FAZER LOGINEliana"Bakit nandito po 'to?" tanong ko kay Yaya Magda nang makita kong nasa laundry area ang damit na suot ko kagabi.Nanigas siya sa kintatayuan niya."Ah... eh..." hindi niya magawang salubungin ang tingin ko."Nilabhan ko po kasi."Hindi agad ako sumagot.Hinawakan ko ito at inamoy.At tama nga ang hinala ko dahil pinaghalong suka at alak ang amoy nito.At sa sandaling 'yon, kahit anong tanggi pa ni Gabriel, hindi na ako maniniwala.Alam ko na sa sarili ko ang totoo."Stop interrogating her."Pareho kaming nagulat ni Yaya nang may biglang magsalita sa kung saan.Lumapit sa'min si Gabriel at tiningnan ang hawak ko."Stop asking questions you're not ready to know the answers." Sabay kuha niya sa damit ko at ibinalik 'yon sa laundry basket."Get ready. We'll go on shopping for your work tomorrow," dagdag pa nito.Napakunot noo ako. "Work?""You're the one who wants to earn independently. Starting tomorrow you'll work as my secretary."Pagkatapos noon ay iniwan niya akong pinoproseso
ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako
ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong
ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin
ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c
ELIANA "You're coming with me." Hindi ako sigurado kung gaano ba kalayo ang pupuntahan namin, pero wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay may tumanggap sa akin dahil hindi naman iyon kayang gawin ng mga taong tinuring kong pamilya. Tahimik kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap ko pa rin ang mga pictures nila Mama at Papa. Gusto ko sanang mag-thank you at sabihin ang mga nangyari kay Kuya Gab, pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Hindi rin siya nagtanong ng kung ano, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin niya. Mga tinging mabilis ding nawawala. Madilim na ang paligid nang maramdaman kong huminto ang kotse sa isang malaking gate. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang isang malawak na property. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang eleganteng fountain at ang mga ilaw na nakapalibot dito. Sa likod nito ay isang maganda at malaking bahay na dati ay sa mga TV ko lang nakikita. "This is your home for now,"







