Share

Chapter 31

Penulis: iamAexyz
last update Tanggal publikasi: 2026-06-06 11:44:26

LUNA AMARIS

Sabay kaming nag-lunch ni Katniss.

“Anong pinaglilihian mo? May food ka ba na ayaw kainin?” tanong pa niya habang umoorder kami.

“Hindi ko pa alam, minsan kasi may bigla na lang akong gustong kainin. Pero ayaw na ayaw ko sa amoy ng bawang at sa ketchup ngayon,” sagot ko sa kaniya.

“Okay, hindi tayo oorder ng may tomato sauce,” wika niya at tumingin muli sa menu.

Pumili din ako ng kakainin ko.

Ngumiti ako kay Katniss matapos namin umorder. Nagpapasalamat ako sa kaniya na kahit alam k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Tempted By My Husband's Uncle    Chapter 31

    LUNA AMARISSabay kaming nag-lunch ni Katniss.“Anong pinaglilihian mo? May food ka ba na ayaw kainin?” tanong pa niya habang umoorder kami.“Hindi ko pa alam, minsan kasi may bigla na lang akong gustong kainin. Pero ayaw na ayaw ko sa amoy ng bawang at sa ketchup ngayon,” sagot ko sa kaniya.“Okay, hindi tayo oorder ng may tomato sauce,” wika niya at tumingin muli sa menu.Pumili din ako ng kakainin ko.Ngumiti ako kay Katniss matapos namin umorder. Nagpapasalamat ako sa kaniya na kahit alam kong busy rin siya sa trabaho ay naaalala pa rin niya ako.“Mabuti mabait sa’yo ang mother-in-law mo. Alam mo naman sa ibang mother-in-law, sila iyong witch sa buhay ng mga napapangasawa ng anak nila. Lalo na sa gaya nina Theo na alam mong mayaman. Sure ka bang mabait siya sa iyo?”“She’s nice naman. Lagi nga niyang inaalala ang kalagayan ko.”“Talaga?” parang hindi pa makapaniwalang tanong niya. “Sa pagkakatanda ko kasi medyo ma-ere siya. Gayong dagdag lang din naman siya sa mga Alcaraz.” Medyo

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 30

    LUNA AMARIS Papasok ako ngayon sa trabaho. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa morning sickness ko kaya late na naman akong nagising ako pero hindi naman ako nagmamadali dahil pwede naman ako pumasok kahit na anong oras. Nakita ako ni Theo kanina na nagsusuka pero hindi man lang niya ako tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko. Sanay na rin ako dahil sa almost one-month mula nang kinasal kami, kinakausap lang niya ako kapag kaharap ang pamilya niya. Tatlong linggo na mula nang ikasal kami at kahit kunti, walang pagbabago ang pakikitungo sa akin ni Theo. Nagtyatyaga pa rin siyang matulog sa sofa, huwag lang tumabi sa akin. Dahil sa morning sickness ko ay hindi na ako nakakapasok sa trabaho ko minsan, mabuti na lang at ako ang boss kaya walang magtatanggal sa akin. Pero ngayon ay nagpasya akong pumasok sa trabaho ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pumayag siyang magpakasal kami para sa bata pero parang wala naman siyang pakialam sa pinagbubuntis ko. “Luna.” Lumingon ako

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 29

    LUNA AMARIS Sabay kaming napalingon ni Manang Lena kay Mommy Maris. Matalim ang tingin niya sa kasambahay na nagmamadaling tumayo. “Sige, Ma’am Luna. May kailangan pa pala akong tapusin sa labas,” paalam niya at nagmamadaling lumabas. Naiwan kami ni Tita Maris. Agad siyang ngumiti sa akin. “Pasensya ka na sa mga kadaldalan ng mga katulong natin. Puro talaga tsismis minsan kahit hindi naman nila alam ang totoo,” saad ni Mommy Maris. Tumingin siya sa akin, para bang sinasabi niya na huwag ko paniwalaan ang sinabi ni Manang Lena. Pero naisip ko rin. Kung bawal mabuntis ang namayapang Donya, bakit dalawa pa ang naging anak niya? Pero matagal na si Manang sa mansion kaya possible rin na may alam talaga siya. “Okay lang po, wala naman pong sinabi sa akin na kung ano si Manang Lena,” saad ko. Tumango si Mommy Maris. “At kapag may sinabi siya, huwag mo na lang pansinin. Matanda na rin kasi iyang si Manang Lena, minsan nga ulyanin na iyan,” saad niya. Ulyanin? Wala naman akong napapan

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 28

    LUNA AMARIS “Ma’am Luna, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Manang Lena habang inaabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Bumaba ako para sana kumuha ng tubig pero nasuka ulit ako kaya napatakbo ako sa lababo. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko pero wala naman akong masyadong maisuka. Late na rin akong nagising kaya tapos nang mag-almusal ang lahat ng bumaba ako. Hindi man lang ako ginising ni Theo. “Opo, normal lang daw naman po ito kapag buntis,” nakangiting saad ko kahit medyo nanghihina ako.. “Hay naku, Ma’am, hindi po biro ‘yan. Halika po, maupo kayo nang maayos,” maingat niyang sabi habang inalalayan ako sa upuan. “Kukuha po ako ng mainit-init na sabaw o kahit tinapay man lang para may laman ang tiyan ninyo.” “Salamat, Manang Lena… okay lang po ako,” mahina kong tugon, pilit na pinapakalma ang sarili. Umiling siya at bahagyang ngumiti, pero halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Ganyan din po ako noon, Ma’am, noong ipinagbubuntis ko ang

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 27

    LUNA AMARIS Hindi ko alam kung anong oras na pero bigla akong nagising sa kalagitnaan ng gabi. Parang kumakalam nag sikmura ko kaya agad kong binuksan ang lampshade at bumangon. Nagmamadali akong bumaba at naghanap ng makakain. Parang gusto ko ng Banana cue. Kaya nanghalungkat ako ng saging na saba na pwede kung lutuin sa may dirty kitchen. Mag-aala una na ng madaling araw, pero dahil natatakam talaga akong kumain ng banana cue wala akong choice. Gusto ko ring maiyak, dahil naiinis ako nang wala akong makitang saging. May sagingan sina Theo, kaya bakit walang saging na pwedeng maluto sa kusina? Muli akong nangalkal at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang saging na nakalagay sa isang bamboo basket. Agad akong kumuha ng ilang piraso bago ako bumalik sa main kitchen sa loob ng bahay. Pero muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Theo na nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin. “What are you doing?” tanong niya sa akin. Mukhang bagong gising pa

  • Tempted By My Husband's Uncle    Kabanata 26

    LUNA AMARIS Almost six nan ang dumating ako ng mansion. Medyo madilim na kaya naabutan ko na si Lolo Thomas na nakaupo sa may patio. Agad akong lumapit sa kaniya at bumati. “Mukhang busy ka masyado,” aniya. “Hindi ba dapat hindi mo na pinapagod ang sarili mo dahil buntis ka?” “’Lo, okay lang po ako. May kaibigan lang po akong dumating, kaya inilibot ko siya sa San Simon,” paliwanag ko sa kaniya. “Kaibigan, sana ay inimbitahan mo rito.” “Bumalik na po siya ng Manila. Pumarito lang siya para i-check ang lugar dahil magtatayo raw ng Villa ang kliyente niya.” “You mean Engineer Solano?” “Kilala n’yo po si Kane?” “I just met him this morning, mas kilala ko nag kliyente niya,” sagot ni Lolo pero hindi naman niya nabanggit kung sino ang kliyenteng iyon. Nagkataon lang ba na kilala ni Lolo Thomas ang kliyente ni Kane? Kunsabagay, kilalang-kilala si Lolo Thomas sa bayan ng San Simon at sigurado akong mayaman ang kliyente ni Kane kaya maaring kakilala ito ni Lolo. Hindi ko na lang pin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status