ログインELIANA
"This is why you should've stayed away from me."
Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.
Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.
Napapikit ako.
Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga.
"Kuya..." halos pabulong kong tawag.
Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.
Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.
Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.
Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas.
"E-Eliana?"
Iyon ang huli kong narinig.
Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.
Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.
----------
Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.
Hindi ko alam kung gising ba ako o nanaginip lang.
Nakita ko si Gabriel. Tahimik siyang nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana.
Nakatayo ilang hakbang ang layo sa'kin. Hindi ko man makita ang mukha niya, alam kong nakatingin siya sa'kin.
Humakbang siya palapit sa'kin.
"How are you feeling?" malambing na tanong nito.
"Kuya Gabriel..."
Napapikit siya nang marinig 'yon na para bang nasasaktan.
"Stop calling me like that," may bahid ng inis na turan niya sa'kin.
"Every time you call me Kuya, it feels like you're putting a wall between us. A wall I shouldn't break... but I want to," dagdag pa nito.
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi pa rin ako sigurado kung gising ba talaga ako o panaginip lang lahat ng 'to.
Sa sumunod na sandali, hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yon sa dibdib niya.
Malakas ang tibok ng puso nito na para bang gustong kumawala.
"Do you feel that?" seryosong tanong nito sa'kin.
Bahagyang tango lang ang naisagot ko dito.
"Then remember this when I deny everything."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko agad naintindihan 'yon.
"Ano?"
Pero bago niya pa ako sagutin, naglaho ang paligid.
----------
Napabalikwas agad ako ng bangon.
Hingal na hingal na para bang tumakbo ako sa kung saan. Malamig ang hangin galing sa aircon pero ramdam ko ang pawis sa batok ko.
Ilang segundo akong nakatulala, habang mahigpit na hawak ang bedsheet, pilit pinoproseso kung ano ba talaga ang nangyari.
Inilibot ko ang tingin sa paligid.
Sarado ang kurtina pero aninag na ang sikat ng araw mula sa labas. Nasa side table ang cellphone ko. Sa tabi ng frame nina Mama at Papa ay may isang baso ng tubig at ilang gamot na hindi ko naman alam kung para saan.
Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko. May kaunting kirot doon.
"Panaginip lang?" tanong ko sa sarili.
Pero bakit parang hindi?
Nang bumangon ako, nakita kong nasa may bandang pinto ang tsinelas ko.
Napakunot ang noo ko pero hindi ko na pinansin 'yon.
Nagulat ako nang makita ang sarili sa salamin.
Magulo ang buhok ko at namumula ang mga pisngi ko.
Inamoy ko ito at agad kong nakilala kung kanino ang suot ko.
"Kuya..."
Napaatras ako sa salamin.
"Paanong..."
Hindi ko na natuloy ang gusto kong itanong nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto.
"Miss Eliana?" boses ni Yaya Magda. "Gising na po kayo?"
Imbes na sumagot ay bahagya kong binuksan ang pinto. Nakita kong may dala itong tray ng pagkain at gamot.
"Pinapadala po ni Sir," sabi nito nang makitang nakatingin ako sa hawak niya.
"Ni Kuya Gabriel?"
Tumango siya, pero umiwas ng tingin.
"Bakit po may gamot?" tanong ko ulit.
"Para po sa hilo niyo kagabi."
Nanlamig ako.
"Kagabi?"
Saglit siyang natigilan, na para bang may nasabi siyang hindi dapat.
"Buong araw po kasi kayong hindi kumain kahapon, nakita na lang kayo ni Sir na wala nang malay."
Mas lalo akong kinabahan.
"Yaya..."
Tumingin siya sa'kin.
"Sino po ang nagpalit ng damit ko?" hindi ko matiis na hindi itanong.
Namula siya nang bahagya at umiling.
"Ako po, Miss."
"Sigurado po kayo?"
"Opo," mabilis niyang sagot.
Bago pa ako makapagtanong ulit, may narinig kaming boses mula sa ibaba.
"Yaya Magda."
Pareho kaming napalingon dito.
Kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Gabriel 'yon.
"Don't keep her standing. Let her eat."
Mabilis na ngumiti si Yaya Magda, inabot ang tray at halos nagmamadaling umalis.
Isinara ko ang pinto at napasandal doon.
Panaginip lang ba talaga yung nangyari?
Pero bakit parang may tinatago si Yaya Magda?
----------
Hapon na nang magpasya akong lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay agad kong nakita si Gabriel sa dining area.
May hawak itong tasa at seryosong nagbabasa ng mga dokumento.
"What do you need?" agad na tanong nito nang hindi man lang tumitingin sa'kin.
Gusto ko sanang itanong kung hinalikan niya ba talaga ako kagabi o ako lang itong umaasa.
"You fainted last night," dagdag nito.
Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"May nangyari ba bago ako mahimatay?"
Natigilan siya sa tanong kong 'yon.
"Nothing important."
Parang may kumirot sa dibdib ko.
"Bakit shirt mo ang suot ko pagkagising?"
"Yaya Magda changed your clothes." Mabilis na sagot niya.
"Hindi 'yon ang tanong ko."
Malamig niya akong tiningnan. "Then ask the right question."
"Hinalikan mo ba ako kagabi?" hindi ko na napigilang itanong.
Ilang minutong nakakabinging katahimikan.
Tinitigan niya ako pero malamig pa rin ang mga mata nito.
"No." Diretsong sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Isang salita na para bang sinadya niya para masaktan ako.
"Hindi?" tanong ko ulit.
"No."
"Fine," pagsuko ko at hindi na pinilit pa ang gusto kong marinig.
"Good," malamig niyang sabi. "Then forget about it."
Napakurap ako at napatigil sa paghakbang palayo.
"Forget what?"
Umiwas siya ng tingin.
At doon ko lang nalaman na may mali. Kung wala talagang nangyari, bakit may dapat akong kalimutan?
Muli siyang tumingin sa'kin.
Walang lambing.
Walang init.
Walang pag-amin.
Tanging malamig na titig lang.
"Forget last night, Eliana," sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin. "I already did."
ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako
ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong
ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin
ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c
ELIANA "You're coming with me." Hindi ako sigurado kung gaano ba kalayo ang pupuntahan namin, pero wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay may tumanggap sa akin dahil hindi naman iyon kayang gawin ng mga taong tinuring kong pamilya. Tahimik kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap ko pa rin ang mga pictures nila Mama at Papa. Gusto ko sanang mag-thank you at sabihin ang mga nangyari kay Kuya Gab, pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Hindi rin siya nagtanong ng kung ano, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin niya. Mga tinging mabilis ding nawawala. Madilim na ang paligid nang maramdaman kong huminto ang kotse sa isang malaking gate. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang isang malawak na property. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang eleganteng fountain at ang mga ilaw na nakapalibot dito. Sa likod nito ay isang maganda at malaking bahay na dati ay sa mga TV ko lang nakikita. "This is your home for now,"
ELIANA"Time of death... 9:17 PM."Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa."We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay.Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse.Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko."Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila."Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala







