JALENE’S Pov
“Hindi ko po alam, Uncle. Bakit nga ba nandito kayo ng Don?”
Napataas ng kilay si Frank.
“Seriously? Wala kang alam?”
Napalunok ako. Kung sasabihin ko ba na meron, magagalit siya? Ah, basta, magkukunwari ako.
“W-wala nga, Uncle.”
“Pwede bang ‘wag mo akong tawaging Uncle? Naiinis ako. Ni hindi kita kaanu-ano.”
“Ay, sorry po. Mukhang Uncle ko naman ho talaga kayo.” Sinuyod ko pa siya mula ulo hanggang paa. “Matanda ho kayong tingnan sa akin, plus ‘yong height pa.”
“Aba’t!” Mahigpit na hawak nito sa braso ko ang nagpadaing sa akin.
“Senyorito, Miss Jalene, pinapatawag ho kayo ni Don sa loob.”
Napatingin kami parehas sa alalay ni Don.
Nakahinga ako nang bitawan niya ako. Hindi na rin niya ako nilingon.
“Medyo malupit ka, Uncle, huh.” Ngumiti siya. “Pero gusto ko ‘yan. Magiging asawa na rin naman kita sa ayaw at sa gusto mo. Magiging sweet ka rin sa akin.”
Nakangiting tinanaw niya ang papawalang bulto ni Frank. Kahit nakatalikod talaga, ang yummy niya tingnan.
Nang maalala ang ginawa niya at ng babaeng iyon sa silid ni JV ay bigla akong nag-init. Ilang beses ko pa namang in-imagine na ako ang katalik niya. ‘Di bale, malapit nang mangyari iyon. Oras na maikasal kami. Sisiguraduhin kong hindi makalimutan ni Frano ang unang gabi namin.
Bigla akong nalungkot nang maalala naman ang kalagayan ni Nanay. Kahit na sabihing pasaway ako sa kanya, sobrang mahal ko siya. Pagdating sa sakripisyo, wala akong masabi. Noong bata ako hanggang magdalaga, inaalagaan niya ako nang maayos. Nagsimula lang akong mag-rebelde nang sabihin niya sa akin na ipapakasal niya ako sa anak ng kaibigan niya. Akala ko kasi kung sino-sino lang na nakilala niya. Hindi ko naman akalaing si Frank Alva iyon.
Pagpasok ko sa loob, opisyal nang ipinakilala sa akin si Frank bilang mapapangasawa ko. At sa harap mismo ng aking ina at ama niya ay nangako kami na tutuparin ang hiling na iyon.
Nagbabantay ako kay Nanay noon nang pumasok si Frank. Ang buong akala ko umalis na siya kasama ng Don. Sakay pala ng helecopter ang mga ito nang pumunta rito. At walang tulog si Don kaya kailangan niyang bumalik.
“Can we talk?”
“Po?”
“Sabi ko, mag-usap tayo. ‘Yong tayo lang. Pwede ba?”
“P-pwede po bang ‘wag ngayon? Kailangan ako ni Nanay. Hindi ko siya maiwan kasi wala si Tiyang.” Totoo naman. Wala ang pinsan ko at si Tiyang. Saka iba ang paghinga ni Nanay. Mas lalong hindi na rin siya makapag salita. Wala siyang ginawa nang mag-usap-usap kami kung hindi ang tumango sa mga sinasabi ni Don Francesco.
Dinig ko ang pagpakawala nang buntong hininga ni Frank.
“Alright.”
Wala man lang paalam si Frank nang umalis.
Napatingin ako kay Nanay nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng aparato.
“N-Nay?” ani ko nang lapitan siya.
Agad kong hinawakan ang kamay niya. Nakikita ko ang paghinga niya, hindi na maganda. Sunod-sunod na. May sinasabi siya pero hindi ko pinansin. Lumabas ako para tumawag ng doctor at binalikan siya.
Nagsisimula nang bumigat ang pakiramdam ko. At ang mga mata ko ay unti-unti nang namumula dahil iba na ang nakikita ng mga mata ko. Ramdam ko dahil kanina ko pa talaga pinipigilan ang sarili ko na umiyak.
Nang umalis si Don, parang bumalik sa panghihina si Nanay. Kakaibang sigla ang hatid ng matanda kanina nang dumating. Sa tingin ko, hindi naman simpleng kaibigan lang si Don sa kanya.
“Sandali lang, ‘Nay, papunta na ang doktor. Kapit lang po.” Nagsisimula nang manginig ang kalamnan ko. Maging ang bibig ko ay ganoon din. Mukhang darating na ang kinatatakutan ko.
“J-Jalene, anak.”
“‘Wag ka po munang magsalita.”
Lumingon pa ako para tingnan ang pintuan dahil bumukas iyon. Pero hindi doktor ang pumasok. Si Frank pala. Kaya muli kong binalik ang tingin sa kanya.
Tumango-tango si Nanay na para bang sinasabing okay lang siya, pero hindi ako naniniwala.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay at ngumiti. Tumingin siya kay Frank at ngumiti rin. Pero natigilan ako nang lumuwag iyon.
“N-Nay…”
Bahagya kong ginalaw ang braso niya nang makitang pumikit ito. Pero hindi na nagmulat kay kinabahan ako. Ang paghinga niya ay sadyang tumigil na. Kaya naman bumuhos na ang luha ko. Hindi ko talaga kayang makita siya na ganoon.
“Sandali lang, o! Sabi nang sandali lang at papunta na ang doktor!” Niyugyog ko na na noon si Nanay dahil hindi ko kayang makitang nakapikit siya.
Akmang yayakapin ko si Nanay nang may humila sa akin. Mukha ni Frank ang nakita ko hanggang sa magdilim dahil napasubsob ako sa matigas na dibdib nito. Kasunod na nga niyon ang mga boses mula sa doktor at nurse na sumusubok na i-revive ang ina.
Hindi ko na alam ang mga nangyari dahil halos wala na ako sa sarili kakaiyak.
FRANK’s Pov
NAGMUKHA akong faithful husband sa kakaalalay sa batang ito— este kay Jalene Roxton. Burol na ng ina niya at hindi ako pinapauwi ni Papa. Gusto niyang alalayan ko ang batan ito. Uh, naiinis ako. Wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.
Hindi pa man kami ikinakasal pero stress agad ako sa kanya. Paano pa kung mag-asawa na kami? Baka sakit sa ulo ang batang ito. Ayaw ba nitong makapagpahinga na ang Nanay niya?
Napailing na lang ako.
Gusto ko lang naman siyang makausap tungkol sa pagpapakasal namin. Pero mukhang kailangan ko pang hintayin ang pagkalma niya. I’m sure ayaw niya ring magpakasal sa akin. Kaya ilalatag ko sa kanya ang mga kondisyon na siguradong magugustuhan niya.
“Senyorito, lalabas lang po ako para bumili ng kailangan. Paubos na ang kape at pangmiryenda ng mga nakikiramay,” paalam sa akin ni Tino, ang personal assistant ko.
Tumingin ako sa baba, maraming bisita pero halos taga-rito lang naman. Maraming nagsusugal at nag-iinuman din. Hindi ko na naman maiwasang magtanong sa sarili ko.
Ganito ba talaga kapag may burol ang mga mahihirap? Medyo magulo pala at maingay. Hindi ba dapat tahimik sila? Respeto man lang ba.
“Go,” taboy kay Tino.
Nasa taas ako ng bahay nila. Parang may secondfloor. Ang bahay kasi nila parang ‘yong sinauna pa na may silong. Infairness, ang taas ng silong. Parang hanggang dibdib ko yata. Gawa rin sa kawayan kaya presko. Iba rin talaga ang hangin sa probinsya.
Napasunod ako nang tingin kay Jalene nang tumayo ito. Kung bibilangin ko siguro, mahigit limang oras siyang nakaupo sa harap ng kabaong ng Nanay niya. Hindi ko napansin kung tumayo ba siya para umihi.
Tumayo ako nang makitang papasok si Jalene sa kwarto niya. Pero saglit lang siya doon. May bitbit siyang tuwalya at mga damit.
Pansin ko sa loob ng tatlong araw, hindi siya naliligo dito sa mismong bahay nila. Sa bahay ng Tiyahin niya siya pumupunta, sa may tapat lang ng bahay nila Jalene.
Ito na marahil ang pagkakataon ko kaya sinundan ko siya sa kabila. Napansin niya siguro kaya kunot ang noo niya nang lingunin ako.
“May kailangan kayo, Uncle Frank?” tanong niya na ikinainis ko na naman. Kasi naman tinawag na naman niya akong Uncle. Pamangkin ko ba siya? Kaibigan lang siya ni JV!
“We need to talk,” pigil ang inis ko noon.
“Pwede po bang mamaya na?” Tinaas niya ang hawak na towel at mga dami. Lumitaw din ang bra underwear niya.
Seryoso? Nagsusuot pala siya ng bra? Bakit parang wala namang tatakpan?
“No. Ngayon na.”Balak kong umalis pagkasabi ng mga nasa contract ko. Hindi naman malalaman ni Papa kung sinamahan ko siya hanggang sa mailibing ang Nanay niya.
“Uncle, seryoso ho kayo?”
“Damn serious.”
Ngumiti siya sa akin kaya naningkit ang mata ko.
Ano ang ibig sabihin ng mga ngiti niya?
“Sabi mo ‘yan.”
Pumasok siya sa loob ng bahay. Hawak niya ang pintuan.
“Pasok ka, Uncle.”
Sumunod naman ako.
Napabaling ako sa kanya nang isara niya ang pintuan.
“Sorry,” aniya. Pero bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.
Naupo ako sa sofa na gawa sa kawayan. Sinundan ko siya nang tingin nang dumaan siya.
“Tayong dalawa lang ang nandito, Uncle,” paalam niya sa akin.
“Good. Dahil ayokong may makarinig ng usapan natin.”
Pumasok siya sa isang silid kaya tumayo ako. Lumapit ako roon.
Tanging kurtinang manipis na see through ang nagsisilbing pintuan noon.
Akmang hahawiin ko nang mapagtantong isa-isang nahuhulog ang suot niya. Nakatalikod siya sa akin kaya likuran at pang-upo lang niya ang nakikita ko.
Sunod-sunod ang lunok ko nang bigla siyang humarap sa akin.
“Fvck!” ani ko nang makita ang kabuohan niya. Mabuti na lang at ako lang ang nakarinig ng sinabi ko. Wala siyang suot kahit na underwear!
“Ano po ba ang pag-uusapan natin?”
Bigla akong napaangat nang tingin. Kahit na may kurtina, kita pa rin naman namin ang isa’t-isa.
“M-magbihis ka muna. Dito tayo sa sala mag-usap.”
Bakit parang nauutal ako? Damn this kid!
Bahagya siyang yumuko para kunin sa higaan ang towel. Kinuha niya iyon at inilagay lang sa balikat.
Parang gusto niyang sumigaw ng ‘tubig’ dahil biglang nanuyo ang aking lalamunan. Saka parang may bumara.
“Sa sala, huh? Pero sumunod ka at pinanood ako, Uncle?”
Napapitlag ako nang marinig ang boses niya malapit sa akin. Saka ko lang napagtantong nasa harap ko na siya at ang kurtina lang ang nagsisilbing harang namin.
Nagbaba ako nang tingin.
“Don’t you know how to use a towel?”
Rinig ko ang mahihinang tawa ni Jalene. Hinawi din niya ang kurtina kaya napamura ako sa aking isipan.
How dare this kid show off her nakedness?!
“Alam ko. Nakalimutan ko lang. Ikaw kasi, Uncle,” aniya, sabay bangga sa akin.
Napapikit na lang ako nang magdikit ang aming braso.
Hindi ko maintindihan, bigla ko siyang nilingon, pero kasalukuyang binabalot na niya ang sarili niya.
“Saglit lang akong maliligo, Uncle Frank. Siguro naman makakapaghintay ka po?” aniyang hindi man lang ako nilingon. Medyo bastos ang dating sa akin.
“I-I have no choice,” tanging sagot ko habang tinatanaw siyang papasok.
Mayamaya lang ay rinig ko ang sunod-sunod na buhos niya ng tubig.
Mahigit labinlimang minuto yata akong naghintay bago bumukas ang pintuan. Laking pasalamat ko nang makitang nakasuot siya ng tuwalya.
“Nainip ka ho ba?”
“Make it faster, please.” Tumingin ako sa aking relo.
By 40 minutes nandito na ang chopper na magsusundo sa akin.
Ngumiti siya sa akin, subalit hindi ko tinugon. Kaya naman napaingos ang dalaga.
Hindi na ako sumunod dahil baka ano pa ang makita ko na naman.
Lumabas si Jalene mula sa silid na iyon na nakabihis na. Naupo siya sa harap ko. Pinagsiklop niya ang hita niya pero kita naman sa gilid ang underwear niya sa iksi ng palda niya.
Napailing na lang ako at tumingin sa mukha niya.
“I’m sure ramdam mong tutol ako sa kalokohang ito ng dalawang matanda. Right?”
“Kalokohan talaga, Uncle?”
“Yes. Including you. Isa ka lang kalokohan.”
“Ouch naman.”
“Mas mabuting alam mo ang nararamdaman ko sa kasalang ito, Jalene.”
“So, hindi mo itutuloy ito? Alam mo bang nangako ka sa Nanay ko?”
“Don’t worry, itutuloy ko ang kasal pero may mga kondisyon ako.”
Kita ko ang paglunok niya. Mukhang kabado siya sa mga ibibigay kong kondisyon.
“A-anong mga kondisyon?”
“First, I should still be free to do what I want. I don’t have to ask for your permission. There should still be boundaries between us. Second, I’m bringing my long-time girlfriend home. She’s coming back, so she’ll be staying at my place. You know, ilang—”
“Hindi pwede ‘yon, Frank! Kabastusan ‘yang gagawin mo! Respeto naman!” Napatayo pa siya matapos niyang putulin ang mga sasabihin ko.
Napataas ako ng kilay. “Okay. Eh ‘di, walang kasalang magaganap. Madali ka pa naman palang kausap. Gusto ko ‘yan, Jalene.”
Tumayo ako at hahakbang na sana nang magsalita siya.
“S-sandali!”
Napangiti ako nang lihim sa narinig. Nilingon ko siya. Seryoso siya ng mga sandaling iyon.
“S-sige, pumapayag na ako.”
Bumalik ako at naupo ulit. Ang posisyon niyang nakasiklop ay nag-iba na. Nakasandal na siya sa sofa na parang tamad na tamad. Tinakpan na rin niya ang hita niya ng lumang throw pillow.
“Handa ka na ba sa panghuling kondisyon?”
“Sabihin mo na,” walang buhay niyang sabi.
“We need to get a divorce once all of father’s properties are under my name. And to make it easier, we’ll fly to Guam after the funeral. Papa is in a hurry for us to get married.”
Napatitig siya sa akin. Ang kaninang kapilyahan sa mukha niya ay nawala, napalitan ng kaseryosohan.
“‘Wag kang mag-alala, I’ll compensate you. Sabihin mo kung magkano ang gusto mo. 20 Million? 50?”
“100 Million,” sagot niya na ikinangiti ko rin naman. Maximum naman talaga ‘yan ng io-offer ko sa kanya.
“Deal.” Tumayo ako. “Ipapadala ko bukas ang contract.” Ngumiti ako sa pagkakataong ito, at siya naman ang hindi. “Kailangan ko nang umalis. Condolence ulit.”
JALENE“I LOVE YOU,” masuyong sambit ni Frank bago niya hinugot ang sarili sa akin. Hinalikan pa niya ako sa tungki ng ilong bago nahiga sa tabi ko at yumakap nang mahigpit. “Ngayon ko lang napagtanto, sobrang miss pala kita.”Bumaling ako sa kanya. “Dahil sa hypnosis kaya parang ang dami mong na-miss sa akin.” Hinaplos ko ang pisngi ni Frank. “Kahit sa buhay ng mga anak natin, marami na.”Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan. “Pero kahit na under hypnosis ako, hindi ko kayang ipagpalit ka kay Kassandra.”Napataas ako ng kilay. “Hindi raw. Eh, ano ‘yong dinala mo sa farm tapos tinago mo pa sa akin? Saka narinig ko kung paano mo kausapin si Kassandra, parang mas mahal mo pa siya kesa sa akin.”Kinurot ni Frank ang ilong ko. “Under hypnosis nga, e. Saka nasabi ko kay Kassandra na hindi kita kayang iwan. Kaya ssa tingin ko, matindi ang pagmamahal ko sa ‘yo talaga.” Dito ako napangiti. “Biruin mo, ang tagal nang effect sa akin ng hypnosis nila. Pero sa iba? Madali lang. Kay
Jalene’s POV INIS na kinuha ko isa-isa ang unan ni Frank at binigay iyon sa kanya. “A-akala ko ba okay na tayo, baby?” “Okay tayo kapag nasa harap ng mga bata. Pero kapag tayo lang-” Umiling-iling ako. “Naamoy ko pa rin si Kassandra sa ‘yo.” “Baby… ” “Sa kabila ka matutulog, huh? Make sure na hindi ka makikita ng mga anak natin na doon ka natutulog, huh? At dyan ka lang dapat na dumaan.” Sabay turo ko ng adjacent door. “Naiintindihan mo?” Kumamot-kamot siya kaya napataas ako ng kilay. “Ayaw mo?” “Gusto,” anito. Sumabay pa ang paghaba ng labi niya. “Alis na sa harapan ko.” Taboy ko sa kanya. “Paano kung ma-miss mo ako?” Yakap-yakap na niya ang unan. “Anong ma-miss? Kung na-miss kita, hindi sana ako umalis ng ilang linggo.” Akala ko tatalikod na siya, hindi pa pala. “Miss na kita. Paano ‘yan?” “Bahala ka sa buhay mo.” Sumampa ako sa kama at pumuwesto sa gitna. Mukhang wala siyang balak na umalis kaya tiningnan ko siya nang masama. “Ano pang hinihintay mo?” “Lilipat na p
Jalene’s POV NAPATIGIL ako sa pag-scroll sa social media nang makita ang pangalan ni Philip. Update sa kaso ang ibabalita niya sa akin kaya agad kong sinagot iyon. “Hey! Kumusta?” bungad niya. “Ayos lang.” Tumingin ako sa dalawa kong anak. Himbing na himbing na sila sa pagtulog ng mga sandalling iyon. “Mabuti naman.” Saglit na nawala ito sa linya. “Um, si Frank, tumestigo rin pala laban kay Doc Vivien.” Natigilan ako sa sinabi niya. “T-talaga?” “Um. Nagkausap na ba kayo?” “Naka-block siya, e.” “Aw.” May himig na tawa iyon. “Ayaw mo ba siyang kausapin? Worth it naman ang pakikipagpalaban mo, e. Try mong pakinggan ang sasabihin niya. Kasi parang pinag-isipan niya nang maayos ang pag-testigo niya. Mas marami pa ng siyang nakuhang ebidensya kumpara sa atin.” Napaisip ako. Pero naiinis pa rin ako. Pahupain ko na lang siguro. “Kung hindi dahil sa kanya, baka talo tayo, e.” “Naiinis pa rin kasi ako sa sinabi niya nang araw na iyon. As if si Kassandra ang pinipili niya. Alam mo iyon
JALENE“BABY!”Hindi ko pinansin ang tawag ni Frank sa akin. Ngayon naalala na niya ang endearment niya sa akin, pero nitong mga nakaraang buwan, nakalimutan niya.Binilisan ko pa ang lakad ko para makalayo sa kanya, pero naabutan niya ako nang papalabas na ako ng ospital na iyon.“Excuse me?” pagtataray ko sa kanya. Kasunod niyon ang pagtanggal ko ng kamay niya sa aking pulsuhan.“Let me explain.”“No need, Frank.” Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ka worth it na ipaglaban. Kaya makakaasa kang hindi matutuloy ang kaso sa kaibigan mong doktor para makapagpatingin ka sa kanya hanggang sa magising ka na lang na wala na kami ng mga anak mo.”“N-no. That won’t happen.”Akmang bubuka ang labi ko nang unahan niya ako.“Alam ko na ang lahat, baby. I’m sorry.”“Nag-sorry ka? Anong alam mo na ang lahat? Eh ano ’yong narinig ko, huh? At pwede ba, ‘wag kang mag-sorry sa akin dahil wala kang kasalanan sa akin. Kay Kassandra ka mag-sorry ngayon dahil iniwan mo siya ngayon. Baka mamaya tawagan ka ni
FRANKNAPAANGAT ako nang tingin para basahin ang nakalagay sa signage ng lugar na sinabi ni Jalene sa text. Clinic?Bakit kaya? Nagpapatingin din ba si Jalene dahil sa stress sa akin? Dahil ba sa kasalanan ko? Umakyat ako sa 3rd floor kung saan naroon ang clinic. May upuan sa labas kaya naupo ako roon. Hindi ko siya makita sa glass wall kaya wala pa siguro siya. Hihintayin ko lang si Jalene rito. Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Jalene kaya nainip na ako.Paano kung iniwan na talaga niya ako?Akmang tatawagan ko si Jalene nang mag-pop up ang pangalan ni Kassandra. Tumatawag siya. Hindi ko na siya nabalikan kanina kaya sinagot ko iyon. Gusto niyang makipagkita sa opisina ni dok ngayon. Hindi ko alam kung bakit.“Hi, it’s urgent. Pwede ka ba ngayon?”“I’m trying to find my wife. Would it be alright if we do this tomorrow instead?” pakiusap niya.“It’s about Jalene.”Natigilan ako. “What about her?”“Sa office na lang ni Doc. She needs us.”Dahil tungkol kay Jalene ang pag-uusa
JALENE“ANO ba ang kailangan kong gawin?” tanong ko kay Philip pagkaupo na pagkaupo.Dapat kikitain ko si Frank ngayon. Pero mas kailangan ako ni Philip dahil nga sa kasong naisampa na sa doktor na iyon.“Better brace yourself. She’s about to get served the complaint, and that means we’ll be summoned too.”“Balak ko pa naman sanang umuwi para makapagpahinga mga problema ko ngayon. Pero sige, hindi na lang muna para matapos na itong problema naming mag-asawa.”Matagal pa kaming nag-usap ni Philip dahil sa mga pinakita niya sa akin. Bukas raw ay makikipagkita ito sa mga nabiktima ng doktor na iyon. Inuna lang niya akong kitain dahil nga sa may anak raw ako na binabantayan.“Ingat,” anito nang ipagbukas ako ni Philip ng pintuan ng sasakyang nai-book ko.“Salamat,” ani ko sa kanya.Hindi naman ako galing sa bahay kaya wala akong sasakyan. Naiwan ko ang mga bata sa bahay nila Warren kaya ako lang mag-isa ngayon.Late na ako sa usapan namin ni Frank kaya nagmadali ako papunta sa lugar na si