i-balckmail lang siya, pero ngayong nahuli kami ng pamilya at girlfriend niya, mas pabor sa akin. "Paano? Nahuli na nila tayo." "Then don't make yourself a victim. Dahil kahit anong mangyari, hindi kita pipiliin over my girlfriend." "You love her that much? Okay naman tayo dati noong wala pa siya," nasasaktang saad ko pero hindi siya sumagot. Mabilis siyang nagbihis at walang salitang iniwan ako kaya mapait akong napangiti. Alam kong hindi pa niya natatanggap ang nangyari, pero hindi ako papayag na mabalewa ang lahat. Ako naman talaga ang gusto niya, inakala lang niyang si Candice ang babaeng iyon. Ako iyon.LUNA AMARISSabay kaming nag-lunch ni Katniss.“Anong pinaglilihian mo? May food ka ba na ayaw kainin?” tanong pa niya habang umoorder kami.“Hindi ko pa alam, minsan kasi may bigla na lang akong gustong kainin. Pero ayaw na ayaw ko sa amoy ng bawang at sa ketchup ngayon,” sagot ko sa kaniya.“Okay, hindi tayo oorder ng may tomato sauce,” wika niya at tumingin muli sa menu.Pumili din ako ng kakainin ko.Ngumiti ako kay Katniss matapos namin umorder. Nagpapasalamat ako sa kaniya na kahit alam kong busy rin siya sa trabaho ay naaalala pa rin niya ako.“Mabuti mabait sa’yo ang mother-in-law mo. Alam mo naman sa ibang mother-in-law, sila iyong witch sa buhay ng mga napapangasawa ng anak nila. Lalo na sa gaya nina Theo na alam mong mayaman. Sure ka bang mabait siya sa iyo?”“She’s nice naman. Lagi nga niyang inaalala ang kalagayan ko.”“Talaga?” parang hindi pa makapaniwalang tanong niya. “Sa pagkakatanda ko kasi medyo ma-ere siya. Gayong dagdag lang din naman siya sa mga Alcaraz.” Medyo
LUNA AMARIS Papasok ako ngayon sa trabaho. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa morning sickness ko kaya late na naman akong nagising ako pero hindi naman ako nagmamadali dahil pwede naman ako pumasok kahit na anong oras. Nakita ako ni Theo kanina na nagsusuka pero hindi man lang niya ako tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko. Sanay na rin ako dahil sa almost one-month mula nang kinasal kami, kinakausap lang niya ako kapag kaharap ang pamilya niya. Tatlong linggo na mula nang ikasal kami at kahit kunti, walang pagbabago ang pakikitungo sa akin ni Theo. Nagtyatyaga pa rin siyang matulog sa sofa, huwag lang tumabi sa akin. Dahil sa morning sickness ko ay hindi na ako nakakapasok sa trabaho ko minsan, mabuti na lang at ako ang boss kaya walang magtatanggal sa akin. Pero ngayon ay nagpasya akong pumasok sa trabaho ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pumayag siyang magpakasal kami para sa bata pero parang wala naman siyang pakialam sa pinagbubuntis ko. “Luna.” Lumingon ako
LUNA AMARIS Sabay kaming napalingon ni Manang Lena kay Mommy Maris. Matalim ang tingin niya sa kasambahay na nagmamadaling tumayo. “Sige, Ma’am Luna. May kailangan pa pala akong tapusin sa labas,” paalam niya at nagmamadaling lumabas. Naiwan kami ni Tita Maris. Agad siyang ngumiti sa akin. “Pasensya ka na sa mga kadaldalan ng mga katulong natin. Puro talaga tsismis minsan kahit hindi naman nila alam ang totoo,” saad ni Mommy Maris. Tumingin siya sa akin, para bang sinasabi niya na huwag ko paniwalaan ang sinabi ni Manang Lena. Pero naisip ko rin. Kung bawal mabuntis ang namayapang Donya, bakit dalawa pa ang naging anak niya? Pero matagal na si Manang sa mansion kaya possible rin na may alam talaga siya. “Okay lang po, wala naman pong sinabi sa akin na kung ano si Manang Lena,” saad ko. Tumango si Mommy Maris. “At kapag may sinabi siya, huwag mo na lang pansinin. Matanda na rin kasi iyang si Manang Lena, minsan nga ulyanin na iyan,” saad niya. Ulyanin? Wala naman akong napapan
LUNA AMARIS “Ma’am Luna, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Manang Lena habang inaabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Bumaba ako para sana kumuha ng tubig pero nasuka ulit ako kaya napatakbo ako sa lababo. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko pero wala naman akong masyadong maisuka. Late na rin akong nagising kaya tapos nang mag-almusal ang lahat ng bumaba ako. Hindi man lang ako ginising ni Theo. “Opo, normal lang daw naman po ito kapag buntis,” nakangiting saad ko kahit medyo nanghihina ako.. “Hay naku, Ma’am, hindi po biro ‘yan. Halika po, maupo kayo nang maayos,” maingat niyang sabi habang inalalayan ako sa upuan. “Kukuha po ako ng mainit-init na sabaw o kahit tinapay man lang para may laman ang tiyan ninyo.” “Salamat, Manang Lena… okay lang po ako,” mahina kong tugon, pilit na pinapakalma ang sarili. Umiling siya at bahagyang ngumiti, pero halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Ganyan din po ako noon, Ma’am, noong ipinagbubuntis ko ang
LUNA AMARIS Hindi ko alam kung anong oras na pero bigla akong nagising sa kalagitnaan ng gabi. Parang kumakalam nag sikmura ko kaya agad kong binuksan ang lampshade at bumangon. Nagmamadali akong bumaba at naghanap ng makakain. Parang gusto ko ng Banana cue. Kaya nanghalungkat ako ng saging na saba na pwede kung lutuin sa may dirty kitchen. Mag-aala una na ng madaling araw, pero dahil natatakam talaga akong kumain ng banana cue wala akong choice. Gusto ko ring maiyak, dahil naiinis ako nang wala akong makitang saging. May sagingan sina Theo, kaya bakit walang saging na pwedeng maluto sa kusina? Muli akong nangalkal at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang saging na nakalagay sa isang bamboo basket. Agad akong kumuha ng ilang piraso bago ako bumalik sa main kitchen sa loob ng bahay. Pero muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Theo na nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin. “What are you doing?” tanong niya sa akin. Mukhang bagong gising pa
LUNA AMARIS Almost six nan ang dumating ako ng mansion. Medyo madilim na kaya naabutan ko na si Lolo Thomas na nakaupo sa may patio. Agad akong lumapit sa kaniya at bumati. “Mukhang busy ka masyado,” aniya. “Hindi ba dapat hindi mo na pinapagod ang sarili mo dahil buntis ka?” “’Lo, okay lang po ako. May kaibigan lang po akong dumating, kaya inilibot ko siya sa San Simon,” paliwanag ko sa kaniya. “Kaibigan, sana ay inimbitahan mo rito.” “Bumalik na po siya ng Manila. Pumarito lang siya para i-check ang lugar dahil magtatayo raw ng Villa ang kliyente niya.” “You mean Engineer Solano?” “Kilala n’yo po si Kane?” “I just met him this morning, mas kilala ko nag kliyente niya,” sagot ni Lolo pero hindi naman niya nabanggit kung sino ang kliyenteng iyon. Nagkataon lang ba na kilala ni Lolo Thomas ang kliyente ni Kane? Kunsabagay, kilalang-kilala si Lolo Thomas sa bayan ng San Simon at sigurado akong mayaman ang kliyente ni Kane kaya maaring kakilala ito ni Lolo. Hindi ko na lang pin







