Share

That Night With Him
That Night With Him
Author: BM_BLACK301

chapter 1

Author: BM_BLACK301
last update publish date: 2026-02-08 11:51:34

L A R A

Pakiramdam ko puputok na ang dibdib ko sa lakas nang tibok ng puso ko, nagsama-sama na ang excitement at kaba ko. Para akong nilalagnat sa bawat halik at haplos ni Xian sa maseselan kong katawan, malamig dito sa loob kung saan kami naka-check in. Pero balewala dahil sa tindi nang init ng nararamdaman naming dalawa.

"Ready?"

Napadilat ako at titig na titig ako kay Xian, hindi ako agad nakasagot naramdaman ko ang kamay niya na hinihimas nito ang kaniyang alaga mas lalo akong kinabahan. Hanggang sa yung signal na ipapasok niya ay lumabas mula sa bibig ko.

"H-Huwag, a-ayoko..."

Natigilan si Xian, nakita ko na nalungkot siya pero nagbago agad at ngumiti siya umalis sa ibabaw ko.

"So-Sorry," naiiyak kong sabi sa kaniya, nakatalikod siya sa akin dahil nagsusuot na siya ng pantalon.

"Ayos lang," mahinang sagot niya.

"Sorry talaga hindi pa pala ako handa." nahihiyang sabi ko at nasasaktan ako para kay Xian.

"Huwag mo ng isipin 'yon."

Nakatingin ako sa kaniya habang sinusuot niya ang t-shirt niya, nakangiti naman siya kaya naisip ko na okey lang sa kaniya. Naglinis mo na ako saglit ng katawan ko bago ako nagbihis at nag-aya na siya sa akin lumabas kumain 'daw kami dahil nagugutom siya. Pumayag ako pero ewan ko ba ramdam ko na may kakaiba kay Xian kahit pa nakangiti siya.

Gamit ang motor niya angkas ako mahigpit ko siyang niyakap para iparamdam ang pagmamahal ko at patawad sa ginawa ko. Maayos naman niya akong naihatid sa inuupahan ko at umuwi na siya agad.

Naabutan ko si Jane naglilinis ng kuko niya kahit gabi na.

"Uy, ano kamusta?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Hindi ako sumagot naupo ako kawayan na sofa tumabi ako sa kaniya at sumandal. Humugot ako ng malalim na buntong hininga.

"Ang lalim naman bakit ba? Hindi ba dapat masaya ka kasi-" bitin niya.

Alam kasi ni Jane na nag-hotel kami ni Xian, sinabi ko na ibibigay ko na sa boyfriend ko yung gusto niya pero nandoon na ako bigla akong nagising na huwag muna. Natatakot kasi akong mabuntis, kailangan pa ako nila nanay at tatay na nasa probinsiya.

"Walang nangyari." sagot ko at napayuko ako.

"Ha? Paanong wala ee na doon na nga kayo pagkakataon niyo na."

"Ewan, basta nagbago bigla isip ko." napapahawak sa sintido na sagot ko.

"Ganun ba? Baka hindi ka pa talaga handa."

Tiningnan ko lang si Jane dahil pakiramdam ko mali ako pero naagaw ang atensyon nang tumunog ang cellphone ni Jane.

"Wait lang." tumayo siya doon banda sa pintuan.

Tahimik na nakaupo lang ako at nag-iisip.

"Seryoso ka ba ngayon na?"

Napalingon ako kay Jane dahil sa kausap nito.

"Sige, maliligo muna ako."

"Ha? Sige magpapalit lang ako ng damit, ano ba 'yan madaling-madali?"

Napatingin lang ako kay Jane mukhang masaya at pagharap sa akin nakangiti siya.

"Labas lang ako huwag mo na ako hintayin." sabi niya.

"Ganun ba sige, saan ba punta mo?" tanong ko lang.

"Alam mo na isa sa mga ka-chat ko gustong mag-meet kami." nakangiti niyang sagot.

Tumango lang ako at nilapag niya yung cellphone niya sa kabilang upuan dahil niligpit niya yung mga ginamit niya sa panglinis ng kuko. Tumayo na ako para sana mag-cr ng umilaw ang cellphone ni Jane, may message.

Xian

Bilisan mo nang-gigil na ako haha

Hindi ko maintindihan parang nagsikip yung dibdib ko, bumalik si Jane nagkunwari akong inayos ko sapin ng sofa. Kinuha niya yung cellphone at umakyat sa taas, may isang kuwarto kasi dito sa inuupahan namin at doon kaming dalawa natutulog.

Ayokong isipin na yung Xian na nag-message kay Jane ay ang Xia na boyfriend ko.

Pero paano kung si Xian ko nga yon?

Nangilid agad ang luha ko sa magkabilaan kong pisngi, pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Pero nilalabanan ko ang sarili ko dahil baka mali lang ako, hanggang sa bumaba na si Jane.

Tumalikod ako at pasimple kong pinunasan ang luha ko at tumingala hinimas ko mata ko. Dahil nakita ko na pababa na si Jane, nakapantalon at crop top na pang-itaas.

"Oh? Bakit umiiyak ka ba?" natatawang niyang tanong.

"H-hindi naman napuwing ako." pilit ang ngiti kong sagot.

"Aa, sige."

Nandoon na siya banda sa may pinto namimili ng susuotin na sandals habang ako naman ay nag-book ako agad ng rider dahil gusto kong alamin dahil ang lakas ng kaba ko.

"Alis na ako nandito na binook ko." Paalam niya.

"Sige." sagot ko lang.

Pagkakita ko na sumakay na si Jane sa motor at umalis na inabangan ko naman 'yung binook ko. Saglit lang ay dumating na, yung lugar na binook kung saan yung hotel na pinasukan namin. Nanginginig ang katawan ko habang nasa biyahe hanggang sa makarating na kami pero sabi ko sa rider huwag dalhin sa mismong tapat doon lang sa kabilang kalsada. Wala na akong pakialam kung ano man ang isipin ng rider sa akin.

Umalis na yung rider habang ako ay narito naghahanap ng lugar kung saan ako pupuwesto na hindi makikita dahil nasa kabilang kalsada ako. Ngunit natawan ko agad ang isang motor na huminto at sakay no'n walang iba kung hindi si Jane pero hindi doon mismo sa hotel na pinuntahan namin ni Xian kung hindi doon sa halos katabi lang dahil dalawa yon na magkatabi.

Nanghina ako ng makita ko si Xian na naglalakad papunta kay Jane, nilabas ko ang cellphone kinunan ko sila ng picture habang umiiyak. Yung balikat ko yumuyugyog na sa pag-iyak, kapit ko yung dibdib ko dahil ang sakit at ang kirot.

Nakapasok na sila sa loob pero ako ito patuloy na umiiyak. Napaupo ako sa may semento at nakayukong umiiyak, matapos ay nagpasiya akong lisanin ang lugar na yon. Naglakad ako na tulala wala na akong pakialam kahit madilim hanggang sa may matanawan akong mga tao na labas pasok at pagbasa ko sa nakasukat sa taas ay isa itong bar.

Lumapit ako doon dahil isa lang nasa isip ko ang mag-inom, maglasing hanggang sa makatulugan ko nalang ang sakit na nararamdaman ko. Yung allowance ko ay binili ko lang ng alak inubos ko 'yun kahit pinagtitinginan ako ay wala na akong pakialam.

"Miss, kaya mo pa ba? Ihahatid ka na namin."

Sa namumungay kong mata ay tiningnan ko sila at ngumisi ako.

"Hoy! Hindi pa ako lasing!" inis kong sagot at tumawa pa 'tong dalawa.

Akala ko iiwanan na nila akong dalawa pero hindi tumabi silang dalawa sa akin at nakaramdam ako kaba. Kahit nakainom na ako nasa tamang pag-iisip pa ako, bigla akong tumayo at kumapit pa sa likuran ko yung kamay ng isa.

"ANO BA!" sigaw ko at napatingin ang iba sa amin, nagmamadali na akong naglakad palabas.

Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cellphone ko dahil para mag-book ako ng paglingon ko nakita ko yung dalawa papunta sa akin.

Ay tang*na!

Halos tumakbo na ako dahil sa takot ko at wala pa namang mga tao sa daan puro sasakyan lang na naka-park. Paglingon ko ay tumatakbo na rin sila kaya naman tumakbo na ako ng may nakita akong umilaw na kotse sa unahan. Lumiko ako at lumapit doon pero nawala yung ilaw ngunit nakita ko na bukas yung pinto sa unahan balak ko magtago doon kaya pumasok ako at wala na isip ko kung may tao doon o kung magalit sa akin.

Pagupo ko nagulat ako at nanlaki ang mata ko paglingon ko dahil may naramdaman ako at nakakandong pa ako mismo sa kaniya. Napapikit ako sa hiya na ginawa ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Night With Him   chapter 12

    L A R AWalang cellphone, tanging t.v lang ang mayroon akong libangan rito at boring na boring na ako. Hindi ko man lang nakikita si Ranch, oo aaminin ko nami-miss ko siya. Nasaan na kaya siya, hindi ko rin makuntak magulang ko kung kamusta na sila kung anong ginawa nila sa pera. Sana naman gamitin nila ng maayos kahit paano nawala ang pag-aalala ko sa kanila. Hapon na at ilang oras na lang gabi na, naisip ko mag-swimming. Walang swimsuit kaya yung magkaiba na design at kulay ng underwear at bra ang suot ko, suot ang puting roba. Tumulong rin ako maglinis dito kahit anong tanggi nila kasi hindi ako sanay na ganito lang walang ginagawa.“Ate Lara, may gusto ka bang pagkain?” Napalingon ako dahil kakababa ko lang sa hagdan si Salvi, Ate Lara ang pinatawag ko sa akin dahil mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya.“Aa.. Kape nalang siguro yung puro lang.” ngiti ko at lumabas na ako sa lagas. Tahimik, napasilip ako doon banda sa may gate nakaupo at nakayo yung bantay doon. Lumusong n

  • That Night With Him   chapter 11

    M A R I EDark red lipstick ang napili kong ipahid sa labi ko dahil pakiramdam ito ang nababagay sa akin ngayon, tiningnan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin. Curly ang buhok ko na kulay brown, nakasuot ng mamahalin na alahas. Isang buwan mahigit na ang lumipas matapos ang mapait na karanasan ko, hinding-hindi ko yun makakalimutan. Bawat dampi, laway at sakit na dulot ng kasamaan sa katawan ko ay parte iyon ng madilim kong nakaraan. Lahat yun ay narito lang sa puso't isipan ko at isa lang gusto ko ngayon ang maipaghiganti ang nangyari sa akin.Nagawa ko na yung isa patay na yung taong bumaboy sa akin, dahil yun sa lalaking nag-ahon sa akin sa lusak. Isa nalang ang gusto kong makita ngayon at malaman kung anong kalagayan niya.Si Lara.“Ma'am, sabay na raw kayo ni Sir Zandrey kumain.” Napalingon dito sa katulong hindi ako nagsalita, tumayo lang ako at muling sinulyapan ang sarili ko. Suot ang napakaseksi na dress na kulay silver, may slit sa left side at kita ang maputi kong hi

  • That Night With Him   chapter 10

    R A N C HNapabalikwas ako ng bangon at pagtayo ko muntik pa akong matumba, naupo ako at napahawak sa ulo ko. Paglingon ko si Lara nakadapa tulog na tulog, naalala ko yung mga ginawa namin at naramdaman ko nalang ang pagtigas ng alaga ko.Not this time Ranch.Mabilis na tumayo ako at naligo dahil, paglabas ko tulog pa rin si Lara.That's your punishmentIling na napangiti ako at kumuha ng susuotin, kulay abuhin na suit ang napili ko at kinuha ko na ang cellphone kasama ang susi. Ngunit may naalala ako, may kinuha ko sa maliit na kabine. Kinuha ko ang tseke ko at nagsulat ng presyo at pinirmahan ko. Paglabas ko ng kuwarto pababa nang hagdan, nasa sofa ang magulang ni Lara at masayang tumayo at nginitian ako. “Magandang umaga sa'yo.” bati nila.“Papasok ka na ba sa trabaho anak?” tanong ng papa ni Lara.“Oho, siya nga pala.” abot ko sa tseke.“Ano ito?” inosent na abot ng tatay ni Lara sa tseke at tiningnan.“Ay jusko po isang daang milyon?” nanlalaki ang mata ng mama ni Lara.“Ha? Isa

  • That Night With Him   chapter 9

    L A R APara bang wala lang ang lahat at hindi ko inaasahan na umaktong asawa ko talaga siya, walang kamalay-malay si Nanay at Tatay na walang katotohan. Paano ko pa sasabihin sa kanila na hindi totoo, dahil ang totoo binili ako ni Ranch.Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Ranch sa akin, pilit na napangiti ako si Nanay at Tatay naman ay nakangiting nakatingin sa amin.“Masaya akong alam kong nasa mabuti ang anak namin, sana'y magsama kayo sa hirap at ginhawa.” naiiyak pa si Tatay at halata ng lasing na ito.Tinapik lang ni Ranch sa balikat si Tatay, nagpatuloy silang uminom si Ranch kanina parang lasing na pero habang tumatagal, wala na lang sa kaniya. Grabe siya kanina mukha na siyang lasing ngayon parang kakainom palang niya. “You pay me for this, later.” Napaangat ang balikat ko dahil sa naalala ko ang sinabi ni Ranch kanina, nakaramdam ako bigla ng excitement kaya naman alalay lang ako sa pag-inom ko. “Anak ako'y inaantok na saan ba puwede matulog?” nakapikit ang mata ni Tat

  • That Night With Him   chapter 8

    L A R AKinabukasan maaga akong nagising dahil kahit paano naging masarap ang tulog, hindi nagpakita sa akin si Ranch ewan ko kung nasaan yun. Hindi kaya bumibili na naman siya ng bagong babae? Hays! Pakialam ko ba doon baka kapag nagsawa na siya sa akin paalisin na ako, kaya kailangan ko gumawa ng paraan para siya na ang umayaw sa akin.Busy ang iba sa paglilinis ng dito at gusto ko tumulong pero ayaw nila pagagalitan raw sila ni Manang Cora, yung matandang babae ang tinutukoy nila. Wala siya ngayon dahil nagsisimba raw yon tuwing biyernes. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, naisip ko mag-swimming kaya ako pero maaga pa kaya naisip ko mamaya nalang.Lumabas ako at balak maglakad-lakad ulit pero naalala ko si Dana mamaya makita ko ulit pero akmang papasok na ako sa loob ng may humintong taxi sa gate. Nagkatinginan ang dalawang bantay rito at humugot agad ng baril na nasa tagiliran nila yung dalawa. Nakatingin lang ako sa gate hanggang sa bumukas yon may dalawang taong lumabas

  • That Night With Him   chapter 7

    R A N C HSh*t! Mahina kong bulong sa isipan ko, nagwawala na ang alaga ko dahil sa nakikita ko ngayong kay Lara. Bakat ang ut*ng niya sa t-shirt ko at kita ang hita nito. Alam kong wala siyang kahit na anong suot sa ibaba, mas lalo akong nag-init.“Pagbigyan mo na ako hindi ako makakatulog agad nito.” Naupo siyang muli at lumapit ako sa kanya napatingin ako sa baso halos malapit niya na maubos. Napakalakas mo uminom. Ngunit ang mata ko naroon sa hita niya paakyat sa taas na nakalilis at konting galaw makikita na ang perlas niya. Nakainom rin ako at hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan.“Pakiusap gusto ko makausap ang mga magulang ko, hayaan mo akong magsilbi dito sa'yo bigyan mo ako ng sahod.” Nakatingin lang ako sa kaniya, nagsisimula na siyang umiyak kaya kinuha ko na ang baso sa kamay niya.“Matulog ka na.” Urong ko sa lamesa.“Alam mo bang umaasa ako na makikita kita ulit, pero ito nga at magkasama pa tayo.” Natatawa niyang sabi sabay higa, nakadantay sa akin ang hita ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status