LOGINPasado alas-siete na ng gabi nang matapos ni Samantha i-encode ang lahat ng report sa iniwang papeles ni Ms. Lalaine. Agad siyang nag-text sa boss niya at hinintay ang reply nito. Subalit pasado alas-otso na, hindi pa rin ito nagte-text back. Napilitan siya tuloy na tawagan ito. Mabuti na lang at sinagot nito ang tawag niya kahit na alanganin siya. Pagkatapos ng fifteen minutes, nag-text na si Ms. Lalaine na puwede na niyang i-print ang document.
Kaso, hindi niya alam kung nagkataon lang o talagang minamalas ba siya ng gabing iyon dahil pati printer niya may sumpong. Kinailangan pa niyang i-access ang printer ng nasa kabilang work station para lang makapag-print siya.
Pagpatak ng alas otso y media, hawak na niya ang mga papeles na kailangan niyang ibigay kay Sir Aaron.
Sir Aaron.
Aaron Miguel Sandejas, 28 years old at panganay na anak nina Sir Greg at Madam Liza Sandejas, ang may-a*i ng Sandejas Shipping Lines. Matangkad, guwapo, at mabait, ganyan i-describe ng mga kasamahan niya sa trabaho ang bago nilang boss sa SSL. Well, hindi pa naman talaga opisyal na tinanggap ni Sir Aaron ang posisyon ng CEO mula nang mamatay si Sir Greg halos anim na buwan na ang nakararaan. At ayon sa bali-balita, nag-uusap-usap pa raw ang pamilya kung sino talaga sa magkakapatid na Aaron, Joshua, at Kiel ang magiging bagong CEO ng kumpanya. Hindi pa niya nakikita sina Joshua at Kiel dahil pawang nasa London pa raw ang dalawa at nag-aaral ng masters. Pero ang sabi ni Ms. Lalaine, mahilig daw sa night life ang maga nakababatang kapatid ni Sir Aaron kaya walang balak manatili sa Pilipinas. Pero kahit na hindi pa niya nakikita ang mga kapatid ni Sir Aaron, mas boto na siya kay Sir Aaron na maging bago nilang CEO.
Minsan na niya itong nasilip nang malapitan sa opisina nito nang utusan siya ni Ms. Lalaine na kunin ang isang document kay Ms. Viviane, ang secretary ng CEO. At para sa kanya, mali ang mga kasamahan niya tungkol sa description ng mga ito sa bago nilang boss. Dahil hindi lang guwapo si Sir Aaron, kundi napakaguwapo. Sa totoo lang, mas bagay itong maging artista kaysa lawyer o CEO. At hindi niya itinatanggi na mayroon siyang malaking crush sa bago nilang boss.
Umalon ang kilig mula sa tiyan niya patungo sa d****b niya nang maisip na siya mismo ang magbibigay ng report mula sa department nila.
Mabilis niyang inilabas ang make-up kit niya at nag-retouch ng make-up niya.
Hindi naman siya ilusyonada. Crush lang niya ang bago nilang boss at gusto niyang maayos ang hitsura niya kapag nakaharap niya ito mamaya. ‘Yon lang at wala nang iba pa. Dahil alam naman niya, ni katiting na pag-asa, hindi puwede ibigay ng langit si Sir Aaron sa kanya bilang love life. Sa laki ng agwat ng status nila sa buhay, kahit siguro dumipa siya araw-araw sa simbahan at maglakad nang paluhod patungo sa altar, ni sulyap na may pagkukusa hindi gagawin ni Sir Aaron sa kanya. Idagdag pa na ayon sa showbiz news, girlfriend nito ang model at artista na si Kristine de Leon. Ano namang panama niya ro’n?
At saka sa takbo ng buhay niya ngayon, mas importane sa kanya ang makatapos ng pag-aaral at patuloy siyang makapagtrabaho para sa kanila ng Mama niya kaysa sa mga usaping puso na ganyan. Pero siyempre kahit na imposible, gusto pa rin niyang maging maayos ang hitsura niya pagharap kay Sir Aaron.
Muli niyang sinipat ang sarili sa compact mirror niya. Pasimple niyang inayos ang floral scarf na nasa leeg niya dahil tumabingi iyon. Nang makitang maayos na ang make-up, ang buhok at ang damit niya, tumayo na siya at lumabas ng opisina bitbit ang report na ibibigay niya kay Sir Aaron. Pagpasok niya sa lift, agad niyang sinipat ang oras sa cellphone niya. Fifteen minutes na lang, malapit nang mag-alas nueve. Kailangan na niyang magmadali upang makauwi na siya.
Nang tumunog pabukas ang lift, agad na tinambol ng kaba ang d****b niya. Mukhang nasobrahan ang excitement niya na makakaharap niya ng personal si Sir Aaron. Paghakbang niya palabas ng lift,humugot siya nang malalim na hininga at pilit na kinalma ang sarili. Kailangan niyang kumalma dahil baka kung anong masabi niya kay Sir Aaron. Nagiging mali-mali pa naman siya kapag natataranta.
Papahakbang na siya patungo sa pinto ng penthouse nang biglang mawalan ng ilaw. Agad na gumana ang emergency lights na nasa hallway. Ngunit dahil sa takot, minadali niya ang paghakbang patungo sa pinto penthouse ni Sir Aaron.
Pagdating niya roon, nagtaka pa siya nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng penthouse. Ayaw man niya, napilitan siyang sumilip sa loob niyon. Madilim ang paligid, tanging ang ilaw lamang ng nag-iisang emergency light sa malayong dulo ng sala ang nagbibigay tanglaw sa silid. Noon nahagip ng paningin niya ang isang bulto na nasa sahig na tila walang malay.
Lalong tinambol ng kaba ang d****b niya. Hindi na siya nagdalawang-isip at tuluyan na siyang pumasok sa penthouse. Nagulat pa siya nang makitang si Sir Aaron mismo ang nasa sahig at wala nang iba!
Binitiwan niya ang lahat ng bitbit niya at lumuhod sa tabi nito. Hinawakan niya ang pisngi nito, bigla itong umungol. Noon niya na napagtanto na amoy-alak ito. Umangat ang tingin niya sa bar, may ilang bote ng beer doon at isang bote ng premium drink na nakalahati na ang laman. Kumpirmado, lasing ang boss nila.
Napangiwi siya maya-maya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin—hayaan na lang ito doon sa sahig hanggang sa mahimasmasan ito o kaya naman ay alagaan ito hanggang magkamalay.
Sandaling nagtalo ang isip niya. Hanggang sa mapagdesisyonan niyang tulungan ang boss niya hanggang magkamalay. Delikado kasi na pabayaan niya ito roon nang mag-isa. Lalo pa at hindi pa bumabalik ang kuryente.
Muli niyang niyuko si Sir Aaron. Gusto niya sanang tanungin kung bakit ito nag-lasing. Pero sa hitsura nito, mukhang hindi ito sasagot.
Muli niyang hinaplos ang pisngi nito. Nagulat pa siya nang bigla itong magmulat ng mata. Hindi naglipat sandali, hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito. Agad na lumundag ang puso niya patungo kung saan. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya sa pagkakahawak nito subalit lalo lang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
Agad siyang nag-panic.
“What are you… doing here?” mabagal na sabi nito, namumungay ang mga mata.
“S-Sir…” tawag niya rito, alanganin.
Hindi na ito sumagot bagkus ay hinila siya nito palapit dito at walang sali-salitang hinalikan ang kanyang labi. Malambot ang labi at mainit ang hininga nito. Agad siyang naliyo. At kahit na alam niyang ang tamang gawin ay ang magpumiglas at pigilan ito sa ginagawa nito sa kanya, hindi niya magawa. Pakiramdam niya, kusa siyang nalulusaw sa mga bisig at h***k nito. Maya-maya pa, dumama na ang mga kamay nito sa katawan niya. Tuluyan na siyang nadarang. Nilimot na niya ang lahat ng kanyang iniisip at pag-aalinlangan. Ilang minuto pa, sumuko na siya at kusa siyang nagpaubaya.
“Where’s the document I am looking for? Kanina pa ‘yon a,” ani Caleb kay Ms. Viola na noon ay may kausap sa telepono.Sinadya na mismo ng binata ang matandang sekretarya sa table nito dahil kanina pa niya ito tinatawag subalit hindi naman ito pumapasok sa opisina niya. Now he understands, nalulunod si Ms. Viola sa trabaho. Trabaho na hindi naman sana mahirap gawin kung may assistant siya.It has been days now since he fired Hazel, his last assistant. Si Madison din, kahit na anong pakiusap sa kanya, pinaalis na rin niya matapos i-surrender ang mga dapat nitong ibalik sa SSL.Ilang beses na rin siyang nag-request ng temporary assistant mula sa HR subalit tila nahihirapan ang mga itong hanapan siya ng kahit isa lang mula sa pool ng existing employees ng Oceanlink. Now he has to make do with the current extra hand he has, and that is Ms. Viola.“S-Sir, may kailangan po kayo?” anang matandnag sekretarya na mabilis tinapos ang tawag upang kausapin ang boss.Caleb tried to contain his emoti
Sandaling napakurap-kurap si Hazel sa sinabing pangalan ng matandang babae.Sandejas.Hindi siya pwedeng magkamali, ang matandang babae ang matriyarka ng mga Sandejas at mismong lola ni Caleb!Nalaman niya ang tungkol sa matandang babae nang muli niyang i-search sa internet ang tungkol sa mga Sandejas nang aksidenteng magkita sila ni Ma’am Samantha, ang ina ni Caleb. Ang akala niya nang matanggal siya sa trabaho ilang araw na ang nakararaan, wala na ring posibilidad na muli pang magsasanga ang landas niya at sa sino man sa mga Sandejas.Subalit…“Miss, ano, ikaw ang tatawag o ako na?” untag ng babaeng tindera kay Hazel. Pinapaypayan na ng tindera ang matandang babae.Napatuwid ng tayo ang dalaga, mabilis na inayos ang huwisyo at nagsimulang tumawag ng pulis. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating ang mga pulis. May kasama nang ambulansiya ang mga ito. Mula roon ay lumabas ang mga medic na agad in-assess ang kalagayan ng matandnag babae.“Okay naman ang BP ninyo, Ma’am. Napagod la
Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mawalan ng trabaho si Hazel. Sa katunayan, hindi pa siya nakakabalik sa Maynila upang ayusin ang mga dapat niyang ayusin. Kahapon lang kasi na-discharge sa ospital si Riley kaya pinasya ng dalaga na h’wag munang lumuwas pa-Maynila.Iniisip niya kasi na kung luluwas man siya, dapat maghahanap ulit siya ng trabaho para hindi sayang ang pamasahe niya. At sa puntong iyon, wala pa naman siyang napag-aapply-an na iba. Sinabihan na rin niya si Caitlyn, nagbabakasaling may opening sa pinapasukan nitong mall. Ang sabi nito kahapon nang tawagan niya, itatanong nito sa management kung may trabaho doon na pwede niyang pasukan. At ‘yon ang isa pang hinihintay ng dalaga. Balik na naman siya sa paghihintay kahit na wala pang halos isang buwan mula nang matanggap siya Oceanlink. Siguro, ayaw rin ng langit na manatili siya roon dahil mahihirapan siya. Ayaw ng langit na iisang mundo lang halos ang ginagalawan nila Caleb—ang ama ng anak niya. Siguro, blessing i
Hapon na nang magkaroon ng pagkakataon si Hazel na tignan ang kanyang cellphone. Nasa ospital pa rin siya at doon mananatili hanggang bukas dahil under observation ulit si Riley. Hindi niya napansin na low batt siya buong maghapon. Hinihintay pa naman niya na tumawag si Ms. Viola sa kanya. Nawala rin sa isip niya na tawagan ito upang magpaliwanag kung bakit bigla siyang umalis kanina sa opisina. Nag-charge siya muna ng cellphone saglit bago niya iyon muling nabuksan. Upang magulat lamang nang makitang mayroon siyang twenty missed calls mula kay Ms. Viola at five missed calls naman mula mismo kay Caleb.Kumabog na ang dibdib ng dalaga, binalak na tawagan si Ms. Viola. Subalit, biglang nagsunod-sunod ang pasok ng text messages sa kanyang cellphone. Galing lahat sa matandang sekretarya, lahat ‘yon ay tinatanong kung nasaan siya dahil hinahanap siya ng mga apo ni Mrs. Van den Berg.Tama, pinaalala ni Ms. Viola sa kanya kahapon na maghanda dahil dadalhin ulit ni Mrs. Van den Berg ang mga
“Where the hell is she?” gigil na tanong ni Caleb kay Ms. Viola. Nasa gilid sila ng session hall sa Ocealink kung saan gaganapin ang contract signing ng collaboration project kasama ang Van den Bergs.“I’m sorry, Sir. Hindi ko po mahanap si Hazel. Kanina ko pa rin tinatawagan ang cellphone niya pero mukhang naka-off. Pinahanap ko na rin po siya sa ibang staff dito sa building pero hindi rin nila siya nakita,” paliwanag ng matandnag sekretarya, bakas na ang tensiyon sa mukha.Napabuga ng hininga si Caleb, umigting ang panga. Maya-maya pa, hinugot ng binata ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan na mismo ang cellphone number ni Hazel. Subalit gaya ni Ms. Viola, prompt lang ang sumasagot sa kabilang linya. “Fck,” he hissed, turning towards the stage where the Van den Bergs are slowly settling themselves.Naroon si Mrs. Van den Berg, ang dalawa sa anak nito at ang mga apo nito. Agad na hinanap ni Mrs. Van den Berg si Hazel sa kanya kanina dahil hinahanap daw ito ng mga
Hindi maampat-ampat ang luha ni Hazel habang naglalakad ang dalaga pabalik sa kama ni Riley sa children’s ward ng ospital kung saan ito na-confine.Katatapos lang niyang kausapin ang doktor ng anak at hindi magandang balita ang sinabi nito. Lumalala na raw ang butas sa puso ni Riley kaya ito nahirapang huminga kanina. Idagdag pa na lagi itong umiiyak. Kailangan daw pagtuntong ng anak ng tatlong taon, maoperahan na ito upang magamot na ang kondisyon nito.Anim na buwan. Iyon na lang ang mayroon siya para makapag-ipon para sa operasyon ni Riley. Ni wala pa nga sa kalahati ng halaga ng operasyon ang perang naiipon niya. Saang kamay ng Diyos niya kukunin ang iba? Kahit siguro magkandakuba siya sa pagtatrabaho ngayon, hindi rin niya kakayaning mag-ipon sa ganoon kaiksing panahon. Maliban na lang kung tatanggap pa siya ng ibang trabaho.‘O di kaya, sasabihin mo kay Caleb ang totoo,’ anang isang bahagi ng isip ng dalaga.Wala sa sariling nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, naikuyom d







