FAZER LOGINELIANA
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong here," dagdag pa niya. Napakunot-noo ako. "I'm fine." Ngumiti siya. "Are you?" Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin. "I'm Nikolai," sabi niya. Hindi iyon pamilyar na pangalan lang. Kilala ko iyon. "Alam ko kung sino ka," matabang kong sagot dito. Mas lalo siyang ngumiti sa sagot ko. "That makes things easier." "Anong kailangan mo?" diretso kong tanong. "Nothing. I just saw you and thought I'd say hello." Napaatras ako nang bahagya. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagtitig nito. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng atensyon. "At hindi ka ba natatakot?" tanong niya. "Sa'yo?" Bahagya akong natawa. "Hindi." "Good." Mas lalo siyang lumapit at mas lalo akong nailang. Hindi ako sanay sa ganito. At lalong hindi ako sanay na wala si— "Enough." Parang biglang bumigat ang hangin. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Sa sumunod na Segundo, naramdaman ko na lang ang kamay niya na pumulupot sa beywang ko at hinila ako palapit. Napaangat ang tingin ko. Kuya Gabriel. Madilim ang mga mata niya habang nakatitig kay Nikolai. Halatang galit. "She's with me," malamig niyang sabi. Walang paliwanag. Walang emosyon. Pero malinaw. Nakita kong nagulat si Nikolai saglit. "Didn't know she was yours." Ngumiti ito ng nakakaloko. Humigpit ang hawak ni Kuya Gabriel sa beywang ko. "Leave." Isang salita lang pero sapat na. Tumingin si Nikolai sa akin sandali bago umatras. "See you around, Eliana." Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis si Nikolai pero tahimik kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hindi niya agad inalis ang kamay sa beywang ko. "Let's go." Iginiya niya ako papasok ulit sa loob ng bahay. Nang makarating kami sa loob ay saka niya lang ako binitawan at iyon ang mas lalong nagpagulo sa isip ko. "Bakit mo ginawa iyon?" hindi na ako nakatiis pang itanong. Hindi siya agad sumagot. "He was bothering you." Tiningnan ko siya at ngumiti. "O baka nagseselos ka lang?" Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. Nagbago ang paghinga niya. At dahan-dahan siyang lumapit. Isa. Dalawa. Hanggang sa wala nang pagitan sa aming dalawa. "Don't start something you can't handle," may pagbabanta na sabi niya. Pero dahilan lang iyon para lalo akong ngumiti. "Ako ba ang hindi makakayanan?" tukso ko. Hinila niya ako papalapit at idinikit sa pader. Sa isang iglap, nakapwesto na ang magkabila niyang kamay sa gilid ng ulo ko na para bang wala akong kawala. "Stop this," malamig niyang sabi. "Bakit?" bulong ko. "Hindi mo na ba kaya?" Mali iyon. Alam ko. Pero sabi nga nila ay nasa huli ang pagsisisi. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin dahilan para mahirapan akong makahinga nang maayos. "You don't know what you're asking," seryosong sabi nito habang nakatitig sa mata ko. Nagulat na lang ako nang sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at yumuko. Kitang-kita ko kung paano siya kapusin ng hininga. Lalo akong hindi makakilos nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Hindi ko alam pero mas tumindi ang init na nararamdaman ko at napakapit ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. Parang tumigil ang mundo at tumahimik ang lahat. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko at ang mabilis na tibok ng puso ko. "If you tempt me again..." paos niyang sabi, "...I won't stop next time." Pagkatapos noon ay umalis siya. Iniwan niya akong nakatulala at nanlalambot ang tuhod. Dahil doon, buong araw kong piniling magkulong sa kwarto. Hindi ko na mabilang kung nakailang katok na sila Yaya Magda at Ate Ester sa labas ng kwarto para kumain ako pero hindi ko magawa. Pero kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng gutom. Bukod sa wala akong ganang kumain ay gulong-gulo ang isip ko. Naalala ko pa rin ang mga huling sinabi sa akin ni Kuya Gab. "If you tempt me again... I won't stop next time." Ibig ba talagang sabihin noon ay may nararamdaman din siya para sa akin? Pero bakit madalas kong maramdaman na wala naman siyang pakialam? Hindi ko na namalayan na nakatulog ako habang iniisip ang mga bagay na iyon. Hanggang sa malalakas na katok sa pinto ko ang nagpagising sa akin. Alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa cellphone. "Kuya?" Pagbukas ko ay nakita ko si Kuya Gabriel. Napatigil ako. Nandoon siya. Magulo ang buhok. Bahagyang nakabukas ang itim na polo na suot. Madilim ang mga mata at hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Matagal at parang may pinipigil. "Kuya... may kailangan ka ba—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bigla niya na lang akong hinila papasok. At isinara ang pinto. Nakatayo siya sa harap ko at doon ko naamoy na amoy alak siya. At sa susunod na segundo— Bigla niya akong hinalikan. Matagal. Matindi. At para akong nalulunod sa halik na iyon. Napapikit ako. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya. Ang init ng hininga niya. "Kuya." Hindi ko alam kung tawag ba iyon o pagsuko. Pero hindi siya tumigil. Sa halip, mas lalo siyang lumalim. "This is why you should've stayed away from me."ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako
ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong
ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin
ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c
ELIANA "You're coming with me." Hindi ako sigurado kung gaano ba kalayo ang pupuntahan namin, pero wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay may tumanggap sa akin dahil hindi naman iyon kayang gawin ng mga taong tinuring kong pamilya. Tahimik kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap ko pa rin ang mga pictures nila Mama at Papa. Gusto ko sanang mag-thank you at sabihin ang mga nangyari kay Kuya Gab, pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Hindi rin siya nagtanong ng kung ano, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin niya. Mga tinging mabilis ding nawawala. Madilim na ang paligid nang maramdaman kong huminto ang kotse sa isang malaking gate. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang isang malawak na property. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang eleganteng fountain at ang mga ilaw na nakapalibot dito. Sa likod nito ay isang maganda at malaking bahay na dati ay sa mga TV ko lang nakikita. "This is your home for now,"
ELIANA"Time of death... 9:17 PM."Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa."We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay.Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse.Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko."Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila."Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala







