Kapag di ko natapos karugtong ngayon, bukas na lang. Kumakaway na si Antok kasi. Kaloka.
FRANK ALVA’S Pov“Tatlong buwan na lang ang ilalagi ko sa mundong ito, hijo. Hindi mo ba ako mapagbibigyan? Huh? This is my last and final wish. Tandaan mong dito rin nakasalalay ang buhay mo— ang pakasalan si Jalene.”“Sino na ba kasing Jalene na ‘yan? At bakit kailangang siya ang pakasalan ko? You know I have a long time girlfriend, Papa! Kaya bakit ibang babae pa? Bakit hindi na lang si Kassandra?”“Because I have unresolved matters with her mom.”Napatitig ako sa aking ama. “Is she your lover? Her mom?”Natawa lang si Papa. “Basta pakasalan mo siya. Ayoko ng ibang babae lalo na ang Kassandra na iyon! Maliwanag?” “Pero, Papa—”“Sige, pakasalan mo si Kassandra! Pero ‘wag kang umasa na mapapasakamay mo ang lahat ng ari-arian ko. Kilala mo ako, Frank. Kung ano ang sinabi ko, gagawin ko.”Tumingin si Papa sa kanang kamay niya. May inilapag naman na folder ang huli.“What’s this?” tanong ko nang kunin iyon.“Copy ho ng last will and testament ni Don Francesco.”Bahagyang kumunot ang n
JALENE’S PovPalaisipan man kung paano nalaman ni Uncle Frank ang buong pangalan ko, tumango pa rin ako.“A-ako nga ho, Uncle”“Don’t call me Uncle sabi!”“Pero uncle po kayo ni JV. Kaibigan ko siya kaya—”“Hindi kita kaanu-ano! Damn it!”Nagbaba ako nang tingin. “Sorry po,” sabi ko na lang.Saktong umilaw ang hawak kong cellphone. Nang makita ang pangalan ni Nanay ay tinaas ko iyon. “Sandali lang po, Uncle, sagutin ko lang po.”“I said—” Hindi na natapos ni Uncle Frank dahil umalis na ako sa harapan niya. Lumayo ako para sagutin iyon. May problema sa pandinig ang Nanay ko kaya kailangan kong lumayo.“Nay, kung ang pag-uwi ko na naman—”“Talagang kailangan mo nang umuwi rito, Jalene,” putol ng kanyang Tiyahin sa sasabihin ko. “Isinugod sa ospital ang Ate at kakatawag lang sa akin ng pinsan mo, pinapauwi ka na.” Saglit na nawala ang Tiyahin sa kabilang linya, pero narinig ko ang pagsinghot niya. “M-mukhang hindi maganda ang kalagayan ng iyong inay. Kaya umuwi ka na ngayon din.”“T-Ti
JALENE’S Pov“Hindi ko po alam, Uncle. Bakit nga ba nandito kayo ng Don?”Napataas ng kilay si Frank.“Seriously? Wala kang alam?”Napalunok ako. Kung sasabihin ko ba na meron, magagalit siya? Ah, basta, magkukunwari ako.“W-wala nga, Uncle.”“Pwede bang ‘wag mo akong tawaging Uncle? Naiinis ako. Ni hindi kita kaanu-ano.”“Ay, sorry po. Mukhang Uncle ko naman ho talaga kayo.” Sinuyod ko pa siya mula ulo hanggang paa. “Matanda ho kayong tingnan sa akin, plus ‘yong height pa.”“Aba’t!” Mahigpit na hawak nito sa braso ko ang nagpadaing sa akin.“Senyorito, Miss Jalene, pinapatawag ho kayo ni Don sa loob.” Napatingin kami parehas sa alalay ni Don.Nakahinga ako nang bitawan niya ako. Hindi na rin niya ako nilingon.“Medyo malupit ka, Uncle, huh.” Ngumiti siya. “Pero gusto ko ‘yan. Magiging asawa na rin naman kita sa ayaw at sa gusto mo. Magiging sweet ka rin sa akin.”Nakangiting tinanaw niya ang papawalang bulto ni Frank. Kahit nakatalikod talaga, ang yummy niya tingnan.Nang maalala an
JALENE’s PovMASAMA ang loob na tinanaw ko ang papalayong si Frank. Wala akong choice kung hindi pumayag sa gusto niya. Sa totoo lang, wala naman sana akong pakialam sa pera niyang 100 Million, pero masakit dahil rejection ang naramdaman ko sa kanya. Kaya pampalubag loob ko lang ang pagsagot kung magkano ang gusto ko. Matagal na akong may paghanga sa Uncle ni JV na mapapangasawa ko kaya ako pumayag sa kasalang ito. Kaya hindi naman ako makakapayag na maghihiwalay kami after na makuha nito ang mana nito mula sa ama nito. Gagawin ko ang lahat para mapunta siya sa akin. At hindi ako papayag na ang magre-reyna sa bahay niya ay ang kabit niya. Yes, magiging kabit na ang label ng girlfriend niya dahil legal ang magiging kasal namin. Patapusin lang ni Frank ang libing ni Nanay, makakapokus din ako para maging successful ang kasal namin. Saka para ito kay Nanay hindi para sa sarili kong ambisyon. Ito ang huling wish niya kaya hindi ako makakapayag na hindi ito masunod.Isang linggo lang ang
JALENE’s Pov“WHAT are you doing here?” Pumuno ang buong-buo at galit na tinig ni Frank sa banyo.Natawa ako sa tanong niya. ‘Di ba, pinapapunta niya ako rito tapos magtatanong siya? Wow!“Ginagawa ko rito? Pinapanood ka sa pagligo. Masarap pala— este masaya ka palang panoorin kapag naliligo, Uncle Frank.” Bumaba pa ang tingin ko sa pagitan ng hita niya.Ang masasabi ko lang, gifted siya, kaya okay lang na ipakita sa akin. Pinagyayabang niya siguro din ’yan sa mga babae niya. Kaya siguro sarap na sarap ang katalik niya nakaraan. Isagad daw ba?“You’re not welcome here. Kaya sa labas ka dapat naghihintay!” Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas. Wala siyang pakialam kahit na hubo siya.“Ay, sarap naman magmahal ng mapapangasawa ko,” ani ko nang basta na lang ako binitawan. “Taray, tambok ng pw3t. Dinaig pa ako!” sigaw ko.Pabalyang pagsara ng pintuan ang sumagot sa akin. Ngumisi lang ako nang tingnan ang pintuan. Habang hinihintay si Frank ay muli kong pinasyal ang paningin sa lo
FRANK’s Pov“SAAN ba kasi napulot ni Papa ang babaeng ‘yan?! Mukhang magiging problema ko pa siya pagbalik ni Kassandra.”“Mukhang wild din po, Senyorito.”Napatingin ako kay Tino. Ang wild nga ng babaeng iyon. Biruin mo? Pumasok sa banyo nang walang pasabi-sabi tapos pinanood pa akong magbihis? At hindi lang ’yan, wala siyang pakialam sa inuupuan at hinahawakan! “Mukhang puputi po lahat ng buhok mo sa batang iyon.”“Damn!” “Ano pong balak niyong gawin ngayon sa kanya?”Napaisip ako bigla. Ano nga ba?“Just follow all of her orders. Make sure she doesn’t come near me or enter my room. Clear?” Sabay hilot ko ng aking noo. “Tama na ang nangyari kanina. Ayoko nang maulit iyon.” Tumango-tango si Tino sa akin. Akmang idi-dismiss ko siya nang maalala ang alis namin bukas. Isang o dalawang linggo kami roon— depende kung kailan mai-release ang marriage license namin, kaya kailangan ng batang iyon ng maisusuot. Hindi naman pwedeng sumama siya sa akin tapos ang suot parang sa— ah, ewan!“Nga
JALENE’s PovGaya ng inaasahan ko, magkaiba kami ng silid ni Frank. Apat na pinto ng hotel room na iyon mula sa kanya bago ang akin. Nasa pinakadulo ang kanya. Talagang asiwang-asiwa siya sa akin, ano?Sabi nga niya sa akin, ’wag daw akong kakatok kung wala namang mahalaga. Saka sa text niya lang ako kinakausap. Gaya na lang ng oras ng kasal namin bukas. Kaya sa tingin ko, bukas ko pa siya makikita. Paid na rin daw ang dinner na ipapa-deliver niya kaya walang rason para kami’y mag-usap.Sana pala nandito si Tino. At least, may nakakausap ako.Kakatapos ko lang noon mag-ayos ng mga gamit at kumain nang makaisip na maglakad-lakad sa beach. Hindi naman ako makatulog kaya nagpadala ako kay Frank ng text na lalabas. Bahala ka— ’yan ang text niya kaya lumabas ako. Binigyan naman niya ako ng pera kaninang pag-alis sa bahay niya kaya balak ko ring mamili kapag may nagustuhan ako. Sayang nga at hindi nakasama si JV. Busy sa unibersidad. Ako, huminto ngayong taon. Baka sa susunod na taon ako p
JALENE’s PovHabang papalapit ang oras ng kasal namin ni Frank ay kinakabahan ako. Sana maging maayos ang lahat. Pero alam ko naman pagdating sa pagsasama hindi, naisaksak ko na sa isipan ko ’yan, na may contract rin kaya ang expectation ko ay hindi ganoon kataas. Pero ’di ba, sabi ko, susubukan kong mag-work? Kaya kinakabahan ako. Paano kung masaktan nga ako gaya ng sabi ni JV?Mabilis lang naman ang ginawa sa aking mukha at buhok. Sabi nga no’ng Pinay na nag-aayos sa akin, maganda na ako kaya konting ayos lang. Kaunting pa-wavy lang ng buhok ko rin dahil maganda na ang pagkaka ayos ng salon sa Pilipinas.Nakita ko sa mga mata ni Tino ang paghanga nang salubungin ako. “Ang ganda niyo pala kapag naayusan, ma’am.”Ngumiti ako. “Salamat, Tino.”Tumingin ako sa pintuang bumukas sa unahan.“Tino, dumating na ba si—” Natigilan si Frank nang makita ako. Hinagod niya ako nang tingin pero wala siyang komento.“Nandyan ka na pala.” Kunwa’y tumingin ito sa relo nito. “10:10, dapat nakaalis na
JALENEINILINGA ko ang paningin ko pagkapasok ng library ni Frank. Hindi ko siya makita ng mga sandaling iyon kaya napatanong ako sa isipan ko.Kasama pa kaya niya si Clariza?Ngumiti sa akin si Attorney nang makita ako. Paupo ako noon sa mahabang couch ng library na iyon. Si Attorney lang talaga ang nakita ko.“How are you, Jalene?” tanong ni Attorney.“Okay lang po. Um, gusto niyo raw po akong kausapin.”“Yes. Hindi ka kasi naka-attend ng pagbasa ko ng last will kaya sinadya kita rito.”Napakunot ako ng noo. “Hindi naman po yata kailangan ang presensya ko. Sapat na si Frank, ‘di ba?”Umiling ang abogado. “May part pang hindi ko nababasa. Iyong sa ’yo. Kay Frank, nakausap ko na siya noon pa, nabasa ko na sa kanya.”Umayos ako ng upo nang kunin na niya ang bag niya. May inilabas siya na papel.Sabay kaming napatingin ni Attorney sa pintuan nang bumukas iyon. Bagong paligo na Frank ang pumasok doon kaya pumuno ang mabangong amoy niya. “I think, pwede na akong magsimula.” “Yes, please
JALENE“NASAAN ang magaling mong amo?” inis na tanong ko kay Tino.Halata ang gulat sa mukha ni Tino nang makita ako. Akala siguro niya, nakasakay na ako sa bus.Oo, sumakaya naman talaga ako. Pero bumaba ako sa sobrang inis ko. Akala ko pa naman, pumapayag na siya. Tapos susulatan niya lang ng ganoon? Sinayang niya lang ang papel!“Santino!”“N-nasa lake po na pinapagawa niya.”“Saan ba banda iyon, huh?”“Ihahatid ko na po—”“Hindi na! Ituro mo lang sa akin ang daan!”Tinuro na lang ni Santino sa akin ang daan. Pero hindi ko naman akalaing napakalayo. Kaya naman pala nakita kong gumamit sila ng kabayo. At nasa kabilang parte ako ng lake na iyon. At mula sa kabila ay nakita kong tinuro ako ni Clariza. Sinulyapan lang ako ni Frank bago binalik ang tingin sa mga nagtatrabaho. Sinuyod ko ang gilid papunta sa gawi nila. Hindi siya nakatingin sa akin dahil kausap niya ang isang tauhan niya. May pinapakita siya sa cellphone niya. Si Clariza lang ang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa upua
JALENENAPAKAGAT ako ng labi. Kailangang matigil na ito dahil mukhang hindi na maganda ito.“I-ikakasal na ako, Frank, kaya itigil mo ito.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Frank. “Ikakasal ka? Huh? Sa tingin mo, papayag ako? Hindi, Jalene.” Bigla siyang umalis sa ibabaw ko. Tinuro niya rin ang pintuan. “Makakaalis ka na. Hindi ako pipirma sa papel na ’yan.”“Pero ito ang nasa contract natin! Nasa iyo naman ang lahat ng ari-arian ng Papa mo kaya bakit ba ayaw mo?”“Dahil mahal kita,” seryosong sagot niya.“F-Frank,”“Sa dami ng kasalanan ko, alam kong deserve ko ito, pero ayokong pakawalan ka. Ikaw lang ang meron ako ngayon, Jalene. Wala nang iba. Kaya big NO ako dyan sa divorce at annul na ’yan.”“P-pero hindi kita mahal.” Parang may bumara yata sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon.Napatitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti nang mapakla. “Hindi ako naniniwala. Iba ang nababasa ko sa mga mata mo kapag malapit tayo sa isa’t-isa. Kaya alam kong may puwang pa ako dyan sa ’yo.
JALENE“FRANK!” sigaw ng babae nang biglang ibaba ni Frank ang babae.Kahit na ako siguro, mapapasigaw kasi sa klase nang pagbitaw niya. Para bang nakakakita ng nakakatakot na nilalang.“Hindi ka nagsabi na darating ka,” ani ni Frank nang lapitan ako.“Si Tino ang kausap ko kasi.” Sumulyap ako sa babae na halata ang inis. Palapit siya kay Frank. “Sino siya, Frank?” Ngumiti ako sa kanya.“Ako si Jalene. Pamangkin ako ni Frank,” ako na ang sumagot.Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Frank. “‘Di ba, Uncle?”“Oh. Pamangkin mo pala, e. Kumusta ka?” Ngumiti ang babae sa akin. “I’m Clariza, but you can call me Clari. Frank’s—”“Hindi ko pamangkin si Jalene,” putol ni Frank kay Clariza. “Huh?” naguguluhang sambit niya.Napaikot ako ng mata. Kailangang ikorek? Ayaw ba nitong maging single sa harap ng babae niya?“She’s my wife.” Nakatitig sa akin si Frank. “What? You’re too old for her, Frank. Kailan ka pa pumapatol sa mga batang gaya niya?” “Kaya nga ho, e. Ewan ko ba sa kanya. Kaya sa
JALENE“FRANK, ano ba?!” Sinamaan ko siya nang tingin nang haplusin niya ang hita ko. Sinamahan niya rin kasi ng pisil kaya nainis ako. Saka ang mga mata niya noon, hindi na maganda— malamlam na. Kaya alam ko na ang kasunod niyon.Iniiwasan ko ang bagay na ito dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero sa ginawa niya, naiinis ako. Kilala pa pala siya ng katawan ko. Akala ko makakalimutan na siya ng katawan ko dahil pitong taon naman na. Pero hindi.“Fvck! Hindi pa rin nagbabago ang epekto mo sa akin. I still want you, baby.”Akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang sarili ko. Tinulak ko siya ulit pero hinuli lang niya ang mga kamay ko at pininid sa magkabilaang gilid.“I’m still your husband, Jalene!” anito. “Responsibilidad mo pa ring paligayahin ako.”Natawa ako ng mapakla. “Ngayon, sasabihin mo yan? Hindi ka ba nandidiri sa akin? Paano kung marami nang pumasok sa akin, huh?”Napatitig siya sa akin. “I don’t care,” sagot niya mayamaya. “Kahit marami pa yan, wala a
FRANK BAGO ko pinangko si Jalene, nagpadala ako ng mensahe kay Tino at sinabing bayaran lahat ng available room ng inn na ‘yon. At kung gusto mang maghanap, ipinasabi niya na walang malapit na hotel o inn. Kaya no choice siya, sa tabi ko siya matutulog. Alam kong ayaw talaga akong makasama ni Jalene ngayon. Ang hirap niya pa naman suyuin. Pero sabagay, valid naman ang inaasta niya ngayon. Dahil sa katangahan ko kaya nawala siya sa akin. Nagising lang ako sa katotohanan nang mawala siya sa paningin ko. Pero nagsimula akong maghinala nang marinig ang kwento ni Tino sa akin na sinundan ng testimonya ni Warren… *** “S-Senyorito, sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?” Inis kong tiningnan si Tino. “Hindi mo ba naiintindihan, buntis siya at hindi ako ang ama? Kaya sigurado ako! Saka hindi mo ba nakita? Ang bilis niyang pirmahan ang annulment paper namin!” Kakalabas lang noon ni Jalene sa sasakyan. At kaya ako nagagalit, dahil ganoon lang kabilis niyang pinirmahan ang annulment! Damn! E
JALENENAKANGITING pinagmasdan ko si Warren. Napakaganda ng kanyang ngiti habang nakatunghay sa kanyang bride na noo’y naglalakad na kasama ang parents nito. Halata sa mukha talaga ng kaibigan ang saya. At last, nakahanap ito ng babaeng magmamahal sa kanya.Hindi kasi talaga kayang turuan ang puso. Ilang beses niya akong niligawan noon pero ilang beses ko ring ni-reject. Gusto niyang panindigan ang nasa sinapupunan ko, e, hindi kaya ng aking konsensya. Si Frank ang mahal ko ng mga sandaling iyon. Kahit na sinaktan niya ako, hindi ko kayang maghanap ng iba. Mabait sa mabait si Warren. Napaka-gentleman pa pagdating sa akin. Kung respeto man lang din, sobra-sobra. Kaso hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya.Ito na yata ang pinaka-solemn na napuntahan kong kasal. Noong sa Guam, meron akong mga na-attendan pero itong kasal ni Warren ang gusto ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Dapat talaga maayos ko na ang mga dapat kong gawin dito sa Pinas. At sana mapirmahan na ni Fr
JALENEPARANG gusto kong matawa sa tanong niya. Anak raw niya? Sino ang anak niya? Kailan kami nagkaanak? Pero ako, oo. May anak ako. Si Kai.“Anak mo? May anak ka ba sa akin?” tanong kong may pagkasarkastiko.Sa pagkakaalala ko, tinanggi niya at sinabing hindi siya magkakaanak sa akin dahil baog siya. Ngayon, magtatanong siya?“Alam mo ang tinutukoy ko, Jalene. Where is my child?” Sinalubong niya ang nakakalokong ngiti ko.“Mukhang mali ka ng tinanungan. Nasaan ang anak mo kay Kassandra? Saka, ’di ba? Baog ka? Kaya paano tayo magkakaanak?”“Niloko niya ako.”Tumaas ang kilay ko. Niloko siya ni Kassandra? “There’s nothing wrong with my fertility,” seryosong sabi niya.“Ah. Okay. So?”“Kaya anak ko ang dinadala mo noon.”Natawa ako. “Paano ka nakakasigurong may anak ka sa akin? Sa pagkakaalam ko, hindi ako buntis noon. Nagpa-check up ulit ako after ng kidnapping dahil sa pag-aakala ko, maapektuhan ang bata. Pero lumabas na hindi ako buntis. Kaya wala kang anak sa akin, Frank.” Tumingin
JALENE“COME in,” yakag ni Frank sa akin.Umiling ako sa kanya. “Hindi na kailangan, Frank. Dito na lang. Ikaw naman talaga ang sadya ko. Since nasa harapan na kita, hindi na kailangang pumasok.”Natigilan si Frank.Inilabas ko sa bag ko ang ziplock na envelope ko at inilabas ang divorce paper na dala ko pa mula Guam. Tanging pirma na lang niya ang kulang, tapos na ang problema ko. Kumunot ang noo ng dating asawa habang nakatingin sa mga papel.“What’s that?” Biglang nagseryoso siya. Kanina, may ngiti pa sa labi niya, pero ngayon, biglang napalis.“Divorce paper. Sorry at late akong nagpakita. I’m sure hinanap mo ako para dito.” Imbes na kunin, tumitig lang siya sa akin. “Frank!” tawag ko nang bigla siyang tumalikod sa akin. The heck! ‘Di ba? Ito ang gusto niya?“Umalis ka na, Jalene!” tanging sigaw lang niya. “Aba’t ‘di ba, ito ang gusto mo?” sigaw ko.Hindi siya sumagot. Akmang sisigaw ulit ako nang biglang sumara ang gate. “Frank! Ano ba?!” “Ma’am, mas mabuti pong umalis na