共有

Kabanata 4

作者: Eiarah
last update 公開日: 2026-04-30 22:32:36

ELIANA

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog.

Maganda naman ako.

May hubog rin naman ang katawan ko.

"Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya."

Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano.

Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya.

Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito.

Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area.

Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko.

"What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igting ang panga niya dahil doon.

"Pantulog," maiksing sagot ko sa kanya at umupo sa may gilid niya.

"Next time, don't wear something like that."

Natawa ako nang mahina dahil sa sinabi niya. "Ngayon, pati kung anong isusuot ko ay dapat kontrolado mo na rin?"

"Ano bang masama sa suot ko?" dagdag ko upang lalong inisin siya.

"It's just that..." saglit niya akong tiningnan. Akala ko ay may kung ano pa siyang sasabihin pero hindi niya na iyon tinuloy.

"Never mind."

Tahimik kaming kumain pero ramdam ko ang mga panandaliang tingin niya sa akin at ang maya't maya niyang pag-inom ng tubig.

Nauna siyang natapos sa pagkain at walang lingon na lumakad palayo at iniwan ako.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ako. Balak ko sanang bumalik agad sa kwarto ko pero nagbago ang isip ko nang makita ko si Kuya Gab sa living area habang may inaayos na mga folder.

Sinadya kong maglakad nang mabagal sa harap niya at tumabi mismo sa kanya, dahilan para tingnan niya ako nang masama.

"May kailangan ka ba?" kontrolado niyang tanong.

"Wala," sagot ko. "Maaga pa para bumalik sa kwarto. At isa pa, pag nandoon ako mas lalo kong naiisip sina Mama at Papa."

Wala na siyang sinabi pero nakita kong humigpit ang hawak niya sa mga folder at pilit na iniiwasang tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero hinawakan ko siya sa braso at lalong lumapit sa kanya dahilan para ilayo niya nang kaunti ang katawan niya.

"W-what are you doing?" nauutal na tanong niya.

"Magpapaalam sana ako, Kuya. Pwede ba akong lumabas bukas?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba pero lahat yata ng inis na nararamdaman ko ay nawala parang bula dahil sa nakikita ko kung gaano siya kaapektado ng presensya ko.

"Why?" tanong nito at bumalik na naman ang matalim niyang tingin sa akin habang unti-unting kinukuha ang braso na hawak ko.

"Gusto ko sanang mag-asikaso ng mga papeles ko at maghanap ng trabaho. Ayokong habang-buhay ay makikitira ako sa'yo dito at magiging responsibilidad mo."

"No," agad nitong sagot sa akin.

"I'm not asking you to leave. You can stay here for as long as you want," dagdag nito.

"Gusto kong mabayaran ang utang ng mga magulang ko," mariin kong sabi rito.

"I can pay their debts so you don't have to worry about that."

"No. I don't want you to do that," tanggi ko.

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan pero gaya pa rin ng dati ay siya ang unang umiwas.

"Fine," mahina pero buo ang boses nito.

"You want independence? Earn it. You'll work for me." Pagkatapos ay naglakad siya palayo sa harap ko.

Hindi ako agad gumalaw.

Tahimik lang akong nakatayo roon, nakatingin sa likod niya habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa sa narinig ko.

Work for him.

Gusto niya pa rin akong kontrolin.

Pero hindi iyon ang tumatak sa isip ko.

Kung paano siya umiwas ng tingin.

Kung paano siya napilitang umatras kanina na para bang napaso siya ng kung ano.

Pero hindi pa sapat iyon.

Kaya sinundan ko siya.

Nakita ko siya sa dulo ng hallway. Papasok sana siya sa kwarto pero bago mangyari iyon ay hinarangan ko siya.

Napahinto siya saglit at matalim na tumingin sa akin.

"Kuya..." mahinang tawag ko rito.

"Bakit ba parang iniiwasan mo ako?" tanong ko.

Tahimik.

Hindi siya kaagad nakasagot.

Tiningnan niya ako nang diretso sa mata. "You're imagining things, Eliana."

"Talaga?" Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at tumingkayad para magkalapit ang mukha namin.

Nang hindi siya sumagot ay nagsimula akong maglakad palayo pero bahagya akong natapilok.

At sa isang iglap, napahawak ako sa dibdib niya. Ang kamay niya ay nakasuporta sa beywang ko habang ang isa pa ay mahigpit na nakahawak sa pulso ko.

Sa sobrang lapit ng mga katawan namin ay ramdam ko na ang mainit na hininga niya. Naamoy ko rin ang pabango na gamit niya.

Matagal niya akong tinitigan sa mata at ilang sandali lang ay bumaba na naman ang tingin niya sa mga labi ko.

Hindi ko alam pero parang lumiliit ang pagitan namin o sadyang unti-unti siyang lumalapit sa mukha ko.

Napapikit ako dahil doon.

"Kuya..."

Pagkasabi ko noon ay mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Bigla niya akong binitawan.

Kitang-kita ko ang marahas na pag-akyat-baba ng dibdib niya na para bang kinakapos siya ng hininga. Lalapit pa sana ulit ako sa kanya pero lumayo siya kaagad.

"Stop this." May banta sa tono ng boses niya.

"Bakit? Ano bang ginagawa ko?" maang-maangan na tanong ko rito.

"Don't push something you don't understand." Galit niya akong tiningnan at naglakad ulit palayo.

Imbes na mainis ay mas natuwa pa ako sa nangyari.

Dahil hindi magiging ganito ang reaksyon niya kung responsibilidad lang ang tingin niya sa akin.

Kung ganito na kaagad kaapektado si Kuya Gab sa konting kilos ko, paano pa kaya kung mas higit pa dito ang gawin ko?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 6

    ELIANA"This is why you should've stayed away from me."Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong nanghina sa boses niya.Pero bago pa man ako makapagsalita, muli niyang hinuli ang mga labi ko.Napapikit ako.Mas naging mapusok ang halik niya dahilan upang mahirapan akong huminga."Kuya..." halos pabulong kong tawag.Parang mas lalo siyang nawalan ng kontrol dahil sa boses ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko, sapat para hilahin ako palapit.Kusang napakapit ang mga kamay ko sa batok niya.Napasinghap ako nang maramdaman 'kong unti-unti na ding gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.Pero hindi nagtagal ay biglang umikot ang paligid. Parang nawalan ako ng lakas."E-Eliana?"Iyon ang huli kong narinig.Hindi na malamig ang boses niya. Hindi na rin galit, kundi nag-aalala.Pagkatapos noon, hindi ko alam kung bakit tuluyang nagdilim ang paligid.----------Malamig ang unang naramdaman ko, kasabay noon ay ang malambot na kama ko.Hindi ko alam kung gising ba ako

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 5

    ELIANA Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon sa amin ni Kuya Gab sa hallway. At ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita matapos noon. Ang sabi ni Yaya Magda ay lagi daw siyang maagang umaalis papunta sa trabaho at kapag nandito siya sa bahay ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Iniiwasan niya ako. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako titigil. "Maglalakad lang po ako saglit," sabi ko kay Yaya Magda. Nginitian ako nito at nagpatuloy sa gawaing bahay. Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakakulong. Naglakad-lakad ako sa garden at sa may pool banda. Gusto ko sanang maligo sa pool pero naalala kong hindi pala ako marunong lumangoy. "It seems that you're lost." Napahinto ako nang may marinig na hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, may lalaking nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad. Maayos ang suot. At halatang sanay sa atensyon. "You don't look like you belong

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 4

    ELIANA Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin suot ang isang simpleng sleeveless top at maiksing shorts pantulog. Maganda naman ako. May hubog rin naman ang katawan ko. "Hindi na ako bata," mahinang sabi ko sa sarili. "At papatunayan ko 'yan sa'yo, Kuya." Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko dahil, tulad ng sinabi ni Kuya Gab, dito lang dapat ako sa bahay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at magsagawa ng mga plano. Kung iiwas siya sa akin... ako ang lalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig ko si Yaya Magda sa labas ng kwarto. Sinabihan niya ako na maghahapunan na kaya sumunod din agad ako rito. Nakita ko si Kuya Gabriel na kumakain mag-isa sa dining area. Pero muntikan na siyang mabilaukan nang makita ang ayos ko. "What are you wearing?" matalim na tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang bahagya dahil sa reaksyon niya. Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan at kung paano mag-igtin

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 3

    ELIANA Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay malambot at mabango ang kamang hinihigaan ko. Tahimik ang paligid at malamig din ang hangin galing sa aircon. Pero nang tumingin ako sa paligid at nakita ang mamahaling chandelier, bumalik sa akin ang lahat. Patay na sina Mama at Papa. Wala na ang bahay namin. Pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko. At nasa bahay ako ni Kuya Gabriel. Parang gusto ko ulit maiyak dahil sa masakit na reyalidad na iyon, pero pinilit kong pigilan. Ayokong magsimula ng panibagong araw na mabigat ang dibdib ko. "Good morning," bulong ko sa dalawang picture frame nila Mama at Papa na nasa side table. Pagbangon ko, napansin ko ang isang paper bag sa baba ng kama. Nakadikit doon ang isang maliit na note. For your convenience. -G.A. Sa loob nito ay ilang gamot, vitamins, at basic essentials. Parang may nag-isip kung ano ang kakailanganin ko, kahit hindi ko naman sinabi. Pagtingin ko sa c

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 2

    ELIANA "You're coming with me." Hindi ako sigurado kung gaano ba kalayo ang pupuntahan namin, pero wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay may tumanggap sa akin dahil hindi naman iyon kayang gawin ng mga taong tinuring kong pamilya. Tahimik kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang yakap ko pa rin ang mga pictures nila Mama at Papa. Gusto ko sanang mag-thank you at sabihin ang mga nangyari kay Kuya Gab, pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Hindi rin siya nagtanong ng kung ano, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin niya. Mga tinging mabilis ding nawawala. Madilim na ang paligid nang maramdaman kong huminto ang kotse sa isang malaking gate. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang isang malawak na property. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang eleganteng fountain at ang mga ilaw na nakapalibot dito. Sa likod nito ay isang maganda at malaking bahay na dati ay sa mga TV ko lang nakikita. "This is your home for now,"

  • Tempting My Billionaire Kuya   Kabanata 1

    ELIANA"Time of death... 9:17 PM."Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa."We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay.Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse.Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko."Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila."Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status