Share

chapter 3

Author: BM_BLACK301
last update publish date: 2026-02-08 11:52:19

Nagising ako at nasilaw pa ako sa sobrang liwanag hindi pala naisara ang bintana. Anong oras na ba? Isip ko at napalingon sa paligid, sa kabilang single na kama kung saan nakahiga si Jane, bakas na natulog ito doon. Kinapa ko ang cellphone ko at pagtingin ko sa oras alas onse na, napahawak ako sa ulo ko dahil ang kirot.

Mabuti na lang linggo ngayon, ayoko pa sana bumangon pero may naamoy ako at naririnig na tawanan. Bumangon ako pero napahiyaw ako dahil ang sakit, saka ko naalala yung kagabi. Oo nga pala.

Dahan-dahan akong tumayo nanginginig pa ang tuhod ko at ang sakit ng dalawang hita ko lalo na sa singit ko at ang perlas ko. Naiihi na rin ako kaya bumaba na ako, para akong tanga habang pababa dahil hirap na hirap. Pakiramdam ko rin ginulpi ako dahil sa sakit nang mga parte ng katawan ko.

"Lara."

Nagulat pa ako dahil nandito si Xian, nasa lamesa sila magkasabay na kumakain ni Jane.

"Tinanghali ka ata ng gising." bati sa akin ni Jane.

Pero hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko babaliktad sikmura ko kaya nagmamadali akong nagtungo sa banyo. Sumuka ako sa inidoro.

Mga walanghiya talagang nandito sila at ang kakapal ng mukha.

"Ayos ka lang ba?"

Paglabas ko si Xian, isang malutong na sampal ang ginawa ko na kinagulat niya at naglakad ako papunta kay Jane at ito naman ang sinampal ko.

"PUTANGIN* NIYONG DALAWA! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA TALAGANG MAGPAKITA SA AKIN NGAYON? PAGKATAPOS NIYO MAG-CHECK IN SA HOTEL!?"

Gigil kong sabi sa kanila na kinagulat nilang dalawa at umiyak si Jane.

"Ano nagulat kayo? Wow, Jane. Kaibigan kita tapos ano? Nagpa-bengbang ka sa jowa ko? Kung hind ba naman ang kapal ng mukha mo, at ikaw sa sobrang kalibugan mo ee pati 'tong malandi na 'to pinatulan mo! Tangin* niyo!"

Malakas kong sigaw sa kanilang dalawa at umakyat ako sa taas.

"Lara!" tawag ni Xian.

Dire-diretso ako at sinara ko ang pinto, napaiyak ako sa galit pero pinigilan ko dahil hindi siya karapatdapat.

"Lara, patawarin mo ako. Buksan mo 'to."

"Umalis ka na." sagot ko.

"Please, Lara. Patawad,"

Hindi na ako sumagot nagkulong lang ako sa taas at natulog na lang dahil ayokong makita ang mga mukha nila.

____

Nagising ako dahil sa may parang gumagalaw at tunog nang plastik, pagdilat ko si Jane napansin ko na may dalawang bag at plastik.

"Lara, patawad."

Hindi ko siya pinansin tumalikod ako ng higa.

"Doon nalang ako sa iba makiki-share alam kong galit ka sa akin at hindi mo ako mapapatawad."

Mabuti alam mo ang landi mo kasi.

Gusto ko sanang isatinig pero hindi ko na ginawa dahil madagdagan lang ang inis ko. Hanggang sa maramdaman ko na bumaba na siya ng hagdan, may narinig akong tricycle siguro doon siya sumakay doon lang ako bumaba. Tahimik na at wala rin si Xian, naisip ko mabuti naman umuwi na siya.

Nakita ko na may message siya sa akin ginawa ko binlock ko na pati contact number niya. Hahanap na lang ako ng ibang kasama rito, madali lang naman makakuha ng kasama.

Nakahiga lang ako sa sofa at nakatitig sa kisame ng maalala ko 'yung mga ginawa namin no'ng lalaki na kasama ko. Napapikit ako at inalala ang mga nangyari at napahawak ako sa dibdib ko na para bang ini-imagine ko, ngunit nagising ang diwa ko dahil sa pagtunog ng cellphone ko akala ko baka si Xian, pero pinsan ko ang tumatawag.

"Hello, Lara."

"Oh? Napatawag ka?" taka kong sagot.

"Sundoin mo naman ako sa terminal bukas ng madaling araw."

"Ha? Sundoin bakit? Papuntang Maynila ka?" takang tanong ko.

"Oo insan!" tili niyang sagot kaya natawa ako sa boses  niya.

"Ang sakit sa tenga, pero teka hindi nga seryoso ka ba?" muli ko pang tanong.

"Oo nga ngani, pero sundoin mo ako aa kahit pangatlo ko na 'tong luwas natatakot pa rin ako."

"Aa, si-sige maaga ako pupunta diyan. Ingat ka," sabi ko bago matapos ang usapan namin.

Matapos kong magisip-isip ay naglinis ako binasura ko lahat ng mga naiwan ni Jane dahil ayokong maalala pa siya ganun rin ang mga ibinigay ni Xian sa akin tinapon ko. Nang matapos ay nagkape ako habang nagse-cellphone at magpapahinga rin ako ng maaga para bukas.

_____

Kinabukasan madaling araw pa lang alas kuwatro nandito na ako sa terminal, wala masiyadong tao dahil sa araw ng lunes. Mas marami kasing paserho kapag biyerne, sabado at linggo. Nagkakape ako habang naghihintay dahil sabi ng pinsan kong si Marie malapit na ang bus nila dito.

"Miss excuse me?"

Napatingala ako at lalaki na nakangiti, maayos ang suot niya nakasumbrero na itim.

"Baka may load ka naubusan kasi ako ng load kailangan ko lang tumawag. Sarado pa kasi yung naglo-load dito."

"Aa? Oo naman po ito." nakangiti kong inabot ang cellphone ko, tiningnan ko siya nagta-type siya mukhang tatawag na siya.

"Babe nandito na ako nasaan ka ba? Nakitawag lang ako."

Napangiti lang ako dahil jowa pala niya ang tatawagan niya at ang sweet lang.

"Sige hintayin kita nandito na ako naki-park lang ako saglit."

Matapos makipag-usap ay binalik niya na  sa akin ang cellphone ko.

"Salamat pala." nakangiti niyang pasasalamat.

"Welcome," tugon ko naman.

"May sinusundo ka rin?" mayay tanong niya.

"Oo yung pinsan ko." sagot ko.

"Aa, ako naman yung girlfriend ko."

Ngumiti lang ako hanggang sa may dumating ng bus at umalis na yung lalaki. Inabangan ko naman si Marie sa tapat nang pinto ng bus, maraming bumaga hanggang sa makita ko na si Marie.

Nagyakapan kami agad at tinulungan ko siyang bitbitin ang mga dala niya.

"May kamote akong dala diyan." natatawa niyang sabi.

"Sira, pinahirapan mo pa sarili mo magbit-bit." natatawa kong sabi sa kaniya.

"Ee, kasi baka mamaya wala akong makain." tawa niyang sagot.

"Baliw, tara hanap na tayo ng taxi." aya ko sa kaniya pero wala akong makita dahil siguro maaga pa.

Hanggang sa may huminto sa tapat namin akala ko taxi pero itim na kotse, nagtaka pa ako at bumaba ang salamin ng bintana.

"Hi,"

"Ikaw pala." napangiting litanya ko dahil akala ko kung sino yung kausap ko kanina na nakitawag. Nakita ko may babae siyang katabi ang seksi.

"Wala ba kayong masakyan? Sabay na kayo sa amin," aya niya.

"Oo nga," sabi ng babae.

"Ha? H-hindi na nakakahiya naman." sagot ko.

"Oo nga po nakakahiya mag-taxi na lang kami." sagot rin ni Marie.

"Huwag na kayo mahiya isa pa mahihirapan kayong makasakay baka abutin kayo ng liwanag. Libre 'to huwag kayong mag-aalala, pasasalamat ko sa pagtulong sa akin kanina."

"Ha? A-ano..." napatingin ako kay Marie.

"Sige na sakay na tayo nakakahiya naman kay sir."

"Come on girls, ang gaganda niyo pa naman maghihintay kayo diyan?" sabi pa ng babae.

Wala na akong nagawa dahil gusto rin ni Marie at is pa libre naman, may kasama namang babae rin kaya hindi na ako nag-isip pa. Pumasok na kami sa loob doon kami sa hulihan at tahimik lang kami.

"Saan ba kayo pupunta?" tanong ng lalaki.

"Saan ka ba tutuloy?" tanong ko kay Marie.

"Doon muna ako sa'yo insan kasi tatawagan ko pa yung papasukan ko," sagot ni Marie.

"A-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako may nakatutok na baril sa amin itong babae. "Ba-Bakit?" kabadong tanong ko.

"Lara," bigkas ni Marie na halata sa mukha na natakot.

"Pasensiya na trabaho lang." sabi ng lalaki.

"Isuot niyo 'yan sa ulo niyo."

Hinagis sa amin ang itim na tela at napatingin ako kay Marie umiiyak na ngayon.

"Puwede ba wala pa akong ginagawa umiiyak ka na?" nakangising sabi ng babae at mas lalo pang tinutok sa amin ang baril.

Wala kaming nagawa sinuot namin sa ulo namin, oo takot na takot ako pero walang magagawa ang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko kung anong gagawin nila sa amin at saan nila kami dadalhin.

"Akala ko pa naman mabuting tao ka hayop ka kayo!" gigil kong bigkas at narinig ko ang nakakainis nilang dalawa na pagtawa.

Tinalian rin ang dalawang kamay ko at siguro ganun rin si Marie, wala ako makita at naiiyak na rin ako pinipigilan ko lang.

Tulungan niyo po kami ng pinsan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Night With Him   chapter 12

    L A R AWalang cellphone, tanging t.v lang ang mayroon akong libangan rito at boring na boring na ako. Hindi ko man lang nakikita si Ranch, oo aaminin ko nami-miss ko siya. Nasaan na kaya siya, hindi ko rin makuntak magulang ko kung kamusta na sila kung anong ginawa nila sa pera. Sana naman gamitin nila ng maayos kahit paano nawala ang pag-aalala ko sa kanila. Hapon na at ilang oras na lang gabi na, naisip ko mag-swimming. Walang swimsuit kaya yung magkaiba na design at kulay ng underwear at bra ang suot ko, suot ang puting roba. Tumulong rin ako maglinis dito kahit anong tanggi nila kasi hindi ako sanay na ganito lang walang ginagawa.“Ate Lara, may gusto ka bang pagkain?” Napalingon ako dahil kakababa ko lang sa hagdan si Salvi, Ate Lara ang pinatawag ko sa akin dahil mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya.“Aa.. Kape nalang siguro yung puro lang.” ngiti ko at lumabas na ako sa lagas. Tahimik, napasilip ako doon banda sa may gate nakaupo at nakayo yung bantay doon. Lumusong n

  • That Night With Him   chapter 11

    M A R I EDark red lipstick ang napili kong ipahid sa labi ko dahil pakiramdam ito ang nababagay sa akin ngayon, tiningnan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin. Curly ang buhok ko na kulay brown, nakasuot ng mamahalin na alahas. Isang buwan mahigit na ang lumipas matapos ang mapait na karanasan ko, hinding-hindi ko yun makakalimutan. Bawat dampi, laway at sakit na dulot ng kasamaan sa katawan ko ay parte iyon ng madilim kong nakaraan. Lahat yun ay narito lang sa puso't isipan ko at isa lang gusto ko ngayon ang maipaghiganti ang nangyari sa akin.Nagawa ko na yung isa patay na yung taong bumaboy sa akin, dahil yun sa lalaking nag-ahon sa akin sa lusak. Isa nalang ang gusto kong makita ngayon at malaman kung anong kalagayan niya.Si Lara.“Ma'am, sabay na raw kayo ni Sir Zandrey kumain.” Napalingon dito sa katulong hindi ako nagsalita, tumayo lang ako at muling sinulyapan ang sarili ko. Suot ang napakaseksi na dress na kulay silver, may slit sa left side at kita ang maputi kong hi

  • That Night With Him   chapter 10

    R A N C HNapabalikwas ako ng bangon at pagtayo ko muntik pa akong matumba, naupo ako at napahawak sa ulo ko. Paglingon ko si Lara nakadapa tulog na tulog, naalala ko yung mga ginawa namin at naramdaman ko nalang ang pagtigas ng alaga ko.Not this time Ranch.Mabilis na tumayo ako at naligo dahil, paglabas ko tulog pa rin si Lara.That's your punishmentIling na napangiti ako at kumuha ng susuotin, kulay abuhin na suit ang napili ko at kinuha ko na ang cellphone kasama ang susi. Ngunit may naalala ako, may kinuha ko sa maliit na kabine. Kinuha ko ang tseke ko at nagsulat ng presyo at pinirmahan ko. Paglabas ko ng kuwarto pababa nang hagdan, nasa sofa ang magulang ni Lara at masayang tumayo at nginitian ako. “Magandang umaga sa'yo.” bati nila.“Papasok ka na ba sa trabaho anak?” tanong ng papa ni Lara.“Oho, siya nga pala.” abot ko sa tseke.“Ano ito?” inosent na abot ng tatay ni Lara sa tseke at tiningnan.“Ay jusko po isang daang milyon?” nanlalaki ang mata ng mama ni Lara.“Ha? Isa

  • That Night With Him   chapter 9

    L A R APara bang wala lang ang lahat at hindi ko inaasahan na umaktong asawa ko talaga siya, walang kamalay-malay si Nanay at Tatay na walang katotohan. Paano ko pa sasabihin sa kanila na hindi totoo, dahil ang totoo binili ako ni Ranch.Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Ranch sa akin, pilit na napangiti ako si Nanay at Tatay naman ay nakangiting nakatingin sa amin.“Masaya akong alam kong nasa mabuti ang anak namin, sana'y magsama kayo sa hirap at ginhawa.” naiiyak pa si Tatay at halata ng lasing na ito.Tinapik lang ni Ranch sa balikat si Tatay, nagpatuloy silang uminom si Ranch kanina parang lasing na pero habang tumatagal, wala na lang sa kaniya. Grabe siya kanina mukha na siyang lasing ngayon parang kakainom palang niya. “You pay me for this, later.” Napaangat ang balikat ko dahil sa naalala ko ang sinabi ni Ranch kanina, nakaramdam ako bigla ng excitement kaya naman alalay lang ako sa pag-inom ko. “Anak ako'y inaantok na saan ba puwede matulog?” nakapikit ang mata ni Tat

  • That Night With Him   chapter 8

    L A R AKinabukasan maaga akong nagising dahil kahit paano naging masarap ang tulog, hindi nagpakita sa akin si Ranch ewan ko kung nasaan yun. Hindi kaya bumibili na naman siya ng bagong babae? Hays! Pakialam ko ba doon baka kapag nagsawa na siya sa akin paalisin na ako, kaya kailangan ko gumawa ng paraan para siya na ang umayaw sa akin.Busy ang iba sa paglilinis ng dito at gusto ko tumulong pero ayaw nila pagagalitan raw sila ni Manang Cora, yung matandang babae ang tinutukoy nila. Wala siya ngayon dahil nagsisimba raw yon tuwing biyernes. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, naisip ko mag-swimming kaya ako pero maaga pa kaya naisip ko mamaya nalang.Lumabas ako at balak maglakad-lakad ulit pero naalala ko si Dana mamaya makita ko ulit pero akmang papasok na ako sa loob ng may humintong taxi sa gate. Nagkatinginan ang dalawang bantay rito at humugot agad ng baril na nasa tagiliran nila yung dalawa. Nakatingin lang ako sa gate hanggang sa bumukas yon may dalawang taong lumabas

  • That Night With Him   chapter 7

    R A N C HSh*t! Mahina kong bulong sa isipan ko, nagwawala na ang alaga ko dahil sa nakikita ko ngayong kay Lara. Bakat ang ut*ng niya sa t-shirt ko at kita ang hita nito. Alam kong wala siyang kahit na anong suot sa ibaba, mas lalo akong nag-init.“Pagbigyan mo na ako hindi ako makakatulog agad nito.” Naupo siyang muli at lumapit ako sa kanya napatingin ako sa baso halos malapit niya na maubos. Napakalakas mo uminom. Ngunit ang mata ko naroon sa hita niya paakyat sa taas na nakalilis at konting galaw makikita na ang perlas niya. Nakainom rin ako at hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan.“Pakiusap gusto ko makausap ang mga magulang ko, hayaan mo akong magsilbi dito sa'yo bigyan mo ako ng sahod.” Nakatingin lang ako sa kaniya, nagsisimula na siyang umiyak kaya kinuha ko na ang baso sa kamay niya.“Matulog ka na.” Urong ko sa lamesa.“Alam mo bang umaasa ako na makikita kita ulit, pero ito nga at magkasama pa tayo.” Natatawa niyang sabi sabay higa, nakadantay sa akin ang hita ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status