Pag sure Frank na di mo gusto ang halik HAHAHAHAHAAAHAH
JALENEMAPAKLANG ngumiti ako pagkapaalam kay JV. Hinarap ko si Clariza na noo’y nakangiti nang matamis.“Well, well, well. I thought namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga, Jalene. How is it going?”“Same, Clariza.” Saglit kong tiningnan ang paligid. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” Parang gusto kong itanong, kung sinusundan niya ba ako.“Oh. Me? Vacation of course.” Tumango ako. “Kung ganoon, enjoy yourself.” Akmang tatalikod ako nang pigilan niya ako. “Naalala mo ba ang huling pinag-usapan natin, Jalene?”Napaisip ako bigla kung ano ang tinutukoy niya. Napatitig ako sa kanya nang maalala iyon.“I can help you kung gusto mo talagang makawala kay Frank. Sa tingin ko, desperate ka kaya kailangan mo nang tulong from me.”“Ano ba ang mai-offer mo sa akin, Clariza?” taas noo kong tanong.Ngumiti siya. “Annulment and divorce paper with sign ni Frank.”Nakaramdam ako ng excitement sa narinig. “Talaga? May sign na niya?”“Naalala mo ba ang pinirmahan mo noong burol ng Don? Tinago
FRANK“GOOD morning, Sir,” bati sa akin ni Jerome nang salubungin ako sa baba. Tumango lang ako bago niya ako iginiya sa may elevator. Ang daming sinabi si Jerome pero wala akong maintindihan. Okupado ang isipan ko.Ilang araw nang busy ang isipan ko kakaisip ng solusyon kung paano ba pabalikin si Jalene sa buhay ko. Pero masaya na siya sa buhay niya ngayon. Naka-move on na siya.Inilinga ko ang paningin ko nang makalabas ng elevator. Malungkot na tiningnan ko ang paligid. I will surely miss this office. Dito ko na binuhos ang kabataan ko hanggang sa makilala ko si Jalene kaya ang hirap bitawan ng kumpanya na ito. Oras na para tanggapin na wala na ang lahat sa akin.Ang pagiging Alva ko— ang pagiging anak ni Don Francesco, wala na. At kahit si Jalene, wala na rin. Wala nang saysay para magtrabaho pa rito. Ilang taon ko nang pinag-isipan ito kung sakaling bumalik si Jalene. Ang yaman ng Alva ay hindi naman sa akin. Kaya hindi naman ito nawala sa akin. Oo, mahalaga sa akin ang kumpan
FRANKINGAY na nagmumula sa wall clock na nasa harapan ko ang pinapakinggan ko. Sadyang pinatanggal ko iyon para tingnan habang pinapanood sila sa monitor na naglalakad. Gustong gamitin nila Jalene ang golf cart ko pero pinapigilan ko kay Tino. Kaya naglalakad sila ngayon papunta ng gate.Ang lakas ng loob na pumasok ang lalaki niya sa pamamahay ko? Ito ang kinaiinis ko. Hindi pa nga ako nagdedesisyon, nakapasok na? At ang nakakainis pa lalo, sa loob at sa harapan ko pa naghalikan ang dalawa. Nasaan ang respeto?30 seconds na lang bago matapos ang dalawang minutong binigay ko sa kanila. Malapit na rin sila sa gate noon. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko ng mga sandaling iyon. Nasasaktan ako sa nakikita kong pag-alis ni Jalene hawak ang kamay ng lalaking banyaga na iyon.Ako ang dapat na kasama nito pero heto, pinapanood ko sila.Naikuyom ko ang kamao ko. Tumayo ako at lumabas ng silid na iyon. Dumeretso ako sa minibar ko at doon uminom nang uminom. Halos hindi ko na mabilang ku
JALENEHINDI ko alam kung gaano ako katagal sa guest room kaka-tingin ng album na iyon. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon. Masaya ako dahil nasagot na rin sa wakas ang matagal na katanungan sa aking isipan. All this time, may ama ako at isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Pero kaakibat no’n ang nakakalungkot na balita. Hindi ko totoong ina ang kinagisnan ko. Siya ang totoong ina ni Frank.At ang totoong ina ko? Nagbaba ako nang tingin sa family picture na hawak ko.Siya ang totoong ina ko. Subalit hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya o patay na. Wala namang nakalagay na ibang detalye maliban sa totoong pangalan niya.Iba’t-ibang anggulo ang kuha ng picture, pero halata ang saya sa mukha ng totoong ama niya at ng babaeng may karga sa akin. Kilala ko ang sarili ko dahil may mga picture din kami ng aking ina na kinagisnan ko. Ganoon din ang mga damit kaya kilala ko kaagad. Ang hindi ko lang maintindihan, ano ba talaga ang nangyari at nagkapalit kami ni Fran
JALENEINILINGA ko ang paningin ko pagkapasok ng library ni Frank. Hindi ko siya makita ng mga sandaling iyon kaya napatanong ako sa isipan ko.Kasama pa kaya niya si Clariza?Ngumiti sa akin si Attorney nang makita ako. Paupo ako noon sa mahabang couch ng library na iyon. Si Attorney lang talaga ang nakita ko.“How are you, Jalene?” tanong ni Attorney.“Okay lang po. Um, gusto niyo raw po akong kausapin.”“Yes. Hindi ka kasi naka-attend ng pagbasa ko ng last will kaya sinadya kita rito.”Napakunot ako ng noo. “Hindi naman po yata kailangan ang presensya ko. Sapat na si Frank, ‘di ba?”Umiling ang abogado. “May part pang hindi ko nababasa. Iyong sa ’yo. Kay Frank, nakausap ko na siya noon pa, nabasa ko na sa kanya.”Umayos ako ng upo nang kunin na niya ang bag niya. May inilabas siya na papel.Sabay kaming napatingin ni Attorney sa pintuan nang bumukas iyon. Bagong paligo na Frank ang pumasok doon kaya pumuno ang mabangong amoy niya. “I think, pwede na akong magsimula.” “Yes, please,
JALENE“NASAAN ang magaling mong amo?” inis na tanong ko kay Tino.Halata ang gulat sa mukha ni Tino nang makita ako. Akala siguro niya, nakasakay na ako sa bus.Oo, sumakaya naman talaga ako. Pero bumaba ako sa sobrang inis ko. Akala ko pa naman, pumapayag na siya. Tapos susulatan niya lang ng ganoon? Sinayang niya lang ang papel!“Santino!”“N-nasa lake po na pinapagawa niya.”“Saan ba banda iyon, huh?”“Ihahatid ko na po—”“Hindi na! Ituro mo lang sa akin ang daan!”Tinuro na lang ni Santino sa akin ang daan. Pero hindi ko naman akalaing napakalayo. Kaya naman pala nakita kong gumamit sila ng kabayo. At nasa kabilang parte ako ng lake na iyon. At mula sa kabila ay nakita kong tinuro ako ni Clariza. Sinulyapan lang ako ni Frank bago binalik ang tingin sa mga nagtatrabaho. Sinuyod ko ang gilid papunta sa gawi nila. Hindi siya nakatingin sa akin dahil kausap niya ang isang tauhan niya. May pinapakita siya sa cellphone niya. Si Clariza lang ang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa upua
JALENENAPAKAGAT ako ng labi. Kailangang matigil na ito dahil mukhang hindi na maganda ito.“I-ikakasal na ako, Frank, kaya itigil mo ito.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Frank. “Ikakasal ka? Huh? Sa tingin mo, papayag ako? Hindi, Jalene.” Bigla siyang umalis sa ibabaw ko. Tinuro niya rin ang pintuan. “Makakaalis ka na. Hindi ako pipirma sa papel na ’yan.”“Pero ito ang nasa contract natin! Nasa iyo naman ang lahat ng ari-arian ng Papa mo kaya bakit ba ayaw mo?”“Dahil mahal kita,” seryosong sagot niya.“F-Frank,”“Sa dami ng kasalanan ko, alam kong deserve ko ito, pero ayokong pakawalan ka. Ikaw lang ang meron ako ngayon, Jalene. Wala nang iba. Kaya big NO ako dyan sa divorce at annul na ’yan.”“P-pero hindi kita mahal.” Parang may bumara yata sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon.Napatitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti nang mapakla. “Hindi ako naniniwala. Iba ang nababasa ko sa mga mata mo kapag malapit tayo sa isa’t-isa. Kaya alam kong may puwang pa ako dyan sa ’yo.
JALENE“FRANK!” sigaw ng babae nang biglang ibaba ni Frank ang babae.Kahit na ako siguro, mapapasigaw kasi sa klase nang pagbitaw niya. Para bang nakakakita ng nakakatakot na nilalang.“Hindi ka nagsabi na darating ka,” ani ni Frank nang lapitan ako.“Si Tino ang kausap ko kasi.” Sumulyap ako sa babae na halata ang inis. Palapit siya kay Frank. “Sino siya, Frank?” Ngumiti ako sa kanya.“Ako si Jalene. Pamangkin ako ni Frank,” ako na ang sumagot.Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Frank. “‘Di ba, Uncle?”“Oh. Pamangkin mo pala, e. Kumusta ka?” Ngumiti ang babae sa akin. “I’m Clariza, but you can call me Clari. Frank’s—”“Hindi ko pamangkin si Jalene,” putol ni Frank kay Clariza. “Huh?” naguguluhang sambit niya.Napaikot ako ng mata. Kailangang ikorek? Ayaw ba nitong maging single sa harap ng babae niya?“She’s my wife.” Nakatitig sa akin si Frank. “What? You’re too old for her, Frank. Kailan ka pa pumapatol sa mga batang gaya niya?” “Kaya nga ho, e. Ewan ko ba sa kanya. Kaya sa
JALENE“FRANK, ano ba?!” Sinamaan ko siya nang tingin nang haplusin niya ang hita ko. Sinamahan niya rin kasi ng pisil kaya nainis ako. Saka ang mga mata niya noon, hindi na maganda— malamlam na. Kaya alam ko na ang kasunod niyon.Iniiwasan ko ang bagay na ito dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero sa ginawa niya, naiinis ako. Kilala pa pala siya ng katawan ko. Akala ko makakalimutan na siya ng katawan ko dahil pitong taon naman na. Pero hindi.“Fvck! Hindi pa rin nagbabago ang epekto mo sa akin. I still want you, baby.”Akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang sarili ko. Tinulak ko siya ulit pero hinuli lang niya ang mga kamay ko at pininid sa magkabilaang gilid.“I’m still your husband, Jalene!” anito. “Responsibilidad mo pa ring paligayahin ako.”Natawa ako ng mapakla. “Ngayon, sasabihin mo yan? Hindi ka ba nandidiri sa akin? Paano kung marami nang pumasok sa akin, huh?”Napatitig siya sa akin. “I don’t care,” sagot niya mayamaya. “Kahit marami pa yan, wala a