JALENE’s Pov
Gaya ng inaasahan ko, magkaiba kami ng silid ni Frank. Apat na pinto ng hotel room na iyon mula sa kanya bago ang akin. Nasa pinakadulo ang kanya. Talagang asiwang-asiwa siya sa akin, ano?
Sabi nga niya sa akin, ’wag daw akong kakatok kung wala namang mahalaga. Saka sa text niya lang ako kinakausap. Gaya na lang ng oras ng kasal namin bukas. Kaya sa tingin ko, bukas ko pa siya makikita. Paid na rin daw ang dinner na ipapa-deliver niya kaya walang rason para kami’y mag-usap.
Sana pala nandito si Tino. At least, may nakakausap ako.
Kakatapos ko lang noon mag-ayos ng mga gamit at kumain nang makaisip na maglakad-lakad sa beach. Hindi naman ako makatulog kaya nagpadala ako kay Frank ng text na lalabas.
Bahala ka— ’yan ang text niya kaya lumabas ako. Binigyan naman niya ako ng pera kaninang pag-alis sa bahay niya kaya balak ko ring mamili kapag may nagustuhan ako.
Sayang nga at hindi nakasama si JV. Busy sa unibersidad. Ako, huminto ngayong taon. Baka sa susunod na taon ako papasok. Kapag nabigyan ako ng pera ni Frank, balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral. Isang taon na lang naman sa kursong tourism, makakapagtapos na ako.
May mga nadaanan akong pub at mga kainan pero pinigil ko ang sarili ko. Baka magalit si Frank.
Mahigit dalawang oras yata ako sa labas kakalakad. Nauupo din naman ako kapag may nadadaanang bench. Mukhang masarap mag-nightlife dito. Siguro yayain ko na lang si Tino kapag dumating. Natatakot din ako dahil marami akong nakikitang unipormadong mga amerikano. US navy. Territory kasi nila kasi talaga ang Guam.
Pagbalik ko ay bumili ako ng pizza at maiinom. Bigyan ko na lang si Frank kung gusto niya.
Tanaw ko sa hallway ang isang babaeng naglalakad. Huminto ito sa pinakadulo at kumatok.
Saktong pagbukas niyon ang pagdating ko sa unit ko. Saka ko lang napagtantong kay Frank na unit ang kinakatukan ng babae.
Maganda at sexy ang babae. Amerikana. Maiksi ang suot kaya napagtanto ko kung ano siya. Isa siyang bayarang babae.
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Okay lang sa girlfriend niya na may ibang babae si Frank? Naku, kung ako ’yan, bawal
Hindi ko nakita si Frank dahil mabilis na pumasok ang babae.
Tumingin ako sa pizza at softdrinks. Sayang kung hindi ko mabigyan si Frank. Malaki ito kaya hindi ko maubos.
Pagkalapag ko sa maliit na mesa ng pizza at maiinom ay nahiga ako. Biglang pumasok sa isipan ko si Frank.
Kung sino-sino ang babaeng inaangkin niya. Hindi ba pwedeng ako na lang kapag mag-asawa na kami? Kesa maghanap at magbayad pa siya. ‘Di ba?
Pwede ko kayang i-suggest ’yan sa kanya? Hello! Malinis naman ako. Hindi na siya lugi sa akin dahil virgin pa ako. Saka gusto ko rin siyang matikman talaga.
ang dami ko nang na-encounter na lalaki, mga pinapakilala ni JV, pero hindi ko type. Ewan ba. Pero ang Uncle Frank niya, bihira kong makita pero gusto ko siya.
Na-curious na naman ang isipan ko kung ano na ang ginagawa ni Frank at ng babaeng iyon. Hindi na ako mapakali sa higaan, kung tatayo ba o uupo.
Tumingin ako sa pizza. Napangiti ako nang may maisip. Tutal gusto ko siyang bigyan naman talaga ng pizza, kaya naman lumabas ako at kumatok.
Kagat ang labing inulit ko ang pagkatok. Mga sampu na siguro iyon pero walang nagbubukas, kaya naman inulit-ulit at binilisan ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Is Uncle Frank inside?” kunwa’y tanong ko. Kasi naman ang babae ang nagbukas talaga? Nakatapis naman siya. Pero kakaiba si Uncle, ungentleman.
“I’m Jalene. Her future—” Hindi ko na naituloy nang maalalang baka pagalitan ako ni Frank. “I mean, I’m his niece.”
“Oh. Come in.”
Ngumiti ako sa kanya at humakbang. Agad na hinanap ko si Frank. Salubong ang kilay niya. Nakasandal siya noon, nasa kama ito at pawis na pawis. Mukhang naistorbo ko sila.
“Anong sabi ko sa ’yo, Jalene? ‘Wag kang kakatok kung hindi mahalaga!”
Ngumiti ako sa kanya. “Sa pagkakatanda ko, mahalaga ang pagkain. Hindi ba naituro ’yan sa inyo? Kaya kumatok ako.” Tinaas ko ang pizza na hawak. “Baka magutom kayo, e.”
Nilingon ko ang babae na hawak ang tuwalya niya.
“Are you hungry, miss? I bought you pizza.”
“I’d love to eat pizza, Frank. What do you think?” malanding tanong ng babae.
Aba’t mukhang magmumukbang sila ng pizza? Eh, paano ako? Dapat pala hindi ko na siya inalok.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Frank habang nakatingin sa babae.
“Get out, Jalene. Pakilapag na lang ng pizza.”
“Sandali, hahatiin—”
“Get out!” sigaw niya na ikinapitlag ko.
Lumabas na lang ako, pero malakas ang ginawa kong pagsara sa pintuan.
Hindi naging maganda ang tulog ko kaya medyo nagkaroon ng pangingitim sa ilalim ng mata ko.
“Okay lang kayo, ma’am?” tanong ni Tino sa akin nang pagbuksan ko. Ang aga niya kumatok kasi. Mukhang kararating lang niya.
“Sa tingin mo?” naiinis kong tanong.
Kumamot na lang siya ng ulo.
“Remind ko lang po kayo. Dapat po nakabihis na kayo ng 10. 11 po kasi ang schedule ng kasal niyo ni Senyorito.”
Tumango ako sa kanya. Kinuha ko rin ang box na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ’yon, pero para sa akin iyon dahil may pangalan ko.
Tiningnan ko ang box kung ano ang laman. Natigilan ako nang makita kung ano iyon.
Puting bestida. Parang ngayon lang nag-sync-in sa isipan ko na ikakasal na nga pala ako.
Ikakasal nga ako sa lalaking type ko pero wala namang gusto sa akin. Kaya nakakalungkot palang isipin na ikakasal ako na walang pag-ibig na namamagitan sa amin.
Pero gaya nga ng sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para mag-work ito. Para kay Nanay. Mapasayan ko man lang siya kahit na nasa kabilang buhay siya.
Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko habang nasa harapan ko ang bestida. Simple lang siya. Talagang wala lang ako talaga sa kanya. Paano ko kaya siya mapaibig sa akin?
Nang maaalala ang edad ko ay nalungkot ako. Isa ito sa dahilan, e. Ayaw niya sa bata. So, magpapaka-mature ako kung gusto niya!
Dahil wala akong dalang makeup. Ang akala ko kasi ipapaayusan ako ni Frank sa sikat na salon. O ’di kaya sila ang pupunta rito.
Bandang eight nang magpaalam ako kay Tino na pumunta ng salon. May nakita ako kagabi. Malapit lang.
“Samahan ko na po kayo, ma’am.”
“‘Wag na. Malapit lang naman.”
“Baka bigla po kayong umalis. Magagalit sa akin ang senyorito.”
Natigilan ako saglit. Natawa ako ng mapakla.
“‘Wag kang mag-alala, kailangan ko ng pera ng amo mo kaya hindi ako mawawala sa civil wedding na ito. Okay?”
Ilang sandali siyang hindi nakaimik bago tumango.
“Tawag ho kayo kapag gusto niyong magpasundo.”
Napatitig ako sa kanya. “Salamat, Tino. Alam mo, kahit na sumusunod ka lang sa amo mo, na-appreciate ko ang effort mo.” Tinapik ko ang braso niya at ngumiti. Sinuot ko na rin ang shades ko at iniwan ito.
For me, maaga pa naman kaya dahan-dahan ang hakbang ko. Malapit lang naman dito ang superior court na pupuntahan namin kaya may oras pa ako. Saka simpleng ayos lang naman ang ipapagawa ko sa aking mukha at buhok dahil sa simpleng kasuotan ko.
May karugtong agad. Hinati ko ang chapter, e.
Nina’s POVNAKATINGIN lang ako kay Kai habang papasok kami ng entrance ng airport. Naguguluhan ako. Ayokong umasa talaga. Kahit kasi sa sarili ko, wala na akong tiwala. Paano kung imagination ko lang ito?Bakit kailangang isama kasi ako rito?“Your passport,” aniya sa akin nang lingunin ako.“Ho?”“I said, passport. Pasaporte,” tinagalog pa niya. Nakalahad din ang kamay niya noon.Hinanap ko sa bag ko ang passport ko at binigay sa kanya. Inabot niya iyon kasama ng hawak niyang brown envelope sa isang lalaking nakatayo.Ibig bang sabihin, ako ang kasama niya at hindi si Ma’am Geneva talaga?Kinurot ko ang sarili ko habang paupo. Sumunod kasi ako kay Kai nang iginiya niya ang sarili paupo.Kunot ang noong tiningnan ako ni Kai kaya agad kong tinanggal ang kamay sa pisngi ko. Nakita niya siguro ang pagkurot ko sa sarili ko.Umiling-iling siya pagkuwa’y inayos ang pagkakaupo.Bumalik sa amin ang lalaki na may dalang good news. Hintayin na lang daw namin ang pag-announce kung sasakyan na.
Nina’s POVWALANG ginawa si Kai kung hindi ang titigan ako ng mga sandaling iyon. Ano ba kasi ang sadya niya rito? Saka paano niya nalaman ang address ko? Hiningi ba niya sa HR?Umayos ako nang upo. Kinuha ko ang throwpillow para itago ang hita. Maikli ang suot ko noon kasi.“Where did you get your CC, Nina?” basag niya mayamaya sa katahimikan.“Ano pong CC?” tanong ko.“Credit card.”“Oh. Hindi pa pala tayo tapos sa bagay na ito, Sir?” Mapakla akong ngumiti pagkatapos. “Not yet, Nina,” anito. “Ang dami kasing katanungan sa isip ko.” Hinagod pa niya ako nang tingin bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Like, paano ka nagkaroon ng credit card?”“So, wala na akong karapatang magka-credit card dahil mahirap lang ako? Ganoon ho ba?” “That’s not what I mean, Nina. Kahit sino pwede. Ang akin lang, paano ka nagkaroon, e, wala pang isang araw.”Umawang ang labi ko nang bahagya. “Pumunta ka talaga rito para lang itanong ‘yan, Sir? Huh?”“Yes.” Pumikit ito siya kapagkuwan. “D-did you sell y
Para sa mga naguguluhan, HAHA! Nahinto ang mundo ni Nina noong pauwi siya galing Zambales. Naalala n’yo, di ba? (Nasa Chapter 9) Nag-commute siya pagkatapos siyang masaktan sa mga salitang binitawan ni Kai. Habang nasa biyahe, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-imagine. Doon nagsimula ang lahat—hanggang sa umabot siya sa sariling mundong siya lang ang nakakaalam. Kaya mula Chapter 10 hanggang 25, lahat ng iyon ay bunga lang ng isip niya. Pagdating ng Chapter 26, bumalik tayo sa realidad, makikita niyo siyang tulala ng ilang oras, dahil doon na natapos ang lahat ng imahinasyon niya. Nabanggit ko na ang dalawang kapatid ni Nina ay na-diagnose na may schizophrenia, at siya mismo ay nakitaan na rin ng sintomas noon. Kaya nga may hawak siyang PWD ID, just in case . Ano ba ang schizophrenia? Sa madaling salita, ito ay isang kondisyon sa pag-iisip kung saan nagiging malabo ang linya sa pagitan ng realidad at imahinasyon. May mga taong nakakakita o nakakarinig ng mga bagay na wala nama
Nina's POV “Morning, Ma,” nakangiting bati ko kay Mama. Saglit na tinitigan ako bago nagsalita. “Mukhang maganda ang gising mo, anak.” “Opo.” “Kumusta naman ang pag-uusap niyo ni Dr. Carl?” “Gumaan po ang pakiramdam ko, Ma.” Ngumiti ako nang natamis. “Kaya salamat po ng marami.” “Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo kailangang lumayo. Nandito naman kami.” “Pero kaya ko po ito, Ma.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Kapag nandoon kasi ako, lagi ko na lang naaalala sila. Kaya hindi rin okay sa akin. Dito, marami akong nakakausap at nakakahalubilo. Kahit papaano, nalilibang ako.” Bumuntong-hininga si Mama. “Kailangan ko nang bumalik sa atin. Kahit na sabihing marami kang kaibigan dito, hindi iyon ikakapanatag ng isip ko. Paano kung malaman nila 'yan?” “Hindi naman na po siguro mauulit 'yon.” Kinuha ni Mama ang mga kamay ko. “Ingatan mo kasi ang puso mo, anak. Piliin mo na lang maging masaya, please?” Marahan akong tumango kay Mama bago niya ako kinabig para yakapin. Magaan sa pakiramd
Nina's POVNAWALA na sa konsentrasyon si Nina kaya nagpaalam ako kay Geneva na mag-half day na lang. Pumayag siya pero si Kai, pinatawag ako para tanungin bago payagan.“Half-day? Bakit?”“Para po maghanap ng pera?” sagot ko sa malumanay naman. “Hindi ho kasi biro ang halaga ng ticket ni Ma'am Geneva. Ilang araw na lang po, Monday na.”“Saan ka naman kukuha ng pera?” seryosong atnong niya.“Kahit po saan.” Ang totoo niyan, gusto kong magpa-check up. Gusto kong makausap si Doc ngayon. Gusto ko nang kausap dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa ni Kai sa akin. “Marami naman pong easy money, e.” Ngumiti pa ako nang mapakla. “Don’t worry bukas, may balita na po ako.” Nakatitig lang siya sa akin ng mga sandaling iyon. Wala siyang sinabi na kaya nagpaalam ako sa kanya, pero nakatingin lang siya sa akin.“Uwi na po ako.” Yumuko pa ako bago tumalikod. Dali-dali akong humakbang bago pa niya ako pigilan. Napangisi ako nang mapakla nang walang narinig na boses niya. Asa pa ako.Hiningi ko kay M
NINAHINDI pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin kaya tsinek ko ang mga gamit ko sa condo din ng boss. Kahit na date sa cellphone at sa digital clock ko sa silid na iyon naka-date kung saan galing ako ng Zambales. At habang nasa sasakyan ako kanina, inalala ko ang mga nangyari.Right after na pagsabihan ako ni Kai na ang cheap ko, bumalik ako ng Manila. At doon, nahinto ang lahat. Kaya natatakot ako para sa sarili ko. Kakaiwas ko sa magulang ko dahil sa takot na magaya sa mga kapatid, mukhang iyon pa ang magiging ending ko rin. Bago ako makarating sa condo ni Kai, hiningi ni Mama ang address ko dahil pansamantalang tutuloy sila doon. Binanggit ko na stay in ako kaya nag-alala sila sa akin.Pipihitin ko sana ang seradura ng pintuan ng condo ni Kai nang bumukas iyon. Gulat na mukha nito ang bumungad sa akin.“Where have you—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang yakapin ko siya nang mahigpit. Halata ang pagkatigil nito dahil hindi man lang ito nakakilos. Pero bigla na la