LUNA AMARISMalaki nag ngiti ko habang naglalakad ako sa hallway kung saan patungo ako sa birthday party ni Tita Maris, ang ina ng lalaking gustong-gusto ko. Late na akong dumating dahil galing pa ako sa opisina. Ang alam ko ay nauna na ang madrasta ko at ang pamangkin niyang magtungo sa party. Wala si Daddy dahil nasa Manila siya at parating pa lang siya ngayong gabi kaya hindi na siya makakadalo.Nakasuot ako ngayon ng back na long gown, tube iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Naka-lower bun naman ang buhok ko. Marami nang tao nang dumating ako. Pero hindi agad ako nagpakita sa kanila at lumapit ako sa may sulok kung saan walang masyadong makakapansin sa akin. May isang lalaking may dalang champagne na nakalagay sa pabilog ang lumapit sa akin.Ngumiti ako sa kaniya."Wait for my signal," mahinang saad ko.Marahan siyang tumango sa akin. Kinuha ko ang alak na dala niya bago ako lumayo sa kaniya. Agad naman akong nakita ni Tita Maris kaya ngumiti ako sa kaniya at binati siya
最終更新日 : 2026-01-14 続きを読む