Compartilhar

Kabanata 3

Autor: Eiarah
last update Data de publicação: 2026-04-30 22:32:28

ELIANA

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.

Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon.

Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat.

Patay na sina Mama at Papa.

Wala na ang bahay namin.

Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko.

At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel.

Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko.

"Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table.

Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note.

For your convenience.

-G.A.

Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi.

Pagtingin ko sa cabinet, nakita ko ang mga bagong damit na maayos na nakasampay sa loob. Halatang pinaghandaan.

Napahinga ako nang malalim.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis lalo pa't naalala ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi.

Nagsuot ako ng isang cream blouse at light blue skirt. Simple lang, pero halatang mamahalin ang tela. Pagharap ko sa salamin, sandali akong napatitig sa sarili ko.

Hindi na ako mukhang kagaya kagabi.

Namumugto pa rin ang mga mata ko, pero kahit paano ay mas maayos na ang itsura ko.

Paglabas ng kwarto, tahimik na hallway ang sumalubong sa akin. Naglalakihang mga paintings, mahabang carpet, at halos walang bakas ng kahit anong kalat sa paligid.

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan nang may marinig akong boses.

Mababa.

Matigas.

Walang pag-aalinlangan.

Si Kuya Gabriel.

Nasa ibaba siya at may kausap sa phone habang nakatayo malapit sa bintana.

"No. I said move the meeting to Friday," malamig niyang sabi. "If they don't agree, pull out the offer."

Tahimik ko siyang pinapanood.

Ibang-iba siya rito.

Parang hindi siya ang maamong Kuya Gabriel na laging nagpupunta sa bahay namin noon. May dalang pasalubong at nakikipaglaro sa akin.

Ito ang Gabriel Alvarez na marahil ay kinakatakutan sa business world.

Cold.

Powerful.

Untouchable.

"Handle it," dagdag niya bago tuluyang pinatay ang tawag.

Bigla siyang lumingon sa gawi ko at nagkatitigan kami.

Pero siya agad ang umiwas ng tingin.

Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa paraan ng pagtitig na iyon.

At doon, may kung anong init ang gumapang sa balat ko.

"Why are you standing there?" tanong niya.

"I... I heard you talking."

Tumango siya nang bahagya. "Come down. You need to eat."

Paglapit ko sa dining area, agad akong sinalubong ng mga bagong lutong pagkain.

Sinangag. Tocino. Sunny side up egg. Pritong talong. Kangkong. At iba pang paborito kong almusal.

"I'm not hungry." Kahit gutom na ay nakuha ko pang magsinungaling sa kanya.

Tiningnan niya ako. "These are your favorites. You need to eat."

Bahagya akong natuwa dahil naaalala niya pa rin ang mga paborito ko pero agad din itong napalitan ng inis dahil parang nag-uutos na naman siya.

"Ako nang bahala sa sarili ko."

"Clearly, you're not in any condition to do that."

Napataas ang kilay ko sa narinig. "Excuse me?"

Humugot siya ng malalim na hininga, na para bang pilit niyang pinapakalma ang sarili.

"Sit down, Eliana."

Pero hindi ako gumalaw.

Humigpit ang panga niya.

"Don't make me repeat myself."

"Hindi mo kailangang utusan ako," agad na sagot ko dito.

Tumahimik siya saglit dahil sa sinabi ko at matalim akong tinitigan.

"You're not leaving this house today."

"Of course," bulong ko na hindi nakatakas sa pandinig niya.

"What is that supposed to mean?" angil niya.

"Wala. Iniisip ko lang... siguro sanay ka nang kontrolado ang lahat."

Tumigas ang panga niya sa sinabi ko.

"This is not about control."

"Talaga ba?" nanghahamong sagot ko dito. "Eh bakit puro rules na lang ang naririnig ko sa iyo mula nang dumating ako dito?"

"Those rules are for your safety," mariin niyang sabi.

Saglit siyang tumahimik.

"And for mine."

May kung anong nagbago sa hangin sa pagitan namin.

Mas bumigat.

Mas delikado.

"Or for your peace of mind?" tanong ko, mas diretso na ang boses.

Matagal siyang tumahimik na para bang pinipigilan niya ang sarili sa kung anong gusto pa niyang sabihin.

Matapos noon ay bigla siyang lumapit sa akin.

Masyadong malapit para mapaatras ako.

Pero huli na.

Nahuli niya ang pulso ko at mahigpit na hinawakan ako.

Hindi masakit, pero sapat lang para hindi ako makawala sa kanya.

"Stop doing that," mariin niyang sabi habang ramdam ko kung paano siya nagtitimpi sa kung ano mang puwede niyang gawin.

"D-doing what?"

Saglit siyang napatingin sa labi ko at doon siya napamura nang mahina.

Parang doon niya lang narealize kung gaano na kami kalapit sa isa't isa.

Kung hanggang saan na siya umabot at doon niya ako biglang binitawan.

Parang napaso ng kung ano.

Napasinghap ako pero hindi ko alam kung dahil ba iyon sa gulat, sa inis, o sa kakaibang init na naramdaman ko dahil sa ginawa niya.

Tiningnan ko agad ang pulso ko.

"Finish your breakfast," malamig niyang sabi.

Sa isang iglap, bumalik ang distansya sa boses niya.

Humakbang siya palayo pero tumigil siya at bahagya akong nilingon. "And don't test me again."

Parang may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan niya. Kitang-kita ko iyon sa paraan ng pag-igting ng balikat niya at sa pag-iwas niya ng tingin sa akin.

At tuluyan niya na akong tinalikuran.

Nang hindi ko na siya makita, doon ako napaupo. Hawak ang pulso ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang pilit iniintindi ang mga nangyari kanina.

Ang buong akala ko, wala siyang pakialam sa akin pero hindi iyon ang pinakita niya.

Kung talagang responsibilidad lang ako, bakit hindi niya ako matingnan nang diretso?

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Ano kayang mangyayari kapag hindi niya na mapigilan ang sarili niya?

Hindi ako titigil.

Hindi hangga't hindi siya tuluyang mawalan ng kontrol.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 6

    ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 5

    ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 4

    ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 3

    ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 2

    ELIANA "You're coming with me." Hindi ako sigurado kung gaano ba kalayo ang pupuntahan namin, pero wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay may tumanggap sa akin dahil hindi naman iyon kayang gawin ng mga taong tinuring kong pamilya. Tahimik kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap ko pa rin ang mga pictures nila Mama at Papa. Gusto ko sanang mag-thank you at sabihin ang mga nangyari kay Kuya Gab, pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Hindi rin siya nagtanong ng kung ano, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin niya. Mga tinging mabilis ding nawawala. Madilim na ang paligid nang maramdaman kong huminto ang kotse sa isang malaking gate. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang isang malawak na property. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang eleganteng fountain at ang mga ilaw na nakapalibot dito. Sa likod nito ay isang maganda at malaking bahay na dati ay sa mga TV ko lang nakikita. "This is your home for now,"

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 1

    ELIANA"Time of death... 9:17 PM."Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa."We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay.Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse.Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko."Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila."Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status