PASURAY-SURAY at halos nakakapit na sa pader ang dalaga habang naglalakad papuntang powder room ng Orange Club Paradise sa isla ng Boracay. Umiikot na ang kanyang paningin at gusto ng bumagsak ng kanyang katawan sa sahig at doon na lang humiga.
“Yes! Yes! I’m very much okay.”
“Don’t mind me. Thank you!”
Ang sunod-sunod na sabi ng dalaga na nag thumbs up pa sa isang bouncer na lumapit para alalayan siya.
Umiral nanaman kasi ang defense mechanism ni Maricor at mabilis na hinarang sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kamay at pag-wave na ipinakita sa papalapit na bouncer.
“Sigurado po ba kayo ma’am?”
Ang concern na tanong ng bouncer.
“Yes, 100 percent kaya ko. Malakas to!”
Ang sabi pa ni Maricor habang nakatukod ang isang kamay sa pader at ang sa kabila naman ay nagdemo na nagpapakita ng muscle sa kanyang kamay na tila siya talaga at super strong.
Pasado alas diyes na ng gabi at kanina pa nagsimula ang annual Love Boracay sa Isla. Apaka-uingay ng paligid at punong-puno ng tao ang bawat sulok ng isla. Napakarami talagang bakasyonista ang nagpupunta tuwing buwan ng mayo na sumakto sa summer season ng Pilipinas. Fully booked lahat ang mga hotel at napakaraming tumatambay sa mga clubs’ para uminom at mag saya. Isa na nga dito si Maricor kasama ang mga kaibigan niya. Matapos na manuod ng fireworks display kaninang alas otso sa front beach ay nagkayayaan na ang magkakaibigan na mag-jamming naman.
Sa pader nalang siya humuhugot ng lakas para maka balance at makatayo. Namumungay ang mga mata sa sobrang kalasingan at pulang-pula ang magkabilang pisngi. Nagpakalasing talaga siya ng bonggang-bongga at nilunod ang sarili sa alak kahit na bawal ito sa kanya. Hindi lang dahil sa masaya siya. Ito ay hindi rin dahil sa celebration ng buong barkada dahil meron silang naitayong maliit na pasalubong center doon mismo sa isla. Kundi ang dahilan ay gusto niya ring makalimutan ang mga harap-harapang nalaman niya noong nakaraang pasko. Yes, let's recall what happened last December. Ang ultimate love ba naman ng dalaga ay harap-harapang nagpropose sa girlfriend nito. Hindi pa nakuntento ang bruho at itinaon pa na grand alumni ng saint Claire. Ang buong saksi sa mga kaganapan at ang mga alumna mula High School at College at ang pinaka worst ay nandoon ng araw na iyon ang ilan sa mga may alam na nobyo niya ang binata.
Kung malalaman lang ng mga estudyante niya at ng buong faculty sa isang unibersidad sa Iloilo na ang isang Ms. Hannah Maricor Evinah Morales Zaavedra na full time college instructress sa sikat na university ng Iloilo ay nandito sa isang club at nagpapakalasing habang sumasayaw at nakikiparty-party sa mga kaibigan at ilang mga turista. Tumutungga ng iba't ibang inuming nakalalasing habang umiiyak at ang nakakatakot ay baka may makakilala, makuhanan siya ng larawan at mapost pa sa social media. Pero wala siyang kiber ng gabing iyon.
She is popular in the name of Ms. Marie or Ms. Zaavedra in their school, but her friends used to call her Maricore. No one as in no one call her first name Hannah. Ayaw niya. As in naaalibadbaran siya everytime na may tumatawag sa kanya ng Hannah. May mga ala-ala kasing pumapasok sa kukute nito na gusto na niyang ibaon 6 feet below the ground or mga 12 feet para sigurado.
Nagwalwal talaga ito sa loob ng club as in! Nakakahiya man sa iba pero wala na siyang pakialam. Wala ng nararamdamang hiya ang dalaga dahil na rin sa epekto ng alak. Lango na siya sa alak pero yong puso niya ay feeling nito ay nasa loob ng bartolina at binubugbog ng kung sino man. Parang pinipiga at binubuhusan ng asido. Pero wala na talaga siyang pake ng mga oras na iyon kung may makakita o may magvideo pa at ipost sa social media. Wala! Wala! Wala! Sumadal ito sa sofa at nag-iiyak.
"Yong crush ko simula noong high school hanggang college ay nagpropose na sa girlfriend nito.”
“Yes! Awit, pain, pighati, lumbay, siphayo and etc. Super sakit ng mga nakita at nalaman ko!”
“Tila sari-saring punyal, pako, matulis na bakal ang bumaon sa baby kong puso!”
“Waaaaaaa! Huhuhu my heart!”
“Bakit?"
Ang emote pa ng dalaga sa sa sarili nito habang umiiyak at tumutunga ng alak.
Nandoon na siya sa puwesto nilang magkakaibigan at nag eemote. Sumakit na ang paa nito sa kakasayaw at nagpaalam ako sa mga kabarkada na uupo muna. Hinubad niya ang tsinelas at pinatong ang paa sa center table ay may mga alak habang pasandal siyang umupo sa sofa.
Last december ay alumni home coming nila sa High School at College. Dumalo siya doon not because mame-meet niya ang mga classmates and friends dati. Ang iba ay araw-araw naman niyang nakakasama. Kailangan niya lang dumalo dahil sa kadahilanang nagturo din siya doon for almost three years after makagraduate sa college. Umalis din siya after ng graduation ng mga estudyante niya at nagpahinga. After a year ay lumipat siya sa isang university. Aside from that ay need niya din ng closure sa taong inibig ng mahabang taon. Pero sobra pa sa closure ang nangyari. Harap-harapan iyong pagpapakita na di nito deserve ang dalaga dahil wala itong kuwenta. Matapos nga iyon ay di na niya alam kung bakit nasa kama na siya sa loob ng kanyang kwarto kinaumagahan. Di na niya alam kung paano siya naka-uwi at sino ang nagbihis sa kanya. Sa sobrang kalasingan ay wala na siyang maalala except sa nangyaring wagas na proposal.
Namumungay na ang kanyang mga mata at at mainit na ang pakiramdam niya ng makapag-isip siyang maghilamos sa powder room ng club-hotel na iyon, pagewang-gewang siya habang naglalakad sa hallway ng club. Lumabas na nga siya at doon sana tutungo sa isang powder room sa labas. Gusto niya na ring makalanghap ng sariwang hangin. Kulang na nga lang ay maghubad ulit ito ng T-shirt sa sobrang init. Hindi na siya makalakad ng deretso at panay kapit ang ginawa niya a ding-ding ng hallway na ang kabila ay garden at may dalawang swimming pool pala ng club. Namamanhid na ang kanyang buong katawan at wala na rin siyang lakas. Medyo malamyos na din ang tugtog dahil nagpalit na ng DJ. Wala na ang budots kanina at kung ano-anong masasayang tugtog at medyo romantic na ang kanta. Napalitan na ang DJ na mukhang foreigner at banda na nga ang tumutugtog sa stage ng club.
Babae ang bokalista. Nainis siya sa tugtog kaya nagtungo siya ng banyo para sana maghilamos. Imbes kasi na magsasaya ay heto nanaman at masakit na masakit sa puso ang kanta. Parang nawawarak ang buo niyang pagkatao.
"Maricor ang tanga mo talaga!"
Ang sisi pa ng dalaga sa sarili. Madaming tumatakbo sa utak niya palabas ng powder room nang biglang may bumangga sa kanya sa hallway. Hindi niya iyon napaghandaan kaya't natumba siya. Ngunit di naman sumayad sa sahig ang kanyang lasing na katawang lupa dahil may malalakas na mga bisig ng isang estranghero ang maagap na sumalo sa kanya at dahan-dahan siyang inihiga.
Masasabing walang panama ang Zaavedra clan sa pamilya nila. Maituturing nga na mababang uri ito sa business world. Pero dito nainlove ang ate niya at di niya ito masisisi. Napakabait ng kuya Baste niya. At may pinagmanahan si Hannah. Pero di niya iyon matanggap. The simple girl she loved. The simple girl who tamed the black sheep is the reason why her cousin is now at the ICU. Nag-aagaw buhay at di makalakad.“Hindi porket mayaman ka ay hindi mo na alam ang nangyayari sa mundo.”Yan ang parating bukang bibig sa kanya ng dalaga na hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw sa pandinig ng binata.Napahawak na lamang siya sa sentido ng maalala ang dalaga.Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang makausap ang dalaga at pagpaliwanagin. Bakit niya ginawa iyon sa pinsan niya. Ngunit wala na siyang Maricor na nakita o nakausap. Umuwi na ang buong pamilya nito sa Iloilo. Pinuntahan niya ang condo unit ng kapatid ni Baste pero ipinagbili na daw iyo
Sila na munang magkakapatid ang namamahala sa kanilang poultry and hog farm pati na din sa kanilang mga processed foods habang nasa bakasyon ang mga magulang at para di na maburyong ay pinayagan siya ng mga kapatid na siya ang sumagot sa mga tawag at order sa kanilang negosyo. Naging work from home ang kinalabasan ng trabaho ng dalaga.Ang dalaga ang sumasagot sa mga tawag at order hanggang sa paglilista na ipinapadala niya sa kanilang maliit na planta kung saan nandoon ang kanilang pagawaan ng mga processed meat products. Ang mga pinsan at kapatid ay may kanya-kanyang toka sa planta at sa farm. Marami ang nagulat na bigla nalang siyang nagresign sa Saint Claire. Maging ang nobyo niya. Ang alibi niya ay napagod lang siya. Hindi niya sinabi ang totoong kalagayan. Ayaw niyang kaawaan siya. Kilala kasi ang dalaga bilang isang strong, independent, masayahin at palabirong tao.It was 8:30 in the evening nang dumating ang mga kaibigan ng dalaga. Doon sila matutulog sa bahay
After nga ng pag-uusap ng makakaibigan sa pamamagitan ng videocall ay umakyat ang binata sa suite nito para ulit magpahinga. Pero bago paman siya dalawin ng antok ay pinakatitigan niya ulit ang eye glasses ng dalaga na halos ilang gabi na laman ng panaginip niya tsaka ulit may naalala mga pangyayari noong magkasama pa sila...Nasa La Trinidad Benguet sila at tumutulong sa pag-ani ng mga strawberries na pagmamay-ari ng pamilya Lee. Bukod sa strawberries ay meron din silang mga blueberries. Enjoy na enjoy si Maricor sa pamimitas ng mag-aya sila na umakyat malapit sa taniman ng strawberries. Napakaganda ng tanawin dahil napapalibutan ng mga bundok ang lugar.Doon sa may rice terraces. Titingnan nila ang pag-ani ng native na palay. Nakasunod silang lahat sa care taker ng farm at naging tour guide na rin nila. Siya ang sa pinaka dulo at sa unahan niya si Ycon na kanina pa siya inaasar dahil sa nahuli siya ni Ycon na nakatitig sa binata. Inaasar siyang ay gusto siya dito. Pati na din ang m
“Mare, ito nga ang narinig ko doon sa opisina na pinapasukan ng kapitbahay namin. Ipinalabas nilang naaksidente ang anak ng mag-asawang Lee-De Vera, dahil nga kahihiyan at kontrobersyal sa pamilya nila ang mga nangyari. Itinago nila na sumasali pala ito sa illegal gaming sa Taekwondo at Malaki ang pustahan. Mantakin mo ba naman na lumipad pa papuntang Cebu ang anak nila. Ang mga magulang daw nito ay nasa Singapore nakabase para sa business nila. Tumakas lang ito sa mga guards niya para makipagcompete na natsambahan nga na si Zaavedra ang nakalaban niya. Kasalanan niya naman yon. Buti nga sa kanya dahil alam niyo ba na ang buong pamilya ng Zaavedra ay nalagay din sa kahihiyan ngayon at mas domoble pa ang sakit na pinagdaraanan dahil com…”Hindi na natapos ng babae ang sinasabi dahil bigla nalang sumulpot ang isang bata mula sa comfort room at tinawag siyang “lola.”Kanina pa si Ycon sa isang coffee shop na iyon na malapit sa building
"Ohy dahan-dahan lang Marie."At kaagad iniwan ni Max ang laptop at inalalayan siya.Si clarisson naman ay agad ding bumangon.“Wag ka munang maggagalaw diyan. Bro pakitawag nga ang nurse at Dr. Ni marie please?”Ang utos ng panganay nila kay Clarisson at umalis nga ito.She was diagnosed with Heart Failure. Dilated Cardiomyopathy. Actually, naiyak siya sa nalamang iyon. Nagkausap na ang mga kuya at doctor niya. Nagtataka rin ang mga doctor kung bakit late na nang lumabas ang sakit ng dalaga.“Nagkakaroon ng heart failure ang isang tao kung ang puso ay walang kakayahang mapababa ng sapat na dugo sa buong katawan. Dahil dito nakamamatay ang nasabing kundisyon. Ilan sa mga sanhi ng heart failure ay ang atake sa puso, coronary heart disease, high blood, arrhythmia sa matagal na panahon at pinsala sa heart muscle. In your sister’s case it acute pero posibleng maagapan natin.” Ang sabi ng doctor sa kanila.“Napansin niyo naman siguro ang panghihina niya, kinakapos parati sa paghinga at ka
“Diyan ka.”Ang sabi ng mga pulis sa dalaga na tulog na tulog. Inihiga ito sa sahig na may karton at ikinandado ang pintuan ng karsel. Ang mga kaibigan naman ng dalaga ay nandoon at nakikipag-usap sa mga pulis. Sinasabing self defense lang ang ginawa ng kanilang kaibigan kanina.Walang pakialam ang dalaga sa mga nangyayari sa paligid dahil sa kalasingan. Hindi niya rin alam kung mga alaala ba o panaginip ang nasa isip niya sa mga oras na iyon hanggang sa naglakbay na ulit ang kanyang diwa…It was already 10 PM ng magflash ang pangalan ni Devina sa LED at nagulat ang lahat ng manonood ng siya ang iniluwa para makipagcompete. Walang suot na gear o kung ano man. Iyon ang patakaran. Kung tutuusin, ang larong ito ay para sa mga nangangailangan ng pera. Hindi siya nararapat doon. Ito ay para lang sa mga hayok sa pera at napaka unprofessional. Marami ang nagsasabing ito daw ang maduming laro pagdating sa taekwondo. Pero marami pa rin ang sumusubok hindi dahil sa pera. Ito ay dahil para may ma
“What’s the news?”Ang tanong ng isang matandang Chinese sa kanyang tauhan na kakarating pa lamang. Nandoon ito sa kanyang garden at kasalukuyang umiinom ng tsaa na ang asawa ang naghain.“Don, ang inyon apo po na si Ms. Jean ay nandoon ngayon sa maynila. Ayon sa isang tauhan na nagmamanman ay lumipad ang mga Zaavedra kahapon patungong Tagaytay. Nagprepare daw ng isang party at ang dinig ay may magaganap po na proposal.”Ang balita ng isang tauhan sa Don.Napakuyom nalang ng kamay ang Don. Matagal na niyang iniisip na kailangan na niyang gumawa ng plano. Ang isang apo ay masyado nang nag-ienjoy sa binatang Zaavedra.Noong nakaraan ay nalaman ng Don na ang mga Zaavedra ay pinatuloy umano ng mga apo sa kanilang Mansion sa Baguio. Ang balita pa ay nagkakamabutihan ang apong si Ycon at ang ampon ng mga Zaavedra. May mga larawang ipinadala sa kanya ang tagapagmanman ng Don. Based din sa kanyang pagpapaimbestiga ay nagmula sa Iloilo ang pamilyang ito at may isang maliit na family business. N
Ang pinsan nilang si Sebastian A.K.A Baste, ay nacomatose dahil sa isang aksidente."Ah! It was not an accident!"Ito ang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Maricor. Ang pinakamamahal na pinsan ay kasalukuyang nag-aagaw buhay dahil sa nobya nito. Ang ate ni Ycon, na si Jean.They heard all the story. Jane Lee, the girlfriend of their cousin will be getting married to someone who is very rich and powerful. The owner of Liezhing group of corporation. Ang sikat na shipping company sa buong mundo.And Baste…Baste was abandoned by his girlfriend.That night before the accident was supposed to be the celebration. Their 2nd year anniversary. Pero imbes na celebration ang nangyari ay trahedya ang naganap.Hindi sumipot si Jane sa kanilang meeting place.Sa tagaytay sila naghanda. Sa isang high land resort. Actually, nandoon ang buong family nila. Ang Zaavedra clan. It was not a simple celebration. Dahil that night ay nagready na silang lahat para sa isang surprise marriage proposal na gagaw
Grabeng sigaw ang ginawa ng dalaga habang hinahabol ang binata na ngayon ay kalmado lang at pangiti-ngiti habang humahakbang papasok sa loob ng mansion. Nakasuoot pa ang dalawang mga kamay sa magkabilang bulsa. Pero dahil sa adrenalin rush ay nahabol ng dalaga si Ycon, at bago paman ito makapasok sa sool ay kaagad hinarangan ni Maricor ang pinto with matching dipa ng dalawang kamay."Anong ginawa mo!?"Ang nanggigigil na tanong ng dalaga at nanlalaki pa ang mga mata."Zaavedra, i'm just saving you."Ang tipid na sabi ng binata na tila yata amused na amused ito habang tinititigan ang halo-halong ekspresyon sa mukha ng dalaga. "Saving me? Eh di naman ako mamamatay!"Ang mataray na sabi ng dalaga sa kanya."Really?"Ang nang-iinis pang tanong ng binata at in ilapit ang mukha sa dalaga at tinitigan ang mga labi nito.Agad itong napansin ni Maricor at tinakpang ng dalawang kamay ang bibig."Relaks Zaavedra, di kita ulit hahalikan. Pero pag kailangan mo ulit ng mouth to mouth resuscitatio